Abril 1, 1899 Sa aking talaarawan, Hindi na gaanong mahapdi iyong mga hita ko sa aking paggising. Maayos na iyon kumpara kahapon kaya naman hindi na ako napapaigik tuwing tatayo, uupo, o kaya ay lalakad. Tulad kahapon ay si itay lamang ang dumayo sa Sitio Balogo, sabi sa akin ni Inay, ay doon daw ito nakikisaka dahil higit na mas mataas ang kita kumpara rito sa amin, sa Sitio Caranan. Tulad rin kahapon ay nagpalitan kami ni Inay ng mga gawain. Sa umaga ay siya ang gumawa ng mga gawaing bahay habang ako ay naghahabi ng banig. Habang naghahabi ay hindi parin mawala ang mga nangyari kahapin na hanggang ngayon ay pinag-aalalahan at kinangangamba ko parin. Hindi ko kasi mapalis iyon sa aking isipan dahil, napakabigat niyon sa pakiramdam. Kahit nga ang iwasang isipin iyon ay hindi ko magawa

