PART 4

2572 Words
Pagpasok nila ng pinto ay sinalubong sila ng isang lalaki. Magkasingtangkad ito at si Dylan. “Ang bilis mo ah,” bati kaagad ng lalaki. “Kung mabilis ako, dapat noong isang linggo pa ako narito,” wika ni Dylan. Napalingon siya dito nang mapansin ang pag-iiba ng tono ng pananalita nito. Umiling-iling ang lalaki bago nilingon siya. “Hi, Miss Lexie. Mas cute ka pala sa personal.” Napakurap siya sa sinabi nito. Hindi niya ito kilala at mas nakakapaisip ang sinabi nito. “Ako nga pala si Kit, bestfriend ni Dylan,” pagpapatuloy nito nang hindi siya nagsalita. “Hi,” bati niya. “Take a seat muna habang pina-process namin ang pera,” pag-aalok ni Kit. Iginaya sila ni Dylan patungo sa sofa. Pinauna siyang paupuin ni Dylan bago tumabi ito sa kaniya. Naupo naman si Kit sa pang-isahang upuan sa tapat nila. “Kung sinabi mo kaagad sa’kin, inayos ko sana kaagad,” ani Kit nang makaupo. Nakatingin itokay Dylan. “Pinag-isipan ko pa ring mabuti.” “Well, hindi naman basta ang isang milyon,” pagkikibit-balikat ni Kit sabay sandal sa upuan. Ipinatong nito ang magkabilang siko sa armrest at pinagkuskos ang palad. “It’s a big money.” Tinukod ni Dylan ang dalawang siko sa magkabilang tuhod. “It’s not about the worth of the money. It’s about her worth.” Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Kit sabay sulyap sa kaniya. “I still not get it, Dylan.” Ibinalik nito ang tingin sa kaibigan. “But I know you, hindi ka basta gagawa ng mga desisyon nang hindi mo pinag-iisipan.” “Kaya nga ngayon lang ako nakapunta rito. And hopefully, hindi pa ako late,” makahulugang saad ni Dylan sabay sulyap sa kaniya. Kanina pa kakaiba ang pakiramdam ni Lexie sa dalawang lalaking nag-uusap. Hindi niya alam kung siya ba ang pinag-uusapan ng dalawa o ano. Kanina pa rin ang makahulugang tinginan nila at sulyap sa kaniya. “Sige, mauna na muna ako. Pakihintay na lang at bibilisan na namin ang process,” anunsiyo ni Kit sabay tayo. Tinanguan ito ni Dylan at dahil tumingin sa kaniya ito ay binigyan niya ito ng ngiti. Hindi pa nagtatagal na nakaalis ito ay may dumating na babae at inabutan sila ng maiinom. Hinintay niyang makaalis ang babae bago hinarap si Dylan. “Naguguluhan ako. Ano bang ibig sabihin nito? At anong pinag-uusapan ninyong dalawa?” sunod-sunod niyang tanong. Hindi kaagad tumugon si Dylan. Inabot nito ang kape, sumimsim ng konti, ibinaba uli ang tasa sa mesa bago pa siya hinarap. “Naalala mo ang araw na nagkita tayo?” Umarko ang kilay niya. “Oo naman. Sino namang makakalimot noon? Parang ewan lang,” tugon niya. Sumandal siya at humalukipkip. Kapag naaalala niya iyon, doon lang nagsi-sink in kung gaano siya kaewan. Sukat ba namang pati ang lottery ticket niyang nawala ay dito niya hinanap. Kwenento pa niya ang tungkol sa paninigarilyo ni Ka Lito. “Hindi ko rin makalimutan iyon. To be specific, hindi kita makalimutan.” Napalingon si Lexie dahil sa narinig mula sa lalaki. Tahimik ang tinig nito kumpara sa casual nitong boses. Nang tingnan niya ay seryoso din ang mukha nito kaya alam niyang hindi ito nagbibiro. Can someone tell her what’s happening right now? “A-ano bang sinasabi mo?” Hindi mapigilang mautal na tanong niya. Huminga nang malalim si Dylan bago nagsalita. “That day, may importanteng meeting akong kailangang puntahan.” Naaalala niya ngang sinabi nito iyon. “Ano namang kinalaman ko sa meeting na iyon?” “I don’t want to go there. Isa iyong deal sa malaking company na inaalok naming maging kasosyo. Maliit ang chances na mai-close namin ang deal. Nasubukan na ni daddy, but he failed. Sinubukan na ng mga kapatid ko pero they also failed. For years, they are trying, but they failed. Hanggang sa ako na lang ang maging huling alas nila. Nakakapag-close ako ng maraming deal and contracts, but this one is different. Hindi pa ako nagsisimula ay tumatanggi na sila. So, umayaw na din ako.” “Pero pumunta ka…” mahinang anas niya. Dylan said that he refused already. But he still went there. Or at least he tried. Mahinang tumawa si Dylan. “I’m not feeling well that day. Masakit ang ulo due to hangover. Humihiling ako na sana ay magkaroon ng kahit anong klaseng emergency para hindi ako makapunta. Basta kahit anong possible valid reason para hindi ako matuloy.” Sandali itong tumigil sa pagsasalita at tumitig sa kaniya. “Hanggang magka-problem ang kotse ko at magkaengkwentro tayo that time. Sabi ng mekaniko ninyo ay may nagdikit lang na cable kaya nagkaganoon. But it felt different since makausap kita…” Naging papahina ang tinig nito. Sa kabilang banda ay hindi maintindihan ni Lexie ang mararamdaman. Wala pa siyang nakilalang lalaki na ganito ka-open. Wala siyang balak maniwala kaagad dito, but the way he spoke, the way his eyes stared at her, it felt different. It gave her an unfamiliar yet beautiful shivers. And no man made her felt the way Dylan did. “Pinahanga mo ako sa paninindigan mo. You kept saying na malaki ang posibilidad na manalo ka. I told you how imposible it was, pero sige ka pa rin. One out of five million, naniniwala kang ikaw ang isang iyon.” Nagpakawala ito ng mahinang tawa na para bang hindi mapaniwalaan ang logic na iyon. “But then, that thinking made me realize that why don’t I try kahit na napakaliit na ng tsansa. So… I tried makipag-meet up kahit na alam kong pwede din akong magaya kina daddy at sa mga kapatid ko.” “A-anong nangyari?” curious niyang tanong sa kabila nang paninikip ng dibdib. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya. Naghahalo ang emosyon sa puso niya. Natutuwa siyang marinig iyon sa binata kasabay ng pag-asa na sana ay hindi ito nagaya sa ama at kapatid nito, na sana ay na-close nito ang deal. Hinarap siya nito at sa labis na pagkabigla niya ay hinawakan nito ang kamay niya. Mulagat na naglipat ang mga mata niya mula sa kamay nitong nakahawak sa kaniya at sa mukha nitong may nakapaskil na matamis na ngiti. “H-Hoyy, ano iyan?” Nauutal na usal niya. Akmang babawiin ang kamay niya pero humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya. “Look, Lixie. Malaki ang naitulong mo sa akin. Pumunta ako ng meeting and guess what kung anong naging result.” Hindi niya alam ang itutugon. Ayaw niyang basta manghula dahil alam niyang malaking bagay iyon para sa binata pero dahil sa nakikita niyang kakaibang kislap at saya sa mga mata nito ay batid niyang positibo ang sagot. “Na-close mo ang deal,” malakas at buong tiwala niyang ani. Nakumpirma niyang tama siya nang lumawak ang ngiti nito. “Yeah, Lex. Na-close ko siya. Pinanindigan ko kung bakit hindi sila lugi kung makikipagnegosasyon sila sa amin. Pero higit sa lahat, kahit umayaw na sila, pumunta pa rin ako para ipakitang hindi kami marunong sumuko.” “Wow! Congratulations!” malakas niyang bati. Kahit hindi siya ang nakapag-close ng deal ay masaya siya para sa lalaki. Kung kanina ay ito ang nakahawak sa kamay niya, siya na ang mahigpit na nakahawak sa kamay nito. “Sigurado akong masaya ang papa at mga kapatid mo,” hinga pa niya. “Sobra…” Tila hindi pa rin makapaniwalang saad ni Dylan. Kapag naaalala niya ang ngiti sa labi ng mga magulang ay gusto niyang maglulundag. “Masaya din ako para sa’yo,” may matamis na ngiting wika niya. “All thanks to you, Lex.” Umiling-iling siya. “Hindi ako ‘yun. Ikaw ‘yun, Dylan. At kung kaya mo ako bibigyan ng isang milyon ay dahil noon, sinasabi ko sa’yo na hindi na kailangan.” Naglaho ang ngiti ni Dylan. Hindi niya pinansin iyon at nagpatuloy. “Ipokrita ako kung sasabihin kong ayaw ko ng ganoong pera. Lahat naman halos kailangan ng pera lalo na at ganoon kalaking halaga per—“ “Kulang pa kung tutuusin ang isang milyon, Lex,” putol nito sa mga sasabihin niya. Naramdaman din niya ang kakaibang pagpisil nito sa kamay niya. “Dylan…” “Malaki ang kikitain ng company dahil sa deal na iyon pero bukod doon, hindi matatawaran ang saya nina mommy, daddy, at ng mga kapatid ko. Payapang makakapag-retire si daddy,” paliwanag ni Dylan sa dalaga. Hindi niya lang masabi kay Lexie na hindi lang iyon sa paglago ng kompanya. It’s about the ties that had been cut a long time ago. Dahil sa deal na iyon, muling magkakaayos ang daddy at ang tito niya. “It seemed impossible at first, but you showed me that it wasn’t.” “Pwede mo namang ilibre na lang ako ng kwek-kwek o kahit anong tusok-tusok diyan sa tabi-tabi,” nahihiyang biro nito. Hindi maiikailang nagsisimula na itong mailing dahil sa takbo ng usapan nila. “You deserve better,” bulong niya. “Hindi biro ang isang milyon, Dylan.” “Alam ko. Pinaghihirapan iyon. Isipin mo na lang na nagbunga na ang katataya mo sa lotto.” Napangiwi ito sa sinabi niya dahilan para mas mapangiti siya. “I’m not saying na aprubado ko na ang pagtaya sa lotto. Sugal pa rin iyon. Siguro pinakamaganda ay kapag nakuha mo na ang isang milyon mo, tumigil ka na sa katataya.” “Paladesisyon,” ungol nito sabay irap sa kaniya. Hindi niya mapigilang mapahalakhak. Lexie was really cute. “I’ll help you out, Lex,” pangako ni Dylan habang mariing pisil ang maliit na kamay ng dalaga. And even those hands, they seemed to fit perfectly at his hands. Wala nang nagawa si Lexie nang ilipat sa kaniya ni Dylan ang isang milyon. Kinailangan nga lang nilang mag-open ng isa pang account dahil masiyadong malaki ang pera. Ilang araw ding hindi makapaniwala si Lexie. Napapatulala na lang siya o kaya ay mapapatingin sa passbook niya. Hindi rin niya magawang sabihin sa mga magulang. Isa pa, baka may makaalam na iba. Ayos lang ang mga palibre at pakain pero baka mamaya ay malagay sila sa alanganin. Iyon din ang mahigpit na bilin sa kaniya ni Dylan. Maging maingat. Nagpalitan na din sila ng number. Minsan nagkaka-chat sila pero mas madalas na nagte-text ito o tumatawag para mangumusta. Sa mga panahong iyon, ilang beses niyang sinubukang ibalik dito ang pera pero bigo siya. “Sa’yo na iyan kaya pwede mo ng gawin ang lahat ng maibigan mo.” Ito ang madalas paalala sa kaniya ni Dylan. Ngunit totoo pala na kapag matagal mong pinangarap, hindi ka basta makapaniwala na hawak mo na. Hindi niya alam kung anong gagawin at kung paano magsisimula. “Tulungan mo ako. Ikaw ang naglagay sa akin dito,” ungot ni Lexie kay Dylan nang minsang magkita sila. Nasunod ang gusto niyang magtusok-tusok. Bumili sila ng kwek-kwek, kikiam, fishball, at kung ano-ano pa. Dinala nila sa tabing-dagat at doon kumain habang nag-aabang ng papalubog ng araw. “Sabi ko naman sa’yo, iga-guide kita,” sabi ni Dylan sabay pingki sa balikat niya. Napanguso siya. “Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula.” “Hmmm… Siguro doon sa ano bang matagal mo ng pangarap,” tugon ni Dylan sabay subo ng kikiam. “Pangarap kong makarating ng buwan, pwede ba iyon?” Dylan chuckled. “Mukhang kukulangin ang isang milyon mo.” “Eh ano nga?” Binitiwan ni Dylan ang hawak na pagkain. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang bibig. “Busog na ako pero gusto ko pa. Nakakaadik pala itong kainin.” “Hindi ko tinatanong kung busog ka na!” matalim ang tinging aniya. Ngumisi si Dylan at pinisil ang ilong niya. “Wag ka ngang laging tumingin ng ganiyan, nababawasan iyang pagiging cute mo.” Pinandilatan niya ito. “Cute pa rin ako kahit nakaganito ako.” Ikiniling nito ang ulo para matitigan siya. “I know. At gusto kang makilala nina mommy at daddy.” Natigilan siya sa akmang pagsubo dahil sa sinabi nito. “Ano?” “Gustong makilala nina mommy at daddy kung sino ang babaing nagpalakas ng loob ko at nagpapangiti sa akin ngayon.” Napaawang ang labi niya pero dahil wala siyang makapang salita ay itinikom niya muli iyon. Hindi pa niya lubos kilala si Dylan. Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga sari-sarili. Nagkaka-chat ng kung ano-ano. Nakuha nito ang loob niya pero ayaw niyang umasa na may higit pa sa pinapakita nito. “I know it’s too early to say this, Lexie, But I like you. I like you since you start being frustrated because of your missing lottery ticket. I like your guts. I like how you stand in your beliefs. But more than that, I just like you.” “Dylan…” “Ayokong sabihin sa’yo ito. Ayoko ring isipin mong sinasamantala kita dahil ng binigay na pera sa’yo. Lexie, gusto ko lang sabihin na gusto kita. Hindi mo kailangang sagutin, magsalita o mag-react. Hindi mo kailangang ibalik ang nararamdaman ko. Just let me say what I feel. Maliit ang chances, but I’m ready to gamble and take the risks.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa mga sinabi nito. Kahit gaano pala kadaldal ang isang tao, nauubusan din ng salita kapag ganito. “Simulan natin bukas ang mga plano mo, Lexie. ‘Yung gusto mong ipaayos sa bahay ninyo, simulan mo na. ‘Yung gusto mong bilihing gamit para sa talyer ninyo at para sa papa at mama mo, bilihin mo na. ‘Yung mga gusto mong gamit, damit… lahat… simulan na nating bilihin.” “Dylan…” “Simulan natin sa maliit, Lexie,” masuyong wika ni Dylan habang pinapalis nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. KINABUKASAN din ay maagang gumising si Lexie. Ngayon ay alam niya na kung saan siya magsisimula. Sinimulan niya ang araw sa pagpapakilala kay Dylan sa mga magulang. Kaibigan ang pakilala niya dito pero ang tingin ng mga magulang niya ay higit pa. Alam niyang umaandar ang imahinasyon ng mga ito. Sa edad na bente-sais, matagal na siyang inuulukang mag-asawa ng mga magulang. Problema lang ay takot sa kaniya ang mga lalaki sa kanilang barangay kaya walang magtangkang manligaw. Sumunod na pumunta sila sa talyer. Buong akala niya ay maha-harass ito ng dalawang nakakatandang kapatid na lalaki pero laking gulat niya nang magbatian kaagad ang mga ito pagdating nila. “Madaldal itong si Lexie, pero akalain mong nailihim na magkaibigan kayo,” bungad ng kaniyang Kuya Loi. Panganay niyang kapatid ito. Pamilyado na ito at doon nakatira sa bahay malapit sa talyer. “Ilang beses ka nang nakapagpagawa dito pero wala man lang sinasabi itong dalaga namin,” komento naman ng kaniyang Kuya Lance. Pinanlakihan niya ng mata ang mga ito. Ni wala nga siyang alam na nagpapagawa doon si Dylan bukod doon sa unang beses na pagpunta nila. Hindi na siya pinansin ng mga kapatid at naging abala na ang mga ito sa pagkukwentuhan ng tungkol sa mga sasakyan. Natapos lang ata sila sa pagkukwentuhan ng may magdatingan ng customer na magpapaayos ng sasakyan. “Saan muna tayo?” tanong ni Dylan sa kaniya ng sila na lang dalawa. “Sa kainan. Ito ang unang beses na babawas ako sa perang binigay mo kaya ikain natin ang unang gastos.” Tumawa si Dylan. “It’s yours to decide.” “Then we’ll gonna eat first!” excited na anunsyo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD