MAQI’S P.O.V.
WALANG GANA AKONG nakaupo habang nasa tabi ni Richmond, pero interesado naman akong nakikinig dahil tungkol naman ito sa mga bata na matutulungan ng pagpapatayo ng eskwelahan. Pilit kong inaalis ang kamay ni Richmond sa balikat ko dahil ewan ko, basta nandidiri ako sa kanya.
“Bakit ba ayaw mong magpahawak? Dati naman, naaakbayan kita,” inis niyang bulong.
“Iba noon, iba ngayon. Iba’t ibang babae na ang hinawakan mo ngayon. Ayokong mahawa ng bacteria mo,” mariin kong bulong at inalis ang kamay niya. Hindi naman na niya pinilit at napabuntonghininga na lang ito habang pinipigil ang inis. Anong akala niya, siya lang ang inis? Mas inis na inis ako sa kanya dahil bakit ayaw pa niyang sabihin sa Dad niya na mag-break na kami para hindi na umasa ang mga ’to na magkakatuluyan kami. Kahit kailan naman wala akong naging balak na makatuluyan ang kagaya niya.
Tumayo ako nang matapos ang speech ng Dad niya habang kasama si Papa. Pumalapakpak ako kasabay ng ibang tao na narito ngayon. Pagkatapos ay naupo na muli ako. Kasabay ng pag-upo ko ay ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa sling bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na meron nag-text.
09100000000
Where are you?
Napakunot-noo ako dahil hindi ko kilala kung sino ito. Pero dahil wala namang masama na tanungin ito kaya nag-reply ako at tinanong ko kung sino siya.
Akin ka.
Dahil sa klase ng text niya ay napailing ako dahil alam ko na kung sino siya.
Paano mo nalaman number ko?
Of course I have my source. You didn't answer my question. Where are you? I'm here right now in your apartment.
Naku! Wala ako ngayon diyan. Kaya umalis ka nalang dahil baka gabihin pa ako.
Maya-maya pa ay ito na muli ang text niya. Hindi ko alam kung bakit excited akong basahin.
Stay away from him. Or else your life is jn danger.
Ha? Anong pakulo naman nito? Pinagbantaan pa ako.
Wag ka ngang manakot
Hey, sinong kausap mo? Bakit hindi ka kaagad nagre-reply?
Nagtaka naman ako.
Ha? Ang gulo mo. Nag-text ka nga na pinagbabantaan ako. Nag-reply ako sa 'yo agad.
Damn!
Iyon lang ang text niya at hinintay ko pa kung meron pa bang kasunod, kaso wala na. Napabuntonghininga na lang ako dahil tila pinagloloko lang niya ako.
“Sinong ka-text mo?” pukaw sa akin ni Richmond.
“It’s none of your business,” sabi ko at sinilid na muli sa sling bag ang cellphone ko.
“Meron ka sigurong lalaki, ano? Ano, nakahanap ka kaagad, porket nambababae ako?” bintang niya na kinainit ng ulo ko.
“’Wag mong ipasa sa akin ang pagiging babaero mo. Tsaka, bakit ka ba nagagalit kung makahanap ako ng iba? Ayaw mo ba no’n pareho na tayo?” sabi ko na pigil na pigil ang galit ko na sigawan siya.
“’Wag mo akong sagutin ng ganyan, Maqi. Ayaw mo naman siguro na mas lumala ang pakikitungo ng Papa mo sa ’yo? Kaya kung meron kang tinatago na lalaki, ’wag mong ipapakita sa akin dahil sisiguraduhin ko na malalagot siya sa akin,” mariin niyang banta.
Hindi ko na siya sinagot at tatayo n asana, pero agad niya akong pinigil.
“Saan ka pupunta?” tanong niya kaya hinawi ko ang kamay niya.
“Sa mga volunteer. Mabuti nang tumulong doon kaysa makipag-usap sa ’yo at makatabi ka,” sabi ko kaya hindi na siya nakaimik. Dumiretso ako sa mga naghahanda ng meryenda para sa mga taong narito ngayon.
“Hi. Pwede po ba akong tumulong?” nakangiti kong tanong sa mga volunteer.
“Naku, Ma’am, ayos lang naman po. Pero baka mapagod kayo?” nahihiyang sabi ng isang ginang.
“Wala po iyon. Gusto ko ho talagang tumulong. Ako na po ang magsasandok para makapagpahinga na po kayo,” nakangiti kong sabi at ibinaba ang bag sa isang monoblock chair. Lumapit ako sa harap ng kalderong malaki na pinaglalagyan ng sopas.
“Maraming salamat, Ma’am. Heto po ’yong baso na styro cup para sa mamamayan dito. Tapos po ito ’yong sa mga sponsor at sa kasama n’yo,” sabi nito at inabot ang mangkok.
“Sige. Maupo na lang po muna kayo,” nakangiting sabi ko rito. Kumuha ako ng baso at nagsalok ng sopas.
Dahan-dahan lang dahil medyo mainit-init pa at baka mapaso ako.
Nakakadalawang baso na ako nang may mga bata na lumapit sa akin. Napangiti naman ako.
“Gusto n’yo na bang kumain?” tanong ko.
“Opo. Pwede na po bang humingi? Nagugutom na po kasi ako. Kaninang umaga pa po ako hindi kumakain,” sabi ng batang babae na madungis gaya ng mga kasama nito. Bigla naman ay nakaramdam ako ng pagkahabag sa mga ito.
“Okay, bibigyan ko kayo. Maupo na kayo ro’n sa table na bakante. Ako na ang magdadala sa inyo nito,” nakangiti kong sabi. Nagtatalon naman ang mga ito sa tuwa kaya lalo akong napangiti.
Sinundan ko ang mga ito ng tingin hanggang sa makaupo na ang mga ito.
Napabuntonghininga na lang habang iniisip ang sitwasyon ng mga batang iyon. Ako na merong nakakain araw-araw pero malayo sa pamilya, pero ang mga batang ito na kasama ang mga magulang ay salat naman sa pera at pagkain. Siguro gano’n talaga. Hindi lahat ng bagay ay makukuha ko at ng mga batang ito.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsandok upang makakain na ang mga ito. Nang masandukan ko na lahat ng styro cup ay tinakpan ko muna ang kaldero at binuhat ko na ang tray.
Nakangiti akong lumapit sa mga bata na mga tuwang-tuwa nang makita na palapit na ako.
“Naku, Ma’am! Tulungan ko na po kayo, baka mapaso kayo,” sabi ng ginang na tila namumuno sa mga volunteer.
“Ayos lang naman po, pero salamat din po, Aling?”
“Nida. Aling Nida,” nakangiti nitong tugon kaya napatango ako. Siya ang nagbitbit ng tray kaya ako naman ang naglapag ng mga cup sa lamesa ng mga bata.
“Oh, mga bata, heto na ang sopas n’yo,” sabi ko sa mga ito habang nilalapag sa harap nila ang baso. Mabuti na rin na styro cup ang lalagyan para hindi sila mapaso. Nang mabigyan ko na sila ay naupo ako sa tabi nung isang batang babae. “Kain lang nang kain. ’Pag gusto n’yo pa, magsabi lang kayo sa akin,” bilin ko pa sa mga ito.
“Opo, Ate Ganda,” sagot ng mga ito kaya napangiti ako. Hinaplos ko ang buhok ng isang batang babae.
“Ganito ba lagi ang sitwasyon n’yo? Hindi ba kayo parating nakakakain?” tanong ko.
“Opo. ’Pag may kalakal lang po si Nanay sa basura tsaka lang po kami nakakakain. Swerte na po ’pag nakapulot ng chicken si Nanay. Doon lang po kasi kami nakakain ng gano’n,” sabi ng batang babae kaya hindi ko mapigilan na lumamlam ang mata ko. Napahinga ako nang malalim at pumikit-pikit ang mga mata ko upang ibsan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
“Hayaan n’yo. Dadalaw ako rito at pangako na magdadala ako ng maraming chickenjoy rito. Gusto n’yo ba no’n?” sabi ko sa mga ito na nagkatinginan at nabigla ako nang mag-alisan sila sa upuan nila at yumakap sa akin na kinahalakhak ko.
“Maraming salamat po, Ate Ganda. Yehey! Makakakain na ulit tayo ng chicken!” tuwang-tuwang sabi ng batang babae kaya napangiti ako lalo.
“Oh, tapusin n’yo muna ang pagkain n’yo, dahil masamang magsayang ng pagkain. Dapat ay ’wag kayong magsasayang ng pagkain, ha?” payo ko sa mga ito.
“Opo, Ate Ganda!” sagot ng mga ito. Natuwa ako dahil mababait ang mga ito.
NARRATOR’S P.O.V.
NAPAPANGITI NAMAN ANG mga volunteer at ilang bisita na napapatingin kay Maqi at sa mga bata. Natutuwa sila sa dalaga na walang arte nang hawakan nito ang mga batang halos wala man lang ligo at puno ng grasa ang katawan. Ngayon pa lang mayroong nagpasaya sa mga batang mangangalakal sa bayan na ito sa Bulacan.
“Mond, tingnan mo ang girlfriend mo. ’Di ba tama ako na siya ang dapat mong mapangasawa? Maipagmamalaki mo siya dahil nakatapos sa pag-aaral at may mabuting kalooban. Baka ’pag pinakawalan mo pa ay magsisi ka. At malalagot ka rin sa akin,” sabi ng Dad ni Richmond.
“Don’t worry, Dad. Hindi naman ako makikipag-break sa kanya. Dahil alam ko na good catch din itong si Maqi,” sabi ni Richmond habang nakatingin kay Maqi na nakikipagtawanan sa mga bata.
GAB’S P.O.V.
IBINABA KO ANG salamin ng bintana sa gilid ko upang makita ang nagaganap na school build program ni Mr. Ivañes at ang kasosyo nitong si Mr. Lopez.
“Ano, Mr. Esteban. Bababa na ba tayo?” tanong ni Kier na kanina pa nababagot sa driver seat habang katabi si Bien na may pinanood sa cell phone na hawak nito.
“No. We stay here,” tugon ko habang tinitingnan si Maqi. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpunta rito. Parang may sariling isip ang mga paa ko at agad na tinungo kung nasaan si Maqi. Napapikit ako at muling dumilat. At sa aking pagdilat ay nagsalubong ang tingin namin ni Maqi kaya agad akong napasandal sa upuan at itinaas ang bintana na tinted.
“Oh, Mr. Esteban, parang nanuno ka? Himala at ngayon ko lang nakita ang expression mo na ’yan?” ngising-ngising tanong ni Kier nang mapansin sa rear mirror ang reaksyon ko, kaya ibinalik ko sa poker face ang reaksyon ko at matalim ang mga mata na tiningnan ko ito.
“Shut up, Asshole.”
“Okay, okay,” sabi nito at sinenyas pa na isasara na niya ang bibig niya. Humalukipkip na lang ako at muling tumingin kay Maqi pero sarado na ang bintana.
Habang tinitingnan ko si Maqi ay napatingin ako sa boyfriend nito na biglang lumapit dito. Napakuyom ako ng kamao dahil sa paghawak nito sa balikat ni Maqi. Pero bigla akong napangisi nang merong naisip.
Tumingin ako kay Bien na prenteng-prenteng nakaupo habang nanonood ng mga sexy na babaeng sumasayaw.
“Hernandez,” tawag ko.
“Yes, Mr. Esteban,” tugon nito pero ang pokus niya ay nandoon pa rin sa pinanonood niya.
“G2 command,” utos ko na kinaayos nito ng upo habang si Kier ay humalakhak habang nakaturo kay Bien na tila namutla.
“Puro ka kasi nood. Ngayon matitikman mo ang ginawa ko noon. Ngayon ikaw naman ang pagtatawanan ko,” sabi ni Kier na tawa nang tawa.
“Perez, M1, my command,” sabi ko muli na ikinatigil ni Kier.
“Mr. Esteban naman. Bakit kasama pati ako?” angal ni Kier.
“Move. You have five minutes to change,” utos ko at hindi pinansin ang pag-angal nito.
Pumikit ako habang nakahalukipkip. Naririnig ko ang pagmamadali ng dalawa sa pagpalit ng damit. Maya-maya pa ay dumilat na ako at tumingin sa dalawa na nagkakabit na ng wig.
“Time is stop. Now, show me what’s the real game,” sabi ko sa mga ito.
“s**t! Kung hindi lang dahil sa ’yo, hindi namin gagawin ito. Dagdagan mo ang bigay dahil halos mamatay na kami sa kahihiyan nito,” sabi ni Bien na nagpapahid ng lipstick sa labi.
Naka-dress na black habang may suot na stocking at heels at suot din ang blonde na wig.
Hindi ako sumagot at tumingin naman kay Kier na suot ang pangmatandang dress na ang haba ng manggas ay hanggang sa kamay habang ang palda ay mahaba rin upang hindi makita ang balat nito na hindi kulubot. Puti naman ang suot nito na wig. May salamin at nagpahid ito ng makeup—nilalagyan ng kulubot ang mukha niya. Hindi ko alam kung natuto lang ba ang mga itong gumamit o talagang sanay na sanay lang? Mabuti at no’ng isang araw ay nakita ko ang mga ito na nagpapahiran ng lipstick sa labi kaya nagamit ko rin ito sa kanila ngayon.
Tumingin muli ako sa labas at napangisi ako habang nakatingin sa boyfriend ni Maqi at kay Maqi. Sisiguraduhin ko na mapapahiya ang boyfriend nito sa lahat.
MAQI’S P.O.V.
“MAQI, TAWAG KA ni Dad.” pukaw sa akin ni Richmond. Kaya naman nag-excuse muna ako sa mga bata. Binilin ko kay Aling Nida ang mga ito.
Hahawakan sana ako ni Richmond nang lumayo ako sa kanya. Napamaang siya pero hindi ko na pinansin pa. Ano bang problema nito at kapit nang kapit?
Nakakabwisit na.
Napahinga muli ako nang malalim at lumapit sa Dad nito.
“Tito, pinapatawag n’yo raw po ako?” sabi ko na ikinalingon nito. Ngumiti ito at humawak sa balikat ko.
“Gusto ka raw makilala nitong si Mrs. Walter,” nakangiting sabi nito habang nakatingin kay ‘Mrs.Walter’ daw.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Maamo ang mukha, maputi, at mukhang mahinhin. Kagalang-galang ang awra at mukhang mataas ang antas sa lipunan.
“Good afternoon po,” bati ko. Nakangiti naman siyang lumapit sa akin at nabigla pa ako nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi.
“Alam mo ba na kamukha mo ang Maria ko,” sabi nito habang haplos-haplos ang mukha ko. Naiilang naman ako dahil napapatingin na sa amin ang iba.
“Gano’n po ba. Sino po ba iyon?” tanong ko.
“Ang aking anak—”
“Hayop kang lalaki ka!”
Napatigil sa sasabihin niya si Mrs. Walter nang may isang boses na pumalahaw. Napatingin kami roon at nakita ko ang isang matandang babae at isang kakaibang babae. Actually, pareho silang weird.
Nang makalapit ang mga ito sa amin ay si Richmond ang pinuntirya ng mga ito.
“Ikaw hijo, matapos mong gamitin sa kama ang anak ko ay hindi mo lang pananagutan? Anong klase kang lalaki!” galit na sabi ng matanda na kinasinghap ng mga tao. Napatingin ako sa Dad ni Richmond at Papa ko. Nakita ko na nabahala na sila, lalo pa’t narito ang ilang mga sponsor sa pagpapagawa ng school. Mga disappointed ang mababakas sa mukha ng mga bisita at nang mapatingin ako kay Mrs. Walter ay napailing din siya.
“Anong kagaguhan ang ginawa mo, Richmond? Pinapahiya mo ako sa mga bisita,” dinig kong bulong ni Tito.
“Pero Dad, wala akong maalala na nakipagsiping ako sa mukhang baklang iyan,” banas na sabi ni Richmond.
Napailing ako dahil sa dami siguro ng nakasiping niya ay wala na siyang maalala sa ilan sa mga iyon.
“Mr. Lopez, anong ibig sabihin nito? I’m so disappointed to your son,” sabi ni Mrs. Walter.
“I’m sorry, Mrs. Walter. Isang maling pagbibintang lang ito. Siguro ang ginang na ito ay nagkakamali lamang. Hindi gano’ng klase ang anak ko gaya ng binibintang nila,” depensa ni Tito sa anak niya na babaero naman talaga.
“Hey, tanda! Your son is a bad ass. Matapos niyang gamitin ang katawan ko nang paulit-ulit ay bigla na lang niya akong iiwan na walang pasabi kung pananagutan ba niya ako,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na kinangiwi ko. Ewan ko ba, parang merong something na kakaiba sa kanilang dalawa. Pero babae naman ang itsura pero malaki lang ang katawan. Sabagay, uso na sa ibang babae ang magpalaki ng katawan para sumali sa mga contest like body build. May boobs din ito at nakastocking pa. Sa totoo nga n’yan, ang ganda niya.
“Hindi pwede sa akin na hindi niya panagutan ang apo ko. Sa probinsya namin ay mahawakan lang, kasal na agad. Kaya hindi ako papayag na hindi panagutan ng anak mo ang apo ko, kundi magkakamatayan tayo,” sabi ng matanda na kakaiba ang boses. Aist!
Nagpapanggap lang ba sila? Pero kung oo ay effective, dahil paniwalang-paniwala kami. Lalo na si Tito at Richmond.
“Walang nangyari sa atin. Kaya alisin n’yo ang dalawang ito,” banas na sabi ni Richmond. Nang aktong itataboy na ang dalawa ay sumingit na ako. This is my chance.
“Alam mo, Richmond, nahuli na rin kitang may iba kang babae pero palagi mong itinatanggi. Tapos ngayon ay narito na ang patunay sa lahat ng ginagawa mo ay ayaw mo pang umamin. Sawang-sawa na ako. Ang mabuti pa ay mag-break na tayo,” sabi ko na kinalaki ng mata ni Richmond. Pinunasan ko ang kunwaring luha ko upang maging effective.
“Pero hija, magbabago pa ang anak ko. Alam ko na hindi niya sinasadya iyon,” sabi ni Tito.
Tumingin ako kay Papa na walang anumang reaksyon.
“Tingnan n’yo, Pa. Ang pinipilit ninyong lalake sa akin ay babaero. Ito ba talaga ang gusto n’yo? Ang saktan din ako ng ibang tao katulad ng ginagawa n’yo?” hinanakit ko.
Totoo na ang luha ko. Dahil kapag sila Papa ang topic ay madali akong mapaiyak lalo na kapag naaalala ko ang pagturing nila sa akin na parang hindi anak.
“Tumigil ka, Maqi. ’Wag ka nang makisali sa usapang ito. Walang hiwalayang mangyayari,” sabi niya kaya napailing ako. Tumalikod ako at kinuha ko ang sling bag ko. Napatingin ako kay Mrs. Walter na nahahabag na nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti rito at tinalikuran na sila. “Maqi, bumalik ka rito!” galit na sabi ni Papa. Pero sa ngayon ay sasawayin ko muna siya.
Napahiya ako nang sigawan niya ako sa maraming tao.
Nang makalayo ako ay napadaan ako sa isang kotse na tila mamahalin. Kulay itim pero hindi naman kita ang tao sa loob. Hindi ko na pinansin at nilagpasan ko na ito. Pero nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humila sa akin.
Nagpupumiglas ako at sisigaw sana nang takpan niya ang bibig ko. Natakot ako dahil baka kikidnapin ako nito.
Nang maisakay niya ako ay isinara niya ang pinto at ni-lock agad.
“Tsk,” asik nito. Inalis ko agad ang kamay niya at nilingon ito dahil parang pamilyar sa akin ang asik na iyon.
Nanlaki pa ang mata ko nang makita ko siya.
“Esteban!” gulat kong sabi, dahil hindi ako makapaniwala na narito siya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
Hindi siya sumagot at napatingin ako sa harap ng sasakyan nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang dalawa. ’Yong babae kanina at ’yong matanda. Nanlaki ang mga mata ko habang nakaturo sa kanila. “Kayo? Magkakakilala kayo?” nabibigla kong tanong.
“Yes, Maqi,” sabi no’ng babae na nagboses lalaki na. Inalis niya ang wig kaya natameme ako. Sabi na, e, tama ang hula ko na may something weird sa kanila.
Napatingin ako kay Esteban na poker face lang habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Ikaw ang may kagagawan ng lahat?” tanong ko sa kanya.
Napalingon siya kaya lihim akong kinabahan dahil masyadong nakaka-intimidate ang tingin niya.
“Yes. Like what I said, I’m giving you a
chance to break up with him,” wika niya.
“Bakit mo ba ginagawa ito?” mahina kong tanong habang mataman kaming nakatitig sa isa’t isa.
“Because, I want you. You are mine in the first place. Remember, when I owned you that night? Buong puso mong ibinigay ang sarili mo sa akin,” sabi niya at hinaplos ang mukha ko.
“Wala naman na sa akin iyon. Dahil—”
“Shut up! Whether you like or not, you are mine now,” banas niyang sabi at matalim akong tiningnan. Hindi ko siya maintindihan. Paiba-iba siya ng mood. Kagabi ay parang ibang tao ang kasama ko, tapos ngayon ay iba na naman. “Let’s go, Kier,” sabi niya sa nagpanggap na lola na nasa driver seat.
“Wait! Saan mo ako dadalhin?” Nabalisa ako dahil paalis na kami.
Hindi ito sumagot kundi hinagis lang ang isang kumot sa lap ko na kinataka ko.
“Takpan mo,” banas niyang sabi na hindi ko maintindihan kung alin ang tatakpan ko. “Huh?”
Lumingon siya na nanlilisik ang mata at inagaw sa akin ang kumot at siya na ang naglagay sa lap ko upang takpan ang expose kong legs. Ngayon ko lang naunawaan kaya namula ako sa hiya.
“Tsk. Sa susunod ’wag na ’wag kang magsusuot ng ganyan,” banas niyang sabi at tumingin muli sa bintana. Bakit ba hindi siya makatingin sa akin? May problema ba sa mukha ko?
Napatingin ako sa dalawa at nakita ko na mga nagngingisihan habang nagkakatinginan ang mga ito. Tumingin sa gawi namin si Kier gaya ng tawag ni Esteban.
“Mr. Esteban, ’wag mong daanin sa marahas. Ang dapat ay dahan-dahan lang para bumigay agad sa ’yo,” nakangising sabi nito at kumikindat-kindat pa sa akin.
Napatingin ako kay Esteban at bigla akong napasiksik sa dulo ng upuan nang maglabas siya ng baril at itinutok kay Kier.
“Baka gusto mong marahas ko ring ipaputok ’to sa ’yo,” malamig niyang sabi habang ako ay takot na takot dahil sa baril na hawak niya.
“Relax, Mr. Esteban. Natatakot sayo si Maqi,” sabi no’ng isa kaya napalingon si Esteban sa akin at agad na binawi ang baril at isinuksok sa pantalon niya.
“Aray!” daing ko nang bigla niyang katukin ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at inis na tumingin sa kanya.
“Tsk,” asik niya muli at umiwas ng tingin.
“Don’t worry, Maqi. Laruang pang bata lang ’yan,” sabi no’ng isa na hindi ko pa alam ang pangalan. Napahinga ako nang malalim dahil akala ko ay totoong baril na.