“Tititigan mo na lang ba, Ashley? Bakit hindi mo hawakan?” napakurap ako at mabilis na inilihis ang tingin ko sa kanya.
“Po? Hindi naman po ako nakatitig,” dahilan ko, ramdam ang pag-iinit ng pisngi ko. “Pasensiya na po!”
Nahagip ng mata ko na isinampay niya ang basang damit sa balikat niya. “Take responsibility then.”
Mabilis kong ibinalik ang tingin dito. “Ah, eh, ano pong gagawin ko? Hindi ko naman po sinasadya saka ba’t po kayo dumaan dyan?" ang dilim ng pinanggalingan niya na parang may pinagtataguan.
Doon ko kasi pinipiling magtapon ng tubig dahil doon iyong may malaking drainage. Hindi naman puwedeng kung saan-saan kundi baka ma-i-report sa barangay. Mainit pa naman ang ulo sa akin ng punong barangay dahil sa hindi ko pagtanggap sa pera.
Napansin ko ang paglalim ng tingin sa akin ni Knoxx. “Are you saying na ako pa ang may kasalanan? Look what you’ve done to me, tinapunan mo lang naman ako ng tubig. Paano kung magkasakit ako? And hèll, I smell awful, alam mo ba ‘yon?” napanganga ako sa naging reklamo niya. He looked like gusto na niya akong kainin sa inis.
Taranta akong lumapit sa kanya at wala sa sariling pinampunas ang palad ko sa katawan niya. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa ko pero wala na akong pakialam, huwag lang siya magkasakit.
Naramdaman ko na lang na nanigas ang katawan niya habang ipinagpapatuloy ko ang ginagawa. “Sorry po talaga, kagawad. Hindi ko po nakita. Kasalanan ko po.” Paghingi ko ng paumanhin sa nanlalamig at nanginginig na mga kamay.
Kapag nagkasakit siya, malamang ako ang mag-aalaga. Hangga’t maaari gusto ko siyang iwasan. Natataranta ang buong pagkatao ko kapag malapit siya sa akin kaso mukhang malabong mangyari ‘yon lalo’t doon kami nakikikain sa kanila.
“W-What are you doing?” malalim ang boses niyang tanong. Napatingala ako sa kanya nang hawakan niya bigla ang pulsuhan ko.
“Pinupunasan po?” takang sagot ko. Tumawa siya na ikinakunot ng noo ko. “Ano pong nakakatawa?”
Biglang sumeryoso ang mukha niya. Ang weirdo naman ng lalaking ‘to. “Pinupunasan? O hinahawakan?” tanong pa niya na ikinaawang ng bibig ko. “Magkaiba ‘yon, Ashley.”
Para akong napaso at dumistansiya agad dito. “Hindi po!” tinalikuran ko siya at akmang aalis nang hatakin niya ako pabalik dahilan para mabundol ako sa matigas niyang dibdib. “K-Kagawad, marami pong nakatingin.”
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin saka ako dumistansya. “Pasalamat ka nasa palengke tayo.”
Nanlaki saglit ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Paano kung nasa kanila kami? Anong gagawin niya?
Hindi ko pa naman nakakalimutan ang ginawa niya nitong nakaraang araw, iyong tungkol sa toblerone. Dala na niya kaya? At saka kararating lang ba niya? Bakit parang dito siya dumiretso? May kikitain ba siya rito?
“Uh, eh, kagawad, may kikitain po ba kayo rito?” pag-iiba ko ng topic dahil nakakailang na ang paninitig niya sa akin. “Mukhang kararating niyo lang po galing Russia?”
“Hindi kikitain, may gusto lang akong makita,” sagot pa niya. Hindi ko magawang salubungin ang mabigat niyang paninitig, nakakapanghina. “Sinusundo ka.”
Natigilan ako. Tama ba ang rinig ko o nabingi lang? “A-Ano po?”
“Kararating ko nga lang galing Russia, at oo, sinusundo kita dahil utos ni nanay. Tapos ka na ba? Tara na, nagugutom na ako.”
“Sandali lang po!” tarantang tumakbo ako para ibalik ang balde. “Aleng Parita! Mauuna na po ako, wala naman na pong gagawin?”
Napakurap ang ale na kanina pa nakatitig sa amin. “Oo, hija! Ikaw pala kagawad.” Kumaway pa si Aleng Parita na tinanguan naman ni Knoxx.
“Magandang gabi po, Aleng Parita!” bati nito na akala ko hindi niya gagawin. “Sa akin po muna si Ashley.”
Nabibingi na ba ako o talagang sinabi niya ‘yon? Ewan ko, tahimik na lang ako na lumapit sa kanya.
Hawak-hawak ko ang sling bag habang nakayuko. Hindi ko pa rin siya magawang tingnan kasi pakiramdam ko may hipnotismo ang mata niya, gaya ngayon, ramdam kong nakatitig siya sa akin.
Gumalaw ang ilong ko pagkaamoy ko sa sarili, naging conscious tuloy ako bigla kung mabaho ba ako o ano kasi kanina pa ako nagkikiskis ng mga isda. Maamoy niya kaya? Bahala na nga.
“Naku! Ikaw talaga, hijo! Sa’yo muna ngayon, sa akin ulit bukas!” nakagat ko ang ibabang labi sa isinigaw ni Aleng Parita na sinudan pa ng malakas na tawa. Paniguradong aasarin ako kinabukasan ng mga kasamahan namin dito. “Tumulak na kayo at baka nagugutom na ‘yang si Ashley! Ang daming customer niyan kanina, puro nag-gwapuhang lalake.”
“Is that true, Ashley?” wala sa sariling napatingin ako sa kanya. “Gwapo ba sa paningin mo?”
“H-Hindi ko po alam, nagta-trabaho lang po ako, umuwi na po tayo?” sabi ko at nag-iwas agad ng tingin saka nagsimulang humakbang.
“Wait here, kunin ko lang ang motorbike ko.” Anito at pinaglandas ang palad sa aking siko na ikinatigil ko sa paglalakad. Para saan ‘yon?
“S-Sige, kagawad.” Sinulypan ko siya.
“Kagawad? Call me Knoxx, wala ako sa barangay hall.” Pahabol niya at tinakbo ang kinaroroonan ng kanyang motorbike.
Minsan ko lang siya tawaging Knoxx kasi nakakahiya. Kung kagawad naman, lahat naman ‘yon ang itinatawag sa kanya. Madalang kong marinig na tinatawag siyang Knoxx na tingin ko ay sa malalapit lang niya na kaibigan at kamaganak.
Pagkaraan ng ilang minutong paghihintay, pumarada sa harap ko ang isang ducati. Hinagis niya sa akin ang helmet at buti na lang nasalo ko kahit nataranta na naman.
Ngumuso ako pagkarinig sa mahihina niyang tawa. “Puwede namang ibigay na lang sa akin.” Parinig ko.
“I can hear you, Ashely,” natatawang turan nito na ikina-ismid ko. “Nagpapacute ka ba sa akin?”
“Hindi po!” sagot ko at dali-daling isinuot ang helmet dahil ayokong makita niya akong namumula. Nakakahiya.
Umangkas na ako gaya ng sa posisyon niya. Ayokong yumakap dito kaya sa braso na lang niya ako kumapit.
“Yakapin mo’ko, Ashley,” pumisil ang kamay kong nasa balikat niya. “Nagugutom kaya bibilisan ko ang pagtakbo. Ikaw kung gusto mong lumipad.”
Napayakap ako sa kanya ng wala sa oras no’ng umandar siya bigla. Nahawakan ko tuloy ang abs niya. “Baliw!” singhal ko rito. “Ito na nga oh!”
“Yayakap din pala, eh.” Pilyong wika niya at gaya ng sabi niya, pinaharurot niya ang motorbike kasabay ng paghampas ko sa hita niya.
Napa-dasal ako at humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa kanya no’ng bilisan pa niya ang pagpapatakbo.
Pagkatapat namin sa bahay nila, hinampas ko siya sa likod at mabilis na bumaba. “Bwesit ka, Knoxx!”
Tawang-tawa siya sa itsura ko no’ng tanggalin ko ang helmet. Ang gulo ng buhok ko, punyemas, sabog na sabog.
“Tawa ka ha? Happy?” inis kong wika. Halos paliparin ba naman niya na parang may hinahabol. “Hinding-hindi na ako aangkas sa’yo.”
“Hm, ano na lang ba? Sasakyan mo’ko?” pang-aasar niya na ikinalaki ng mata ko.
“Baliw ka na talaga!” tinalikuran ko siya. Papasok na sana ako sa loob nang hatakin niya ako pabalik. “Ano na naman? Nakakainis ka na ha!”
“Tingin nga ng naiinis na Ashely,” ngiti-ngiting saad niya. Ugh, this guy is testing my patience. “Nangangamatis ka na, oh.”
“Ikaw kasi!” dinuro ko siya pero sinundot lang niya ang pisngi kong lumulobo sa inis. “May kinakarera ka ba kanina para gano’n ka kabilis magpatakbo?!”
“Kakarerahin pa lang soon,” naglaro ang malokong ngisi sa labi niya. “Why? Wanna try?”
Hahampasin ko na sana siya nang mahuli niya ang kamay ko. “Bitawan mo’ko! Huwag mo’kong pagtrip-an! Nakakabadtrip ka na nga!”
“Hindi ka na takot sa akin?” nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
“Bakit naman ako matatakot sa’yo? Ano ka nangangain ng tao?” inis kong sabi at nagpumiglas kaso ang lakas niya.
“Oh, you can’t tell, Ashley,” napasinghap at nanlaki ang mata ko paghatak niya sa akin palapit sa kanya. “Masarap kumain lalo na kung may toblerone.”
Bumaba ang tingin ko sa labi niya na ngayon ay binabasa niya gamit ang basang dila. “A-Anong s-sinasabi mo, K-Knoxx?” nagkanda-utal kong tanong.
“Do you want to see and eat my toblerone?”