“Umalis ka na,” pagtataboy ko sa kanya. “Ayoko ng malanding kagawad.” Malamig na dagdag ko. Sinundan ko siya ng tingin nang walang imik siyang lumabas ng kwarto ko. Pumasok naman ang kapatid kong takang nakasunod din ng tingin sa lalake. “Nag-away ba kayo ate? Hindi maipinta ang mukha, eh.” Baling sa akin ng kapatid ko. “Ewan ko sa kagawad na ‘yon, ang lakas ng tama.” Nakasimangot kong sagot. Sinamaan ko ng tingin ang magaling kong kapatid. Tawanan ba naman ako. “You mean sa'yo may tama? Iba talaga ang nafefeel ko kay Kuya Knoxx, ate. May gusto talaga siya sa'yo.” Deklara niya. Mas humaba ang nguso ko sa sinabi niya. “Trip lang niya akong asarin, wag kang isyu dyan!” napa-pokerface ako. Hindi niya ako mauuto. Nadala lang ako kanina sa nangyari sa amin. Nailing si Jarren. “Tingnan na

