Kumunot ang noo niya. “Pinagbibintangan mo ba ako, babae?” bahagya akong napaatras sa lalim ng boses niya. “Are you accusing me of stealing your undergarments?” Ang talim ng tingin niya sa akin pero hindi ko mabatid bakit parang nakangiti siya. Pinaglalaruan niya ba ako? Kasi kung oo baka hindi ko siya matansiya. Nakakainis. Kanina pa niya ako inaasar hanggang sa paliguan. Hindi ba siya napapagod? Tuwang-tuwa siguro siya kapag nakikita niya akong naiinis, bwesit siya! “N-Nagtatanong lang ako! Ikaw lang naman ‘yong nakasabayan ko sa paliguan ah! Ikaw ang naunang lumabas,” humina ang boses ko sa huling sinabi. Halata namang inaakusahan ko siya. “Iyong bra at panty ko, butas pa iyon…” halos pabulong kong sabi. Biglang nag-init ang ulo ko nang marinig ko itong tumawa. Ito na naman siya, na

