[9]

1913 Words
Napanguso ako nang narinig ko na naman ang pagtili ni Ruby. Ano ba 'yan. Simula nang nakilala niya si Luke, lagi na lang siyang kinikilig. Lagi niyang sinasabing bagay daw kami kaysa sa kuya 'Charles' niya. "Magkaibigan lang kami ni Luke, Kiss." Pang-ilang beses ko na itong sinabi sa kan'ya pero mukhang ayaw niyang maniwala. Alam kong pinagkakasunduan niya lang kami dahil gusto niyang maalis ang atensyon ko kay Charles at sa mga pangyayari nitong nakaraang araw. "Anong magkaibigan? Ang sweet sweet niyo nga eh!" pang-aasar na naman niya. Simula nang na-encounter naming si Charles, hindi na ako iniwanan ni Luke. Sinisigurado niyang hindi ako malalapitan ni Charles. Nakakatulong rin siya sa akin dahil siya ang umaalalay sa akin habang hindi pa gumagaling ang mga sugat ko sa paa. "Hindi nga sabi." Napabuntong-hininga na lang ako dahil umirap siya sa akin at bumalik na sa paggawa ng mga assignments niya. Napangiti ako dahil sa wakas, tumahimik na rin ang buong bahay. Kanina pa kasi siya talak ng talak tungkol sa aming dalawa ni Luke. Ngunit nagdaan ang ilan pang minuto ay nag-ingay na naman siya. "OMG! OMG, ate!" Napangiwi ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Napatigil ako sa paggawa ng requirements at napatingin ulit sa kan'ya. "Ano na naman ba 'yan, Ruby?" pabalang na tanong ko. Bigla niyang hinatak ang cellphone ko mula sa charger. Bago ko pa siya masigawan dahil baka nasira niya ang cellphone ko, naunahan na niya ako. "Ate! Si Lucas! Nag-text sa'yo! May date daw kayo, OMG!" kinikilig na sabi niya. Agad naman akong nagtaka. Si Luke, nag-text? Eh hindi niya nga ata alam kung ano ang number ko eh. Kung gano'n, kanino niya ito nakuha? Hinablot ko ang cellphone ko mula kay Ruby at binasa ang text message. From: Unknown Number Hi Kiss, si Luke 'to. Are you free tonight? Mag-usap tayo. Napakagat ako ng labi ko. Bakit niya 'ko tinatanong? To: Luke Saan mo nakuha ang number ko? Napasimangot ako dahil ang tagal niya mag-reply. May kutob akong hindi lang ako ang ka-text ng lalaking 'to. Maya-maya lang ay nag-vibrate na ang cellphone ko. "Ate! Ano, pumayag ka na ba? Bilis!" Tinignan ko ng masama si Ruby. From: Luke Secret ;) 7 pm. Susunduin kita. Napatingin ako sa orasan at nakita kong may 15 minutes pa bago mag-7. Magbibihis pa ako or 'wag na? Hindi naman siguro kami pupunta sa malayo ni Luke. Wala naman 'yung kotse at ayoko naming lumayo pa kami sa bahay. At mag-uusap lang naman kami 'di ba? "Ate! Mag-ayos ka nga! Diba may date kayo? Grabe naman, nage-effort na nga 'yung lalaki oh!" sabi ni Ruby at ngumuso. "Hindi kami magdi-date, Ruby. Mag-uusap lang kami. Kung gusto mo, ikaw na lang ang makipag-date sa kan'ya. Mukhang mas excited ka pa kasi eh." Hindi niya na lang ako sinagot at nagpatuloy sa paggawa ng assignment niya. Saktong pagtayo ko ula sa sofa ay narinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan namin. "Ayan na siya! Ate, 'wag magpagabi ah. Baka pag-uwi mo, dalawa na kayo," halakhak ni Ruby. Napailing na lamang ako at binelatan siya. Paglabas ko ng bahay, nakita kong nakapambahay lang rin siya tulad ko. Buti na lang at 'di na siya mag-abalang magbihis pa since wala rin naman kaming pupuntahan. "Tara, lakad tayo," yaya niya sa'kin. Tumango naman ako sa kan'ya at sinundan ko siya sa paglalakad. Tahimik lang kami habang naglalakad. Nakakatuwa nga kasi hindi ito 'yung tipo ng katahimikan na ang awkward at hindi komportable. Kahit tahimik, komportable pa rin akong kasama siya. "Anong pag-uusapan natin?" Basag ko sa katahimikan dahil mukhang napapalayo na ang lakad namin sa bahay. Sumilip ako sa kan'ya at napansin kong nakayuko siya. "Mayroon akong nakilala noong bata pa ako," panimula niya. Kumunot ang noo ko pero hinayaan ko siyang magpatuloy sa pagkwento. "Batang babae siya. Nung una ko siyang makita, lagi siyang nag-iisa. Napapansin kong ayaw niyang lumalapit sa kan'ya ang ibang bata. Tingin kong mas gusto niyang maglaro ng mag-isa," Napatigil siya para magpakawala ng isang ngiti, " Isang araw, napagpasyahan kong lapitan siya." Napanguso na lamang ako. Ako ng tinutukoy niya. At nakumpirma ko ngang siya si Lucas, ang matalik kong kaibigan noon. Ang kaibigan kong. . . iniwan ko sa bahay ampunan. "Nung nilapitan ko siya, ang sungit-sungit niya. Halos hindi niya ako kausapin noon at ini-english niya pa ako. Eh bobo pa naman ako sa English noon," Halos sabay ang pagtawa namin, "Pero naging magkaibigan kami. Simula no'n, napapansin kong lumalapit na rin siya ibang mga bata para makipaglaro." Napatigil ako. T-talaga? Oo nga, kung tatandaan ko ang nangyari dati, simula nang makipagkaibigan siya sa akin, nagsimula na rin akong lumapit sa ibang bata. "Naging matalik kaming magkaibigan. Balak ko pa sana siyang ilibre nung ice cream isang araw pagkagising ko. Ngunit nakakapagtaka at nakakalungkot lang dahil nalaman kong umalis na pala siya." Napasinghap ako at hinayaan ko siyang magkwento. "Iyak ako ng iyak buong araw. Naiinis ako dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Natatakot akong baka hindi ko na siya makita muli." Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Pero tadhana nga naman. Ayan na siya sa harapan ko oh," sabi niya. Wala sa sariling niyakap ko siya ng mahigpit. "Lucas naman eh. 'Wag mo na nga akong konsensyahin. Sorry na. Hindi ko rin naman kasi alam na aalis na rin ako nung araw na 'yun eh. Sorry na. Sorry na talaga." Napatawa naman siya at niyakap rin ako pabalik. "Akala ko talaga hindi na kita makikita pa. Grabe, kung naroon ka lang nung panahon na 'yun, sobrang ingay ko dahil buong araw akong umiiyak." "Oo, iyakin ka kasi eh." Ngumiti ako ng nakakaloko at napasimangot naman siya. "Hindi ako iyakin. Inaaway niyo lang kasi ako." Mas lalo akong napatawa. Nang nakakita kami ng nagbebenta ng dirty ice cream, agad kaming nagkatinginan. Mula sa mga tinginan namin, halatang nagkakaintindihan kami. "Sinong magbebenta ng ice cream sa gitna ng gabi?" natatawang sabi niya. "Pinapadala lang ni tadhana. Nahalata niya atang miss na miss na natin ang isa't isa," sabi ko at pilyong ngumiti. Nang nakalapit kami, ang swerte namin dahil dalawang scoop na lang ang natitira. Sakto lang para sa amin. Pagkatapos magbayad ni Luke at hindi na kinuha pa ang sukli, nagsimula na kaming maglakad pabalik sa bahay. "Kamusta ka naman? Bakit kasi bigla kang nawala?" tanong niya. "'Yun na 'yung araw na kinupkop ako. Madaling araw kasi 'yun kaya tulog kayong lahat nang umalis ako. Hindi na ako nakapagpaalam kasi ayoko namang gisingin ka. Ang himbing ng tulog mo nu'n eh," Napangiti siya, "Kahit pa tulo laway mo." Natawa na naman ako dahil nagusot na naman 'yung mukha niya. Maya-maya pa'y natahimik ulit kami dahil inaabala naming ang sarili naming sa pag-ubos ng ice cream. Napatingin ako sa kan'ya nang maramdaman ko ang mga titig niya sa'kin. "What? Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ko sa kan'ya. At mas lalo pa 'kong naweirduhan nang nakita kong malambot ang mga titig niya sa'kin. "Wala. Miss na miss lang talaga kita," mahina niyang sabi. "Halata nga eh. 'Wag mo nga 'kong titigan ng gan'yan! Nakakakilabot!" natatawa kong sabi at pabirong sinampal siya. Nagkwentuhan kami pabalik ng bahay at naabutan kami ni Ruby na nagtatawanan. "Aba, aba. Akala ko ba naman seryosong bagay ang pag-uusapan niyo. Mukhang hindi naman," umiiling na sabi ni Ruby pero bakas sa mukha niya ang isang maliit na ngiti. "Ruby! Si Lucas nga pala! 'Yung kababata ko!" nakangiti kong sabi. Kahit na alam kong magkakilala sila, parang tama lang na ipakilala ko si Lucas bilang isa sa mga kababata ko. O bilang nag-iisang kababata ko. "Weh? Ikaw 'yung lagging kinekwento sa'kin ni ate noong mga maliit pa lang kami! Lagi nyang binabanggit 'yung kaibigan niya na iniwan niya roon sa bahay-ampunan!" sabi ni Ruby. "Naiwan! Hindi ko siya iniwan, ah," pagtatama ko sa kan'ya. Napailing na lang si Lucas at pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin para umuwi. Pagpasok sa bahay, agad akong dinambahan ni Ruby ng mga tanong. "Ate! Bagay talaga kayo! Sa tingin mo ba may gusto sa'yo si Luke?" "Ang gwapo pala ni Luke! Hahaha! Natandaan ko dati, ang sabi mo, payatot siya at iyakin!" "Ate! Anong ginawa niyo noong lumabas kayo? Mamaya, nag-kiss pala kayo! Isusumbong kita kay mommy!" At iba pang mga tanong na hindi ko na pinakinggan pa. "Aakyat na 'ko, Ruby. Tumahimik ka nga d'yan," sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko. "Sus! Iwas subject! Daya mo talaga, ate!" natatawa niyang sabi pero hinayaan na lang ako na umakyat papunta sa kwarto ko. Naabutan kong nagriring na naman ang cellphone ko. Nagmamadaling kinuha ko ito at sinagot, "Hello, Lucas?" Nagtataka ako kung bakit antagal nitong sumagot. Tinignan ko 'yung cellphone ko para makita kung sino ang tumatawag, at gulat ko na lang nang nakitang hindi pala si Lucas ang tumatawag sa'kin, kundi si Charles. "Char—" Bago ko pa masabi ang pangalan niya, agad niya 'kong pinutol. "Lucas, eh? Just a few days passed, and you've already gotten me a replacement." Rinig ko ang pagkairita at sarkastiko niyang tono. "Cha—" "What did you say? You said you've chased me for 8 years? How funny," pagputol niya na naman sa sasabihin ko. "You're such a desperate girl, so irritating, so cling—" Namuo na ang luha sa mata ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, ako naman ang nagsalita. "Pwede bang manahimik ka, Charles?" malamig kong sabi sa kan'ya at tuluyan ngang nanahimik ang kabilang linya. "'Wag na 'wag mo 'kong sisimulan d'yan. Ano? Itutuloy mo pa 'yung sinasabi mo 'di ba? What? Desperado ako? Oo, aminado naman akong gusto kong makuha ang atensyon mo. Nakakairita ako? Sa'yo lang naman ako gano'n eh. Ako, clingy? Eh ikaw nga lang ang kinakapitan ko eh! Syempre, idadagdag mo ang pagiging malandi ko 'di ba? Kasi nahanapan agad kita ng kapalit? "Kung makapagsalita ka, Charles, aakalain kong nagseselos—" Napatikom ako ng bibig nang mapagtanto ko kung ano ang sasabihin ko. Tuluyan na rin akong nanahimik, gaya niya. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang nagpapatuloy ang oras. Kung makaasta nga si Charles, parang nagseselos. Hindi naman sa nakahanap agad ako ng kapalit, pero bakit parang galit pa siya sa'kin. Eh alam niya namang sinukuan ko na siya. Ayoko ng gumawa ng effort para makuha siya kasi alam kong masasayang rin 'yon. "Get that crazy assumption out of your head, Kiss." Sa wakas ay narinig ko ulit ang boses niya. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong miss ko na siya. Namimiss ko na 'yung panahon na kahit itinataboy niya ako, ginagawa niya pa rin ang gusto ko. "Bakit ka napatawag?" Sinubukan kong pantayan ang boses niya, 'yung parang walang pakialam kung anong nangyayari sa'kin. At ito ang itinanong ko dahil ayaw kong dugtungan niya ang sinabi niya. "We have an activity by group in Calculus," sabi niya. Agad akong nagtaka. Bakit sa'kin niya 'to sinasabi? Alam kong magka-grupo kami, pero bakit hindi ang leader ang tinawagan niya? Bakit ako? "Tell them to drop by tomorrow at my house. 3 pm sharp," sabi niya at ibinaba na ang telepono. Napakagat ako ng labi. Oo nga pala, wala kaming pasok bukas dahil may program ang lower years. Ibig sabihin, pupunta ako sa bahay niya. Ibig sabihin, magkikita ulit kami. Ibig sabihin, kailangan ko na namang pigilan ang sarili ko. Kaya mo 'to, Kiss. Lagi mo lang tandaan kung paano ka niya sinaktan ng paulit-ulit, siguradong madali lang siyang kamuhian. Siguro. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD