"Ate, ate! Tanghali na! Gumising ka na!" Agad na bumukas ang mata ko at otomatiko itong napatingin sa orasan. Ay lagot! 2:37 na! Napabangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Mabilisang pagligo lang ang ginawa ko kasi natandaan kong may group activity nga pala kaming gagawin. Nako, Kiss. Kung hindi ka sana nagpuyat kahapon, kung hindi mo sana tinapos ang librong binabasa mo at natulog ng mas maaga, edi sana hindi ka nagmamadali ngayon. Nakatapis na lumabas ako ng banyo at nagmamadaling pumunta sa cabinet ko upang kumuha ng masusuot. Dali-dali akong humablot na lang ng kahit ano at isinuot ito. Pababa na 'ko ng hagdanan nang maamoy ko 'yung niluluto ni Ruby. "Oy ate! Sa'n ka pupunta? Kumain ka muna, pinapainit ko na 'yung lunch na inorder ko kanina," sabi ni Ruby. At doon n

