10pm na at nandito pa rin si Enzo sa kwarto ko. Pumunta dito ang mga kaibigan ko kanina at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Hindi rin naman sila nagtagal at nagpunta na sa kani-kanilang kwarto para magpahinga. Medyo naiinis nga ako sa sarili ko, eh. Pumunta kami dito para magbakasyon at makapag-refresh pero nagkasakit naman ako. Pakiramdam ko tuloy napaka-KJ ko dahil hindi sila makapag-enjoy sa labas. Nasayang tuloy yung isang araw nila na wala silang nagawa kung di ang mag-alala lang sa'kin. Hindi raw sila makakapagsaya kung ganito yung kalagayan ko. Hihintayin nalang daw nilang gumaling ako para lahat kami magkakasamang sasaya. Na-touch naman ako doon.
Nakahiga pa rin ako habang si Enzo nama'y nakaupo malapit sa kama ko at hawak yung cellphone niya. Pinapaalis ko na nga siya kanina, eh. Ayaw naman niya dahil babantayan niya raw ako. Ewan ko dito sa taong 'to. Hindi naman na ako bata para bantayan pero ginagawa niya pa rin. Ayoko namang makipagtalo pa dahil lalo lang sasakit ang ulo ko sa kanya at hindi naman siya magpapapigil sa gusto niya. Wala, eh.
"Uy," mahinang tawag ko sa kanya.
"Bakit? May kailangan ka ba? Gusto mong tubig?" tugon niya at ibinaba yung cellphone niya para kumuha ng tubig.
"Wala akong kailangan. Inaalala lang kasi kita, eh. Bakit hindi ka pa pumunta sa kwarto mo? Magpahinga ka na. Ayos na ako dito." sambit ko.
"Hihintayin pa kitang makatulog. Mamaya nalang ako aalis. Baka kasi magcollapse ka dyan, eh. Mabuti na rin na nandito ako para safe ka." sabi niya na hindi ko alam kung biro ba 'yon o ano.
"Sira. Anong collapse ka dyan? Lagnat lang 'to, hindi naman ako mamamatay dahil dito. Kaya sige na, alis na. Ayos lang talaga ako dito." nakangiting utos ko sa kanya.
"Sige pero magpagaling ka ngayong gabi, ah? Dapat bukas, magaling ka na. May pupuntahan pa tayo." bilin niya bago tumayo sa pagkakaupo.
"Oo na, magpapagaling ako ngayong gabi. Sigurado bukas, magaling na ako. Pero teka? My pupuntahan tayo? Saan naman?" tanong ko.
"Basta, ipapasyal kita dito sa buong resort." nakangiting sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto.
Ipapasyal? Hmm. Parang gusto na namang tumibok ng mabilis nitong puso ko. Bakit ba ang hilig niya sa mga ganitong bagay? Yung bigla ka nalang niyang sasabihan ng isang bagay na magpapakalma at magpapagaan ng loob mo? Heaven.
"Siguraduhin mong hindi kung saan na naman 'yan, ha? Baka kasi pupuntahan na naman natin si---"
"Janna? Hindi, ah." tanong niya na hindi na pinatapos ang pagsasalita ko.
Matapos niyang banggitin ang pangalan ni Janna, pareho kaming nagulat dahil pareho naming alam yung rule na ginawa ko tungkol sa pagbabanggit ng pangalan ni Janna. Yari ka, ngayon! Hahaha!
"Binanggit mo yung pangalan niya. Kailangan mong magsabi ng isang nakakatawang joke." natatawang utos ko sa kanya habang siya nama'y napahilamos sa kanyang mukha.
"Ha? Hindi naman counted 'yon. Yun din naman yung sasabihin mo diba? Dinugtungan ko lang." depensa niya na lumapit sa'kin.
"Pero sinabi mo pa rin. Kaya wala kang magagawa. Kailangan mong magsabi ng isang joke kung di, susuntukin kita." banta ko.
"Paano mo 'ko masusuntok? Eh, may sakit ka. Sige nga." hamon niya pa.
Aba't talagang sinusubukan ako nito, ah?! Pakitaan ko nga. Akala niya hindi ko kayang tumayo, ha?
"Nilalagnat lang ako pero hindi ako lumpo, pare. Ayaw mo talaga? Sige." sambit ko sabay aktong tatayo.
"Huwag ka nang tumayo! Oo na! Magjo-joke na ako. " inis na sigaw niya.
"Oh, anong joke mo?" tanong ko.
"Wala akong maisip, eh. Pero sige, eto nalang." sambit niya sabay hinga ng malalim. "Saan nagta-trabaho ang mga isda?" tanong niya.
Ano daw? Saan nagta-trabaho ang mga isda? Bago 'yon, ah? Malay ko. Saan ba? Wala pa yung joke, natatawa na agad ako. Haha.
"Ha? Meron ba nun? Oh, saan?" tanong ko sa kanya.
"Edi sa o-fish! Haha." sagot niya na natawa ng bahagya sa joke niya.
Ilang segundo pa ay natawa na rin ako sa joke niyang 'yon. He's referring to 'office' kung saan daw nagtatrabaho ang mga isda, ginawa niyang 'ofish' yung pagbanggit niya. Hahaha, hindi talaga ako fan ng mga cornyng jokes pero hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa mga hirit ni Enzo. OFISH, LOLS.
"Hahaha, corny na naman pare. Pero benta sa'kin." natatawang sabi ko sa kanya na natatawa rin sa sarili niya. Baliw.
"Corny pero napasaya ka? Mabuti nalang at nagustuhan mo. Minsan lang ako magjoke, ha? Sa mga tao lang talagang malapit sa puso ko." sambit niya na ikinagulat ko.
Muli na namang tumibok ang puso ko nang pagkabilis-bilis. Bakit ganito nalang yung bilis ng pagkabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya? Mas lalo pa siyang bumilis kesa sa pagtibok nito noong nakaraan. Pakiramdam ko, sasabog na yung puso ko sa loob nang marinig yung sinabi niyang 'yon. "Minsan lang ako magjoke, ha? Sa mga tao lang talagang malapit sa puso ko." What the heck? Ano bang pinagsasasabi niya?
Natahimik kami pareho ng sabihin niya iyon. Maging siya ay nagulat ng sabihin niya 'yon. Pakiramdam ko, namula yung pisngi ko dahil doon. Medyo nailang ako ng mga oras na 'yon. Sya naman ay napakamot nalang sa ulo niya dahil sa nasabi. Alam kong wala para sa kanya 'yon pero iba yung dating sa'kin. Ugh.
"Ano ulit 'yon?" tanong ko.
"Ah, kalimutan mo na hehe. Magpahinga ka na, aalis na ako. Good night." nakangiting sambit niya.
"Salamat, Enzo. Sige, na. Good night." nakangiting tugon ko sa kanya na agad namang lumabas ng kwarto ko matapos 'yon.
Ako nama'y naiwang nakangiti matapos siyang umalis. Alam mo yung ngiting ang hirap alisin sa mukha? Yung kahit pigilan mo, kusa pa ring lumalabas sa'yo? Ewan ko pero ang hirap alisin yung ngiti sa mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa joke dahil napagaan nun ang loob ko. O dahil sa sinabi niya na malapit ako sa puso niya? Hays.
Para na akong tanga sa kakaisip tungkol sa mga sinabi ni Enzo. 11pm na at gising pa rin ako. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko pa rin siya. Teka? Bakit ko nga ba iniisip yung taong 'yon? Nakakainis naman, oh?! Para na akong bakla dito.
Alam kong hindi naman niya sinasadyang sabihin iyon dahil alam kong wala lang naman 'yon, para sa kanya. Pero teka, wala nga ba? Anong basehan niya para sabihin 'yon? At bakit sobrang affected ako dahil lang doon sa sinabi niya? Binibigyan ko ba talaga ng meaning 'yon? Ayokong mag-assume pero dahil sa nararamdaman ko, ginagawa kong maging assuming. Ang gulo?! Shet, bakit ko ba iniisip lahat 'to? Magma-madaling araw na pero iniisip ko pa rin siya. Is this love? Huwag naman sana.
Pasado 1am na ng makatulog ako kakaisip sa mga bagay tungkol kay Enzo. Nakatulog ako na siya ang iniisip ko at hindi mawala 'yon sa ulo ko.
KINABUKASAN...
Pagmulat pa lang ng mata ko, nagulat ako ng si Enzo agad ang nakita ko.
"Good morning," nakangiting bati niya na mukhang bihis na bihis.
"Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" tanong ko sa kanya.
"Anong maaga? 10am na, oh." sabi niya sabay turo sa orasan.
10am na nga at mukhang napuyat ako kaya nakatulog ako ng sobra. Eto kasing si Enzo, eh.
"Napasarap tulog ko, eh. Bakit nga pala nandito ka?" tanong ko.
"I'm here to check for you." sambit niya sabay hipo ng noo ko. "Wala ka na palang lagnat, eh. You're all okay." masayang sabi niya.
Hinipo ko rin ang sarili kong noo at okay na nga ako. Wala na nga akong sakit at magaling na talaga ako. Natuwa naman ako dahil mas okay na yung pakiramdam ko ngayon kesa kagabi.
"May pupuntahan sana tayo kaya lang kagagaling mo lang sa sakit, baka mabinat ka." naka-pout na sabi niya.
"Sige, game ako dyan." nakangiting sagot ko.
"Sigurado ka?" tanong pa niya.
"Oo nga, saan ba 'yon?" tanong ko naman sa kanya.
Ngumiti lang siya bilang sagot. Hindi niya pa rin sinabi kung saan kami pupunta pero nae-excite na agad ako. Saan ba kasi 'yon?