Helena POV
Paglabas ko ng CR, nakaupo na si Kathlea sa mesa sa sala. Maayos ang pagkakaayos ng mga libro at notebooks niya, handa na siya, kahit may bahagyang arte sa mukha.
“Okay,” sabi ko habang nauupo sa tapat niya, “let’s start with your lesson for today.”
“Yes, Ma’am,” sagot niya, diretso ang likod.
Binuksan ko ang libro niya. “Read the poem aloud. Slowly. Feel the words.”
She began to read, careful but hesitant.
I listened closely.
“Stop there,” marahan kong sabi. “Your pronunciation is good, but try to understand what the line means. What do you think the poet is trying to say?”
Nag isip ang bata. “I think… it’s about missing someone. Someone important.”
I nodded, smiling softly. “Good. Poetry is about emotions. You don’t just read it, you feel it.”
Habang nagpapaliwanag ako, napansin kong mas nagiging kumpiyansa siya. Sumusunod ang mata niya sa bawat linya, mas malinaw ang boses.
From the corner of my eye, I saw Shean.
Nakasandal siya sa sofa, tahimik lang, pretending to scroll through his phone. Pero ramdam ko ang tingin niya. At sa tuwing napapatingin ako sa gilid, nagtatagpo ang mga mata namin, sandali lang, pero sapat para guluhin ang konsentrasyon ko.
“Ma’am,” biglang sabi ni Kathlea, medyo may inis, “you’re looking somewhere else.”
Napabalik ako sa ulirat. “Sorry,” agad kong sabi. “Let’s continue.”
She read again.
“Better,” sabi ko. “Now read it as if you’re talking to someone you care about.”
She tried, and this time, mas may damdamin.
Maya-maya, may mahinang hakbang sa likuran ko. Si Shean. Tahimik niyang inilapag ang isang baso ng tubig sa tabi ko.
Tumingin ako sa kanya.
“Thank you,” mahina kong sabi.
Hindi siya umimik.
At sa simpleng kilos na iyon, walang salita, walang eksena, may kilig na pilit kong itinatanggi. Isang damdaming dahan-dahang sumisingit.
“Ma’am,” sabi ni Kathlea matapos ang ilang minuto, “learning poetry with you is… easier.”
I smiled. “Because you’re trying. That’s what matters.”
Habang nag-aayos ako ng gamit pagkatapos ng session, muli kong naramdaman ang presensya ni Shean, Nakatitig lang siya ng palalim. Bigla nakaramdam ako ng pagkailang.
Watching.
Waiting.
At sa katahimikan ng sala, isang tanong ang umuukit sa isip ko:
How long can I pretend that this is nothing, when my heart already knows it isn’t?
Nang matapos namin ang lesson ni Kathlea, nagligpit na ako ng mga gamit. Magpapaalam na sana ako nang bigla akong pigilan ni Shean, hinawakan niya ang braso ko, hindi mariin, pero sapat para mapahinto ako.
“Kumain ka muna,” sabi niya. “Nagpahanda ako kay Aling Marta.”
“Naku, huwag na,” nakangiti kong sagot. “Uuwi na ako.”
Umiling siya. “No. Kanina ka pa hindi kumakain. What time is it already? Four p.m.” May bahid ng inis sa boses niya. “Sa tingin mo mabubusog ka sa dalawang pandesal at pansit na tinda mo sa umaga? Kaya you look pale… and thin.”
“Ha?” iyon lang ang naisagot ko, hindi dahil wala akong sasabihin, kundi dahil nagulat ako sa pagiging diretsahan niya.
“Sasabay na rin kami ni Klea,” dagdag niya, mas mahinahon na.
Wala na akong nagawa nang bigla akong hilahin ni Kathlea papunta sa dining area. “Come on, Ma’am,” sabi niya, may ngiting hindi ko matanggihan.
Biglang kumalam ang sikmura ko nang makita ko ang nakahain sa mesa, mainit na kanin, sinigang na hipon, fish fillet, at cordon bleu. Napalunok ako.
Napatingin ako kay Shean, vegetable salad ang nasa plato niya. Kay Kathlea naman ay tuna pasta at garlic bread.
“Naku,” sabi ko, napailing, “bakit ang dami naman ng pagkain, hijo? Ako lang naman ang kakain.”
Sinadya kong bigyang-diin ang salitang hijo, paalala, hangganan.
Huminto siya sa paggalaw at tumingin sa akin. “Don’t call me hijo,” mahinahon pero seryosong sabi niya. “I have a name—Shean.” Pagkatapos ay inupo niya ako at nagsimulang magsandok sa plato ko. “By the way, kumain ka na.”
Napatingin ako sa mga kasambahay na naroon. Halatang may palihim na bulungan, may mga matang mausisa. Ramdam kong namula ako at bigla nahiya. Hindi na ako nagsalita. Tahimik na lang akong kumain mabilis, maayos, gusto ko nang makauwi. Pero sa bawat subo, may kung anong init na hindi galing sa pagkain. Isang lambing na hindi ko dapat pinapayagan… ngunit pilit pa ring kumakatok.
At sa pagitan ng kutsara at tinidor, isa lang ang alam ko,
mas mahirap pala ang tumanggi kapag ang pag-aalaga ay tahimik.
Matapos ang hapunan, nagpaalam na talaga ako. Inayos ko ang bag at tumayo.
“Uuwi na ako,” sabi ko.
Hindi siya umimik agad. Kinuha lang niya ang susi ng kotse mula sa mesa.
“I’ll drive you home,” sabi niya, diretso.
“Hindi na kailangan,” sagot ko. “Kaya ko na—”
“Ms.Helena,” mahinahon niyang putol, unang beses kong narinig na binigkas niya ang pangalan ko nang ganoon. “Hindi ka uuwi mag-isa.”
Wala na akong naidagdag pa. Hindi dahil napilitan ako, kundi dahil alam kong desidido siya.
Tahimik ang biyahe. Malamig ang loob ng kotse, mahina ang tugtog sa radyo, isang kantang hindi ko pinapansin pero ramdam ko. Nakatingin ako sa bintana, pinapanood ang ilaw ng mga poste na isa-isang lumilipas.
“Pagod ka,” bigla niyang sabi, hindi inaalis ang tingin sa daan.
“Sanay na,” sagot ko.
Umiling siya. “You shouldn’t have to be.”
Hindi ako tumugon. May mga salitang kapag sinagot mo, mas lalalim lang ang kahulugan.
Huminto siya sa stoplight. Saglit siyang napatingin sa akin, hindi matagal, pero sapat para maramdaman ko ang titig niya.
“I’m glad you ate,” sabi niya. “At least tonight.”
Tumango ako. “Salamat.”
Muli siyang tumingin sa kalsada. Tahimik ulit kami, pero hindi awkward. Isang katahimikang bihira, yung hindi mo kailangang punuin ng salita.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay, marahan siyang huminto. Hindi agad ako bumaba.
“Here na,” sabi ko.
“Mm,” tugon niya. “Text me when you’re inside.”
Napatingin ako sa kanya. “Shean—”
“I know,” sabi niya agad, may bahagyang ngiti. “Just… let me know you’re safe.”
Bumukas ang pinto. Bumaba ako at tumingin pabalik.
“Good night, Salamat." sabi ko.
“Good night, Helena.”
Pinanood niya akong pumasok hanggang sa maisara ko ang gate. At habang papasok ako ng bahay, dala ang pagod ng buong araw, may isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag
may mga taong hindi mo hinihingan ng pag-aalaga,
pero kusang ibinibigay,tahimik, maayos, at walang kapalit.