Helena POV
Pagkatapos ng klase, nakita ko si Shean na naghihintay sa labas, kasama ang grupo niya. Hindi ko siya pinansin sa una, pero sinabayan niya ako sa paglalakad.
“Ma’am, tulungan ko na po kayo,” sabi niya, abot ang kamay sa dala kong gamit.
“Are you serious, Mr. Rossi?” malamig kong sagot. “Isang libro at notebook lang ang dala ko.”
Nagtawanan ang mga estudyanteng nasa likod niya, mga kaklase rin niya.
“Ma’am,” seryoso na ang boses niya ngayon, “ang totoo po niyan, gusto ko pong magpa-tutor sa inyo. Kahit magkano, I will pay.”
Hindi ko siya pinansin. Sanay na ako sa kalokohan ng batang ito.
“Ma'm, I’m serious,” dagdag pa niya, humahabol sa hakbang ko.
Huminto ako. Hinarap ko siya.
Nagkatitigan kami.
“Ms.Helena, My heart is in love with you,” sabi niya, may ngising pilit tinatago ang kaba.
Parang may kumurot sa dibdib ko. Bumilis ang t***k ng puso ko, pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.
“Kayo,” mahigpit kong sabi, “huwag ninyo akong pagtripan.”
Tumalikod ako at iniwan silang lahat, kahit ramdam kong may apoy na pilit kong pinapatay sa loob ko, isang damdaming alam kong hindi dapat bigyan ng pangalan.
At sa bawat hakbang palayo, isa lang ang malinaw sa isip ko:
hindi ako pwedeng madala, ayoko ng pumasok sa anumang gulo.
Iniwan ko sila roon, dala ang isang ngiting hindi ko alam kung saan nagmula, at isang damdaming pilit kong itinatanggi, kahit pa unti-unti na nitong kinakatok ang puso ko.
Pagdating ko sa faculty room, hindi pa man ako nakauupo ay sinalubong na ako ng mapanuksong tingin ni Jessica—o Jessa, tulad ng tawag naming lahat sa kanya.
“Ikaw ha,” bulong niya habang nakasandal sa mesa ko, “mukhang in love na sa’yo ang boylet. May asim pa si Ma’am.”
Pinagpipigilan niyang tumawa. “Lagot ka sa mga student. Alam mo namang marami ang may crush doon.”
Napatawa lang ako, iniiling ang ulo. “Naku, Jessa, huwag mong seryosohin ang mga ganyan. Sa tanda kong ’to, para ko na siyang pamangkin,” sagot ko, pilit na magaan ang tono. “Trip-trip lang ’yon. Alam mo naman, spoiled brat. Sa tingin mo ba papatol ’yon sa isang matandang hukluban?”
Umiling ako at binuksan ang laptop, kunwari abala, kahit may kung anong kumurot sa dibdib ko.
“Uy, Helena,” singit ni Miriam mula sa kabilang mesa, “pa-order naman diyan ng puto at pansit mo. Hindi pa ako kumakain.”
Napangiti ako. “Sige,” sagot ko, saka inabot ang dala ko. Tumawa siya, may pasasalamat sa mga mata.
Maya-maya, may kumatok sa pinto ng faculty room. Pumasok ang isang estudyante, si Junno. Lumapit siya sa mesa ko at tahimik na inilabas ang pera.
“Ma’am,” sabi niya, “bibilhin ko na po lahat.”
Napatingin ako sa mga paninda, nagulat. “Ha? Bakit ang dami?”
Umiling lang siya, may bahagyang ngiti sa labi. Wala nang sinabi pa.
Tanggap ko ang bayad, ngunit habang papalayo siya, may isang tanong na nanatiling nakabitin sa isip ko. Hindi ko man alam ang dahilan, pero may pakiramdam akong hindi iyon basta-basta.
At sa katahimikan ng faculty room, isang pangalan ang kusang pumasok sa isip ko, isang hinalang pilit kong itinatanggi, kahit pa unti-unti na nitong pinapabilis ang t***k ng puso ko.
Shean POV
Hindi ko siya kayang lapitan sa faculty room.
Hindi doon. Hindi sa harap ng mga tao na sanay tumingin pero hindi talaga nakakakita.
Kaya si Junno ang pinapunta ko.
“Tulungan mo na lang ako,” sabi ko sa kanya kanina. “Bilhin mo lahat.”
Hindi na siya nagtanong. Alam niyang hindi ako mahilig magpaliwanag.
Nakatayo ako sa may corridor nang makita kong pumasok si Junno sa faculty room. Saglit lang. Paglabas niya, bitbit na ang mga paper bag. Tahimik. Maayos. Gaya ng plano.
Ngumiti ako, hindi dahil sa paninda, kundi dahil alam kong napansin niya.
Siya iyong tipo ng babaeng mapapansin ang maliliit na bagay.
Si Ma’am Helena.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Siguro noong una niya akong sinaway sa klase—hindi galit, kundi diretso. Siguro noong tinawag niya akong Mr. Rossi na parang hindi ako bata. O siguro dahil sa paraan ng pagtitig niya kapag seryoso, parang kaya niyang basahin ang buong pagkatao mo sa isang tingin.
Alam kong bawal.
Alam kong mali sa mata ng marami.
Pero hindi ko siya nilalapitan para lokohin. Hindi rin para ipagmayabang. Gusto ko lang iparamdam na may isang taong nakakakita sa kanya—hindi bilang guro, hindi bilang tagapagbuhat ng mundo, kundi bilang babae.
Habang papalayo ako, nasilayan ko siya sa bintana ng faculty room. Hawak ang laptop. Tahimik. Mag-isa kahit napapalibutan ng iba.
At doon ko napagtanto—
Kailangan ako magmamadali.
Hiindi ako papayag na babalewalain ako ni Ma'am. Malapit na ako Grumaduate at magagawa ko na ang isa sa gusto ko.
Helena POV
Matapos ang huling klase ko, dumiretso na agad ako sa bahay ng tinuturuan ko sa bayan. Isa iyon sa mga sideline ko. Sa totoo lang, halos lahat na ng puwedeng pagkakitaan ay pinapasok ko, basta kumita lang. Mas gusto ko rin na pag-uwi ko, gabi na. Ilang oras lang ako sa bahay. Sapat na iyon.
Pagdating ko, gaya ng inaasahan, naroon na naman si Shean.
Pamangkin niya kasi ang tinututor ko, si Kathlea.
“Kung pumapayag ka lang sanang sabay tayong pumunta dito,” sabi niya, halatang may pag-aalala sa boses, “hindi ka sana ganyan, pagod at pawis na.”
Iniabot niya sa akin ang isang bote ng malamig na tubig.
“Salamat,” sagot ko, tinanggap iyon. Hindi ko na pinansin ang parunggit niya, alam kong may ibig sabihin, pero pinili kong huwag bigyan ng kulay.
Maya-maya, unti-unting nawala ang pawis ko. Malamig ang sala dahil sa aircon, at kahit paano’y nakahinga ako nang maluwag.
“Magpapalit lang ako,” paalam ko kay Shean. “Para naman hindi ako mukhang galing sa biyahe pag humarap kay Kathlea.”
Napangiti siya nang bahagya.
Arte ang bata—iyon ang una kong napansin noong una ko siyang tinuruan. Pero mabait. Masunurin. At madaling mahalin.
Habang papunta ako sa CR, hindi ko maiwasang isipin kung bakit palaging nariyan si Shean, kung bakit palagi niyang napapansin ang pagod ko, ang pawis ko, ang mga bagay na sanay na akong ipagwalang-bahala.
At kahit ayokong aminin, may isang bahagi ng puso ko ang unti-unting nagigising, isang damdaming matagal ko nang tinuruan ang sarili kong patulugin. Hindi puwedeng mangyari. Saka imposible dahil sa guwapo at yaman ng bata na to. Papansinin ako?