Helena POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa dingding. Ang ingay sa sala—reklamo ni Kuya, buntong-hininga ni Ate Lena, kparang dumadaan lang sa tenga ko pero hindi na dumidiretso sa puso. Pagod na ako. Hindi sa katawan, kundi sa pag-aalala. Matagal ko nang pasan ang responsibilidad ng pamilyang ’to. Sanay na akong umintindi, mag-adjust, magpatawad. Pero ngayon, may kakaiba. Parang unti-unti, natututo akong huminto. Hindi ko na kailangang saluhin lahat. Naalala ko si Shean, kung paano niya sinabi na let me handle it. Hindi niya sinabing aayusin niya ang buhay ng Kuya ko. Ang sabi niya lang, bibigyan niya ito ng pagkakataon. Kung gagamitin nang tama, aayos. Kung hindi—lalabas ang totoo. Huminga ako nang malalim. Hindi ko kontrolado ang magiging desisyon ng Kuya ko.

