Talia POV Paglabas ko ng mall, nakita ko na agad ang sasakyan ni Shean. Nakabukas ang bintana, at nang magtagpo ang mga mata namin, ngumiti siya, yung ngiting alam kong para lang sa akin. “Kamusta?” tanong niya nang makasakay ako. “Masaya,” sagot ko. “Nakakapagod pero masaya.” Tumango siya. “Good. Gusto kong ganyan ka, nakangiti.” Tahimik ang biyahe sa umpisa. May mahinang music, malamig ang hangin. Napansin niyang mas maiksi ang buhok ko ngayon. “Bagay,” sabi niya, hindi nakatingin pero ramdam ko ang ngiti sa boses. “Mas gumanda ka.” Napangiti ako. “Salamat.” Huminto kami sa isang maliit na café, hindi engrande, hindi matao. Sakto lang. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto, parang natural na lang sa kanya ang ganung kilos. “Coffee?” alok niya. “Oo,” sagot ko. Pagkaupo namin,

