Helena POV Narinig ko ang malakas na pagtatalo nina Kuya at Ate Lena. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Umiiyak na lumapit sa akin si Ate Lena. “Helena… ayaw pumasok ng kuya mo sa trabaho. Umandar na naman ang katamaran niya.” Huminga ako nang malalim at hinarap si Kuya. “Kuya, ano ’to? Anong problema?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. Alam kong kapag nahirapan siya, aasa na naman siya. At ako na naman ang sasalo. “Ayoko nang pumasok,” sagot niya, iritable. “Grabe ang hirap. Napapagod na ako.” “Ganun talaga,” sagot ko, hindi na napigilan ang galit. “Wala namang madaling trabaho. Akala mo ba ako, hindi napapagod? Gusto mo na naman tambay ka lang tapos ako ang sasalo sa responsibilidad mo at ng pamilya mo?” Parang may punit sa dibdib ko sa inis at pagod. “Ang yabang mo ah,” bal

