Helena POV — Kinabukasan Nagising ako sa malamig na liwanag ng umaga. Masakit ang ulo ko, parang may mabigat na ulap sa loob ng isip ko. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame, pilit hinahabol ang mga alaala ng nagdaang gabi. Pira-piraso. Malabo. May mga sandaling parang hindi akin. Bumangon ako at napaupo sa gilid ng kama. Doon ko naramdaman ang bigat, ang hiya, ang takot, ang guilt na unti-unting gumagapang sa dibdib ko. Ano ang nagawa ko? Bakit pakiramdam ko, may kulang sa alaala ko, parang may nawawalang pahina? Napatingin ako sa basong nasa mesa. Tubig. Biglang sumikip ang dibdib ko. Naalala ko ang init na biglang sumiklab sa katawan ko kagabi, ang hilo na hindi ko maipaliwanag, ang damdaming parang hindi ko kontrolado. Hindi ganito ang sarili ko. Hindi ako basta bumibigay. Bikti

