Chapter 37 Tinatanaw ka sa Malayo

1001 Words

Helena POV Habang nagtuturo ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari sa amin ni Shean. Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Nang dumaan ako sa shop, wala ring bakas na napadaan siya roon. Aaminin ko, namimiss ko ang pag-aalaga niya sa akin. Pero mas pinili kong harapin muna ang sarili ko, ang huminga nang mag-isa. Kahit sabihin kong okay na ako, niloloko ko lang ang sarili ko. Nasa isip ko pa rin ang lahat, ang haplos niya, ang halik niya. Napapikit ako. Hindi puwede. Hindi dapat. Nakakahiya. Ano ka ba, Helena? Bakit ko ba siya pinatulan? Bakit ba ako umibig sa mas bata sa akin, at sa estudyante ko pa? “May problema ba, Helena?” nag-aalalang tanong ni Lorna. Umiling ako. “Iniisip mo pa rin ba ang pamilya mo?” sunod na tanong ni Maan. Mga co-teacher ko sila, at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD