Shean POV Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina ni Cometa. Ayokong makita niya ako roon, hindi pa. Hindi pa ngayon. Kailangan munang sa kanya manggaling ang tapang, hindi dahil sa akin. “Relax,” sabi ni Cometa habang inaayos ang mga sketch na iniwan ni Helena. “Hindi ko sasabihing ikaw ang may pakana.” “Salamat,” sagot ko. “Gusto ko lang siyang makitang buo ulit.” Tahimik akong umupo sa likod na silid, sa lugar na hindi niya makikita. Mula roon, rinig ko ang pagbukas ng pinto. “Good morning po,” marahan niyang sabi. Parang may humigpit sa dibdib ko. Iba ang tunog ng boses niya kapag kinakabahan—mas mahina, mas maingat. “Come in, dear,” masiglang sagot ni Cometa. “I was waiting for you.” Narinig ko ang maiksing paliwanag: project-based work, pagkakataong magdisenyo, hindi pa

