KABANATA V: Ang Mga Bisita
Mahaba-haba pa ang ating lalakbayin. Minsan, akala natin ay nasa rurok na tayo, ngunit iyon pala ay may kababagsakan pa tayo at doon natin makikita na malayo pa tayo sa nais nating marating. Ganoon parati ang nangyayari sa totoong buhay. Hindi nauubusan ng pagsubok. Hirap na hirap tayong abutin ang gusto nating makamit kahit para sa ilan ay napakadali. Iniisip natin, ano ba ang teknik? Bakit mas lamang siya sa akin? Bakit nahuhuli pa rin ako? Bakit ganito pa rin ang sitwasyong kinalalagyan ko? Napakaramaing bakit, walang katapusan. Ito ay humahantong sa pagkapagod at pagsuko.
Ako ang hari ng sablay
Ako ang hari ng sablay
Hinding-hindi makasabay
Sabay sa hangin ng aking buhay
Malakas ang tunog ng musika na nanggagaling sa isang sasakyan na marahang tinatahak ang daan. Daan na maaaring mapuno ng tawanan o maaari namang hindi maganda ang magiging dulo. Sinasabayan ng mga kabataang sakay n’yon ang liriko ng kantang Hari ng Sablay ng isang bandang Sugarfree, habang nakangiti at inaaliw ang isa’t-isa. Umiikot lamang sa mga OPM na kanta ang playlist nila, at iyon ang bumubuhay sa napakahaba nilang byahe. Mula sa malayo ay maririnig ang mga hiyawan sa loob na tila nagsasaya, hindi alintana ang nakakakilabot na lugar na kanilang dinaraanan. Anim na kabataan ang nakasakay rito, apat ang babae samantalang dalawa ang lalaki, at ang isa sa kanila ay siyang nagmamaneho. May kaniya-kaniya silang ginagawa ngunit lahat sila ay pinagsasaluhan lamang ang iisang supot ng pagkain.
Hari ng sablay
Ako ang hari ng sablay
Ako ang hari
Ako ang hari
Lukot ang mukha ni Jessa dahil hindi sila magkarinigan ng kausap na si Lyca. Kaya minabuti na lamang ng nagmamanehong si Benny na hinaan ang musika nang sa ganon ay makapagkuwentuhan sila. Tumigil ang kantahan, nawala na ang ingay. Malaya nang nakakapag-usap ang iba. Samantalang si Jericho ay mukhang balisa at palinga-linga sa daan.
Mula nang lumiko sila sa isang daan na may malaking sign na “WELCOME TO BARYO LIBIS”, hindi na maganda ang kaniyang pakiramdam sa paligid. Tila ang bawat daan ay nauulit at lumiliko sa bawat isa. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakapansin nito. Maliblib at punong-puno ng matatayog na puno sa paligid. Walang kabahayan na makikita at ibang mga sasakyan. Tumaas lahat ng kaniyang balahibo dahil tila ba pakiramdam niya’y nasa isa siyang horror movie. Ngunit naisip niyang mas mabuting mag-obserba muna.
Mula sa likod ng sasakyan, lumiyad si Joyce upang makita ang ginagawa ng kaniyang kaharap na si Lyca. Ngumiti naman ang huli. “Ano ‘yang sinusulat mo?” tanong ni Joyce sa kaniya.
“Panahon na para lagyan ng conflict ang story ni Hincy at Lloyd,” sambit nito habang nagtitipa ng mga letra sa kaniyang cellphone, tinutukoy nito ang mga karakter sa kaniyang kwento.
Mahilig sumulat si Lyca ng mga kuwentong tungkol sa pag-ibig, ilan sa mga kuwento niya ay nailimbag na. Ngayon ay pinagkakaabalahan niya ang bago niyang kuwento na tungkol sa mga nabanggit niyang pangalan ng karakter. Si Lyca ay kinse anyos, siya ay mayumi at disente manamit. Karamihan sa mga suot niya ay may manggas at mahabang palda, kadalasan ang mga kulay nito ay puti at mga nude colors.
“That’s right,” sagot ni Joyce. “Napansin ko rin na sa mga first chapters mo ay puro light at kilig. Minsan talaga kailangan lagyan naman ng problema ang mga bida para sa character development.” Dagdag pa niya bago bumalik sa pagkakaupo, katabi ni Maria.
Si Joyce naman ang pinakamatanda sa grupo, siya ay labing-siyam na taong gulang na. Pareho sila ni Lyca na may halong romance genre, ngunit ang kaniaya ay umiikot sa mundo ng mga werewolf at bampira, may halo rin itong e*****a kung kaya’t mabenta rin ang mga libro niya. Boyish manamit si Joyce, puro denim pants ang suot nito. May katabaan ng konti si Joyce kumpara sa kanilang lahat. Ang isa pang unang mapapansin mo rito ay kulay purple ang buhok nito, mahilig kasi ito magpakulay ng buhok. Bukod sa pagsulat, isang natatanging talento ni Joyce ay ang pagtugtog ng gitara at pagkanta.
“Patayin mo na lang yung dalawang bida,” mungkahi naman ni Jericho, nang dahil d’on ay binatukan siya ni Jessa.
Sa kanilang lahat, si Jericho ang pinakamahilig sa brutal at katatakutan, iyon rin ang genre ng mga kwentong sinusulat niya. Simple lang manamit si Jericho, kadalasan ay mga shorts at tshirt lamang. Kulot ang buhok nito at nakasalamin. Siya naman ay labing-anim na taon.
“Hindi naman mystery ang genre n’on, Echo!” saad ni Lyca. “Kaya kung ayaw mong gyerahin ng mga readers, dapat mas manaig ang forever!” dagdag pa niya.
“Sorry naman, wala akong alam d’yan,” sagot ng kausap.
“Sabagay, creeps ka kasi!” natatawa namang saad ni Jessa.
Si Jessa naman ay labing-walong taong gulang. Siya ang e-girl ng barkada, kadalasan ng mga suot nito ay kulay itim. Siya ‘yong tipo nang babae na parating may eyeliner kahit nasa bahay lamang. Ang genre naman na sinusulat niya ay horror at paranormal. Magkatulad sila ni Jericho sa gan’ong bagay ngunit madalas sila ang hindi nagkakasundo at nag-aasaran. Pilya kasi itong si Jessa kahit minsan walang ekspresyon ang mukha, seryoso lang, hindi mo alam kung nagbibiro lang ba talaga siya. Minsan ay makikita mo siya sa sulok na naka-earphones lamang at walang pakialam sa mundo. Bihira lang ito magsalita at sumabat sa mga usapan.
Ngumiti lamang si Jericho sa sinabi ni Jessa. “Pero may mga succesful na kwento na hindi na kailangan ng love,” dagdag niya, seryoso ang mukha.
“Napakabitter mo,” umiirap na sabi ni Maria habang hinahaplos-haplos ang kaniyang mahabang buhok. Si Maria naman ay may kutis na kasing kulay ng suot niyang puting blusa, at mahilig sumulat ng mga kwentong may genre ng mystery, thriller, at detective stories. Kasing edad niya si Lyca, ngunit siya ang tinuturing na bunso sa barkada. Siya rin kasi ang pinakabagong myembro ng kanilang grupo, wala pa siyang naililimbag na libro. Kadalasang suot ni maria ay mga maiikling damit na pastel ang mga kulay.
“Hindi naman kasi laging may forever,” sambit ni Joyce, sumasang-ayon sa sinabi ni Jericho. Matapos sabihin iyon ah humarap siya kay Lyca. “Iyang story mo Lyca, pwede mong lagyan ng kahit ilang suliranin pero huwag lang brutal,” bilin nito sa kaniya.
“Yeah,” pagsang-ayon ni Lyca rito. “Para na rin hindi magsawa ang mga readers sa takbo ng kwento.”
“At para may touch of excitement!” dagdag naman ni Maria.
“Excitement ka r'yan Maria!” pagkokontra ni Jessa, hinagis pa ang maliit na unang yakap niya. “Ituloy mo na yung story mo, uy! It’s your first time to write a mystery book, abangan namin ni Jericho ‘yon!”
“Nabablanko pa ako, hahanap muna ako ng inspiration,” saad naman niya.
“Ayiiie! ‘Yang si Benny! Available, anytime, anywhere!” pang-aasar ni Lyca na ikinatawa nilang lahat.
Napairap si Maria sa natinig sabay hawi ng buhok, “Never in my cute dreams.”
Umakto naman si Joyce na tila nasasaktan ang puso, “Sakit no’n Ben! Ano say mo?”
Napalingon saglit si Ben sa kanila at napangiti, “Who you siya sa’kin kapag nagka-abs ako!”
Kanina pa ito tahimik at nakikinig lamang sa usapan. Siya ang driver ng sasakyan kaya mas nakapokus siya sa pagmamaneho. Nalilito na rin kasi siya sa kanilang dinaraanan kung kaya’t malalim ang iniisip nito. Si Ben naman ay labing-pitong taong gulang. Kadalasan ang mga suot nito ay Korean outfit inspired. Pilyo rin ito at mahilig magpatawa, isa sa mga dahilan kung bakit parating masaya ang grupo nila.
“Kabahan ka na, Maria!” natatawang saad ni Joyce rito.
“Speaking of Benny, alam mo ba kung saan tayo pumupunta?” Napalingon ang lahat kay Jericho nang sabihin niya ‘yon. “Para tayong naliligaw.” Nag-aalalang saad niya. Naisipan niya nang magsalita ukol rito dahil tila walang patutunguhan ang tinatahak nilang daan.
Napahinto silang lahat sa pagtawa at nagpalinga-linga sa paligid, doon nila napagtanto na may punto nga si Jericho. Natahimik silang lahat. Ang dapat kasi ay may nakikita na silang mga buildings sa paligid pero tanging kakahuyan lamang ang nadaraanan nila.
Napalunok naman si Benny nang mapunta sa kaniya ang tingin ng lahat, kanina niya pa ito gustong sabihin sa kanila pero hindi niya alam kung papaano.
“Ang totoo n’yan guys-” hindi nito maituloy ang sasabihin samantalang naghihintay sa kaniya ang lahat.
“Ano?” naiinip na sambit ni Joyce. “Benny naman e.”
Tumikhim ito bago naglakas loob na magsalita, “Naliligaw talaga tayo!”
“Naliligaw lang, walang tayo,” pambabara ni Maria sa kaniya.
“Hoy, huwag ka ngang humugot,” pagalit na saad ni Joyce sa kaniya, napanguso naman ito.
“Seryoso ba ‘to? Paano ‘to nangyari?” Nag-aalalang tanong ni Lyca, busy kasi siya sa pagsusulat kanina dahil may hinahabol siyang deadline, kung kaya’t hindi niya na napansin ang dinaraanan nilang lugar.
Napasapo ng noo si Maria, “Sabi ko naman sa inyo dapat kumuha na lang tayo ng driver.”
“Ben, akala ko ba alam mo?” tanong ni Jessa. Bumaba ang tingin ng Ben, puno ng guiltness ang mga mata.
Sunod sunod ang reklamo ng mga ito at halatang hindi makapaniwala. Si Joyce na mismo ang pumigil sa kanila. Bumuntong-hininga muna ito bago magsalita.
“Tama na ‘yan, huwag na tayong magsisihan. May nakikita ba kayong mga bahay na pwede nating pagtanungan?”
Sabay sabay na sumagot ang mga ito, “Wala.”
Nahinto sila sa pag-uusap nang biglang dumausdos ang kanilang sinasakyan. Napakunot ng noo si Ben, lumabas siya at nagtaka ng makitang hindi naman ito flat o may kung ano sira.
Pumasok muli siya sa loob at tumitig sa mga kasama niyang naghihintay ng sagot. Nagkatitigan sila. Nagtataka man si Ben, sinubukan niya pa rin itong paandarin ngunit desmayado siya nang hindi ito gumana.
“Ayaw umandar," halos naiiyak na saad niya.
Nang marinig ito ng mga kasama ay mistulang pinagsukluban sila ng langit at lupa. Wala silang nagawa kundi bumaba sa saksakyan. Kaniya-kaniya silang nagmasid sa paligid. Matataas ang mga puno. Walang kabahayan. Walang katao-tao. Nasaan sila?
“Masyadong liblib dito.” Komento ni Jessa.
“Paano pa tayo makakabalik?” tanong naman ni Maria.
“Sorry guys,” nakayukong sabi ni Benny. Nakokonsensiya siya dahil kagagawan niya kung bakit sila napunta sa ganoong sitwasyon.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Pinag-iisipan ng lahat kung ano ang dapat na gawin.
“Meet up dapat ‘to, hindi ganito.” ani Maria.
Nagsisimula namang maluha si Maria nang mag-sink in sa kaniya ang nangyayari. Excited pa naman siyang makita ang ibang mga kasama. May sampung katao pa na nasa ibang sasakyan, nauna na ang mga ito at siguradong nagsasaya na sila. Habang sila, naririto sa isang lugar na hindi nila alam kung saan.
“Ganitong ganito yung mga tipo ng palabas na pinapanood ko,” biglang sabi ni Jericho. Sa kanilang lahat, siya lang ang kalmado. Pero hayan nga’t kakaiba ito mag-isip. “Alam niyo yung The Hills Have Eyes o kaya Wrong Turn? Parang ganito yun eh,” dagdag pa niya.
Napatingin naman si Maria sa kaniya at parang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. “Bubugbugin ko na talaga ‘tong si Echo. Isa pa, tignan mo," aniya.
Nag-peace sign si Jericho upang mabawasan ang inis nito. “Joke lang," sambit niya.
“Pwes, hindi nakakatawa,” nakangusong sabi nito habang pinupunasan ang mga luha.
“Kung malaman mo ba namang may mga zombie na kumakain ng human brains sa real life, talagang hindi mo na alam ang gagawin mo,” dagdag pa ni Jericho kahit na masama na ang titig ng mga kasama sa kaniya. Pinipigilan nito ang tawa. Wala namang magawa si Joyce kundi mapa-facepalm.
“Nakakatakot pa lang magsamasama ang nga writers sa mga ganitong sitwasyon,” naiiling na sambit ni Jessa. “Grabe ang mga imagination niyo, guys. Pwede ba? Isipin niyo na lang kung paano tayo tatakas sa mga werewolves mamaya,” natatawang dagdag niya.
Si Jessa na tanging naniniwala sa existence ng mga bampira at asong lobo.
“Isa ka pa.” saad ni Maria, mas lalo siyang naluha sa pang-aasar ng mga ito. Mababaw lang kasi ang luha niya. Nagpeace sign naman si Jessa sa kaniya, panggagaya nito kay Jericho.
“Teka, ‘di ba mystery at thriller naman ang sinusulat mo, Maria?” nagtataka namang tanong ni Lyca sa kaniya dahil ngayon niya lamang ito nakitang takot na takot.
“Yes. Pero hindi niyo ba alam na mas matatakutin ang mga mystery writers dahil na rin sa impluwensiya ng sinusulat nila?” saad ni Maria. “Mas nauuna kaming matakot sa isinusulat namin. Kaya kung kaya nitong mabuo sa mga imahinasyon namin, paano na lang sa totong buhay? Minsan nga nabibigla na lang ako sa mga ginagawa kong crime scenes," paliwanag niya.
“Ang seseryoso niyo kasi,” natatawa nitong sabi. “Pwede naman tayong humingi ng tulong. Low battery na ba mga cellphone niyo?” tanong niya.
Isa-isa nilang chineck ang mga dalang cellphone ngunit pare-parehong walang signal. Tila ito na nga ba ang kinakatakutan ni Maria, katulad ng sinasabi ni Jericho at Jessa. Hindi niya maisawasang maisip ang mga ito.
“Hindi pa naman, pero walang signal," sagot ni Jessa.
Naiinis si Ben habang sinasabunutan ang sarili. “Wala akong load, damn!" reklamo nito.
Bumuntong-hininga Joyce ngunit nananatiling kalmado. “Wait, I’ll try to make a call," saad niya.
Pagkatapos sabihin iyon ay paulit-ulit nitong sinubukang tumawag ngunit wala talaga. Hanggang sa bigla na lamang itong gumana.
Sabik na binalita ito sa mga kasama, “Guys, natawagan ko na sila Miss Marela!”
“Hello?” saad niya sa kabilang linya. Magulo ang mga kausap sa kabilang linya at hindi niya marinig ng maayos. “Hello?” pag-uulit niya.
“Ano? Kumusta? Nasaan na kayo?” sambit ng kausap sa kabilang linya.
“Help us!” saad ni Joyce at mahinahong ipinaliwanag sa kausap ang sitwasyon na nangyari sa kanila.
“Paano nangyari iyon? Ang alam ko ay nakasunod lang kayo sa amin.”
“Damn it. Hindi namin alam,” dismayadong tugon niya.
“Paano ‘yan? Nandito na kaming lahat. Kayo na lang ang hinihintay.”
Nalungkot siya sa narinig. “Ano pa ng bang magagawa namin? Nandito na kami.”
“Susubukan naming i-trace kung saan kayo napadpad. But I think two days pa bago kami makabalik at mahanap kung saan kayo nag-stop.”
“What? Two days?!”
“Yeah. I’m sorry, but I think there’s nothing we can do.”
Matagal na natahimik si Joyce, nag-iisip ng nararapat na gawin. Mayamaya pa ay napahinga siya ng malalim. May kung anong determinasyon ang mababakas sa mga mata niya nang sandaling iyon.
“Gagamitin na lang namin itong place na ito to write a story. Para naman hindi masayang yung mga araw na nandito kami. Enjoy na lang kayo diyan,” malungkot niyang saad. Labag man sa loob ay wala silang magawa.
“Pero please guys, tulungan niya kami. Kailangan namin ‘yon. Kung mas magagawan ng paraan agad, please.”
Nagsalita ang sa kabilang linya ngunit hindi niya na talaga ito maintidihan. Hanggang sa humihina nang humihina ang bawat salita.
“H-hello?” pag-uulit niya ngunit wala nang nagsalita sa kabilang linya.
Tumingin siya sa mga kasamang nagtatanong ang mga mata, naghihintay ng sasabihin niya. “Wala na ang tawag,” sambit niya.
Napahilot ng noo si Joyce dahil sa panibagong problema, “Anong sabi?”
“Susubukan daw nilang i-trace itong place. Kaya lang ay baka umabot ng dalawang araw bago nila tayo masundo.”
“Tuloy ang party party nila?” may bahid ng lungkot na tanong ni Maria.
Dahan dahang umiling si Lyca, “Malas naman.”
Panlulumo at panghihinayang. Iyon ang nararamdaman nilang lahat. Parang sa isang iglap, bigla na lang silang napapadpad sa isang hindi pamilyar na lugar. Tilad ng isang kwento na hindi na kailangan ng mga paliwanag, ang kailangan na lang nilang ggawin ay sumunod sa agos ng mga pangyayari.
Napalingon si Jericho sa dumidilim na kalangitan. Tila nakikisama sa kanilang takot na nararamdaman. Mas lalong nagdulot iyon ng pag-aalala kay Jericho. Kailangan nila ngayon makahanap ng matutuluyan upang mapalipas ang gabi. Delikado ang panahon ngayon at hindi nila alam kung nasaan sila, maraming bagay na hindi maganda ang posibleng mangyari.
“As far as I remember, may nadaanan tayong parang baryo kanina. Kaya lang hindi na natin ‘yon pwedeng balikan dahil gumagabi na. At ang mas malala, yung sasakyan, sira pa.”
Natarantang muli si Maria nang marinig iyon. “Anong gagawin natin? Mag-stay dito? It’s not safe here!”
“I know, “ saad ni Jericho, “Kaya maghanap muna tayo ng posibleng matutuluyan pansamantala.”
“Hindi ba ‘yon mas delikado?” tanong ni Lyca. “Hindi naman natin kilala ‘yong mga nakatira dito.”
May punto ito ngunit mas mabuti na iyon kesa sa daan sila matutulog.
“As if we have a choice,” naiiritang saad ni Maria.
Isa isa nilang binitbit ang mga gamit at sama-samang naglakad. Lukot pa rin ang mukha ni Maria. Kumbaga sa isang story, ito iyong biglang turning of events na pinakakinaaayawan niya. Ngunit hindi niya mawari kung bakit tila hinahatak siya ng kakahuyan na magpunta roon.
Ilang segundo pa ay nagsimulang manlaki ang kaniyang mga maya. “G-guys, may d-daan,” nauutal niyang sambit habang itinuturo ang isang lagusan na tila pinasadyang ilihis ang mga mahahabang d**o roon.
At doon na nagsimula ang kanilang paghahanap…