"Maliit masyado." Nakayukong wika ng dalaga habang ng gg pilit na pinagtitimpi ang sarili. Sa buong buhay kasi niya ay ngayon pa lamang siya naka-encounter ng bastos at aroganteng customer.
"Naliliitan ka ---"
"No! I mean, ang liit ng picture. Pero sige carry na." pigil ang pagkunot ng noo na sabi ni Camerone sabay angat ng tingin at ngiti ng pilit sa binata. Mabilis niyang kinuha ang picture at walang tinging isinilid ito sa drawer.
"Kailan kaya yan matatapos?"
"My marketing staff will tell you sir. May form ka rin na ifi-fill up doon and you'll give a deposit." Tumayo si Camerone at nagtungo sa pinto para buksan. Tinawag niya si Sheila para asikasuhin ang customer. Bahagya pa niya itong pinandilatan dahil nanalamin at naglip-tint pa ito bago tumalima.
"Sir, dito po tayo." Anang dalaga sabay giya sa mesa ng assistant.
"Ah okay."
Halos lumuwa ang mga mata ng mga staff niya nang lumabas mula sa kaniyang silid ang panauhin. Nang maupo na ang lalaki sa mesa ni Sheila ay mabilis na isinarang muli ng dalaga ang kaniyang silid.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha at napakamot sa ulo nang maupo siya sa kaniyang swivel chair. She was embarrassed. Pulang-pula ang kaniyang mukha at tenga nang alalahanin ang sinabi nitong iguhit siya ng nakahubad. For Pete's sake, may kahihiyan pa ba ang lalaking iyon?
Manyakis yata ang lokong iyon.
Wouldn't you try to take a glance of his glory? Bulong ng isang maliit na tinig sa isip niya.
Camerone, maghunus-dili ka. Para kang baliw. Eh baka pornstar ang lalaki yon.
Marahang hinilot ng dalaga ang kaniyang noo sabay sandal sa silya. Pikit mata niyang iwinawaglit ang imahe ng lalaking sa isang iglap ay rumihistro sa long-term memory niya. Sino ba naman kasi ang babaeng di matatablan kung makakita ng ganoon? He's thick and huge.
Hindi siya bulag at bobo upang hindi ma-infer ang bagay na iyon. Ayaw na ayaw pa naman niyang makakita ulit ng ganon. Hindi dahil konserbatibo siya kundi kinikilabutan siya.
It brought her back to a nightmare which she buried a long time ago. A dark memory hidden in the innermost part of her brain. At ang alaalang iyong ang dahilan kung bakit ayaw niyang magboyfriend. Hindi ayaw, mas tamang sabihin na takot siya.
--------------------------------------------------------------
"Uhm, magkano ang ide-deposit ninyo sir para mabigyan ko kayo ng resibo?" ani Sheila habang naglalaway na nakamasid sa lalaking nakayuko at nagsusulat sa isang piraso ng papel.
"What's the name of your artist?" August asked without raising a sight.
"Camerone Lofranco., sir." Kaswal na sagot ng babae.
"Ah okay. I'll pay half. Puwede ba cheque?"
"Walang problema sir. "
Dumukot ng wallet si Augustus sa likurang bulsa at kumuha doon ng isang piraso ng papel at pinirmahan niya.
"Puwede bang humingi ng contact number sa inyo? I mean, para maka-inquire ako if tapos na ba or idedeliver na ba ang portrait."
"Bibigyan ko na lang po kayo ng calling card."
"Thanks. By the way, mga ilang araw kaya matapos ng artist niyo yan?"
"Mga after a week po. But since Christmas is coming baka sa susunod na lingo pa po matatapos."
"Okay. Tatawag na lang ako after a week kung saan ko ipapadeliver."
"Sige po sir." Ani Sheila sabay bigay ng resibo sa binata. Bago pa tumayo si Augustus ay napasulyap pa ito sa gawi ng opisina kung saan naroon ang dalagang painter. Eksaktong pagtaas ng tingin ng binata ay siya namang paglabas ni Camerone. He caught her off guard of his presence. Hilaw na ngumiti sa kaniya ang dalaga dahilan upang mapangisi siya.
"Na-nandito pa pala kayo sir." Anang dalaga at mabilis na nagbawi ng tingin.
"Paalis na rin naman ako." Aniya sabay suksuk sa wallet pabalik sa bulsa.
"Oh, I see. Salamat nga pala sa pagbili ng aming serbisyo."
Camerone tried to be as casual as she can be. Pero ang totoo'y kanina pa siya naaalibadbaran sa presensiya ng binata.
"I choose your shop dahil alam kong magaganda ang mga art pieces niyo. At saka..." He prolonged his words and then stared at her intently.
"At...saka... maganda rin ang painter dito."
"Uhuh!" umubo si Charles sa narinig at ang dalawang babaeng staff ay biglang napayuko. Si Camerone naman ay bigla ang pagragasa ng dugo sa ulo. Her face turned red even her ears too.
"Ah,, salamat. By the way, Jasmine, Charles at Sheila, I'll go. Mauna na ako-----"
"Would you mind if I'll take you a ride?" Sabat ni Augustus na sadyang tinutukso ang dalaga. He liked the view of her holding back her temper. He found her so cute and adorable. Kailanman ay hindi niya iyon naramdaman kay Zoie.
"I'm sorry but I have a car. I'll go ahead. Excuse me sir."
Mabilis ang mga hakbang na lumabas ng shop si Camerone. Kating-kati na siya sa presensya ng insekto sa loob. Kung hindi lang dahil sa hanapbuhay ay hindi niya kailanman tatanggapin ang offer nito. Binuksan niya kaagad ang sarling kotse at pinaharurot ito.
"Dammit! Napakabastos ng lalaking iyon." Bulalas niya sabay hagod sa buhok paitaas. Lukot ang mukhang nagmaneho siya sa kahabaan ng EDSA.
Maya-maya ay bigla siyang na-stuck sa traffic. She glanced at her watch. It's already 5:50 in the afternoon. Hindi na ikakatakang ganito kabigat ang trapiko sa dakong iyon. Habang naghihintay na umusad ang daloy ay may naisip siya. Kaagad niyang hinagilap ang cellphone sa dalang bag at idinayal doon ang isang numero. She heard the ringing tone on the line the suddenly a man's voice appeared.
"Oh, macaroni, ano ang itinawag mo?"
She tsked as she heard that annoying "name tag" her gay friend Val called her.
"Hoy bakla. Puwede ayusin mo naman ang pangalan ko. I'm not in a good mood."
"Palagi ka namang wala sa mood kapag tatawag eh."
"Vallero!"
"Ay grabe. Ni-spell out talaga ang name ko."
"Nasaan ka Ba ngayon?"
"At bakit?" mataray na wika ng bakla.
"May raket ako sayo. At akam kong magugustuhan mo." She smirked.
"Aba! Tamang-tama wala akong kapera-pera ngayon."
"Kasi panay ang panlalaki mo. Alam mo ..ilang libo na ba ang naibigay mo sa boyfriend mo?" lintanya ng dalaga. Sa wakas ay unti-unti ng umuusad ang trapiko ng mga sandaling iyon.
"Beh, hindi ako kasingganda mo. Kaya kailang kong datungan ang boylet ko upang magstay siya sa akin noh."
"Masarap ba talaga ang lalaki?" she bit her lower lip. Bakit ba niya naitanong iyon? OMG! Naalala niya ulit yung ano ng lalaking nasa larawan. Gosh! Nagka-pollutant yata sa utak niya.
"Ayan! Ayan! Bakit ka nagtatanong beh? Gusto mo tumikim?"
"Gaga! Kung nagtanong ba, gusto na kaagad? Hindi ba puwedeng curios lang---Teka asan ka ba?"
"Narito sa salon ko."
"Mabuti naman. Pupunta na ako dyan."
"Macaroni naman pauwi na ako te, naghihintay na si papa ko----"
"Hoy! Hoy! Uunahin mo pa ba yang papa mo kung dahil sa raket na ibibigay ko sayo ay kikita ka ng one hundred thousand---"
"Really?"
"Yeah! At may isa pang bonus..." she grinned because of the thought that he would surely like the view of the image.
"Ano yun ha?"
"Ah, basta! I'm sure matitigasan ka..."
"Gaga! "
Camerone burst into laugh.
"Maghanda ka diyan ng hapunan natin bakla."
"Wala nga akong pera, Macaroni."
"Mag-order ka. Akon a ang bahalang magbayad pagdating diyan."
"Okay, I'll be there before seven. Bye!"
-----------------------------------------------------------------------
Eksaktong alas sais singkwenta ng gabi ay pumarada sa labas ng Val's Beauty Haven ang kotse ni Camerone. Mabilis siyang pumanaog sa sasakyan nang Makita ang guwapong bakla sa labas ng shop nito na hahaba-haba ang leeg sa pagtanaw sa kung saan.
"Hoy! Sino ba ang tinatanaw mo diyan? Para kang giraffe."
"Inaabangan ko lang naman senorita ang food courier. "
Natawa ang dalaga at nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng shop. Val is also an artist. Ngunit freelance lang ito dahil mas interesado ito sa mga ka-bekihan. Classmate niya ang bakla sa hayskul at kung tutuusin ay mas magaling talaga ito kaysa kaniya. Madalas itong sumasali sa mga poster making noon at charcoal rendering. Nagkataon lang na hindi ito nakapagtapos sa college dahil na rin sa kahirapan kaya hindi nalinang nang maigi ang kakayahan.
Pasalampak na naupo si Camerone sa couch sabay hubad sa suot na sapatos. Napangiti siya nang makitang dumating na pala ang food courier. Sinigawan pa siya ng bakla na bayaran ito dahil malimit ang kita ngayong araw sa salon. Natatawa siyang naglakad palabas habang sinisipat ang ilang coins sa kaniyang wallet.
"Thanks , boy!" malanding wika ni Val na bahagya pang pinapungay ang mga mata. Napailing si Camerone at binatukan ang kaibigan.
"Boy, huwag kang pabibiktima sa baklang to. Wala tong pera. Oh, heto, bayad. Keep the change na lang." anang dalaga sabay kindat.
"Naku, salamat maam."
Nakangiting pinaandar ng lalaki ang motorsiklo pagkatapos ay sumibad na paalis. Pumasok na rin silang dalawa pabalik sa loob.
"Nakapagsaing ka na ba?"
"Oo, senorita. Maghahain na po. Mainit na mainit pa po ang kanin sa rice cooker."
"Hahahaha! Very good. May tip ka sa akin ngayon."
"Teka nga Macaroni, ano ba yung raket na sinasabi mo? Na-eexcite ako.' Anang bakla sabay unplug sa rice cooker na nakapatong sa maliit na lamesa.
Kumuha ng mga pinggan at kutsara si Camerone sa dish tray at inilapag sa mesa bago nagsalita.
"I have a client."
"Tapos?"
"Charcoal Portrait ang ipapagawa niya. Siguro ipanregalo niya yon sa girlfriend niya."
"Oh, diba magaling ka naman doon."
"Komplikado kasi. It's a nude portrait."
"WHAT?"
"Teka, kukunin ko muna sa planner yung picture niya para Makita mo."
Tumayo si Camerone at tinungo ang bag na nasa couch. Napangiwi siya nang Makita doon ang hubad na hambog na Adan. Tsk!
Dali=dali siyang bumalik sa mesa at pahampas na inilahad sa mesa.
"GOSH! SINO ITECH?"
Ngumisi ng mapakla ang dalaga at umupo na para makakain na sila. Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang napako ang pansin ng bakla sa litrato.
"O, diba? Larawan pa lang...naglalaway ka na."
"Hoy Macaroni, saan mo ba nakilala ang papable na itech? Ang guwapo niya. Half Filipino yata to?"
Tumango lang si Camerone sabay nguya ng fried chicken.
"Type mo yan. Maginoo pero bastos." She smirked after swallowing.
"I'm getting wet na."
"Gaga! Maghunusdili ka nga. Masapak kita dyan. Ang bastos mo."
"Sino kasi ito?"
"Ano nga yung pangalan ng mokong na yan? Ah, Aug..Augustus Mondragon daw. He's my client. Alam mo bang isang milyon ang ibabayad niya sa portrait nay an."
"WHHAATTT? " Halos lumuwa ang mata ni Val sa kaniyang sinabi. Natigilan nga ito sa pagsubo ng pagkain.
"HOY!"
"Ganon kayaman ang papa ko?"
"Yeah! Siguro..."
"So, anong papel ko dito?"
Tumitig muna si Camerone sa mukha ng bakla bago ngumisi ng pilya.
"Since, alam kong gaganahan kang magngudngud ng charcoal pencil habang nakatingin ka sa kahubdan ng hayop na yan, ikaw ang gagawa niyan. 50-50 tayo sa sharing. Ikaw na rin ang makipagtransact sa kaniya dahil hindi ko kaya ang apog ng taong yan.Napakaarogante te!"
"Pero magpapasko na Macaroni."
"Isipin mo na lang na magkakaroon ka ng kalahating milyon. Ilang buwan mo yun kikitain."
"Eh, wala na akong kagamitan te,"
"Don't worry. Ako ang bahala sa lahat."
"Okay, game! Ang sarap nito te." Bumulalas si Val at hinagkan pa ang larawan. Nandidiring ngumisi si Camerone.
"Hayuk ka talaga diyan ano?" anang dalaga.
"Alam mo Macaroni,,bitter ka lang kasi hindi ka pa nakatikim niyan. Hahahaha"
"Hoy bakla! Baka sa sobra mong kalandian may AIDS ka na."
"Grabe ka naman te. Teka nga, magtapat ka nga sa akin. Hindi mo pa ba talaga na-experience ang makipagsex?"
Bahagyang pumormal ang mukha ni Camerone at umiling ng marahan.
"Te, matanda ka na. Dapat ma-experience mo na yan sa edad mong yan."
"Bakla, ako ang babaeng walang landi sa katawan."
"Wag magsalita ng tapos te."
Matapos ang halos isang oras ay pinasya na ni Camerone ang umuwi na. Nagpaalam na siya kay Val at pumasok sa sasakyan. Sinipat niya ang kaniyang relos at natantong malapit ng mag-alas otso ng gabi.
"Akala siguro ng lalaking iyon naguguwapuhan ako sa kaniya." Bulalas niya habang nagdadrive pauwi.
----------------------------------
"Hindi pala nagugwapuhan ha. Tingnan lang natin sa susunod nating pagkikita."
Napangisi ng masama si August habang nakatingin sa maliit na camera sa loob ng kaniyang kotse.
He was able to install a spy camera inside Camerone's car.
YEAH! He followed her.
why?
He didnt know.