Chapter 5

2302 Words
"Merry Christmas everyone!" "Merry Christmas!" Halos magkasabay na bati ng lahat ng mga kasapi ng pamilya Mondragon ng sandaling iyon. Its 12 midnight and Noche Buena has come. Masayang masaya ang lahat na may kani-kaniyang regalong binalot para sa exchange gifts na gagawin nila pagkatapos ng salu-salu. Ngunit bago ito ay tinapos muna nila ang kanilang maikling programa sa pamamagitan ng dance number ng anak ni Demitry at Dana na sila Sophia at Inigo. Pinalakpakan ng lahat ang dalawang bubwit pagkatapos ay magkasabay na kinarga njg kanilang lolo sa mga bisig. "Are you excited for exchanging gifts? Sino kaya ang monito at monita ninyo?" natatawang wika ng abuelo habang hinaghagkan ang dalwang makukulit. "Halina kayo... Its Noche Buena time. Kailangan sabay-sabay tayong kumain." Pasigaw na wika ng abuela sabay palakpak para agawin ang pansin ng mga anak na naroon at nagtatawan habang nanonood ng kanilang fireworks display. "Barbeque is coming." Ani Voltaire na dala-dala ang tray ng mga lutong chicken barbeque papasok ng bahay. Magkatulong sila ng asawa ni Manang Helen sa paghanda n'on. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang putaheng inihanda para sa salu-salu. Arizton cooked roasted turkey na pinahiran ng spiced honey also his favorite beef tenderloin steak. Hindi nakatulong si Crystalle dahil abala ito sa pag-aalaga sa kanilang baby. Si Demitry naman at Dana ay naghanda ng mga sweets tulad ng macaroni salad, leche flan at carbonara. Si August ay nagluto ng alimango at maanghang na bulalo kasama niya si Zoie sa paghahanda ng mga iyon. Si Marjorie, ang kanilang bunsong kapatid ay siyang nakatoka sa buong programa kasama na ang mga pakulo sa exchanging gifts. Dumulog silang lahat sa mahabang lamesa at nagdasal bago nagsipagkainan. "I'm so glad na kumpleto tayo this Christmas." Anang matandang Mondragon. "Pa, palagi na tayong ganito KADA Pasko." Ani Arizton. "I second the motion." Bulalas ni Voltaire na nagthumbs-up pa kahit di magkamayaw sa pagkain ng babrbeque na mainit pa. "Well, let's make this a family tradition since we are expanding. Lalo pa't ikakasal na itong si August." Nakangiting wika ng mama nila. "Yeah, yeah! Basta bawal ang umabsent sa ganitong pagtitipon." Si Demitry. " By the way hijo, hows your therapy? Okay na ba? Inip na inip na si Dana oh" Tumawa lang ng bahagya si Dana na abala sa pag-aasisst sa kumakaing kambal. "Ma, don't worry. Madadagdagan na yang dalawa next year. Sana kambal rin." "Dan, may lahi kayong kamabal?" sabat ni Cyrstalle na naroon sa tabi ni Arizton. "Oo, sa father side ko." "Crystalle hija, ano nga ba ang explanation ng science tungkol dyan?' tanong ng father-in-law. "May dalawa kasing klase ng twins pa. As Dana's case dahil fraternal naman sila, ibig sabihin na during that time, nag-release ng dalawang eggs yung katawan niya. So dahil may kontak, dalawang egg ang nafertilize ng dalawa ring sperm." "Ah ganon pala yun ate.? " si Marjorie. Tumango si Crystalle sabay subo. "August, anong plano ninyo ni Zoie?" Napaangat ng tingin ang binata na busy sa kakapapak ng alimango. "Actually tita, he already proposed to me." Nakangiting wika ng kasintahan ng binata. "That's good. Para naman matahimik na itong anak ko at mabigyan na rin kami ng karagdagang apo." Nakangiting pakli ng ama nila. " Papa naman, hindi pa nga kasal, apo na agad." Angil ni August. "Aba, don rin naman yan pupunta." Si Demitry. "Don"t tell me, ayaw mong magkaanak kayo?" seryosong wika ng kuya nila. "Ah...hi-hindi naman ganon kuya. Kailangan swabe lang yung hindi minamadali. Masaya naman kami ni Zioe. At itatanong ko nga sa inyong lahat kung kailan kaya puwede kayo, mama at papa, para mamanhikan tayo sa kanila." Nakangiting turan ni August. "Ayan! Ganyan nga!" "Well, its up to Zoie. Ready naman kami ng mama mo palagi." "Oo nga hija, nasabi mo na bas a parents mo ang pamamanhikan?" "Nasabi ko na po tita." "Kailan sila available? We should go there as soon as possible. Okay lang ba anak?' Anang mama nila. Hindi sumagot si August sa halip ay tumango lang. "Do not worry Zoie hija, we'll give you the best wedding you dreamed about." Segunda ng papa. "Kahit simple, okay lang naman po." "No, hindi puwede yan. We gave extravagant wedding to our Demitry and Arizton. Ganon rin naman si August. Nakita naman namin na mahal ninyo ang isa't isa ng sobra." "Puwede pa-out of topic?" singit ni Voltaire na bahagyang nakangisi. "Ano na naman yang kabulastugan kuya?" taas kilay na bara ni Marjorie. "Tumahimik ka nga dyan. Hindi naman ikaw. Kapatid kong August, saludo talaga ako sayo brad dahil natuto ka na rin saw akas maging stick to one. Tanong ko lang, handa ka na ba? I mean, pagnag-asawa ka brad bawal nang tumingin sa iba." Halos magkasabay na natawa si Demitry at Arizton sa tinanong ng kapatid. Natawa ng mapakla ang binata. "Hoy! Kayo tumigil nga kayo. Kayo na rin ang nagsabi na stick to one ako diba?' sinamaan niya ng tingin ang mga kapatid. Nagpatuloy sila sa pagkuwentuhan habang kumakain. Mag-aala-una na ng madaling araw nang matapos silang lahat doon sa dining room. Dumiretso kaagad silang lahat sa living room kung saan gagawin ang kanilang exchange gifts. Matapos magpalitan ng regalo ay nagsimula na silang magvideoke habang ang magkakapatid ay nagka-inuman muna sandali sa balcony. Pasado alas 3 na ng madaling araw tuluyang natahimik ang mansion. - ------------------------------------ Two weeks later. Kasalukuyang nasa Mondragon's Pad si August ng hapong iyon nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kakaalis lang ni Zoie para sa Fashion week na gaganapin sa London. Isang linggong mawawala ang kaniyang fiancée kaya noong nakaraang gabi ay pinagsawa nila ang isa't isa. Sa ilang gabing pag-iisa ng kanilang mga katawan ay may napatunayan ang binata. He loved Zoie. And that reason is more than enough to marry her. "Hello?" he asked. The number who's calling is not registered in his phonebook. "This is Charles from Eron's Art Shop. Tapos na po ang portrait ninyo sir. Idedeliver na po namin sa address na inilagay ninyo sa form ngayong hapon. Are you there in your place?' " Yes. Ideliver ninyo na lang dito dahil nandito pa naman ako. Kung puwede ngayon na kasi may lakad ako mamayang alas singko ng hapon." 'Okay po sir.Please just ready the cash for full payment." "Sure! Walang problema." "Thanks po. See you later.' Pagkaputol ng linya ay napasulyap si Augustus sa suot na relo. Mag-aalas-dos na ng hapon. Pinasya na muna niyang maidlip para mag-ipon ng lakas. His friend Diego invited him to go to the opening of his resto bar in Global City. Gusto sana niya itong tanggihan ngunit nagdalawang isip siya na baka magtampo ito. So, he'll gonna go there this evening. Eksaktong alas tres y media ng hapon ay naalimpungatan siya nang marinig ang sunod-sunod na door bell. Alam niyang iyon na ang delivery ng painting kaya dali-dali niya itong pinagbuksan ng pinto. "Good afternoon sir. " nakangiting bati ni Charles nang bumukas ang pinto. "Good afternoon din. Tuloy kayo.' Niluwangan ni August ang pinto at naunang pumasok si Charles sumunod naman si Manong Bert na siyang nagbuhat ng painting na nakabalot pa sa newspaper. :"Sir, saan poi to puwedeng ilagay?' maang na tanong ng matanda. "Diyan lang sa gilid manong, ako na po ang bahalang magkabit nyan." Anang binata habang kumukuha ng cheque sa isang cabinet. Tahimik lang si August habang nagfi-fill up ng amount na ibabayad. Lingid sa kaalaman niya ay mataman siya tinitigan ng bakla. His hair was messy and he was wearing a very loose shirt while wearing a short. Hantad sa mapagnasang mga mata ni Charles ang balbon nitong mga binti na dumagdag pa sa nakakaloko nitong karisma. "Here!" napakislot ang bakla nang magsalita ang binata at nag-abot ng maliit na pirasong papel. "SA-Salamat po sir." "Don't worry. Pakisabi na rink ay Miss Camerone na salamat." "Makakarating po. Sige po sir aalis na kami." Tatalikod na sana si Charles nang biglang tumikhim si August. "Puwede bang magtanong?" "Yes po sir." "Ano ba August? Akala ko ba titigil ka na sa kalolokhang yan? "Ah, di bale na lang. Sige ingat kayo. Salamat ulit." Pagkalabas ng dalawang panauhin ay isinara kaagad ng binata ang pinto at bumalik sa silid. Pabagsak siyang sumobsob ulit sa kama habang naglalaro sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Camerone. Wala sa loob na napahilot sa noo si August. He is suspicious to himself. Kilala niya ang kaniyang sarili. Alam niya ang hinihingi ng kaniyang katawang lupa. Bago paman iyon makasira sa mga pangarap nila ni Zoie ay kailangan siya mismo ang kikitil rito. He once swore that he will not back to his old life anymore. Lalong-lalo ng perpekto na ang lahat sa kanila ng kasintahan. ------------------------------------------------------------ "Hi!" Isang malapad na ngiti ang isinalubong ni Camerone sa pinsang si Diego nang gabing iyon. They were paternal cousins. Isa ito sa mga mayayaman niyang pinsan na siyang tumulong sa kaniya nang maulila siya sa ama at ina. Si Diego rin ang umabono sa kapos niyang puhunan nang sinimulan niyang itatag ang art shop. Malaki ang utang na loob niya sa pinsan niyang ito kaya hindi niya ito kayang tanggihan sa tuwing may pabor itong hihingin sa kaniya. "Hoy! Ang pinsan kong NBSB.' Anito sabay yakap ng makita siya. Bumeso rin sa kaniya ang asawa nitong si Kacey na naging kaibigan na rin niya. "Okay lang yang NBSB, maganda naman." Natatawang pakli ng babae. "Alam mo pinsan, kakasuhan na talaga kita dahil dyan sa pagkabully mo. Alam mo ba yun?' natatawa niyang sabi. "Hahaha O siya, sorry na. Maganda ka naman eh. Choosy ka lang talaga----" "Correction! Hindi ako choosy. I'm just asexual person. Wala talaga eh. Hindi talaga ako nagkakagusto sa sino man." "Wag kang mag-alala, i-seset-up kita ng date dito sa resto ko para magkaboyfriend---" "Don't bother Diego." "Hahaha, okay. Hon, paki-asist na lang itong si Camerone ha. May bisita pa akong hinihintay." "Okay, hon." "Wag kang magulo Camerone ha." Paalala ng pinsan niya. Inirapan niya lang ito at tumalikod na silang dalawa ni Kacey papasok. Actually, Diego invited her to sing one song tonight. May banda naman itong hinire pero ewan kung bakit talagang gusto nitong pakantahin siya. Kahit medyo labag sa ulo eh, pinagbigyan na lang niya. Alam kasi nito na may nakakatago siyang talento sa pagkanta. Eksaktong alas-sais y media ng gabi ay nagsimula na ang opening ng resto bar. Maraming city girls at foreigner ang naroon ng gabing yon. Free kasi ang lahat ng inumin nila ng gabing iyon kaya maraming socialite party girls ang naroon. "Brad!" "Uy, Augustus Ceasar, akala ko hindi ka na darating. Ikaw pa naman talaga ang panauhing pandangal ko ngayong gabi." "Gago!" natatawang wika ni August na guwapong guwapo sa suot na brown leather jacket at ripped denim jeans. "Hahaha, akala ko talaga naman hindi ka makakarating." "Minalas kasi ako papunta rito. Pumutok yung isang gulong ng kotse ko kaya natagalan ako ng sobra. Pasensya na brad." "Okay lang. Halika na. I've prepared you a table." "Wow, VIP treatment huh." "Oo naman, ikaw kaya ang pinakaguwapo ngayon dito." "Here!" inilahad nito sa kaniya ang mesang nakalaan pagpasok. It was in the front side of the resto. Kitang kita niya mula doon sa gilid ang mga naggagalingang singers ng gabi. Tiyak siyang hindi siya maboboring doon dahil nakakaaliw tingnan ang drummers at mga gitarista ng banda. "Thanks brad. Okay na ako rito. Asikasuhin mo na yung ibang bisita mo. Kakahiya sayo." "Okay, chill ka lang muna dyan. I'll be back." Mula doon ay dumiretso si Diego sa mini stage at nagsalita para pasalamatan ang mga bisitang naroon. Ikinuwento ng lalaki ang inspirasyon niya sa likod ng pagtatag ng resto maging ang mga serbisyong ma-avail doon. "Sir, here's your whiskey."anang waiter na nagbigay ng inumin sa mesa ni AUGUST. Ngumiti lang ang binata at tumango. I could stay awake just to hear you breathing Watch you smile while you are sleeping While you're far away dreaming I could spend my life in this sweet surrender I could stay lost in this moment forever Every moment spent with you is a moment I treasure Kaagad na napaangat ng tingin sa entablado ang binata nang marinig ang malamig na boses na iyon. There he saw her shimmering lips uttering each lyric softly. He's nailed. His eyes were locked into her face. He gulped. He felt something. Don't want to close my eyes I don't want to fall asleep 'Cause I'd miss you baby And I don't want to miss a thing 'Cause even when I dream of you The sweetest dream will never do I'd still miss you baby And I don't want to miss a thing Lying close to you feeling your heart beating And I'm wondering what you're dreaming Wondering if it's me you're seeing Then I kiss your eyes And thank God we're together I just want to stay with you in this moment forever Forever and ever Pagkatapos kumanta ni Camerone ay bigla itong nagbigay ng gimik para mas lalong ma-entertain ang mga panauhin. "Hello everyone, I'm Diego's cousin Camerone and I'll be serenading few love songs to you tonight. Alam niyo nakakainggit kayong lahat. Most of you are love birds. Kaya tonight, yung unang lalaking magbibigay sa akin dito ng malamig na tubig ay jojowain ko." She said while laughing. Sumenyas si Camerone sa banda na tumogtog ulit para sa susunod na awitin nang may biglang naglakad papunta sa harapan niya. Hindi niya lubusang maaninag ito dahil sa spotlight. Ang tanging natitiyak lang niya ay matngkad ito at matikas ang pangangatawan. Hanggang sa nalukot ang kaniyang mukha nang humantad kung sino ito. It was her p*****t customer. Maang na natahimik siya at nanlaki ang mga mata nang umakyat ito sa stage at iniabot sa kaniya ang malamig na bottled water at biglang bumulong. "Starting tonight, you're mine. If you think I'm kidding, well, I'm not."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD