-----------------------------
Pilit ang ngiting nagpatuloy sa pagkanta si Camerone matapos silang i-cheer ng mga panauhin. May iilan pang sumipol at nagfinger heart nang humarap sa madla ang binata. Kakatalikod lang ni August at nakangising bumalik ito sa inuupan. Lingid sa kaalaman, lihim na napamura ang dalaga nang tumalikod na siya. Simula noon ay Hindi na natanggal sa paningin ng binata ang dilag na kumakanta sa entablado.
Camerone sang three more songs and decided to go to the counter right away. Pumwesto siya sa isang upuan at nakangiti siyang sinalubong ni Kacey.
"Kace, do you served lime juice here?" aniyang nakangiti. Sa wakas natapos rin ang pagpapakakapal ng kaniyang mukha. Maaliwalas na ang kaniyang pakiramdam dahil naka-takas na rin siya sa makamatay na titig ng lokong m******s na iyon. Siguro, hindi alam ng lalaking iyon kung paano magpatakbo ng negosyo. Huh! Syempre kailangan mong aliwin ang mga tao habang pino-promote mo ang isang bagay o serbisyo. Tsk! Such a poor man. Walang business management na alam.
"Margarita , you want?"
"Hehe, ayoko. Pero kung wala kayong lime dyan. Okay na yung tubig."
"Tubig? Diba binigyan ka ni August kanina?"
She grinned and rolled her eyes.
"Tinapon ko na. Hindi malamig. Gusto ko yung icy kasi."
"Ah, hahaha , kaya pala. Sige ipapakuha kita."
Sumenyas si Kacey sa isang crew nila at sinabi nitong kuhanan siya ng tubig na may ice cubes.
Nakapangalumbaba na iginala ni Camerone ang paningin sa mga nakahilerang inumin sa wine rack na naroon. Naaliw rin siyang tumingin sa barista napakagaling magpakitang gilas sa pagtimpla ng inumin na iba-iba ang kulay.
Camerone is not a party girl type. Siya yung smart, sophisticated at business minded na babae. For her, mga mababang uri lang ng mga babae ang pumaparty sa mga bar o kaya'y disco. She always had a conclusion to it. Nagpupunta roon ang mga kababaihan para uminom, makipaglandian or maghanap lamang ng lalaking kakamot sa kati. Pero bilib siya sa resto bar ni Diego. Its quite wholesome naman. Hindi parang p****k zone ang dating. Disente ika nga. Hindi "marumi" ang ambiance.
Nakangiti siyang nakatingin sa barista nang abutan siya ni Kacey ng kaniyang hinihingi.
"Aliw na aliw ka dyan ah."
"Oo nga. Anyway, thank you for this."
Tinungga niya ang goblet hanggang sa nangalahati ito.
"Infairness doon sa song number mo Camy ha, maraming lalaki ang bumilib sayo. Ang lakas ng palakpakan eh." Ani Kacey. She used to call her Camy.
"Hay naku Kacey! Siyempre ako talaga ang papalakpakan nila kasi wala namang ibang kumunta ng mga sandaling iyon." Natatawa niyang wika sabay sulyap sa suot na wristwatch. Kay bilis talaga ng takbo ng oras. Hindi niya namamalayan alas diyes na pala ng gabi.
"May pa-gimik ka pa talaga ah. Naku baka seryosohin yun ni Augustus."
"Asus Kacey, ako ng bahalang mag-explain doon. Marketing strategy yun oy."
"HAHAHA. Nakakaloka ka."
"By the way, where's Diego?"
"Naghahanda siya ng sisig. Ise-serve niya per table."
"Ah, ganon ba? Sige, pakisabi na lang sa kaniya na umuwi na ako.'
"Uuwi ka na?"
"Oo eh, medyo pagod na kasi ako. Galing pa kasi ako sa shop."
"Ah okay. Pasensya ka na sa pinsan mo ah. Naabala ka pa namin."
"Asus! Keribels, walang problema. O siya, I'll go ahead. I'll just visit here whenever I' m free."
"Sure! Ingat ka."
"Thanks."
Tumayo na si Camerone at hinagip ang handbag. Isinuot niyang muli ang kaniyang leather jacket at humakbang na palabas ng resto. Habang papalabas ay nakatingin siya sa kaniyang cellphone dahil sa isang text message mula kay Charles. Kunot ang noong nakatutok sa screen kaya hindi niya namalayan ang isang bultong nakasandal sa gilid ng pintuan ng bar. Nakalabas na siya lugar na iyon nang mamalayan niyang may nakasunod pala sa kaniya hanggang sa parking area. Huminto siya sa paglakad at pinakiramdaman ang bulto.
"Tama bang lagpasan lang ng girlfriend ang boyfriend niyang kanina pa siya hinihintay?"
She was startled upon hearing his voice. Napalitan din kaagad iyon ng kakaibang inis kaya pilit nagpapahinahon na nilingon niya ito.
"Sir, I do not want to be rude to you because I respect you as Eron's customer. So..."
Napahinto siya sa pagsasalita nang makitang nagpatuloy sa paglakad papalapit si August sa kaniya. He kept his hands inside his denim pocket with a cunning face.
"I'm sorry sir but I have no intention to offend you. What I told earlier inside the bar is just..uhm..gimik ko lang yon. I mean, its just a marketing propaganda."
Hindi nagsalita si August at huminto ito sa harap niya at bahagya siyang dinukwang.
"I'm sorry too. But . . . I'm taking your propaganda...seriously."
Napaatras si Camerone nang nagbabadya siyang halikan ng binata. Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling humakbang papapunta sa kaniyang kotse. She wanted to escape fast. She didn't how to handle the situation really. Dahil kung hindi pa lang ito naging customer niya, kanina pa niya ito sinapak.
Lingid sa kaniyang kaalaman, napapailing na tiningnan siya ni August lalo na ng mistula na siyang kakaripas ng takbo.
-----------------------------------
KINABUKASAN...
Maagang pumunta si Camerone sa shop. Alas-sais y media pa lang ay naroon na siya at nagbaon na lang ng pagkain para almusal. Wala pa ang mga staff niya kaya siya na ang nagbukas noon. Basa pa ang kaniyang buhok at wala pa siyang suklay. She's wearing a casual dress like she used to. Eksaktong pagbukas niya ng glass door ng pintuan ay napalingon siya bigla ng bumusina ang isang sasakyan sa tapat niya. Kunot ang noong bumaling siya dito nang makitang huminto talaga ito.
"Sino to? May customer na agad? Hala hindi pa naman ako nakapagsuklay.
"Hi!"
Biglang nagdilim ang anyo ng dalaga nang mapagsino ang taong lulan ng sasakyang iyon. Mabilis siyang tumalikod at nagmadaling makapasok sa loob. Isasara na sana niya ang pito pero huli na nang maiharang na ni Augustus ang sarili. Naging dahilan iyon upang humulagpos ang natitira niyang pasensiya dito.
"May problema ka ba talaga sa akin Mister?"
"Oo...nakakabaliw ka kasi-"
"Well, you should go to the mental hospital. Masyado ka ng nakakapurwisyo alam mo ba yun?"
"Puwede bang papasukin mo muna ako?"
"Ano ba kasing kailangan mo? Bakit sa lahat ng tao sa mundo eh ako yata ang napagdidiskitahan mo? Magsabi ka nga? May gusto k aba sa akin?" magkasalubong ang kilay na bulyaw ng dalaga.
"Bakit ko pa sasagutin yan eh girlfriend na naman kita---"
"Aba't----"
"Nandito ako para ireklamo ang shop ninyo!" He said with a cunning face again.
Mas lalong lumukot ang mukha ni Camerone sa narinig.
"What?'
"I found an anomaly of your service. Kaya papasukin mo muna ako dahil baka magbago pa ang isip ko at kalimutan na lang yon."
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at malinis ang negosyo ko."
"Eh kung sasabihin ko sayong may alam ako doon sa portrait na idineliver ninyo."
Naningkit ang mga mata ni Camerone. Pilit niyang inaalala kung saan sila nagkamali. Ngunit wala siyang maalala. Pulido ang pagkakagawa non ni Val. Ano bang anomaly ang sinasabi nito?
"Ano ang gusto mo? Anong problema doon?"
"Its not your work." He quipped.
Biglang natahimik si Camerone.
Nagbayad ako ng mahal dahil gusto ikaw ang gumawa."
Hindi siya nakapagsalita. Sinamantala iyon ni August para maluwangan ang pinto at tuluyan siyang makapasok.
"It doesn't make the portrait less. Its still originated in Eron's Art shop. So, hindi ko tatanggapin ang reklamo. Puwede ba lumabas ka na?'
Hindi kumibo si Augustn at nakapamulsang tinitigan siya. He found her so sexy in natural tone. Walang lipstick o anu pa man sa mukha.
"Ano pang hinihintay mo? Labas!" asik ng dalaga.
"I'm sorry baby pero hindi ako papaya na sa laki ng halagang ibinayad ko eh ganon na klaseng serbisyo ang matatanggap ko, dishonest."
"So, anong gusto mong gawin ko?"
"Actually, iniisp ko pa but before anything else can you tell me the reasons why you didn't do the sketching?'
Matalim na titig ang ipinukol ng dalaga.
"Mahirap ba ang tanong ko? Sige I'll rephrase it----"
"Hindi ko Gawain Mister Mondragon ang tumingin ng malalaswang bagay." Matigas niyang saad. Lihim niyang ipinagdasal na sana'y mamatay na ang lalaking nasa harapan ngayon. Masama na kung masama. Wala siyang paki-alam.
"Malaswa?"
Isang malakas na tawa ang pinawalan ng binata habang nagsisimula na naman itong humakbang papalapit sa kaniya.
"Bakit? Ano bang meron doon na naging dahilan para masabi mong malaswa---"
"Ano bang pagkakasala ko sayo at ginaganito mo ako?'
Ngumisi lang ang binata.
"Kung sasagutin ko yan, sasagutin mo rin dapat ang tanong ko. Well, wala ka naman talagang kasalanan. Its just that, .. ah never mind. Sabihin na lang natin na, ayoko lang na niloko ako pagkatapos kung magbayad ng sakto. So... ano na? Anong malaswa doon?"
Aba sinasagad talaga ako ng lokong to ah
"Anong malaswa doon? Nakahubad ka lang naman. Nakaharap pa. Damn!"
"So, may nakita ka pala doon?"
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin! Nambabastos ka na eh! Sige, bibigyan kita ng pinakamahal kong painting kung iyan ang makapagpatahimik sa iyo."
Padaskol na humakbang si Camerone papasok sa kaniyang opisina. Sumunod naman doon kaagad ang binata na pangiti-ngiti sa likuran.
"Hala! Pumili ka dyan ng magugustuhan mong painting Mister. Libre kong ibibigay sa iyo. Huwag mo lang bigyang mantsa ang imahe ng shop ko."
Hindi nagsalita si August sa halip ay nagkibit balikat ito at tumingin-tingin sa mga paintings na naroon.
Kung nakakapatay pa lang ang tingin, tiyak na kanina pa ito bumulagta sa paraan ng pagkatitig ni Camerone dito. Sinundan niya ito ng tingin habang palakad-lakad ito sa loob ng shop at isa-isang minamasdan ang mga larawan.
"Saan ang pinakamahal dito?" ,maya-maya'y untag ng binata.
Tumaas ng kilay ng dalaga sabay ahon sa upuan upang ituro ang painting na pinakamahal.
"I'm sorry." Anang binata.
"Anong ibig mong sabihin?'
"Hindi ko gusto yang sinabi mong pinakamahal dito sa shop mo."
"Eh anong gusto mong gawin ko?"
"Ulitin mo! And this time, titiyakin ko na talaga na ikaw ang gagawa."
"Are you out of your mind?'
"Akala ko ba magaling kang businesswoman. Diba, you should do even beyond customers request."
"Sinabi ko naman sayo diba, ayoko. Kung gusto mo, ibabalik ko na lang yung isang milyon mo."
"Yan ang hinding-hindi mo dapat gawin. Dahil kapag gagawin mo, irereklamo kita sa DTI."
"Napakatuso mo!"
"Sige, dahil girlfriend naman kita at boyfriend mo ako, I'll be gentle. I mean, I'll give you options to choose from."
"Ano?"
"Option A, we'll meet at doon mo ako ipipinta sa lugar kung saan tayo magkikita. Live, of course. Option B, habang wala ang girlfriend ko, ikaw na muna ang papalit sa loob ng isang lingo. You'll live with me or Option C, magkikita tayo sa husgado at bibigyan ko ng bad review itong shop ninyo."
Demonyo talaga ang taong to!
Napakuyom ng kamao si Camerone. Namumula na ang kaniyang mukha sa galit. Maya-maya ay biglang naputol ang tensiyon sa pagitan nila nang dumating na sina Charles at Sheila. Kapwa nanlaki ang mga mata nito nang Makita silang dalawa sa opisina. Sinamaan niya ito ng tingin kaya dumiretso kaagad ang mga ito sa kani-kaniyang mesa.
Hindi na nagsalita ulit ang binata sa halip ay may dinukot itong calling card sa bulsa at inilagay sa mesa ng dalaga.
"Hayop ka!" bulong niya dito.
He just smirked.
"I'll only give you the whole night to think."
Pagkawika niyon ay kumindat ito at lumabas na.