Naalimpungatan si Camerone nang biglang nag-ingay ang kaniyang cellphone na nasa bahaging ulunan. Pikit ang matang kinapa niya ito upang sagutin ang tumatawag.
"Hello..." matamlay niyang wika habang ipinagsiksikan ang mukha sa yakap na unan.
"Good morning..."
"Sino to?"
"Ang guwapo mong boyfriend."
Sheeyt..
"Grabe ka talaga ano? Pati cellphone number ko alam mo na. Wala akong panahon na makipag-usap sayo. Bye!"
"Wait! Hihintayin kita alas nuebe ng umaga ngayon sa Kit's Restaurant sa Plaridel Avenue. Hihintayin kita. I hope nakapagdecide ka na.----"
Isang malakas na pindot ang ginawa ni Camerone sa screen ng cellphone upang maputol ang tawag. Buwesit na buwesit na siya sa lalaking iyon. Sagad na sagad na. Ini-off niya ang kaniyang cellphone para hindi na siya nito makontak. Nagtalukbong uli siya ng kumot at niyakap ang malaki at malambot niyang unan.
Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata at sinubukang matulog muli ngunit di na niya magawa. Oo nga at nakapikit siya pero yung diwa niya ay gising na. She can't help but to think about the problem she's facing today. Ilang clients ang mawawala sa kaniya kung hahayaan niyang gawin ng binata ang mga banta nito. Gosh! Milyon-milyon din iyon lalo pa't taga alta sociedad ang kadalasan sa mga customers niya.
Nagngingitngit siyang napabulalas sabay balikwas. Gulong-gulo ang kaniyang buhok at lukot ang kaniyang mukha. Muli niyang inalala ang mga options na sinabi ng binata.Wala talagang pabor sa kaniya doon kahit niisa. Lahat ay napakahirap gawin lalo pa yung option A. Nag-aalburoto na siya umaga pa lang dahil doon.
Kung option A, iguguhit mo lang naman siya diba? Eh ano naman kung maghubad siya? Hindi mo yun kawalan Eron. Hindi mo naman pagkatao ang bumaba. It's his. Anyway, pagkatapos mo siyang iguhit, wala ka ng problema. Tapos! Kung option B naman, naku baka mapatay ka pa ng girlfriend pagnahuli kayo. Isa pa, baka galawin ka ng gagong yun. OMG! Mas nakakatakot yun. Then, iconsider mo kung maging girlfriend ka niya, ilang araw mong makikita at makakasama ang loko at baka ikamatay mo pa iyon. Come to think of it, ibabahay ka raw niya. Kadiri! Okay, sige total, trabaho mo naman talaga ang pagpipinta, titiisin na mo na lang kung ano ang makikita mo.
Mabilis siyang umahon sa kama nang ma-final na ang kaniyang pasya. For the sake of her shop and future, pikit mata niyang gagawin ang bagay na ayaw na ayaw niya. Pagtayo niya ay kaagad siyang dumiretso sa komedor at nag-init ng tubig sa heater. Gusto niyang uminom ng gatas upang makapag-isip pa siya ng matino.
Habang naghihintay ay muli niyang binuksan ang cellphone at tinawagan ang asungot. Matagal bago ito sumagot.
"Baby!" Bungad nito.
" Puwede bang ngayong alas 8 na lang tayo magkita, andami ko pa kasing gagawin ngayong araw. Nakakaabala ka na ng sobra." Iritadong wika niya.
"Sure! Walang problema, babe."
"Do not call me babe kasi tunog pa lang ng bibig mo kadiri na. Isa pa, hindi mo ako babe."
"Hahaha! Okay...okay... sige maliligo na ako para pagkita natin ngayon ay mas magugwapuhan ka pa sa akin-"
"Hindi po ako nagugwapuhan sayo-"
"Asus! Maniwala ako sayo----"
Naputol bigla ang linya nang pindutin ni Camerone ang end call button. Pahagis niya itong inilagay sa mesa at nagtungo na sa counter para patayin ang heater at magtimpla ng gatas.
--------------------------------------------------
Napangisi si August nang Makita ang pamilyar na kotse na pumarada sa parking area sa labas ng restaurant. Nakaupo ang binata sa mesang nasa gilid ng glass wall kaya makikita rin siya kaagad ng dalaga paglabas nito.
Mataman niyang inabangan ang pag-ibis nito mula sa sasakyan. Nang bumukas ang pinto ay parang nag-slow motion ang lahat sa kaniyang paningin. She's wearing a skinny jeans and a white shirt with a black cap on the head. Hinubad nito ang suot na shades at tumingin sa gawi niya. Isang kindat ang ginawa ng binata at nakita niyang napailing ito. Maya-maya ay papasok na ito sa loob at tinunton ang mesa kung nasaan siya.
"I'm late kasi sumaglit muna ako sa shop." Kaswal na wika ng dalaga. Pasimple itong umupo sa tapat na upuan at walang ka ngiti-ngiting sinalubong ang kaniyang tingin. Hindi agad nakapagsalita ang binata, ang totoo'y parang may humigop na enerhiya sa kaniya mula dito.
"Hoy!'" untag ni Camerone sabay tapik ng konti sa mesa.
"Ha!"
Ngumisi ang dalaga ng mapakla. Hindi kasi bagay sa mukha ng lalaki ang maging tanga. He is so masculine and authoritative. His built possessed a power. Pero walang silbi ang lahat ng iyon kung ang isang taong katulad nito ay walang modo at bastos.
"Have you decided?"
Humalukipkip ang loko.
"Yeah!" matipid niyang pakli.
"So...is it A or B?"
"A...siguro magsusuot ka rin naman ng underwear." Iniiwas ni Camerone ang mga mata mula dito.
"It depends upon the situation."
"Whatever it is, I'm ready."
"Well, kung makikita mo naman yung sa akin, I'm sure hindi mo first time makakita ng ganoon. I mean, sa boyfriend mo."
"Ang dumi talaga ng pagkatao mo noh. Sobra-sobra! FYI, virgin itong mga mata ko."
"Mata lang?"
"So, saan natin gagawin ang pagpipinta? Kailan?" taas kilay niyang wika na pinalaki pa ang mga mata.
"In my condo unit. Bukas."
"Okay."
"I'll text you the address at maghihintay ako."
Hindi nagsalita ang dalaga. Sumulyap lang ito sa wristwatch na suot.
"Okay sige. Aalis na ako."
Walang paalam itong biglang tumayo at tatalikod na sana para umalis ngunit mabilis hinagip ni August ang kaniyang braso.
"Maaga pa naman, baka puwedeng magkuwentuhan muna tayo Cam."
"Ano? Cam? Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan. Hindi tayo close. Mabuti pang tawagin mo na lang akong HOY"
"Hoy----"
"Magdedeposito pa ako ng sweldo sa staff ko, puwede bitiwan mo ako?"
Pagkawika non ay binitawan ni August ang braso ng dalaga. Kaagad itong tumalikod at humakbang. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Nang makalabas na ito sa restaurant ay laking taka ng binata nang hindi naman ito tumungo sa sariling kotse sa halip ay nakita niya itong nakatayo sa gilid ng kalsada at palinga-linga. Maya-maya ay tumawid ito sa kabilang kalye at nagtuloy-tuloy sa paglakad. Lumabas ng restaurant si August upang mas lalong Makita kung nasaan ang dalaga papunta.
Pinilig niya ang kaniyang ulo bahagya nang Makita itong pumasok sa isang bangko na naroon pala sa kalyeng iyon. At dahil nandon pa ang sasakyan ni Camerone, alam niyang babalik pa ito. Ang ginawa niya ay umorder na lang siya ng pagkain para hintayin ito.
Halos dalawang oras na ang lumipas, warla pa rin si Camerone.
Ilang sandali ang nagdaan ay may dalawang pulis patrol car ang magkasunod na dumaan sa kalyeng iyon na napakalakas ng wang-wang. Bahagyang kumunot ang noon g binata hanggang sa unti-unti na niyang napansin ang mga taong nagtakbuhan mula sa kung saan.
"BANG! BANG'
Biglang napatayo sa kinauupuan si August nang marinig ang putok na iyon. Maging ang ibang customer na naroon din ay naalarma at napatingin sa mga tao sa labas. Nang maalala ang dalaga ay patakbo siyang lumabas at parang hangin na tinawid ang mga kalyeng may mga sasakyang dumaraan.
Napasapo na lang siya sa noo nang Makita ang bangkong pinasukan ni Camerone kanina. It was robbed by four men in black bonnet and all of them were armed.
Nagpalingalinga si August sa paligid para hagilapin ang bulto ng dalaga ngunit bigo siya. Maraming pulis na rin naroon at halos lahat nakatutok ang mga baril sa mga armado. Kampante siyang lumapit sa isa sa mga rumespondeng pulis upang itanong ang nangyayari. Doon niya nalaman kung bakit walang opensibang ginawa ang mga ito, iyon ay dahil hinostage ng mga kawatan ang iilang customer at staff ng naturang bangko. Kasalukuyan pang ni-negotiate ng mga pulis ang mga criminal.
Yung mga putok kanina ay galing pala iyon sa mga kawatan at binaril ang security guards ng bangko. Wala sa sariling napahilamos ang binata sa mukha nang Makita ang mga armadong palakadlakad sa loob.
"Ibibigay namin ang gusto ninyo, huwag niyo lang saktan ang sino man na nasa loob pa."
Narinig nang binata mula sa nakikipagnegotiate na pulis na nasa labas. Nakatayo lamang siya doon at pinag-aaralan ang galaw ng mga armado. Napaka-simple lang iresolba ang bagay na iyon kumpara sa mga misyong nadaraanan. Nanatili lamang siyang kalmado at nakikinig sa mga nag-uusap na pulis.
"Hindi raw pakakawalan ang mga hostage. Kung gusto raw natin na walang masaktan ay hayaan daw silang makatakas dala ang pera."
"Huh! Akala nila ganon lang kadali."
"Nahihirapan tayo kasi hindi natin alam ang mga nangyayari sa loob."
"Wala bang crew na coordinate sa loob."
"Wala. Pinutol ng mga kawatan ang linya ng telepono."
"Mga gago talaga."
Maya-maya ay napapitlag ang mga pulis at napatutok ng maigi sa pinto ng bangko nang may unti-unting lumabas dito.
"Ibaba ninyo ang mga baril ninyo." Mabagsik na wika ng kawatan habang may babaeng hostage na hawak-hawak sa leeg. Nakatutok ang baril nito sa sintido.
Nanlaki ang mga mata ni August nang mabatid ito kahit nasa kalayuan siya. Its Camerone. Putlang-putla na ang dalaga at nahihirapan dahil sa higpit ng hawak ng criminal. Patakbong lumapit si August sa nakikipagnegotiate na pulis at ipinakita dito ang ID niya sa Interpol. Ayaw sanang maniwala ng pulis ngunit nang ma-check nito ang authenticity ng dokumento ay napapayag itong bigyan din siya ng baril. Nagbulungan sila saglit ng pulis upang sabihin ang kaniyang plano. Nagpasalamat siya at sumang-ayon naman ito kaagad.
Nang makahawak na siya ng isang service firearm ay pasimple niyang inagaw ang pansin ni Camerone. Seryoso ang mukhang tinitigan niya ang dalaga. Wari nagsasabing magtiwala lang siya rito at maililigtas rin siya. Tumulo ang luha nito dahilan upang bahagya itong hampasin ng baril sa ulo. Nag-init ang mukha ni August sa nakita biglang dumilim ang anyo.
Inilipat niya ang tingin sa mukha ng criminal na nakatuon ang attensiyon sa patuloy na nagsasalitang pulis. Ilang sandali pa ay bigla na lang nawala sa paligid ang binata.
Lingid sa kaalaman ng lahat, pasimple itong gumapang papunta sa likurang bahagi ng bangko.
Ang totooy nag-aalala siya dahil walang silencer ang dalang baril. Tiyak na kung magpapaputok siya ay maalarma ang criminal na may hawak kay Camerone at maging mitsa na tuluyan na nitong barilin ang babae.
Patuloy ang negosasyong nangyayari sa harapan ng bangko. Kailangan itong magpatuloy hanggang sa makapasok siya sa loob ng bangko.
Gamit ang likurang pinto ay nagawang buksan iyon ng binata at nagtuloy-tuloy sa loob. Sa isang iglap ay nakita siya ng limang armado at kaagad na pinaputukan. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay may limang pulis na nkasunod sa kaniya at iyon ang nagpaulan ng bala sa kalaban.
Walang alinlangan na binaril ni Augustus ang salamin na pader mula sa loob at mabilis na lumundag palabas sabay asinta sa ulo ng armadong may hawak kay Camerone. Awtomatiko itong bumulagta.
Nang Makita ni Camerone ang dugong umagos sa ulo ng lalaki ay naghysterical siya at pinanawan ng ulirat. Bago pa siya bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ng binata sa mga bisig. Nagpatuloy pa ang putukan at patakbong isinibat ni Augustus ang dalaga.
Karga-karga ito ay lumapit siya sa pulis na nagpahiram ng baril sa kaniya para isauli ito. Walang kabang pasimple siyang naglakad habang buhat si Camerone pabalik sa kung saan ang kaniyang sasakyan.
--------------------------------------------------------------------------------
Isang di pamilyar na silid ang sumalubong sa nanlalabong paningin ni Camerone. Kinusot niya ang kaniyang mata upang luminaw ito. Nang mapagtantong hindi iyon kaniya ay napasinghap siya sabay balikwas.
"Hi! Gising ka na pala."
Isang nakangiting Augustus ang sumungaw mula sa pinto ng silid. Hindi kaagad siya nakapagreact dahil muli niyang naalala ang eksena kanina nang Makita ang benda sa braso ng binata.
He saved me.
"Huwag mo ng isipin yon. Let's move on Camerone."
Why did he looked so easy earlier?
Hindi ba ito marunong kabahan?
"Anong puwde kong ibayad sa pagligtas mo sa akin?" mahinang sambit niya.
"I do not ask you to pay."
"I owe my life to you. So, I think its normal to pay you back."
"Are you sure you'll give anything?"
Tumango ang dalaga ng marahan.
"Kiss me."