Chapter 3

2036 Words
"Hello, this is Eron's Art Shop, who is this please?" "This is Mr. Augustus Mondragon, the one who tried to book an appointment to your artist for how many times----" "Ah, oo sir, I remember." "May vacant ba sa schedule ng artist ninyo ngayon? I've told you how many times na masugid na customer ninyo ang mama ko. At saka, I'm willing to pay whatever the price." "Sir, kalma lang po kayo. We assure you that you can get an appointment to our artist at the soonest possible time.' "Alam niyo ba na mawawalan kayo ng mga high valued customers dahil sa ginagawa niyong iyan." "Sir, pasensiya na po. Pero after holiday ko na po kayo mabibigyan ng schedule for appointment. Kasi as of this time, hindi na po tumatanggap ng kliyente yung artist namin dahil magbabakasyon na rin siya. I'm sorry sir----' "Who's that Charles?" Tumaas ang kilay ng binata nang marinig ang isang boses na sumabat sa kabilang linya. "Isa pong kliyente Miss Eron. Gusto pong makipag-appointment sa inyo ngayong araw kaso wala na pong bakante." Bahagyang natuwa ang binata nang matantong ang artist pala iyon. Kahit katiting ay nagkaroon siya ng pag-asa na baka ay mapaunlakan siya sa tanggapan nito ngayong araw. "Okay, sabihin mo na bakante ako 4 to 5 pm." "YES!" bulalas ng binata nang marinig ang sinabi ng artist. Pangiti-ngiti na siya nang bumaling na sa kaniya ang sekretarya sa linya. "Sir, okay na po. You can meet our artist this afternoon at 4." "Thank you! Thank you talaga. I'll come on time." "You're welcome sir." Pagkatapos maibaba ang tawag ay agad na tumalima si Augustus. Kasalukuyang nasa shower si Zoie kaya hindi narinig ang kaniyang sekreto. Huh! Magaling yata siyang loverboy. Alam niyang mahilig ang mga babae sa surprises at doon siya eksperto. Ipinagpatuloy niya ang pagshave sa kaniyang balbas sa harap ng salamin pagkatapos ay nagbihis na agad ng damit panlakad. He is in a hurry. Kinakapos na siya ng panahon. Isang araw na lang ay bisperas na ng pasko at sa tatlong beses niyang pagtangka maka-appoint ang artist ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng pagkakataon. "Hi babe... may lakad ka?"nakangiting puna ni Zoie nang lumabas ito mula sa banyo. "Yeah, baka bukas na ako makauwi babe. May biglaang tawag na dumating kanina. Kailangan akong bumalik ng Maynila." Anang binata habang nagbubutones ng maong na pantalon. "WHAT? Bakit? Iiwan mo ako dito sa inyo? Oh my! Alam mo namang na-aw-awkward pako dito." Kunot noong reklamo ng dalaga. "Babe, feel yourself at home. Pasasaan ba't magiging parte ka na rin ng pamilya namin. Masanay ka na." Masuyong niyakap ni Augustus ang kasintahang may suot pang roba at hinagkan mula sa likod ang basa nitong buhok. "Babe...please...dito ka na lang. Huwag mo akong iwan." "Babe,..kailangan ko talaga pumunta doon. Pero sige para di ka na mag-alala diyan, uuwi ako kaagad pagkatapos kong ma-meet yung kakausapin ko." "Sino ba kasi yan? Babae bay an o lalaki?" "Hindi ko alam. Basta I will just meet the artist behind mama's art collection." Napabuntong-hininga si Zoie. "Baby ko...papayag na yan." Panunudyo ni August sabay silid sa dalawang kamay nito sa loob ng roba. "Okay, okay... basta umuwi ka kaagad ha." "YES baby ko." Natutuwang saad ng binata pagkatapos ay hinarap ang kasintahan at masuyong hinagkan. "I love you." Bulong niya. "Oh, siya, magbihis ka na at umalis ka na para makabalik ka kaagad. Mag-ingat ka ha." "Oo,mahal ko. Sige sige. Aalis na ako." Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Zoie nang mamasdan ang paalis na katipan. Eksaktong pagsara ng pinto ay nagbihis na rin siya. -------------------------------------------------------------------------------------- "Good Afternoon!" Isang maaliwalas na ngiti ang bati ni Camerone sa tatlong staff ng kaniyang shop ng hapong iyon. Actually pasado ala una na siya dumating dahil naflatan siya ng gulong ng kotse. Pinatalyer niya pa ang kaniyang sasakyan bago tumungo. Lumabas kasi siya dahil may ka-meet siyang former classmate niya sa hayskul at siyempre nagdeal na rin siya ng kaniyang mga paintings. Masuwerte naman siya at may nagustuhan itong painting sa brochure na dala niya. "Magandang hapon rin Miss Eron. Ang ganda niyo talaga lady boss." Maarte na pakli ni Charles, ang sekretarya niyang bakla. "Oo nga miss, ang ganda yata ng araw niyo ngayon ah." Ani Jasmine, ang namamahala sa pag-aalaga sa kaniyang mga paintings. "Miss Eron, tumawag na po kanina si Madam Liz. Anong oras po raw natin ihahatid sa kaniyang bagong bahay yung order niyang mga paintings?" si Sheila, ang kaniyang marketing assistant. "Hala, oo nga, tsk tsk, nakalimutan ko ngayon nga pala natin ihahatid yon. Teka, anong sabi mo?" "Sinabi ko na mga bandang alas 2." "Ah, okay mabuti. Si Manong Bert, natawagan mo na ba?" aniya sabay bukas sa pinto ng kaniyang tanggapan. Ang tinutukoy niya ay ang part time karpintero ng kanilang shop na siyang tumutulong sa kanila tuwing may delivery ng paintings. Si Manong Bert ang taga-sabit ng paintings nila kung saan ito gustong ipalagay ng kliyente. That's part of their customer service. "Oo Miss." "Mabuti. Sandali lang, I'll fix my self a little bit then we'll go." "Okay, Miss." Eron's Art is the most sought painting service in celebrity and business world. Oo, halos lahat ng mga artista at kilalang personalidad sa bansa ay sa kanila kumukuha ng mga art pieces na dinedisenyo sa mala-palasyong bahay ng mga ito mapa-Metro man o probinsya. Localize ang materyales ng kanilang mga paintings, charcoals at maraming pang iba ngunit world-class naman ang quality at pagkakagawa. Camerone studied fine arts in Yale University sa US. Nagawa niya iyon hindi dahil mayaman siya dahil totoo'y pangkaraniwan lamang siyang tao. She got the chance by getting a sponsor and a scholarship. Isa lang siyang entrepreneur na nais kumita ng pera. Hindi siya ipinanganak na mayaman. Oo, isa siyang Lofranco. Pero maagang namatay ang kaniyang ama na siya talagang mayaman. She was only seven years old at that time. Nang tumuntong siya ng grade six ay nag-asawa ulit ang kaniyang ina. And that move made a catastrophic event in their life. Naubos ang perang iniwan ng kaniyang ama dahil sugarol ang pangalawang asawa ng kaniyang ina. Naghirap sila ng husto at muntikan na siyang hindi makagraduate ng college. Kun susumahin, masalimuot ang kaniyang buhay lalong-lalo na nang nagka-cancer ang kaniyang ina at kalauna'y namatay rin. Nang mga panahong iyon ay lumuwas siya ng Maynila upang makipagsapalaran, at dahil sa kaniyang talento at talino ay nagkaroon siya ng chance na makapagtrabaho sa isang Arts and Craft shop. Nagtiis at nag-ipon hanggang sa nakapagtayo siya ng sariling shop. Pinalad at paglipas ng mga taon ay heto na siya, kilalang artist sa business world at ng mga mayayamang personalidad. ------------------------------------------------------------------- "Manila ka na?" tinig ni Zoie ang narinig ng binata nang sagutin niya ang tumatawag. "Yeah, babe. Papunta na ako sa shop ng artist na sinasabi ni mama. Pero sasaglit muna ako sa isang gasoline station, magpapagas muna ako at isa pa gusto muna ni junior na umihi." "Okay, okay. I just called to check on you. Ingat ka, babe." "Thanks babe." Matapos ang maikling pag-uusap sa cellphone ay kinabig ni Augustus ang manibela ng kaniyang sasakyan upang lumiko sa isang gasoline station. Habang papalapit siya ay naagaw ang kaniyang attensiyon nang Makita ang isang babaeng naglalakad pabalik sa sariling sasakyan nito. The woman is simple in the most sexy way. Wala sa sarili na naibaba niya ang salamin sa bintana ng kaniyanhg sasakyan upang mapasadahan ito ng tingin bago tuluyang makasakay. Maikli ang buhok nito ngunit nakakabighani ang mukha. Kahit na hindi niya nakikita ang mga mata nito dahil sa eyeglasses, he knew that she's really something irresistible.  Napalingon siya tuloy nang lumiko ang sasakyang lulan nito at lumampas sa kaniya. Naiiling na nagpatuloy siya hanggang sa sumampa sa harapan ng gasoline boy. "Magandang araw, sir. Magkano po?" nakangiting wika ng lalaki na bahagyang dumukwang sa bintana ng kaniyang sasakyan. "7 liters, boy." "Okay, sir." Tumalima ang lalaki sa pagpindot at kinuha ang gasoline pump. Maya-maya ay biglang tinawag ni August ang pansin nito at nagtanong. "Boy, sino yung babae kanina? Artista ba yun?" "Yung maikli po ang buhok tapos maputi?" "Oo, nakita ko kasi na tuwang-tuwa ka sa kaniya kanina." "Ah, suki po namin yun dito sa gasoline station. Palagi kasing nagbibigay ng tip o kaya'y pagkain si maam tuwing nagpapagas dito." "Really? Ang bait ah." "Sinabi niyo pa sir. Dyosa na , mabait pa." "Kilala mo yun?" "Si Maam Camerone yun. Hindi po namin alam kung ano ang apiliyido niya." "Ah" Napatango si Augustus. Camerone... "Bakit sir, type ninyo?" Ngumisi ang lalaki. Tumawa ang binata at napa-smirk. "Bagay naman kayo sir dahil ang guwapo niyo rin po." "Aba,,,binobola mo yata ako ah para magbigay rin ako ng tip tulad niya." Natatawang turan ng binata. "Hindi sir ah, totoo po." "Talaga, bagay kami?" "Opo naman. Para kayong mga artista." "Halika, may ibubulong ako." Dumukwang ang lalaki sa bintana ng kotse ni August. "Alamin mo kung may boyfriend yung si Miss Camerone." Bulong ng binata sabay lagay ng one thousand peso bill sa bulsa ng polo ng gasoline boy. Tumawa ito at nagsuma-lute sa binata. Isang kindat lang ang iginanti ni August pagkatapos ay sumibad na. "Salamat sir." Sigaw ng boy. Kagat-labing napangisi ang binata sabay sulyap sa side mirror ng sasakyan. --------------------------------------------------- Eksaktong alas kuwatro ng hapon ay nakabalik na si Camerone at Jasmine sa shop. Kaagad siyang nagpatimpla ng kape kay Charles at dumiretso sa opisina. Umulan kasi bigla kaya nilalamig siya. "I just want to remind you Miss Eron na may appointment ka pa ngayon." Anang bakla sabay lagay sa tasa sa ibabaw ng mesa ng dalaga. Tumango lang si Camerone at kaagad na humigop ng mainit na kape. Lumabas naman kaagad si Charles nang marinig ang tawag sa kaniya ni Sheila sa labas. "Hey Shielalo! Ano bang tinatawag mo dyan----" "Good afternoon." Natameme bigla ang bakla nang tumambad sa kaniya ang isang matangkad na Adonis. "Siya raw yung ka-appoint ni Miss Eron ngayon." Ani Sheila sabay kindat sa baklang ngayon pa nakabawi mula sa pagkabato-balani. "Hah? Ah-ah eh,,, sure. Ah, wait a minute sir ah. I'll tell Miss Eron na nandito ka na." Parang robot na nagmartsa si Charles pabalik sa silid ng dalaga. Ang totoo'y kanina pa niya gustong tumili dahil sa kilig na nararamdaman. "Miss Eron, nandito na po ang ka-appoint ninyo. Papapasukin ko na po ba?" "Sure..." mabilis na wika ng dalaga habang nagscroll ng cellphone. Wala pang isang minuto ay isang katok na ang narinig ni Camerone. "Come in..." "Good Afterno---" Eksaktong pag-angat ng tingin ni Camerone ay humantad sa mga mata ni Augustus ang kagandahang taglay ng dalaga. He gulped when their eyes meet and locked with each other. Tsk! What the hell is happening to me! "Sir, are you alright?' untag ng dalaga. "Ha? Ah eh...hehehe... yeah..yeah. Okay lang ako." He began to stutter. "Have a seat. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo." Dammit Augustus! What kind of crap are you feeling? "Uh, diba nagcha-charcoal kayo rito?" sa wakas ay nakapagsalita rin siya ng maayos. "Yes, bakit? Magpapasketch kayo?" "Yeah!" "Sure! Do you have the photo with you?" "Actually,..I do not have." Kumunot ang noo ni Camerone. "Sketch me... I mean, live sketch. NAKED." Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga. "Excuse me, are you out of your mind?" "No, I'm not. Tell me how much, I'm gonna pay you now." "Half-naked ba?" "No!" "I'm sorry sir but we do not have that kind of services here. Kung gusto ninyo-----" "500, 000" "I have a friend who do the service that you want, I refer you to him." "One million." Tumahimik si Camerone at tumalim ang tingin. "Okay pero I do not do it live. Kung gusto mo, bring me your naked photo and I'll sketch it." "Okay, call." Nakangiting hinugot ni Augustus ang wallet sa kaniyang likurang bulsa. May pinulot iyong larawan doon at mabilis itong inilagay sa mesa ng dalaga. Taas kilay iyong sinulyapan ni Camerone at awtomatikong napayuko at napapikit ang dalaga. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD