“HEY! DON’T squeeze her too tight, ‘ma. Baka mahirapan siyang huminga.” Napatingin sa pinanggalingan ng boses si Ira. Boses pala iyon ng kaibigan ni Xyrus. Nakangiti ito nang malapad sa kanya. “Your son is right, honey. Bitiwan mo na siya at umupo ka na lang sa tabi niya.” Iyong matandang lalaki naman ang nagsalita. Binitiwan naman siya ng ginang. “I’m sorry. Nasaktan ka ba? Natuwa lang kasi ako na makita ka,” wika nito nang umupo sa tabi niya. “Okay lang po ako,” nakangiting sabi ni Ira. “Ako nga pala si Carmela Lumbera,” pagpapakilala nito bago nilingon ang asawa. “Ako naman si Ronald Edgar Lumbera.” Inilahad ng matandang lalaki ang kamay nito kay Ira. Tinanggap naman niya ito. Tulad ng naramdaman niya kanina sa matandang babae nang magkamay sila, ganoon din ang naramdaman niy

