Chapter 22- RIGID TRAINING

1830 Words
MAAGANG nagmulat si Donovan. Ngayon na kasi ang takdang araw upang simulan nila ang pagsasanay. Kinakailangan pa rin kasi niyang ihanda ang mga kagamitan na ibinigay sa kaniya ni Vector. Ang amoy nang masarap na almusal ang bumungad sa kaniya nang makalabas siya sa kaniyang silid. Hindi niya napansin na muling nag iwan si Kirin ng pagkain sa kaniyang mesa. Simula kasi noong dumating ang Gurdashi na si Urbed at ang ilang pulutong ng mga matatapat na kawal ng Babylon ay ang dalaga na ang nagtalaga sa kaniyang sarili upang maging tagapagluto sa pamayanan. Katulong niya rin ang ilan pang mga kababaihan ng Morag. Habang ang ilan naman sa mga kalalakihang hindi tumutulong sa muling pagtatayo ng mga kubol ang siyang nangangaso ng kanilang makakain. “You look delicious! Thanks, Kirin!” bulong ng binata sa kaniyang sarili habang nakatuon ang buong atensyon sa pagkaing nakahain sa kaniyang harapan. Nang makapag-agahan ay tumungo na sa labas ng kaniyang kubol si Donovan. Nakasalubong pa niya si Irene at Ahura na kapwa kalalabas lamang din ng kanilang mga kubol. “Magandang umaga sa inyo!” bati niya sa mga dalaga. Tinanguan lamang siya ni Irene. “Magandang umaga rin sa iyo! Kumusta ang tulog mo?” ganting bati ni Ahura. “Maayos naman. Kayo? Mukhang hindi maayos ang tulog niyang kasama mo,” pang-aasar pa ng binata kay Irene. Hindi na pumatol pa sa patutsyada niya ang dalaga bagkus ay itinuloy na lamang nito ang paglalakad at iginiya na paalis si Ahura. Napailing naman si Donovan sa ipinakitang ugali ni Irene. Nang marating na nilang tatlo ang lugar kung saan pinili ni Urbed na isagawa ang pagsasanay ay nakita nila roon ang pawisang si Gantrick. Marahil ay kanina pa ito nag eensayo. Nilapitan nila ang binata. “You’re late,” wika ni Gantrick na hindi man lamang nililingon ang mga bagong dating. “No, we’re not. You’re just an hour early,” sagot naman ni Donovan. Sinimangutan niya pa ang kapatid bago ito tinalikuran. “Ano raw?” tanong ni Ahura kay Irene. “Wala ‘yon. Huwag mo silang intindihin. Halika na.” Nang makita sila nina Urbed at Vector ay sinenyasan nila ang apat na lumapit sa kanila. Hindi nakasuot ng pandigmang baluti ng mga sandaling ‘yon. Katulad ni Vector ay may hawak din itong manipis na patpat na palagian niyang iwinawasiwas. “What’s that stick for?” bulong ni Donovan sa mga kasama ngunit hindi na siya nakarinig pa ng sagot mula sa mga ito. “Magandang umaga!” “Magandang umaga rin sa iyo Donovan,” tugon ni Urbed. “Para saan ang patpat na ‘yan, Gurdashi?” tanong niya kay Urbed. Nagkibit-balikat ito bago sumagot. “Malalaman rin ninyo mamaya,” Napansin naman ng apat ang kakaibang pagkakangiti ng dalawang lalaki na nasa kanilang harapan. “Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari,” saad ni Irene. Sabay-sabay na tumango naman ang iba pa. Pinasunod sila nila Vector sa isang mesa. Sa ibabaw niyon ay may apat na mga espadang gawa sa kahoy. Batid na nilang ito ang gagamitin nila sa pagsasanay. “Kumuha kayo ng tig-iisa,” utos ni Vector. “Ang unang ituturo ko sa inyo ay ang tamang paghawak ng sandata.” “Sa digmaan, hindi ang ating mga kasama ang makapagliligtas sa atin kung hindi ay ang ating mga sarili. Ang ating mga espada ang siyang magiging kaagapay natin sa labanan. Ito ang magtatanggol sa atin laban sa ating mga kaaway kung kaya’t hindi ninyo ito dapat na bitiwan kahit na isang segundo man lamang. Nauunawaan ba ninyo ako?” “Oo!” sabay-sabay na tugon nilang apat. “Kung gayon ay mag sisimula na tayo!” Ipinaalam ni Vector sa apat ang kaniyang naging obserbasyon sa kaalaman sa pakikipaglaban ng mga ito. Aminado siyang mahuhusay ang mga ito subalit marami pa siyang maituturo sa kanila na nakasisiguro siyang mapapakinabangan ng mga ito balang araw. “TEKA SAND—ARAY!” mangiyak-ngiyak na napatili si Irene nang muli na naman siyang paluin ng patpat ni Urbed sa kaniyang pwetan. “Paulit-ulit kitang papaluin hanggang sa makuha mo ang tamang posisyon na itinuturo ko sa inyo!” asik ni Urbed. Napahagikgik naman sina Donovan at Gantrick dahil sa paulit-ulit na pagkakamali ng dalaga. Pinukol naman sila nito ng masamang tingin. Si Irene naman ang napatawa nang dumapo sa mga ulo ng magkapatid ang patpat na hawak ni Urbed. “May nakakatawa ba, huh?” Naluluhang nagpailing-iling ang mga ito at ibinalik na lamang ang buo nilang atensyon sa ipinagagawa sa kanila. Ang posisyon kasi na ito na ang huling ipinagagawa sa kanila para sa araw na ‘yon. Padapang bumagsak sa lupa hindi lamang si Donovan kung hindi ay pati na rin sina Irene, Gantrick at Ahura dahil sa labis na pagod na kanilang nadarama. “Oh god! Every inch of my body feels like hell,” nahahapong saad ni Irene. “Me too,” pag sang-ayon naman ni Gantrick. “Ikaw, Ahura? Kumusta ang pakiramdam mo?” Mabagal na tumayo mula sa pagkakahiga sa lupang nababalutan ng nyebe at umupo ang dalaga. “Parang ayoko na dumalo sa pagsasanay bukas.” Nagtawanan naman silang apat dahil sa naging tugon ng dalaga. Maya-maya pa’y nakarinig sila ng ilang mga yabag na papalapit sa kanila. Napatayo sila nang tuluyang makalapit si Vector. “Paano ninyo matatalo ang Reyna at maipagtatanggol ang inyong mga sarili kung ngayon pa lamang ay susuko na kayo?” Nakangiting wika ni Vector. Kumumpas ito at ilang sandal lamang ay mayroong isang kawal na ang papalapit sa kanila. May dala itong apat na baso na may laman na kung ano. “Inumin ninyo ang katas ng mga prutas na ‘yan. Makatutulong iyan sa inyo upang muling manumbalik ang nawala ninyong mga lakas,” dagdag pa ni Vector. Dahil na rin sa matinding uhaw na dala ng labis na pagod ay halos magkakasabay na tinungga ng apat ang laman ng mga baso. Kuntento namang napangiti si Vector. “Wow! Pakiramdam ko ay bumalik na ang buong lakas ko!” masiglang saad ni Donovan. “Kung gayon ay maaari na ba nating ipagpatuloy ang inyong pagsasanay?” biro ni Vector sa binata. Agad na yumuko si Donovan at muling nanumbalik ang katamlayan. “Nagbibiro lang ako, Vector. Wala na talaga akong lakas.” Dahil sa inakto ng binata ay napabunghalit ng tawa si Vector. “Oh siya, bumalik na kayo sa inyong mga kubol upang makapagpahinga. Sa aking pagkakaalam ay tapos na rin mag luto nang makakain si Kirin at ang iba pa." Dali-daling nilisan nila ang lugar dahil baka mag bago pa ang isip ni Vector at pabalikin sila sa pagsasanay. Patakbo silang nagbalik sa kanilang mga kubol upang maligo at makapag palit na rin ng damit. Nang matapos sa paliligo at makapag palit na ng damit ay muling lumabas sa kaniyang kubol si Donovan. Eksakto naman ang sandaling iyon dahil nakita niya si Kirin na naghahain ng mga pagkain sa malaking mesa sa labas. “Kumusta, Kirin? Mukhang naging abala ka rin ngayong araw huh?” bati niya sa dalaga. “Oh, ikaw pala Donovan. Oo, marami-rami rin kasi kaming nailuto ng mga kasama ko. Marami na kasi ang mga kinakailangang pakainin dito sa Morag. “Kayo? Kumusta ang unang araw nang pagsasanay ninyo?” “Huwag mo nang itanong pa Kirin sapagkat labis ang aming mga pagod ngayong araw,” wika naman ni Gantrick na papalapit na sa kanila. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil tumutulo pa mula sa buhok nito ang butil-butil na tubig. “Ahura! Nakahain na ang hapunan, halina’t kumain bago pa lumamig ang mga ito!” tawg ni Kirin sa dalaga nang mamataan ang pag labas nito sa kaniyang kubol. “Sige! Tatawagin ko na muna si Irene,” tugon naman nito at mabilis na tinungo ang harapan ng kubol nang tinutukoy na dalaga. “Irene? Tapos ka na ba mag palit ng damit? Nariyan na ang hapunan!” tawag niya sa dalaga na sinabayan pa niya nang mahihinang mga pagkatok. Nagtaka siya nang lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ring sumasagot mula sa loob. Mahinay niyang itinulak ang pinto at dumungaw mula roon. Nang wala siyang makita at maramdaman na kahit ano mang pag kilos ay tuluyan na siyang pumasok sa loob. “Irene?” muling tawag niya sa pangalan ng dalaga. Kinakabahan na si Ahura sapagkat kahit ano’ng tawag na gawin niya sa dalaga ay hindi ito tumutugon. Nakakita siya ng isang kahoy sa isang gilid. Dinampot niya iyon upang maging sandata niya kung kinakailangan. Dahan-dahan siyang nag lakad patungo sa pakiwari niya ay silid ng dalaga. Mayroong mga maliliit na kabibeng ginawang kurtina ang tumatakip sa kabuuhan ng silid mula sa labas. Maingat niyang hinawi ito. Napabuntong-hininga siya at nawala ang kaba sa kaniyangdibdib nang masilayan si Irene na mahimbing na natutulog sa dayaming higaan nito. Ni hindi na nga ito nakapag palit pa ng damit. “Mukhang pagod na pagod si Irene. Hayaan mo na siyang makapagpahinga at sabayan mo na kami sa pagkain.” Halos mapatili at mapalundag sa gulat si Ahura nang may mag salita sa kaniyang gilid. Si Gantrick. Dahil sa inis ay naitulak niya ito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Sinabayan pa niya nang pagpalo ang pagtatanong sa binata. “Napakatagal kasi ninyong lumabas kaya ipinasusundo na kayo nina Kirin at Donovan. Napakamapanakit nito! Tara na!” Nakasimangot na tugon ng lalaki habang hinihimas ang bahagi ng nasaktan niyang braso. “Oh, nasaan na si Irene?” tanong ni Kirin nang makabalik na sila sa hapag-kainan. “Natutulog na. Hindi na nga niya nagawang makapagpalit ng damit eh,” sagot ni Ahura kasabay nang pag-upo niya sa bakanteng bangkito sa harapan nito. “Ganoon ba? Marahil ay pagod na pagod siya kung agaran siyang nakatulog.” Tumango na lamang siya bilang tugon sa pahayag nito at nag simula nang lantakan ang mga isda at prutas sa hapag. “Grabe! Napakasarap talaga ng mga luto ninyo Kirin!” Ngumiti naman sa kaniya ang dalaga. “Mabuti naman at nagugustuhan ninyo.” LUMIPAS pa ang ilang mga araw nang mabagsik na pagsasanay nina Donovan. Sinanay sila nina Urbed at Vector sa paggamit ng espada, sibat at pana ngunit may natatanging galing ang bawat isa sa kanila sa paggamit ng mga ito. Sina Donovan at Gantrick na sanay nang gumamit ng espada ay mas naging bihasa pa sa paggamit nito sa tulong nina Urbed at Vector. Si Irene naman ay naging katangi-tangi sa paggamit ng sibat. Habang si Ahura naman ang namukod tangi sa paggamit ng palaso at pana. Labis naman ang pagkagalak ng kanilang mga naging guro sa kinalabasan ng kanilang pagsasanay. Higit na mas lumakas at maalam na kasi ang mga ito sa larangan nang pakikidigma. Upang lubusang makumpleto at matapos na sa kanilang pagsasanay ay kinakailangan nilang kaharapin ang bawat isa. Magtatalaga sina Vector ng mga magkatunggali. At napili nga nilang paglabanin sina; Donovan laban kay Irene at Ahura laban naman kay Gantrick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD