ILANG araw makalipas ang hindi magandang kaganapan sa kanilang munting salu-salo ay napagpasyahan ni Donovan at ng iba pa na maging kapaki-pakinabang sa pamayanang nagkakanlong sa kanila.
Si Irene at Kirin ay tumutulong sa mga kababaihan ng pamayanan sa ginagawang paghahabi ng mga damit panlamig na kanilang ibinebenta sa mga pamilihan sa sentro ng Sanyar.
Si Gantrick naman ay madalas na sumasama sa mga kalalakihang nangangaso upang kanilang makain at mapalitan ang mga kinuhang pagkain ng mga kawal ng Reyna.
Si Donovan naman ay tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at tumutugon sa mga gawaing kinakailangan ang pisikal na lakas. Karamihan kasi sa mga kalalakihan sa pamayanan ay kasama ni Gantrick sa pangangaso.
Marami na ring nalaman si Donovan patungkol sa mga sinaunang tagapagtanggol ng Babylon na kilala sa tawag na mga Gabay. Napag-alaman niya rin na noong magsimula ang sinaunang digmaan laban sa Itim na Hari ay ipinadala ang mga ito ng mga Bathalang may likha sa Babylon.
Noong una ay hindi pa pinaniniwalaan ni Donovan na bukod sa Diyos na kinikilala ng karamihan sa kaniyang mundo ay mayroon pa palang ibang mga Bathala na katulad nito.
Hinangaan niya ang tapang ng mga Gabay. Sa kabila kasi ng kaunting bilang ng mga ito ay nagawa nilang wakasan ang sinaunang digmaan at gapiin ang Hari ng mga Diablo na nagtatangkang sakupin ang Babylon.
Nalaman din ni Donovan na ang Itim na Hari rin ang naging muling dahilan nang digmaan na siyang naging sanhi nang pagkawala ng mga Gabay.
Nakuha niya ang lahat ng mga impormasyong ito nang ipahiram sa kaniya ni Amang Alab ang “Aklat ng nakaraan” na siyang naglalaman ng mga kasulatang patungkol sa Babylon at ang mga nakaraang kaganapan dito.
Habang kasalukuyang siyang nagsisibak ng kahoy ay naupo ‘di kalayuan sa kaniya si Alab. Pinanood siya nito sa kaniyang ginagawa at paminsan pang itinatama kapag siya ay nagkakaroon ng pagkakamali.
“Nagugustuhan ba ninyo ang paninirahan sa aming pamayanan, Donovan?”
Pansamantalang huminto naman si Donovan sa kaniyang ginagawa. Pinahid ang pawis na naglalandas sa kaniyang mukha at sumimsim ng tubig upang mapawi ang kaniyang pagka-uhaw.
“Opo, Amang. Mababait ang lahat nang narito. Itinuturing nila kaming ka-uri ninyo.” Nakangiting tugon naman ng binata.
Umangat ang sulok ng labi ni Alab.
“Ka-uri? Bakit hindi ba’t kayo ay mga Babylonian din naman na tulad namin?”
Natigilan ang binata dahil sa tinuran ng matanda. Pakiramdam niya ay nagkamali siya sa kaniyang naging sagot dito. Batid niya ang talinong tinataglay ni Alab dahil ito mismo ang nag sulat ng “Aklat ng nakaraan”, kung kaya naman ay hindi malayong mabisto nito ang tunay nilang katauhan.
“Ah—ang ibig ko pong sabihin ay…ka-isa ng inyong pamayanan. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na kami ay nanggaling pa sa Hilangang-Silangan.” Pagdadahilan ng binata.
Nagkibit-balikat naman si Alab. “Hindi mahalaga sa amin kung saan kayo nagmula, Donovan. Tinanggap namin kayo rito sapagkat batid namin ang kabutihang taglay ng bawat isa sa inyo. Isa pa, hindi rin maaatim ng aming mga kalooban na pabayaan kayong mag lakbay sa kawalan sa kabila ng panganib sa inyong mga buhay dahil sa mga taga-sunod ng Reyna.”
Umupo ang binata sa tabi ni Alab at ibinaba ang palakol na hawak-hawak.
“Marami pong salamat sa inyong kabutihang loob, Amang. Habang ako ay nabubuhay ay tatanawin kong isang malaking utang na loob ang lahat ng ginagawa ninyo para sa amin.”
Tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Alab at tinapik ito sa balikat. “Kami ang dapat na magpasalamat sa inyong pagdating, Donovan.”
Nag iwan muna ito ng isang ngiti bago tuluyang tinalunton ang daan na kaniyang pinanggalingan. Naiwan namang nagtataka si Donovan. Hindi niya maunawaan ang huling mga sinambit ng matanda.
Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito at nagpatuloy sa kaniyang pinagkakaabalahan. Makalipas ang tatlumpung minuto ay muli siyang nagpahinga at naupo sa malaking bato na inupuan nila ni Alab kanina.
Marami-rami na rin siyang nasisibak na kahoy. Pakiwari niya ay sapat na ito para sa araw na iyon. Namataan niya ang grupo nina Gantrick na papasok na sa entrada ng pamayanan.
May dala-dala ang mga ito na mga hayop na kanilang nahuli. Nang magtama ang kanilang paningin ni Gantrick ay tinanguan siya nito na sinuklian din niya ng pagtango.
Palapit naman sa kaniya mula sa ibang direksyon si Irene. May dala itong isang bagay na hindi niya batid kung ano sapagkat ngayon lamang niya ito nasilayan mag mula noong mapadpad sila rito.
“Here,” alok sa kaniya ng dalaga.
“What’s that weird looking thing?” tanong naman niya.
“Just take it. You can drink it. Dala ito nina Kirin kanina galing daw sa Sentro,” paliwanag ni Irene.
“Why are you giving this to me? Are you trying to poison me?” biro pa ni Donovan.
“Idiot! I just saw you looking tired so I decided to give you a drink. I’m just trying to be a good Samaritan here, you scumbag!” asik ni Irene.
Napuno naman nang halakhak ni Donovan ang kanilang paligid. Kinuha na nito ang ini-aalok ng dalaga. Nang inumin niya ang kulay pulang likido na mula sa loob ng prutas ay napawi ang kaniyang pagod at uhaw.
“Wow! This is good!”
Tumahimik naman bigla si Irene na kaagad namang napansin ng binata.
“What’s the matter?”
Bahagya munang nag isip si Irene bago sumagot. “What exactly is our plan, Donovan?”
“What do you mean?” maang-maangang tanong ni Donovan.
“You know what I mean, dumbass! We can’t stay here forever. We can’t let those good people to be in danger just because of us. Look how peaceful were they…if any from that Queen’s men found out that they were helping us... these people will all be massacred."
Napatingala si Donovan sa asul na kalangitan. Pinagmamasdan ang malalayang mga ibon na ninamnam ang sariwang hangin na regalo ng inang kalikasan.
“I know that, but being with these people everyday and the thought of us leaving them behind out of the blue makes me sad. A part of me wish to live here and help them regain their freedom from that White Queen…”
“I do understand how you feel. Believe me. But we have our own goal to achieve. Have you forgotten why we’re here in the first place? It’s your mom, Donovan. We need to find where your mom is. Saving her is our top priority, isn’t it?”
“Yes, it is.”
“Focus on our goal first. We’ll see what we can do for them afterwards.”
Naglakad na papalayo si Irene kay Donovan. Naiwan namang nag-iisip ang binata. Tama si Irene sa lahat ng sinabi nito. Ang kaniyang ina ang kanilang ipinunta sa mundong ito. Habang tumatagal ay mas lalong napapalapit sa peligro ang kanilang ina.
NAGISING si Donovan sa gitna ng gabi dahil sa ingay ng paligid. Sinabayan pa ito nang sunod-sunod na pagkatok sa kanilang silid ni Gantrick. Maging ang binata ay tuluyan na ring napabangon dahil rito.
Nang buksan ni Donovan ang pinto ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Irene.
Mabilis siya nitong itinulak kaya naman ay napaatras siya pabalik sa loob. Kasunod na pumasok ni Irene si Kirin.
“What the hell?” iritang tanong ni Donovan.
“We don’t have time. Pick up your things we need to go now!” nagmamadaling utos ni Irene.
Hindi naman nila maunawaan ni Gantrick kung bakit ganito ang ikinikilos ng dalaga. Kaya naman ay nanatili lamang silang nakatunganga sa dalawang kababaihan.
Napansin naman ni Irene na hindi kumikilos ang mga ito. “FOR f**k’S SAKE! PICK UP YOUR THINGS NOW!”
Tila natauhan naman ang mga lalaki at mabilis na kumilos. Nang matapos sila ay tinungo na nila ang pinto at lumabas.
Nang tuluyan na silang makalabas sa tahanan ay bumungad kina Donovan ang mga nasusunog na tahanan.
Ang pagpalahaw ng mga mamamayan at ang walang habas na pamamaslang ng mga kawal ng Reyna sa pangunguna ng kanilang komandante ang tumatatak sa kanilang mga isipan.
Kahit pa ang mga paslit na wala pang kamuwang-muwang sa paligid ay hindi rin nakaligtas sa masamang intensyon ng mga kawal. Hindi lamang sina Donovan at Gantrick ang natulala sa mga nagaganap.
Maging sina Irene at Kirin ay kapwa natulala rin. Nakatakip pa ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig dahil sa kahindik-hindik na sitwasyong kinaroonan nila.
Unang nakabawi si Gantrick sa kanilang apat. Buong lakas niyang hinila ang tatlo patungo sa isang madilim na sulok.
Maya-maya, sa gitna nang kaguluhan ay nagawa pa rin silang mahanap ni Alab at ng ilang mga kalalakihan mula sa pamayanan.
“Huwag kayong lalabas kahit na anong mangyari, nauunawaan ba ninyo ako?” tanong ng matanda.
Wala sa sarili namang tumango ang apat. Hindi makapaniwala sa kanilang mga nasasaksihan. Nanginginig ang buong kalamnan ni Donovan hindi dahil sa takot kundi dahil sa labis na pagkapoot na nararamdaman.
Tinangka niyang tumayo ngunit agad siyang pinigil nina Kirin at Irene na bagama’t natatakot ay pilit pa ring pinakakalma ang kanilang mga sarili upang mas malinaw na makapag-isip.
“Bitiwan ninyo ako!” Singhal ni Donovan sa mga ito.
Puno na nang galit ang puso ng binata. Batid niya sa kaniyang sarili na sila ang may dahilan kung bakit ito nararanasan ng mga Babylonian.
Alam niya na alam na ng mga kawal ng Reyna na ang pamayanang ito ang nagkakanlong sa kanila.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Amang Alab? Hindi tayo maaaring lumabas mula rito!” giit ni Kirin.
“At ano ang gusto mong gawin ko? Ang hayaan na lamang silang maubos sa sa harapan ko?” gigil na wika naman ni Donovan.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalagang kanina pa pinipigilan ang emosyong nadarama.
"Sa tingin mo ba ay gusto ko na panoorin lamang na mapaslang ang aking mga kalahi?”
Lumambot naman ang ekspresyon ni Donovan dahil sa narinig. Muntik na niyang makalimutan na kung mayroon mang mas masidhi ang pagnanais na tulungan ang mga mamamayan ay si Kirin iyon sapagkat kalahi niya ang mga ito.
“Donovan. Calm down for a bit.” Tipid na utos ni Gantrick.
Napalingon siya sa kapatid dahil sa tono nang pagsaslita nito. Madilim pa sa kadiliman ng gabi ang anyo ni Gantrick habang nakatitig sa kaguluhang nagaganap. Nakakuyom ang mga palad ng lalaki na halatang pilit na sinusupil lamang ang nadaramang galit.
Alam niyang hindi na biro ang tonong ito ni Gantrick. Huli niya itong nakita noong sila ay nasa elementarya at pinagkakaisahan siyang bugbugin ng anim na kabataang higit na mas matanda sa kaniya.
Si Gantrick ang sumaklolo sa kaniya ng mga panahon na iyon. Baon ang galit sa dibdib sa ginawang pananakit sa kaniya ng mga kabataan ay ipinagtanggol siya ng kapatid at walang-habas na ginapi ang mga kaaway.
“Pakiusap, Komandante! Tigilan na ninyo ang inyong mga ginagawa. Ano ba ang kasalanan na aming nagawa at ginagawa ninyo ito sa amin?” pakiusap ni Alab.
Hinarap siya ng Komandante.
Humakbang ito palapit sa kaniya. Nang tuluyang makalapit ay nagpakawala ito ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha ng kaawa-awang matanda.
Bumagsak sa lupa si Alab. Duguan ang labi nito.
Dahil rito ay inatake ng ilang mga kalalakihan ang Komandante ngunit sa kasamaang palad ay mabilis lamang silang napaslang ng mga kawal na kasama ng Komandante.
“Ang pinaka ayaw sa lahat ng aking panginoon at ng Reyna ay ang mga nilalang na mapanlinlang, Alab.”
Dahan-dahang tumayo si Alab sa tulong na rin ng dalawang lalaking umaalalay sa kaniya.
“Hindi ko po kayo lubos na maunawaan, Komandante,” pag sisinungaling ni Alab.
Napaluhod muli si ang matanda sa lupa nang sikmuraan siya ng Komandante.
“Huwag mo na akong linlangin pa! Nasaan na ang tatlong dayo na hinahanap ko? Sumagot ka!”
“Pakiusap, hindi ko talaga alam!” mariing pagtanggi ni Alab.
“Matigas ka talaga huh?” Unti-unting binunot ng Komandante ang kaniyang espada mula sa upak na kinalalagyan nito.
Itinutok niya ito sa leeg ng matanda. “Huling pagkakataon mo na ito, Alab. Nasaan ang mga dayo?”
Sa halip na sumagot at isuplong ang kinaroroonan nina Donovan ay tahimik na pumikit lang si Alab. Hinihintay na maramdaman ng kaniyang kamalayan ang sakit at hapdi na magiging dulot ng talim ng sandata nito.
“Ikaw ang may kagustuhan nito, Alab!”
Kasabay nang pag-angat ng Komandante sa kaniyang espada at bago nito tuluyang bigyan ng isang malakas na pag-unday si Alab na mabilis na tatapos sa buhay nito ay magkakasunod na bumagsak ang apat sa kaniyang mga kawal.
Kasunod nang pag bagsak ng mga ito ay ang pag tudlo ng isang palaso sa gawing paanan ng Komandante.
“Sino ang nariyan! Magpakita ka!” sigaw ng Komandante.
Mula sa madilim na sulok ay lumabas sina Donovan at Gantrick. Kapwa madilim ang anyo ng mga binata. Hindi na nila natiis pa na panoorin na lamang ang kanilang mga nakikita.
“Sino kayo!” muling sigaw ng Komandante.
Muli pa ay hindi nakarinig ng kahit na anong sagot mula sa dalawang binata ang Komandante. Naubusan na siya ng pasensya kung kaya naman ay agad niyang pinaatake ang ilang mga kawal na nasa kaniyang tabi.
Ikinuyom ni Donovan ang kaniyang mga kamay nang makita ang mga kawal na patungo sa kanilang direksyon. Hindi niya ninanais na pumaslang ng kahit na sino man.
Ngunit hindi na niya hahayaan pa na may masaktan pa ang mga ito kung kaya naman ay kung ang pagkitil sa buhay ng mga kawal ang kasagutan upang mailigtas ang mga mamamayan ay handa nilang gawin ni Gantrick ito.
Nagpakawala ng isang napakalakas na suntok si Donovan nang tuluyang makalapit sa kaniya ang isang kawal at mapagtagumpayan niyang iwasan ang pagwasiwas nito ng espada. Tumumba ito sa lupa.
Mula sa kaniyang likuran naman umatake ang isa pang kawal.
Hinawakan niya ito sa braso upang pigilin ang pag unday nito ng espada atsaka siniko ito sa mukha dahilan upang mapaatras ito ng ilang hakbang at lumuwag ang pagkakahawak sa kaniyang sandata.
Sinamantala ito ng binata at agad na inagaw mula rito ang espada. Sinalag niya pag-atake ng isa pang kawal na biglaang sumulpot sa kaniyang tabi.
Gamit ang nakuhang espada ay ipinamalas ng binata ang kaniyang mga natutunan sa leksyong itinuro sa kanila noon ng kanilang ina tungkol sa paggamit ng sandata.
Nang lingunin niya si Gantrick ay isa namang sibat ang gamit nito upang magapi ang mga kaaway. Lahat ng lumalapit sa lalaki ay hindi na muli pang nakatatayo mula sa kanilang pagkakabagsak.
Nagawa ngang magapi nina Donovan at Gantrick ang mga kawal na umatake sa kanila ngunit hindi pa rin natatapos dito ang lahat.
Hangga’t mayroong nakatayo mula sa hanay ng mga kaaway ay malinaw na hindi pa sila nagwawagi.
Madilim ang anyo na nilingon nila ang Komandante. Nakangisi lamang ito sa kanila na tila ba aliw na aliw sa kanilang pakikipag sagupaan sa mga kawal nito.
“Let’s take that asshole down, Don.”
“Gotcha!”
Kasabay nang kanilang pag hakbang papalapit sa Komandante ay ang pag dunggol naman ng kanilang kamao sa isa’t-isa.
“Let’s do this!”