bc

MY BELOVED Wife RUN AWAY ( Tagalog )

book_age18+
49.3K
FOLLOW
222.0K
READ
billionaire
possessive
sex
one-night stand
kidnap
pregnant
CEO
sweet
bxg
seductive
like
intro-logo
Blurb

Warning: SPG / R-18 / Mature Content.

Dahil sa pagtakas ni Arriane sa mga kidnaper ay nahulog siya sa bangin. Nagpagulong-gulong siya ngunit hindi alintana ang mga sugat sa katawan. Sinikap na gumapang hanggang may natitira pa siyang kaunting lakas.

Si Lance na masungit, pala sigaw, arogante at babaero. Ano ang gagawin ng binata sa sitwasyong kanyang kinasangkotan.

Si Lander na unang kita pa lang sa dalaga ay nagkagusto na dito. Kaya ba niyang kalabanin ang kakambal para sa baba'eng pumulaw sa kanyang puso?

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
Halos hindi siya makagalaw at nakatulala sa mga armadong lalaki na may hawak ng mga baril. Gustong tumayo at tumakbo palayo pero mababangis at nakakatakot ang mga mukha ng mga kalalakihan. Lahat ay mukhang hindi pahuhuli ng buhay at anomang oras ay pwede silang patayin. Sigawan, nagiiyakan at nagmamakaawa ang mga pasahero na nakasakay sa aircon bus na sinasakyan niya. "Sundin ninyo ang mga sasabihin ko or mamamatay kayong lahat!" Malakas na boses ng pinaka pinuno ng nasa sampong lalaki. Napansin niya na may isang matandang babae na nakatingin sa kanya. Parang may gusto itong sabihin kaya lang ang layo nito. Gustohin man niya na lapitan ito ay hindi niya magawang tumayo. Takot na takot siya at ngangatog ang mga tuhod. May biglang humablot ng malakas sa kanyang patulak. "Gusto mong mamatay! baba!" Hindi ako nakagalaw sa takot kaya hinila ako nang malakas . Muntikan na siyang mapasubsob sa sahig. "Aba't ayaw mo yata huh! Bilis dalhin ang isang ito! Siguradong masisiyahan si bosing sa magandang babae'ng ito!" "Bos ang ganda nga niya." "Jong dalhin sa sasakyan ang isang yan at lahat ng mga kababaihan." "Halika na ganda, nakaka init ka ng dugo ang hot mo. Bilisan mong maglakad or gusto mong buhatin pa kita?" "B-bitwan mo ako! M- maglalakad akong mag isa!" "Ang suplada mo ganda, alam mo gusto ko yang ganyan sa babae." "Jong dito mo isakay yan ng makahimas man lang habang nasa byahe tayo." "Sige boss ariglado, halika ganda doon ka daw sa kabilang sasakyan." Kinilabutan siya sa maaring mangyari sa kanya. Mabilis na umakyat ng sasakyan para makaiwas sa hawak ng mga lalaking may magagaspang na palad. Hindi pa nagtatagal sa pagkakaupo ng may bagay na nilagay sa kanyang mata. Gusto niyang magsisigaw kaya lang biglang umandar ang sasakyan. Halos tumalon na ang kanyang puso sa takot na maaring kasapitan niya. Papaano kung patayin siya at gahasain ng mga kalalakihang ito? "Pare ang ganda ng isang yan." "Ikaw naman maniac ka talaga alam mo naman na hindi natin maaaring galawin 'yan. Mananagot tayo kay bosing pag may nangyari dyan." Hindi nagtagal ay naramdaman niya na may humihimas sa kanyang braso. Pandidiri ang kanyang naramdam at gusto ng sumigaw pero natatakot siya. "Ano ba lumayo ka sa akin!" Protesta niya dito. Kinilabutan ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Medyo napanatag ng masiguro na lumayo na ito. Hanggang inagaw na siya ng antok. Pumikit at isinandal ang ulo sa matigas na salamin ng sasakyan. Naalipungatan sa malalakas na usapan. Naririnig din ang ingay ng mga sasakyan, siguro nasa city na sila. Sa tagal ng byahe ay nasisiguro niya na ilang oras na ang tinatakbo nila. Malamang na hihigit sa apat na oras na sila sa loob ng sasakyan. "Pare madilim na pala mga thirty minutes na lang at makakarating na tayo. Napaka swerte ng unang makakabili sa babaeng iyan napakaganda niya. Kung hindi lang ako mananagot kay bosing yayariin ko na yan kahit dito sa loob ng sasakyan. Pucha pare nakakapaglaway ang kagandahan niya." Nangilabot siya sa narinig, "lord please help me." Kung bakit naman kasi hindi niya pa ipinagpabukas ang pagtungo duon. Sana pala nakisabay siya sa kakilala na duon din ang punta. "Arriane, welcome back!" "Omg! your so beautiful, kumusta ang New York? Akala ko wala na sa plano mo ang bumalik dito sa pilipinas. Anyway lets go to the parking nandoon ang car ko, doon na lang tayo mag kwentohan." "How's tita val?" "She's past away a month ago." "Oh im so sorry Arrianne , what happen ba? why? i mean anong ikinamatay?" "High blood," tumulo nanaman ang kanyang luha. Ngayon na mag isa na lang ay hindi pa din niya alam. Kung papaano patatakbuthin ang mga negosyo na iniwan sa kanya. " Ah Nicole uuwi ako sa probinsya kakausapin ko ang tita ko. Siya na lang kasi ang natitira kong kamag anak." " Do you want me to go with you? wala naman ako pasok bukas. Gusto ko din makapag unwind masyado na ako pressure sa trabaho." " Okay lang ako Nicole magpahinga kana lang. Hindi din kasi pwedi na mag car tayo napakalayo ng probinsya namin. Sasakay na lang ako ng bus, pagbalik ko punta tayo sa palawan bago ako bumalik ng New York." Bumalik siya sa kasalukoyan ng gumiwang-giwang ang sasakyan at biglang huninto sila. "Ano yon pare?" "Nasiraan yata tayo'Jong silipin mo nga ano ba nangyari at bigla tayo huminto!" "Sige kusa, bantayan mong mabuti si ganda baka tumakas yan." Nagkunwari siyang tulog kahit narieinig niya. Ang mga kapwa niya babae ay maingay silang nag uusap, "Bumababa kayo at kailangan natin magpalit ng gulong. Bantayan nyo mabuti ang mga bihag kung di mananagot tayong lahat kay bosing!" Bigla siyang nabuhayan ng loob, ito na ang chance na makatakas siya. Kung hindi niya gavawin ay kapahamakan ang naghihintay sa kanya sa kamay ng mga hoodlum na ito. Nag isip siya ng magandang alibi para makalayo sa mga lalaking ito. "Kailangan kong mag banyo! Alisin ninyo ang tali ko sa mata!" "Aba at demanding si ganda mga kusa." "Ano ba alisan ninyo ako ng takip sa mata or dito ako iihi sa suot ko. Sigurado mamamanghi tayo pare-pareho mamaya sa loob ng sasakyan!" "Alisan muna kusa baka diyan pa nga magkalat iyan. Samahan mo kong saan iihi." Ngisi ng isang lalaking may pangit na mukha. Nang maalis ang piring niya ay agad na humakbang siya palayo sa karamihan ng narutuon. "Ops, ganda sandali!" sabay hawak sa kanya ng magaspang na kamay. "Ano ba! bitiwan mo nga ako kailangan ko mag C.R!" Parang ayaw pang pumayag at nag iisip pa ang isang oto. Habang tinitingnan niya kung possible ba na makakatakas sa madilim na lugar. Kaunti na lang ang nagdaraan na sasakyan. Basta bahala na importante makatakas. "Tumalikod ka! Saka doon ka sa medyo malayo baka busohan mo pa ako!" "Sige pero bilisan mo!" Nang masiguro ni Arriane na nakatalikod ang lalaki ay agad na kumripas ng takbo. "s**t! asan na ba ang babaeng iyon?" Habang palayo at lakad takbo sa madilim na lugar ay rinig niya ang pag mumura ng lalaki. Hindi na baling ikamatay niya na dito hwag lang madala siya at ibenta. Palapit ng palapit ang mga boses nila, kailangan makalayo siya. Tumakbo ng tumakbo at ramdam niya ang sakit ng kanyang mga paa sa madawag na dinadanan niya. Dahil hindi siya sanay na maglakad o tumakbo ng mabilis. Kaya nahihirapan siya lalo pa at madilim , ngunit ito lang ang kanyang last chance. Dahil subrang dilim hindi niya na alam kung saan ang direksyon. Basta ang importante makalayo siya sa mga humahabol sa kanya. Kahit gusto ko ng sumuko dahil sa pakiramdam ay duguan na ang kanyang mga paa. Makirot din ang ang kanyang balat sa kakasabit sa mga matatalas na halaman. Napasigaw siya ng malakas ng sa huling tapak ay matarik pala doon. Tulong!" Nagpagulong-gulong siya. Bangin pala ang lugar na iyon at halos mawalan na siya ng ulirat. Subrang sakit ng kanyang buing katawan ngunit hindi siya dapat sumuko. Tumayo siya kahit hirap kumilos at halos pagapang na lang hanggang may napansin siyang ilaw. Kahit nanlalabo ang paningin ay pinilit na makalapit para makahingi ng tulong. Nakaramdam siya ng konting pag asa ng makapa ng mga kamay at paa na semento na ang ginagapangan. Sinikap na makagapang pa kahit nararamdaman na niya ang unti-unting panghihina. Bago mawalan ng malay naramdaman niya ang pag tigil ng kung anong sasakyan. "Pakiusap tulongan n'yo ako!" "f**k! Halos sumadsad siya sa biglabg tapak ng preno. Bababa na sana ng magdalawang isip at baka trick ito ng mga holdaper. Sa ganito ka liblib na lugar ay napakadilikadong mag stop. Maraming mga rebelde ang nagkalat at dilikado siya. Masyado madilim ang lugar na ito at ano ang ginagawa ang taong nasa harapan ng kotse niya? Muntik pa niyang mabangga ito kong hindi agad nakapag preno. Aalis na sana si Lance ng bigla gumalaw at itinaas ang kamay para makakuha ng atensyon. Sa sinag ng ilaw ng sasakyan napansin ni Lance na maliit ang kamay at maputi ito kahit puro dumi ang kamay at braso. "Sh!t!" Nakakainis, kong hindi lang siya naawa sa taong nakahandusay ay hindi siya baba. Dahil may mabuting kalooban ay nagdisisyon na tulongan ito. Pag aalinlangan ang nasa mukha bago nagpasyang humakbang. Kinuha muna ang baril sa comparyment at inilagay sa kanyang likorang bahagi ng katawan. "Hey!" Ngunit hindi gumagalaw sa pagkakatagilid nito. Ang mahabang buhok ay nakasabog kaya hindi makita ang mukha. Babae ito at nagmamadaling niyuko at hihilahin na sana niya ng umungol ng malakas. Inilapit ni Lance ang tenga para pakiramdaman. Pinakinggang mabuti kong anong gustong sabihin nito. Sa mahinang boses ay narinig niya ang pakiusap na tulongan niya. Hindi na siya nag dalawalang isip at binuhat niya ang babae. Masyadong madilim kaya hindi masyadong makita ang mukha nito. Pahigang inilagak niya sa passenger set at umikot para maupo na siya sa harapan. Pinaharurot ang sasakyan at naghanap ng malapit na hospital o kahit anong emergency clinic man lang. Subalit nasa alanganing lugar kaya walang madaanan. Ang alam lang niya na hospital na pinaka malapit ay mga tatlong oras pa bago makarating doon. Sa itsura ng taong nasa likoran ng passenger seat ay mukhang nangangailangan ng mabilisang gamot. Gustong mapamura ni Lance dahil bigla pa siyang nagkaruon ng problema ngayon. Papaano kong mamatay ito sa kanyang sasakyan? Siguradong maiimbistigahan siya ng mga pulis. Sa lahat ng ayaw niya ay ma involve sa mga ganitong crimes. Walang choice kong hindi ay dalhin sa hacienda ang babae. Patuloy sa pagda drive habang napapailing sa sarili. Kaya nagmamadaling dumiretso na lang siya sa bahay. May mga gamit naman doon na pwedi niyang maipa gamit dito. Pasulyap sulyap sa babaeng walang malay. Napaisip siya kong bakit nasa ganoong sitwasyon ang babae and what she's doing there at this time? Maswerte lang ito at siya ang nakakita otherwise malamang na baka ma-rape o patayin pa ito. May kalayuan pa ang hacienda, hindi naman siya makapag patakbo na ng matuling dahil basa ang daan. Mahirap na baka ma disgrasya pa siya at madagdagan pa ang kinakaharap na problema. Hindi siya sanay sa ganitong bagay, ang tanging alam lang niya ay mag patakbo ng company at magpaligaya ng babae. Ngunit ngayon wala siyang pag iwasan. Narito na ito dahil mula ng magpasya siyang tulongan ang babae ay tinanggap na niya ang possibility na madamay siya. Minsan pang nilingon ang babaeng madungis at may mga bahid ng dugo sa braso at mukha. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na awa para sa babae. Papano na lang kong sakaling hindi siya napadaan sa lugar na iyon. Sa itsura nito ay hindi taga rito sa lugar nila. Makinis ang balat nito at napakagandang mukha ay sigurado siya na manilenya ito. Sari saring isipin ang naglalaro sa kanyang imahinasyon. Hindi tuloy napansin ni Lance ang lubak at muntik na siyang sumimplang. Mamaya na nga niya pag isipan kong ano ang kanyang gagawin. Mahirap na ma aksidente siya. Hindi nagtagal ay narating na ni Lance ang daan paliko sa kanilang malawak na lupain. Imbis na umikot siya sa kabilang road dahil maganda ang daan doon. Mas piniling dito siya lumiko sa rap road para makarating agad ng hacienda. "f**k!" Malakas na busina niya 'sabay tapak ng preno.. Muntik ng mabangga ang isang kalabaw na tumawid sa kalye. "Pag mamalasin ka nga naman huh!" Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at nakahinga ng maluwag ng masinagan ng ilaw ang malaking gate nila. May kalayuan pa ito mga one hundred squre meter pa. Dahil straight ang daan ay natatanglawan na ng ilaw ng kanyang kotse. Sa ganitong oras ay wala ng tao kaya madilim na madilim ang kabahayan. Bigla siyang nakaramdam ng gutom, ni hindi pala siya nakakain man lang. Kahit doon sa higway na paborito niyang kainan. Sa kakaisip sa problema sa negosyo, gusto na niyang tawagan ang ama pero ayaw naman niyang basta umuwi ang mga magulang. Siguradong hindi nanaman siya titigilan ng ina sa pangungulit na mag asawa na siya. -----

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.6K
bc

Married By Mistake

read
170.8K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
48.6K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.1K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.7K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook