Chapter 4

1383 Words
Honey’s POV Maaga akong pumasok sa eskwelahan kinabukasan, pero kahit maaga, ramdam ko pa rin ang antok. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, at parang gusto ko na lang bumalik sa kama. Pagdating ko sa school, halos wala pang gaanong estudyante sa paligid. Tahimik pa ang buong campus, at ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at mahihinang yabag ng mga maagang pumasok. Napabuntong-hininga ako habang nililibot ang tingin sa paligid. "Saan kaya pwedeng umidlip saglit?" bulong ko sa sarili. Naglakad ako papunta sa isang sulok ng campus, kung saan may mahabang bench sa ilalim ng isang malaking puno. "Dito na lang," sabi ko habang dahan-dahang umupo. Inilabas ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. "May oras pa bago mag-umpisa ang klase..." Napatakip ako ng bibig nang mapansin kong napayawn ako. "Sige, matutulog lang ako saglit." Sumandal ako sa upuan at pumikit. Naramdaman kong unti-unting bumibigat ang katawan ko sa antok. "Walang Desmon na manggugulo rito... peace na peace..." bulong ko bago tuluyang nadala ng antok. Ngunit ilang minuto lang ang lumipas, biglang may malamig na bagay na dumikit sa pisngi ko. "Gising, antukin!" Napasigaw ako at napatalon sa gulat. "Ano ba?!" Pagdilat ko, tumambad sa harapan ko ang pamilyar na mukhang kinaiinisan ko—si Desmon, may hawak na malamig na lata ng soft drink at isang malaking ngisi sa mukha niya. "Aba, tulog ka na agad? Wala pa ngang first subject," aniya, saka tumawa. Napairap ako. "Desmon! Ano ba?!" Umupo siya sa tabi ko at umakbay pa, dahilan para lalo akong mairita. "Ang cute mo kapag tulog, Honey. Para kang anghel—pero anghel na antukin." "Tumigil ka nga!" Mabilis kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. "Wala kang ibang trip kundi manggulo, ano?" Nagkibit-balikat siya. "Eh kasi naman, parang ang lungkot mo. Gusto ko lang pasayahin ka." "Gusto mo akong pasayahin? Sige, lumayo ka sa akin!" Sa halip na sumunod, lalo lang siyang natawa. "Tsk, tsk. Mukhang mahaba-habang araw na naman ‘to para sa'yo, Honey." Napabuntong-hininga na lang ako. "Oo nga. Lalo na kung nandiyan ka." Habang nagtatawanan siya, ako naman ay napapaisip. Araw-araw na lang ba ganito? Hanggang kailan ko titiisin ang pang-aasar ng lalaking ‘to? Napailing na lang ako at mabilis na lumayo kay Desmon. Kung gusto niyang manggulo, bahala siya, pero hindi ako magpapaapekto ngayon. Kailangan kong mag-concentrate sa klase. Naglakad ako papunta sa building kung saan gaganapin ang first subject namin, pero napahinto ako nang mapansin kong may kausap na guro si Desmon. Nasa isang gilid siya ng hallway, nakatayo habang nakakunot ang noo. Kahit mula rito, kita kong seryoso ang usapan nila. Iba ito sa usual na Desmon na palaging nakangisi o nang-aasar sa akin. "Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" bulong ko sa sarili habang palihim na pinagmamasdan siya. Biglang tumango si Desmon at nagbuntong-hininga bago sumagot. Hindi ko marinig ang sinasabi niya, pero halatang hindi ito biruan. Mukhang may bigat ang topic. Nagtaka ako. Si Desmon? Seryoso? Hindi ‘yan normal. Hindi ko maiwasang ma-curious. Parang may kung anong pinagdaraanan si Desmon na hindi ko alam. Pero bakit ko naman iintindihin? Hindi naman kami magkaibigan. Iniling ko ang ulo ko at tinapik ang sarili. "Wala akong pakialam! Hindi ko problema ‘yan!" Mabilis akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom, pilit na hindi iniisip kung anuman ang pinag-uusapan ni Desmon at ng guro. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mapaisip… Ano nga kaya ‘yun? Simula nang may nakausap si Desmon na guro, parang ibang tao na siya. Hindi ko na siya naririnig na nang-aasar sa akin, at hindi na rin siya kasing kulit tulad ng dati. Tahimik lang siya sa klase, minsan nakatingin lang sa malayo na parang may malalim na iniisip. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang... ang weird. Sanay akong maingay si Desmon, sanay akong inaasar niya ako sa bawat pagkakataong makita niya ako. Pero ngayon, parang hindi ko alam kung paano ko ituturing ang katahimikang iniwan niya. Bakit kaya bigla siyang nagbago? Dahil sa kakaisip, hindi ko namalayang uwian na pala. Pagkalabas ko ng school, mabilis akong naglakad patungo sa sakayan. Malayo pa ang bahay, pero sanay na ako sa biyahe. Habang naglalakad, ramdam ko ang bigat ng hangin. Pakiramdam ko ay parang may kakaiba—parang may nakatingin sa akin. At hindi ako nagkamali. Sa isang sulok ng kalsada, may isang lalaking nakatayo. Napahinto ako nang makita ang pamilyar niyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko, at agad kong kinuyom ang mga kamao ko. Hindi maaari... paano siya nakarating dito? "Honey," tawag ng lalaki, ang tinig niya mababa pero puno ng awtoridad. Hindi ako makapagsalita. Parang nanigas ang katawan ko sa gulat at takot. "Matagal na kitang hinahanap," aniya, unti-unting lumalapit. "Akala mo ba makakatakas kayo? May utang pa sa akin ang nanay mo." Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Paano niya kami nasundan dito sa Maynila? Napaatras ako, pero napasandal ako sa isang pader. "Wala na kaming kinalaman sa'yo. Bayad na ‘yung utang na ‘yun!" Ngumisi ang lalaki, isang ngising nagpakilabot sa akin. "Ikaw ang nagdesisyong umalis nang hindi nagpapaalam. Hindi pa tayo tapos, Honey." Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko. Ano ang gagawin ko? Paano ako makakatakas dito? Habang sakay ng jeep pauwi, hindi ako mapakali. Kanina pa ako tulala, nakatingin lang sa labas ng bintana habang mabilis na dumadaan ang mga gusali at ilaw ng Maynila. Pero ang totoo, wala akong nakikita—ang isip ko ay puno ng mga tanong at pangamba. Paano ko mababayaran ang utang na ‘yun? Hindi ko puwedeng sabihin kay Nanay. Kapag nalaman niya, baka lalo lang siyang mag-alala—baka magkasakit pa siya sa stress. Alam kong matagal na niyang gustong makawala sa utang na ‘yun. Pero paano kung hindi pa talaga tapos? Napakagat ako sa labi. Anong gagawin ko? Hindi rin ako puwedeng lumapit kay Lola Gloria. Napakabuti niya sa amin, at ayokong maging pabigat pa. Isa pa, ayokong gamitin ang kabaitan niya para lang malutas ang problema namin. Wala akong ibang choice kundi ako mismo ang gumawa ng paraan. Pero paano? Wala naman akong trabaho. Estudyante lang ako. Napasandal ako sa upuan at napapikit. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong humanap ng paraan. Biglang sumagi sa isip ko ang isang tao—si Desmon. Mabilis akong umiling. Hindi! Hindi ako hihingi ng tulong sa lalaking ‘yun! Pero sa kabila ng pagtanggi ko, may maliit na boses sa isip ko na nagsasabing… "Siya lang ang may kakayahang tumulong sa’yo ngayon." Pagkarating ko sa mansyon ni Lola Gloria, hindi ko na inisip pang magpahinga. Kailangan kong makausap si Desmon. Kahit gaano pa siya kainis at kairitable minsan, wala akong ibang maisip na maaaring makatulong sa sitwasyon ko ngayon. Pumasok ako sa malawak nilang sala, at doon ko siya nakita. Nakaupo siya sa isang mahaba at eleganteng sofa, may hawak na laptop habang seryosong nagbabasa ng kung ano mang nasa screen. Tahimik ang buong paligid, tanging tunog ng pag-click niya sa keyboard ang naririnig ko. "Ang weird talaga..." bulong ko sa sarili. Hindi ito ang Desmon na kilala ko. Ang Desmon na nakasanayan ko ay maingay, nang-aasar, at walang pakialam sa paligid. Pero ngayon, ibang-iba siya. Pinanood ko muna siya mula sa malayo, nag-aalangan kung paano ako lalapit. Paano ko siya kakausapin kung hindi siya mukhang approachable? Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa kanya. Nang nasa harap na niya ako, hindi pa rin siya lumingon. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya, halatang malalim ang iniisip niya. "Uh... Desmon?" mahina kong tawag. Walang sagot. "Hoy, Desmon!" mas nilakasan ko. Napapitlag siya at agad na tumingin sa akin na parang ngayon lang niya napansin na naroon ako. "Ano?!" asik niya, halatang nainis sa pag-abala ko sa kanya. Nagkibit-balikat ako. "Kausapin sana kita..." Umiling siya at binalik ang tingin sa laptop. "Wala akong oras sa mga ka-dramahan mo, Honey. Kung wala kang importanteng sasabihin, lumayas ka na." Napakagat ako sa labi. Hindi ako puwedeng umatras ngayon. Kailangan ko siyang kumbinsihin. "May importante akong sasabihin," madiin kong sagot, sabay upo sa tabi niya. "At hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako pinapakinggan." Tumigil siya saglit, saka napabuntong-hininga. "Fine. Ano na naman ‘yan?" Nag-aalangan ako, pero wala nang atrasan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bumulong, "Desmon... kailangan ko ng pera."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD