Habang nakatira kami sa maganda at malaking bahay na ‘to. . .mas lalo kong minamahal si Raevan. Never kaming nag-away pero madalas akong magtampo sa kaniya dahil palagi niya akong inaasar. Gustong-gusto niyang naiinis ako kung ‘di naman ay gustong-gusto niyang nininerbyos ako lagi. Natutuwa siya kapag hindi na maipinta ang mukha ko sa inis o ‘di kaya’y sobra sa kilig. Grabe kung mag-alaga at mag-asikaso sa’kin. Gigisingin niya ako sa mga halik niya at yakap. Ipagluluto ng masasarap na almusal sa umaga. Bago siya pumasok sa trabaho ay sinisiguro niyang marami akong nakain at busog ako. Kahit may trabaho ay sinisikap niyang makauwi sa tanghali para sabay kaming kumain. At tuwing gabi naman ay palagi siyang may baong nag-iisang pulang rosas na palagi niyang tinatago sa likuran niya. Para ni

