Bumalik siyang dala-dala ang mga pinamili niya. May mga kasama pa siyang taga-bitbit dahil sobrang dami. Baka hindi magkasya sa sasakyan niya. Lahat na yata ng klaseng damit pinamili na niya. Sampung naglalakihang paper bags ang bitbit niya. Iyong tatlong babaeng nakabuntot sa kaniya sa likuran niya ay may dala-dalang plastic. Tig-tatlo naman sila. Baka bumili rin siya ng para sa kaniya kaya sobrang dami. Pinalagay niya sa likuran ang mga plastic at sa backseat naman ang paper bags. Ang dami ng laman at puro damit. Kaya pala ang tagal niya sa loob. Nagpasalamat siya sa mga nagdala at nagpaalam na. Sumakay siya sa kotse at pinakatitigan ko. “Bakit ang dami naman yata?” inaantok kong tanong. Gusto ko ng humiga. “Para mapuno na ang cabinet sa guess room,” sagot niya. “Hindi naman ak

