Chapter 60

2623 Words

Sumama ang tingin ko kay Raevan paggising ko. Nakita ko ang oras sa cell phone at alas tres na pala ng hapon. Papaano ba naman kasi. . .kaninang umaga, wala pang sumisilip na araw… bumanat na naman. Tapos, maliwanag na no’ng tinigilan ako. Inaantok pa nga ako ngayon e pero ano’ng oras na. Tulog pa rin siya sa tabi ko at mahimbing na mahimbing. Nakasimangot ako habang nakatitig sa kaniya. Nakadapa siyang natutulog pero ang isang braso ay nasa ibabaw ng tiyan ko. Mukha siyang maamong anghel kung titignan. Wala na ang ulo niya sa unan at nakalubog lang ang kalahati ng mukha sa comforter. “Maamo ka lang dahil tulog ka,” nakasimangot kong usal sa kaniya. Nakita ko pa sa sahig ang mga damit niya at damit ko. Lalo akong sumimangot nang makita ang mga damit kong pinunit-punit niya kagabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD