Pagkauwi namin ay agad niya akong diniretso sa kwarto. Wala namang tao sa baba at lahat yata ay nasa kaniya-kaniya ng kwarto. Buhat-buhat niya ‘ko pero nakaya niyang buksan at isara ang pinto ng guess room kung saan ako natutulog. Nakita ko pang ni-lock niya ‘yon. Pagkababa niya sa’kin sa ibabaw ng kama ay agad na siyang naghubad. “A-Anong ginagawa mo?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Napalunok ako ng wala sa sarili nang makitang boxer short na lang at medyas ang tanging natitira. Tinapon niya lang sa kung saan ang mga damit niya. “Hoy, Raevan,” kinakabahang tawag ko sa kaniya dahil hindi niya ako sinasagot. “What?” Patay malisya niyang tanong. “A-Anong what ka diyan? Bigla ka na lang naghuhubad!” singhal ko sa kaniya. Tinawanan lang ako at inalis ang medyas niya. Sumampa sa ka

