bc

STAND BY YOUR MAN: BUNGA NG KAHAPON-SPG

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
arrogant
boss
heir/heiress
drama
bxg
scary
assistant
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Nangako na kahit anong mangyari walang bibitaw. Ano mang pagsubok ang haharapin walang susuko. Nangako na sabay haharapin ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay. Sabay na nangarap, nagmahalan, nangako sa isa't isa na magsasama hanggang sa pagtanda.

Subalit paano kung isa sa mga pangako ay walang natupad? Paano kung nagbago ang isa, at kinalimutan ang pangako sa isa't isa? Ipaglalaban pa kaya ang pagsasama kung isa na lang ang kumakapit? Paano kung isa na lang ang lumalaban sa relasyon na sabay ninyong binoo?

Katorse anyos pa lamang si Alena, nang magsama sila ni Rico, ang lalaki na tumulong sa kanya at nangako na mamahalin siya, aalagaan, iingatan, at iaahon sa hirap. Nangako na walang bibitaw sa kanilang dalawa. Ano man ang pagsubok na darating sa relasyon nila at pagsasama. Subalit nagising na lamang si Alena, na unti-unting nagbago si Rico. Hindi na ito ang Rico, na dati iniingatan na hindi masaktan ang kalooban niya. Paano kung nagbago na ang Rico, na dati niyang minahal at inalayan ng kanyang buhay?

Makakapit pa kaya si Alena sa mga pangako nila ni Rico, kung ang binata ay parang nakalimutan ang mga ipinangako nito sa kanya? Matutupad pa kaya ang pangako nila sa isa't isa kung pareho na silang sumuko sa realasyon nilang dalawa?

Rico Santillan and Alena Suarez story.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Alena Malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula kay Misis Domingo; ang aking amo. Pumapasok ako sa kanila bilang isang kasambahay. Sa edad kong labing-apat ay naranasan ko na ang mangatulong at magpaalipin sa ibang tao. Wala naman akong magagawa dahil ulilang lubos na ako. Nabubuhay na lamang ako sa sarili kong sikap. Nang mamatay ang Mama ko kinuha ako nila Misis Domingo. Akala ko pag-aaralin nila ako subalit hindi pala. Dagdagan pa na palagi akong inuutusan ng kanyang anak na si Rachelle, palaging mainit ang ulo nito sa akin. Kaya palagi rin akong napapagalitan ni Mrs. Domingo. Katulad ngayon nabasag ang vase niya na galing pa sa ibang bansa. Si Rachelle, ang nakabasag niyon subalit ako ang napagbintangan. "Hindi naman po talaga ako, Misis Domingo, ang nakabasag ng vase na iyon kundi si Rachelle po," pagtatanggol ko sa aking sarili kay Mrs. Domingo, habang hawak ko ang aking pisngi na sinampal niya. "Sasagot-sagot ka pa! Wala ka na ngang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko! Pasalamat ka pa nga at kinupkop pa kita. Kung hindi baka palaboy-laboy ka na riyan sa kalye o hindi kaya baka nadampot ka na ng sindikato at bininta sa club," galit na galit nitong sabi sa akin. Halos luluwa ang mga mata nito sa galit sa akin. Nakita ko ang mapang-uyam na tingin ni Rachelle sa akin. Napangisi ito habang nakataas ang kanyang isang kilay. Sinumbong niya ako sa Mommy niya na ako ang nakabasag ng vase na galing pa sa ibang bansa. Mabuti na lang dumating si Sir Albert Domingo, ang asawa ni Mrs. Roan Domingo. Isang taon at limang buwan na akong naninirahan dito sa kanila. "Anong nangyayari dit,o Mommy?" tanong ni Sir Alberto sa kanyang asawa. Agad na lumapit si Rachelle, sa kanyang ama at sinumbong ako nito. "Daddy, look! Sinasagot-sagot ng katulong na iyan si Mommy. Binasag niya pa ang vace ni Mommy, Dad, na binili pa sa ibang bansa. Tapos ayaw niya pang umamin. Nakita ko na sinagi niya ang vase." Tumingin sa akin si Mr. Domingo dahil sa sumbong na iyon ng kanilang anak. "Totoo ba, Alena? Alam mo kung gaano kamahal ang vase na iyan? Kahit isang taon mong pagtrabahuhan iyan hindi mo mababayaran 'yan!" sabi sa akin ni Mr. Domingo. "Hindi ko naman po talaga sinagi iyan, Sir. Si Rachelle po ang nakasagi niyan," pagtatanggol ka sa aking sarili, subalit kahit anong pagtatanggol ko sa aking sarili hindi nila ako pinapaniwalaan. Syempre, sino ba naman ako ikumpara kay Rachelle. Anak nila ito, ako isang hamak na kasambahay lang. "Alam mo sinungaling ka talaga! Kahit kailan ako pa talaga ang palabasin mo na masama. Eh, kitang-kita ko nga na sinagi mo iyan," pagdidiin pa sa akin ni Rachelle. Binaliktad niya pa talaga ang nangyari. "Alam mong hindi iyan totoo, Rachelle. Ikaw ang bumasag ng base ng Mommy mo!" Mangiyak-iyak ang sabi dahil iyon naman talaga ang totoo, siya ang bumasag ng vace ng Mommy niya. Bumaling siya kay Mister Domingo, na parang nagpapakampi "Tingnan mo, Dad! Sasagot-sagot pa hindi na lang tumahimik at humingi ng sorry," feeling victim pa nitong sabi sa kanyang ama. "Rachel, baka ikaw naman ang nakasagi niyan. Magsabi ka ng totoo," baling naman ni Mr. Domingo sa nag-iisa nilang anak na si Rachelle. Nahihiya ako dahil nariyan pa si Rico, nalatingin sa amin. Siya ang car wash boy at hardinero nila. Hindi ako makatingin kay Rico, subalit batid ko na nakatingin siya sa akin. "Dad, anak niyo ako, kaya kilala niyo ako. Hindi ako sinungaling sinagi niya talaga ang flower vase ni Mommy," pagsisinungaling pa ni Rachelle sa kanyang mga magulang. "Palayasin mo na lang kaya iyan dito, Mommy, Daddy," nagulat ako sa sinabing iyon ni Rachelle, sa kanyang mga magulang. Alam ko simula nang dumating ako sa bahay nila ay hindi na maganda ang trato niya sa akin. Parang kaaway ang turing niya sa akin. "Mabuti pa nga magligpit ka na lang ng mga gamit mo at lumayas ka rito sa pamamahay, Alena. Hindi ka namin kailangan dito. Sakit ka lang ng ulo!" Bulyaw sa akin ni Ma'am Roan. "Pasensya ka na Lena, subalit palagi na lang nai-stress ang Ma'am mo sa'yo. Wala na akong magagawa kung papalayasin ka ng mag-ina ko sa pamamahay na ito," bagsak ang balikat na sabi sa sabi sa akin ni Mr. Domingo. Walang salita ang namutawi sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na pati siya ay palalayasin niya ako. Noong namatay ang Nanay nangako siya sa akin na paaralin niya ako at ituring na parang tunay niyang anak. Umiiyak na lamang ako na nagtungo sa aking silid dito banda sa may kusina. Niligpit ko ang mga damit ko. Nilagay iyon sa sako bag. Wala naman kasi akong bag na matino upang paglagyan ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon. Habang nagliligpit ako ng gamit ko pumasok naman si Rachelle sa aking silid. Nakakauyam itong nakatingin sa akin. "Buti nga sa'yo! Nasyado ka kasing atribida," nanunuya nitong sabi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin "Ano ba ang nagawa kong mali sa'yo, Rachelle? Bakit ang init ng ulo mo sa akin. Alam mo ang totoo na ikaw ang nakabasag ng flower vase ng Mommy mo. Walang araw na hindi mo ako ginagawan ng mali sa mga magulang mo. Alam mo, naniniwala ako sa karma. Hindi man ngayon darating ang karma mo subalit naniniwala ako na darating ang araw nakakarmahin ka rin!" sabi ko sa kanya na lalo niyang ikinagalit na ikinalaki ng kanyang mga mata. Gigil nagigil ito sa akin kulang na lang ay sabunutan niya ako. "Ikaw ang kinakarma, kaya huwag mo akong idamay sa kamalasan ng buhay mo! Lumayas ka na nga rito! Wala kang lugar sa pamamahay na ito dahil hindi ka naman namin kaano-ano," sabi pa nito sa akin. "Isang taon at ilang buwan niyo akong inalila rito. Kaya aalis naman talaga ako dahil wala kayong kwentang mga amo. Kung pinapakain niyo man ako, pinaghirapan ko rin naman iyon. Walang tatagal na tao sa inyo dahil sa mga ugali niyo!" matapang kong sabi kay Rachelle. Wala akong pakialam kung magalit man siya dahil aalis naman na ako sa bahay na ito. Bigla na lamang hinila ni Rachelle, ang aking buhok. "Ang kapal mo talaga! Akala mo kung sino ka. Hindi ka naman kagandahan para magustuhan ni Rico," sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Pabalibag na binitawan niya ang buhok ko. Tiniis ko ang sakit at hinarap siya. "Kaya ba mainit ang dugo mo sa akin dahil nagustuhan ako ni Rico? Bakit hindi mo siya tanungin kung bakit ako ang gusto niya at hindi ikaw? Kaya ginagawan mo pala ako ng mali dahil kay Rico. Puwes, hindi ko na kasalanan iyon kung magustuhan niya ako at hindi ka niya magustuhan dahil diyan sa ugali mo! Walang magkakagusto sa'yo, kahit gaano ka pa kaganda!" matapang kong sabi sa kanya. Gusto kong ipagdudulan sa kanya na kahit maganda siya pangit naman ang ugali niya ay wala rin pinagkaiba. "Ah, gano'n, lumalaban ka na?" Galit niyang sabi at akmang sasampalin ako, subalit sinalo ko ang kamay niya. "Pasalamat ka dahil mayaman kayo at may mga magulang ka. Pero kahit ano mang yaman mo, hindi mo ako pwedeng apakan dahil wala akong ginawang masama sa iyo Rachelle. Ikaw lang ang may malaking problema sa sarili mo, kaya huwag mong ituon sa akin ang mabantot mong ugali." Pagkasabi ko ay pabalibag ko rin binitawan ang kanyang kamay at kinuha ang sako bag. "Good luck na lang sa'yo kung magugustuhan ka ni Rico," mapang uyam kong sabi sa kanya at lumabas na ako sa aking silid. Bitbit ko ang bag ko na lumabas sa gate ng mansion. Tumutulo ang aking mga luha kasabay ng aking mga pawis. Ang tingkad pa ng sikat ng araw dahil tanghaling tapat pa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Hindi ko alam kung magpapalaboy-laboy ako sa kalye. Sa mura kong edad naranasan ko ang ganito. Wala rin akong bahay na mauuwian dahil ang bahay na inupahan namin ni Mama, bahay iyon ni Mr. and Mrs. Domingo. Ang barangay na nga ang nagpalibing kay Mama dahil wala naman akong alam kung paano siya ilibing. Tresie anyos pa lang ako ng namatay si Mama. Kaya kinupkop ako nila Misis Domingo at Mr. Dominngo dahil naglalabandira rin si Mama sa kanila. Habang naglalakad ako sa kalye sa ilalim ng sikat ng araw ay may tumatawag sa likuran ko. "Lena! Lena, wait!" Lumingon ako sa pamilyar na boses at tama nga ang hinala ko si Rico ang tumatawag sa akin. Huminto ako upang hintayin siya. Pinunasan ko rin ang aking mga luha at inilapag ang sako bag sa simento. Hingal na hingal si Rico, nang makalapit ito sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam, Rico. Wala akong mapupuntahan. Hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit nabasag ang vase. Si Rachelle, talaga ang nakabasag noon," sumbong ko kay Rico at nagsisimula na naman pumatak ang mga luha ko. "Alam ko. Alam ko na wala kang kasalanan, kaya tahan na. Huwag ka ng umiyak," pag-aalo niya sa akin. Si Rico na lamang ang nagiging kakampi ko, sandalan sa lahat ng problema ko. "Galit sa akin si Rachelle dahil hindi mo siya pinapansin. Akala niya kasi inaagaw ko siya sa'yo," sabi ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. "Sorry dahil sa akin nagawan ka ng kasalanan ni Rachelle. Hindi ko siya gusto dahil may iba akong gusto," sabi ni Rico sa akin. Desie-nuebe anyos na si Rico. Ako naman ay katorse. Nalungkot ako sa sinabi niya na may iba siyang gusto. Inaamin ko na crush ko si Rico, noong una ko pa lang siyang nakita. Subalit crush lang naman. "Sige, Rico. Aalis na ako. Bahala na kung saan ako mapunta," paalam ko sa kanya. Hinawakan ko ang sako bag at akmang bubuhatin ito subalit pinigilan ni Rico, ang aking mga kamay "Lena, hindi ako makakapayag na lalayo ka. Gusto kita, Lena," walang halong biro niyang sabi sa akin na ikinagulat ko. Medyo natulala pa ako sa sinabi niyang iyon, kaya pinaulit ko sa kanya ang sinabi niya. Baka nabibingi lang ako. "Ano ang sabi mo, Rico?" Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sabi ko gusto kita, kaya hindi ako papayag na lalayo ka. Doon ka na muna sa bahay tumira. Delikado sa kalye at baka mapaano ka." Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako. At gusto niya doon ako sa bahay nila titira. "Gusto mo ako, pero bakit mo ako gusto?" Napakainosente kong tanong. "Dahil kakaiba ka. Mabait ka, maganda, kaya gusto kita, Alena." Pagtatapat sa akin ni Rico, ng nararamdaman niya para sa akin. "Gusto rin kita, Rico." Hindi nagdadalawang na pag-amin ko sa kaniya. Malawak ang mga ngiti niya sa labi nang marinig niya ang sinabi ko. "Talaga ba, Lena? Gusto mo rin ako?" Tumango-tango ako bilang sagot sa tanong niya. Binitiwan niya ang isa kong kamay at binitbit niya ang sako bag na dala ko. "Tara doon tayo sa bahay. At least, safe ka roon. Ako ang bahala sa'yo," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang isa kong kamay. Magka-holding hand pa kami na naglalakad sa kalye. Sa hindi kalayuan nag-abang kami ng tricycle. Ilang sandali pa may dumaan na tricycle, kaya sumakay kami. Nagpahatid kami sa bahay nila. Medyo may kalumaan na rin ang bahay nila Rico na yari sa kawayan. Nag-aalangan pa ako na pumasok sa loob ng gate nang makababa kami sa tricycle. "Okay, lang ba talaga na dito ako tumira sa inyo, Rico?" tanong ko sa kanya. "Oo, hindi ako papayag na may mangyaring masama sa'yo. Hindi ba, tayo na baby ko? Sabi mo gusto mo rin ako, hindi ba? At gusto rin kita, kaya tayong dalawa na," sabi niya sa akin at tumango-tango naman ako. Ano ba ang alam ko sa pakikipagrelasyon. Katorse anyos lang ako, inosente at walang alam sa mundo. Kung ano ang nararamdaman ko na makapagpapasaya sa akin at makakapabuti iyon ang sinusunod ko. Hinawakan niya ang aking pulsuhan at hinila niya na ako sa loob ng gate. Lumabas ang isang ale galing sa loob ng pintuan. Medyo nagulat ito nang makita kami ni Rico na magka-holding hand. "Ma, nandito ka na pala. Siya nga pala kasama ko si Lena, ang girlfriend ko," pakilala agad sa akin ni Rico sa kanyang ina. "Magandang tanghali po," bati ko sa kanya at nagmano ako. "Kaawaan ka ng Diyos, iha. Hali kayo pumasok kayo," nakangiting ayaya sa amin ng kanyang ina. Pumasok naman kami ni Rico, sa loob ng kanilang bahay. Kahit na luma na ito tingnan sa labas pero maganda naman sa loob. Kahit maliit lang ito pero maaliwalas. May dalawa itong silid. Nahihiya ako ngumiti sa ina ni Rico, kaya yumuko ako. "Kanina ka pa dumating, Ma?" tanong ni Rico sa kanyang ina at hinagkan niya ito sa noo. "Oo, dahil mabilis naubos ang paninda ko. Kumain na ba kayo?" tanong ng ina ni Rico sa amin. "Hindi pa nga, Ma, eh! Ano ba ang ulam?" tanong ni Rico sa kaniyang ina. "May pritong galonggong ako na niluto saka pakbet. Pagkasyahin niyo na lang na dalawa. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na dadalhin mo ang girlfriend mo," wika pa ng Mama ni Rico. Mukhang mabait naman ito. "Lena, hali ka kumain na muna tayo," anyaya sa akin ni Rico. Nilapag niya ang dala kong sako bag sa sahig. Nagtungo kami sa kusina. Asikasong-asikaso ako ni Rico, kaya natutuwa ako dahil maganda ang pakikitungo niya sa akin. Kaunti lang ang kinain ko dahil nawalan ako ng gana. At palaging kaunti naman talaga ang kinakain ko. Nasasanay kasi ako kina Misis Domingo, na kaunti lang ang kinakain. Palagi kasi ni Rachelle, tinitingnan ang kinakain ko, kaya parang nakakahiya kumain ng marami. "Alena, kumain ka pa," alok pa sa akin ni Rico. "Huwag kang mahihiya. Ituring mo na bahay mo na ito at pamilya mo na kami simula ngayon." Nakakataba ng puso ang sinabi niya. "Salamat Rico, pero busog na ako," nakangiti kong pasalamat sa kanya. Hindi niya na ako pinilit pa dahil alam naman niya nakaunti lang talaga ako pakainin. Pagkatapos naman namin kumain ni Rico, nagtungo kami sa sala. Kinausap niya ang kanyang ina. "Ma, dito na muna titira si Lena sa bahay." Nagulat ang kanyang ina sa sinabi niyang iyon. "Ano? Anak, naman! Alam mo naman na kulang pa sa atin ang kinikita natin," agad na protesta ng ina niya sa kanya. "Pero, Ma? Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Elena. Wala na siyang mapupuntahan, at maaasahan," pakiusap pa ni Rico sa kanyang ina. Nahihiya akong tumingin sa ina ni ric4o ng bumaling ito sa akin. "Naglayas ka ba, iha sa inyo?" nakakunot noo na tanong sa akin ng ina ni Rico. Hindi man ang sinabi ni Rico, kung ano ang pangalan ng kanyang ina. "Hindi po ako naglayas. Wala po kasi akong tirahan at wala na rin po akong pamilya. Doon po ako nagta-trabaho sa pinagta-trabahuhan ni Rico, bilang isang kasambahay. Kaso po pinalayas ako ng amo ko dahil sa kasalanan na hindi ko naman nagawa," nakayuko kong sabi sa Ina ni Rico. "Ilang taon ka na ba, iha?" tanong pa nito sa akin. "14 years old po," nahihiya kong sagot na parang ayaw ko pang ibuka ang aking labi. "Sus, Ginoo! Rico, ano ba ito? Menor de edad pa ang dinala mo rito sa bahay. Mamaya makasuhan ka ng child abuse sa ginagawa mong iyan," sabi pa ng ina ni Rico sa kanya. Parang tutol siya sa amin ni Rico. "Ma, mahal ko si Lena. At kung hindi mo siya matanggap rito aalis na lang ako. Maghahanap ako ng matitirhan namin." Lalo pang nangusumi ang ina ni Rico, nangnmarinig ang sinabi nito. Bumaling sa akin ang ina ni Rico. "Ikaw ba, iha? Handa ka na bang pumasok sa buhay may asawa? Ang bata-bata mo pa. Baka naman mamaya hanapin ka ng pamilya mo at manggulo rito sa bahay. Menor de edad ka pa, iha. Umiiwas lang ako ng gulo." Tumingin ako sa mga mata ng ina ni Rico. "Mahal ko rin po si Rico, Tita. At tulad ng sinabi ko po sa inyo kanina, wala po akong pamilya. Patay na po ang mga magulang ko at wala na po akong ibang mapuntahan pa." Nakita ko ang awa na gumuhit sa mga mata ng ina ni Rico para sa akin. "Ma, nagmamahalan kami ni Lena. Walang manggugulo sa aming dalawa. Pansamantala dito muna siya," paliwanag naman ni Rico sa kanyang ina. Malalim na bumuntong hininga ang ina ni Rico. "Sige, may tiwala naman ako sa'yo, anak. Pero kung gusto niyo na talaga magkaroon ng sariling buhay doon na lang kayo sa bukid tumira, para naman may tao roon at may nagbabantay sa mga pananim natin," suhesyon pa ng ina ni Rico sa amin. "Sige, Ma. Maigi na rin kung gano'n. Okay, lang ba sa'yo, Lena sa bukid tayo titira? May maliit na bukirin kasi si Mama at may mga pananim siya roon. Iyon ang mga binibinta niya sa palengke. Wala kasing nakatira doon sa kubo, kaya kung okay lang sa'yo tayo na lang ang titira roon," baling na tanong sa akin ni Rico. Wala namang problema iyon sa akin dahil sanay naman ako sa hirap. "Okay, lang sa akin, Rico. Ang mahalaga sa akin may matitirhan lang ako. Kasama naman kitam hindi ba?" Ngumiti naman sa akin si Rico at tumango-tango. "Ang bata mo pa talaga, iha. Ang ganda mo pa. Pero kung nagmamahalan kayo ni Rico, wala akong magagawa," sabi pa sa akin ng ina ni Rico. Akala ko magiging tutol siya sa aming pagsasama ni Rico, subalit pumayag naman siya na magsama kami ng kanyang anak. "Salamat po, Tita sa pagpayag niyo na pagsamantalang tumira ako rito sa inyo," nahihiya kong sabi sa kanya. "Okay, lang. Wala naman akong magagawa dahil gusto ka ng anak ko. Pero kung ako masusunod hindi ko gusto na magsama kayo ng anak ko dahil masyado pa kayong bata. Paano kung maaga kayo magkaroon ng anak? Kaya niyobbang buhayin ang anak ninyo? Sa totoo lang ayaw kong danasin ng anak ko ang naranasan kong hirap. Pero, wala akong magagawa dahil ito ang kapalaran na pinili niya. Kaya bilang isang ina nandito lang ako para suportahan ang aking anak. Kung masunurin ka wala tayong pagtatalunan. Sige, maiwan ko muna kayo at matutulog pa ako," prangka na sabi ng ina ni Rico at tumalikod na ito. Dahil sa mura kong edad parang wala sa akin kung ano ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko maramdaman kung gusto ba ako ng isang tao o hindi. Subalit parang mabait naman ang Mama ni Rico. "Rico parang nakakahiya naman na dito ako tumira sa inyo. Parang nagagalit ang Mama mo," wika ko kay Rico, nang tumalikod ang kanyang ina Hinawakan niya ang aking kamay. ''Kinakabahan ka lang. Huwag mong pansinin si Mama, ganoon lang talaga siya prangka magsalita. Sabi sa'yo ituring mo na bahay itong bahay at simula ngayon ako na ang pamilya mo, kami ni Mama." Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang pinapakitang kabutihan at pagmamahal sa akin ni Rico. "Salamat, Rico. Pero paano si Rachelle? Baka malaman niya na magkasama tayo," nag-aalala kung sabi sa kanya. Inaalala ko pa talaga ang bruhang iyon. Natatakot kasi ako na baka siguro niya ako. "Bakit ba pinoproblema mo si Rachelle? Ang problemahin mo tayong dalawa. Mahal kita, Lena. Ikaw lang ang mahal ko at hindi sa Rachelle. Pangako ko sa'yo ibibigay ko sa'yo ang magandang buhay. Iaahon kita sa hirap. Mamahalin kita hanggang sa pagtanda natin. Bubuo tayo ng pangarap natin na magkasamang dalawa sa hirap at ginhawa," puno ng pangarap at pagmamahal na sabi ni Rico sa akin. "Oo, Rico. Bubuo tayo ng pangarap. Bubuo rin tayo ng sarili nating pamilya. Sa hirap at ginawa magsasama tayo, walang bitawan, walang susuko. Ano man ang problema at pagsubok na darating sa atin sabay nating haharapin at pagtatagumpayan," sabi ko sa kanya. "Pangako ko sa'yo walang bitawan," sabi niya sa akin. Masaya ako na kasama si Rico. Pinapangako ko sa aking sarili na sa kanya lang iikot ang aking mundo. Magkasama kaming dalawa bubuo ng mga pangarap namin at magsasama kami sa hirap at ginhawa. Ano man ang mangyari hindi ako bibitaw sa relasyong ito na pinasok namin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
464.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
501.2K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
603.7K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook