KINABUKASAN, natanggap ni Lenlen ang tawag ni Madam Cerena. Simple lang ang sinabi ng Mama ni Sir JC. Tapos na ang trabaho niya at bukas ay darating ito kasama ang kapalit niya. Simulan na niyang mag-empake. May bonus pa daw siyang matatanggap para sa magandang trabaho. Sapat daw ang bonus para sa ilang taong serbisyo. Nag-iwas ng mata si Ate Shaleng, nagkunwaring busy. Hindi pa man nagsasalita ang cook, sure na ni Lenlen na tama siya. At wala naman talaga siyang dapat ikagalit dahil nagsumbong ito ng 'totoo'. "Hindi ako magsusumbong kay Sir JC Ate Shaleng," sabi ni Lenlen. "Gusto ko lang sure ako na may kinalaman ang kung anumang meron kami ni Sir JC na nakita mo sa biglaang desisyon ni Madam Cerena..." dagdag ni Lenlen. "Wala na akong trabaho, Ate Shaleng..." Saka lang siya tiningnan

