Kabanata 8: Valkyrie
Ahren POV
"Ngayon, kayo naman ang isusunod ko," sabi ko at tinignan ko ang tatlong natira sa mga humuhuli sa aking pegasus. Pakiramdam ko ay sanay akong makipaglaban sa katawang ito. Ramdam na ramdam ko ang enerhiya sa aking katawan.
KItang-kita ko ang labis na galit ng tatlong natirang kalaban ko sa akin dahil sa pagkamatay ng kanilang kapatid. Sinabihan ko naman sila kanina na pakawalan na ang pegasu ngunit hindi sila nakinig. Hinanda ko ang aking sarili dahil baka mamaya ay umatake na silang tatlo.
"Lapastangan ka! Pinaslang mo ang aming kapatid!"
"Magbabayad ka!"
"Sinabihan ko naman kayo kanina hindi ba? Ngunit hindi niyo ako pinakinggan pagkatapos ngayon ay may gana pa kayong magalit sa akin," nakangisi kong sabi sa kanila.
Pagkatapos ay sabay-sabay nila akong nilusob na tatlo. Masasabi ko na mabilis din ang kilos nilang tatlo at sabay-sabay pa sila ng galaw. Pero dahil sa kapangyarihan na umaapaw sa akig katawan ngayon ay nasasabayan ko ang kanilang paggalaw. Perpekto kong naiiwasan ang mga atake nila. Sabay nila akong inatake ng hawak nilang spear nila pero hawakan ko ang dalawang spear na umatake sa aking kanan at kaliwa. Habang yung isa ay inipit ko ng aking dalawang paa dahil s amay bandang ilalim ko siya umatake. Naglagay ako ng pwersa sa aking dalawang palad at sa paa ko na pumipigil sa spear nilang tatlo pagkatapos ay inihagis ko sila kasama ng pwersang aking tinipon. Kaya naman napatalsik silang tatlo sa tatlong direksyon at kagaya kanina sa kapatid nila ay tumama din ang likuran nila sa puno at natumba din ang nahating puno dahil na rin sa pwersa. Lalapitan ko na sana sila pero napatigil ako sa sigaw ng pinakamalaki sa kanilang tatlo. Siguro siya yung panganay sa kanilang apat dahil siya nga ang pinakamalaki at nakakatakot na itsura.
"Onyx at Pynyx, ngayon na!" tawag nito sa dalawa kahit na umuubo na siya ng dugo. Nakita ko naman na tumango yung dalawa niyang kapatid sa kanya.
Tatapusin ko na sana sila ngunit napaatras ako sa tabi ng itim na pegasus dahil bigla akong nagulat dahil bigla na lang natunaw ang kanilang mga katawan na para bang putik. Ang ikinagugulat ko ay ang ang natunaw nilang mga katawan ay nagsama-sama. Kaya naman naging iisa silang tatlo. Nagulat din ako dahil naging isang higante ang laki nila na pinagsamang tatlo.
"Anong klaseng nilalang ito?" tanong ko pagkatapos ay tumingala ako dahil sobraang alki talaga nila.
Hinila ko ang pegasus na may tali pa sa kanyang leeg dahil nagsimula ng magwala yung hignteng putik na nahulma sa isng tao dahil may ulo siya, kamay at paa. Kung hind ko hinila ang pegasus ay madadagana kami ng malahigante nilang paa.
"Delikado na dito," sabi ko at tinanggal ko ang tali sa leeg ng pegasus at dali-dali akong sumaka sa likurn niya ngunit nagsimulang magwala ang pegasus pagkasakay ko.
"Huwag ka na magwala. Kung mananatili pa taong dalawa dito ay parehas tayong mapapahamak," sabi ko at napatingin ako sa nagwawalag putik.
Sa palagay ko ay dahil sa kanilang pagbabago ng wangis ay nawalan sila ng kontrol. Hindi na nila kontrol ang pinagsamang katawan nilang tatlo. Dahil kung anu-ano na lang ang kanilang inaatake. Madami ng mga puno ang natutumba dahil sa kanilang gawa. Nagsisiliparan na din ang mga ibon dahil nagagambala sila sa pagtumba ng mga puno na inaatake ng higanteng putik.
"Humihingi ako ng kapatawaran dahil sa tinuran ko kahapon. Nabigla lang talaga ako, maniwala ka. Hindi ko gimusto na itulak ka. Patawad," sa wakas ay nasabi ko na ang gustong sabihin pagkatapos ay naramdaman ko na tumigil na siya sa kanyang pagwawala kaya naman napangiti na ako.
"Tayo na, lumipad ka na," sabi ko sa kanya at nagulat ako dahil nagsalita siya sa aking isipan. Siya yung nagsalita kanina sa aking isipan noong mga panahon na nawawalan ako kanina nag pag-asa dahil wal akong laban kay Enyx. Kung gano'n isa pa lang babae ang aking pegasus.
"Paano kita susundin kung ang ngalan ko ay hindi mo alam?" napatigil naman ako sa kanyang sinabi sa aking isipan dahil tama siya hindi ko alam kung ano ang kanyang ngalan. Hindi ko pala naitanong kay Nana Vera ang bagay na iyon.
"Pwede mamaya na ang bagay na iyan? Kailangan na talaga nating umalis dito," pakiusap ko sa kanya pero hindi na niya ako muling kinausap sa aking isipan.
Ayan na yung higanteng putik. Malapit na niya kaming tapakan.
"Mag-isip ka Ahren!" sigaw ko at napapikit na lang ako. Bahala na. Kung ano na lang ang masabi kong pangalan niya.
Maya-maya lang ay parang may pumasok na alaala sa aking isipan. Alaala na magkasama kaming dalawa ng pegasus na ito. Mula maliit pa pala siya ay kasama-kasama ko na siya! Bakit ko nga ba nakalimutan ang pangalan niya?!
"Valkyrie!" malakas na sigaw ko upang marinig iyon ni Valkyrie. "Patawarin mo na ako Valkyrie. Kahit kailan ay hindi ko na makakalimutan ang iyong ngalan."
Pagkatapos ko iyong mabanggit ay naramdaman ko na lang ang malakas na ihip ng hangin. Pagdilat ko ay nakita ko na nasa himpapawid na kaming dalawa. Lumilipad na si Valkyrie.
"Napakaganda!" tanging naibulalas ko ng makita ko ang tanawin mula dito sa himpapawid.
"Masaya ako na muli tayong magkakasama master," sabi sa akin ni Valkyrie kaya naman napangiti ako sa kanya. Ngunit ang saya ko ay biglang nawala ng maalala ko na mayroon pa pala akong kalaban.
"Hindi! Papunta sila sa nayon. Hindi pwedeng madamay ang mga inosenteng mamamayan," usal ko ng makita na papalapit na ang higanteng putik sa nayon na kung saan pinamumunuan ni Nana Vera.
Nag-iisip ako kung paano ko ito matatalo. Gayong ngayon pa lang ako nagkaroon ng kalaban sa mundong ito. Hindi ko naman pwede hayaan na mawasak ang nayon. Hindi sila pwedeng madamay kaya naman kinakailangan ko na mag-isip ng paraan. Isa pa unang madadaanan ng higante ang bahay ni Nana Vera. Si Farrah baka mapahamak siya. Hindi ako makakapayag na mangyari iyon.
"Kailangan mong mahanap ang kanyang kahinaan. Sa gayon ay matatalo mo siya kapag nagtagumpay ka," sabi ni Valkyrie sa aking isipan. Habang nag-iisip ako ay nakaramdam ako ng panghihina sa aking katawan.
"Tila nawawala na ang enerhiya sa aking katawan," sabi ko at napapikit ako dahil biglang sumakit at kumirot ang aking tagiliran.
"Dahil hindi pa gumagaling ng tuluyan ang iyong katawan mula sa natamong pinsala sa nakaraan mong laban," sabi ni Valkyrie sa akin at sinasang-ayunan ko iyon dahil nararamdaman ko naman.
"Kailangan na nating magmadali dahil hindi pwede na madamay ang mamamayan sa nayon."
---