Kabanata 7: Black Pegasus

2105 Words
Kabanata 7: Black Pegasus Ahren POV "Gising ka na pala Ahren," napatingin ako kay Farrah n naghahanda na ng aming makakain. Napahikab naman ako dahil nakakaramdam pa din ako ng antok pero ginusto ko na rin naman ang lumabas ng kwarto ko upng bumaba. "Oo, maaga rin naman akong nagising," sagot ko sa kanya. "Mukhang magnda ang naging tulog mo. Nanaginip ka bang muli?" napailig naman ako sa tinanong niya. "Hindi ko na iyon napanaginipan," sagot ko kay Farrah. "Si Nana Vera ba nakauwi na?" "Hindi, marahil ay kina Master Yue siya natulog ngayon. Maya-maya ay ihahatid naman siya dito ng karwahe ni Master Yue," sagot sa akin ni Farrah at sinenyasan niya ako na maupo na upang kumain na kaya umupo na din ako. Inilapag ni Farrh ang huling mangkok na may ulam saka siya umupo sa upuan na katapat ko. Masasabi ko na hindi naman nalalayo sa pagkain sa mundo ng mga tao ang pagkain dito kaya nakakain naman ako ng maayos. Pero may mga putahe na ngayon ko lang nakita at natikman pero nasasarapan ako. "Matanong ko lang sino pala si Master Yue? Kahapon ko pa kasi naririnig ang pangalan niya sa inyo ni Nana Vera eh," tanong ko kay Farrah at napatigil siya ng pagkin niya kagaya ko. "Bihasa si Master Yue sa mga sandata at sa pakikipaglaban. Ang alam ko ay mandirigma siya sa palasyo ng Labyrinth pero pinalayas dahil sa isang akusasyon ng reyna na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatunayan. Kaya naman hindi siya napugutan ng ulo," nanlaki ang mata ko dahil sa aking narinig. "N-napugutan ng ulo? Grabe naman iyon. Hindi na iyon makatao!" sabi ko. "Iyon ang patakaran dito Ahren, kapag sobrang lala ng kasalanan mo ay pupugutan ka ng ulo o di kaya naman bibitayin ka at higit sa lahat ay doon nila gagawin iyon sa Main Square kung saan marami ang makakasaksi na mga Arcadians. Kaya nga takot na takot kaming makagawa ng kasalanan dito eh. Lalo na kapag ang humatol sa 'yo ng iyong kamatayan ay ng mga mahaharlika sa kaharian ng Labyrinth, wala ka talagang kawala doon," kwento sa akin ni Farrah. "Grabe! Paano na lang palakapag napagbintangan ka lang e 'di wala ka pa lang kawala doon?" hind makapaniwalang sabi ko. "Tumpak! Huwag mong sabihin kay Nana Vera na ako ang nagkwento sa 'yo ha. Ayaw kasi nila ni Master Yue na pag-usapan ang nakaraan niya." "Makakaasa ka Farrah." "Teka, mukhang gulat na gulat ka noong sinabi ko ang pamamaraan ng pagbibigay ng parusa. Sa pinanggalingan mo ba ay hindi gano'n?" napakamot naman ako sa aking pisngi ng marinig ko ang sinabi ni Farrah. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? "Uhm, noon oo gano'n din naman ang pagpaparusa. Pero sa kinatagalan ng panahon ay inalis na iyong parusa na iyon. Kinukulong na lang sila ng habangbuhay kapag matindi talaga ang kasalanan nila. Kapag hindi naman gano'n katindi ay ikukulong sila ng ilang taon depende sa hatol sa kanya," nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na parang naniniwala naman siya sa sinabi ko. Mabuti na lang talaga at naipaliwanag ko sa kanya ng mabuti. "Mabuti pa sa inyo Ahren. Pero dito rin naman ay ikinukulong lang ang mga hindi gano'n kabigat ang kasalan. Pero kadalasan talaga ay pinaparusahan ng kamatayan." Grabe pala sa mundong ito. Mabuti na lang at binanggit din sa akin ni Farrah ang mga iyon para na din makapag-ingat ako. Syempre ayoko naman mamtay ulit ng maaga dito sa ikalawang buhay ko. At isa hindi ko pa nga nalalaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng panaginip ko. Ang pagkakaintindi ko dito ay may mabigat akong responsibilidad dito sa mundo ng Arcadia. Gusto ko din malaman na kung bakit ako ang napili para dito gayong isa lang naman akong ordinaryong tao sa mundo ng mga tao. Pagkatapos naming kumaing dalawa ni Farrah ay nagpresinta na ako na maghugas ng mga kinain namin. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako tutulong sa gawaing bahay gayong nakikitira lang naman ako. Sanay naman ako sa mga ganito dahil noong nabubuhay pa ako sa mundo ng mga tao ay mag-isa lang akong nakatira sa condo na iniregalo ng magulang ko sa akin noong nagkolehiyo ako. Pagkatapos ko maghugas ay nakita ko na maganda ang panahon ngayon kaya naman nagpaala ako kay Farrah na maglilibot muna ako. Ang sabi niya ay sasamahan niya ako pero sagot ko ay gusto kong magkapag-isa muna. Mabuti na lang dahil pumayag naman siya dahil abala din naman siya sa gawain niya. Saka ko naman naalala yung itim na pegasus na nagtampo sa akin kahapon. Ang sabi pa ni Nana Vera ay ako daw ang master niya. Kailangan ko siyang mahanap kung ako talaga ang master niya. Kailangan ko ding humingi ng paumanhin sa kanya hindi ko naman kasi sadya yung nangyari kahapon sadyang nagulat lang ako sa bilis ng nangyayari sa buhay ko. "Nasaan na kaya iyon?" tanong ko sa isip ko habang bumalik ako sa dinaanan namin kahapon kung saan patungo kung saan ako nakatagpuang walang malay ni Nana Vera dahil baka nandito lang yung itim na pegasus. Pero pagdating ko dito ay wala siya kaya naman hinahanap ko siya sa kagubatan. Saka naman ako nakarinig ng mga boses at isang huni. Pero medyo malayo iyon sa kinaroroonan ko kaya naman sinundan ko kung saan nangmumula ang tunog na aking naririnig. Habang papalapit ako sa pinagmumulan ng tunog ay nakaramdam ako ng kaba at panganib. Saka ko naalala na sinabi nga pala ni Nana Vera na nararamdaman ng pegasus ang nararamdaman ko at nararamdaman ko naman ang kanyang nararamdaman. Kaya nagkaroon ako ng hinuna na nasa panganib ang pegasus ko kay naman mas lalo kong binilisan ang aking pagtakbo. "Anong ginagawa niyo sa pegasu ko?!" nanggigil na wika ko ng makumpirma ko na siya nga ang pegasus ko. May tali na nakalagay sa kanyang leeg na tila hinuhuli siya at may nakatutok pa sa kanyang mga mahabang spear na hawak ng mga nilalang na humuhuli sa kanya. Kita ko naman na lumalaban siya pero ramdam ko ang panghihina niya. Dahil sa sinabi ko ay napalingon sila sa akin pati na rin ang itim na pegasus. "At sino ka naman para gambalin ang aming ginagawa?" tanong sa akin ng mas matangkad sa akin na nilalang at may hawak din siyang mahaba at matulis na spear. Pero hindi ako natatakot sa kanila dahil kailangan ko na mailigtas ang pegasus ko. "Hindi ko pahihntulutan na hulihin niyo ang aking pegasus. Pagmamay-ari ko siya at ako ang master niya kaya ibalik niyo sa akin kung ayaw niyong kayo ang tugisin ko," matapang na sabi ko kahit alam kong dehado ako kapag lumaban sila sa akin. Apat sila at nag-iisa lang ko. Pero hindi ko pwede basta na pabayaan ang pegasus may nagawa na nga akong pagkakamali sa kanya at ayoko na dagdagan iyon. Gusto ko siyang mailigtas mula sa kamay nila dahil may kutob ako na kapag nagawa nilang mahuli ang pegasus ay gagawan nila ito ng masama. At Hindi ko makakapayag doon. Sany na rin naman akong lumaban kaya kahit papaano ay alam ko na may laban ako sa kanila. Ang hinihiling ko lang ay wala sana silang mga kapangyarihan. Dahil kung may kapangyarihan sila ay mas lalo akong dehado. Hindi ko pa nga alam kung ano ang kapangyarihan na nasa katawan kong ito kaya alam kong wala akong laban sa kanila kapag may mga taglay silang kapangyarihan. "Wala kaming pakialam kung ikaw ang master niya. Ang utos sa amin ng master namin ang susundin namin at kung magiging sagabal ka sa aming misyon ay hind kami mag-aatubili na patayin ka! Sige sugod!" sigaw ng naunang magsalita sa akin at sinugod nga ako ng isa sa mas maliit sa kanya na may hawak din na mahabang spear. Katulad din naman sila ng wangis namin nina Nana Vera at Farrah na wangis din ng isang tao pero mahahab ng kanilang mga tenga. Mas matulis pa ang dulo nito sa tenga ng mga elf. Kalbo di n silang apat at may apat na hikaw sa kanilang ilong at higit sa lahat ay may mga tattoo sila na hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon. Mabilis ang naging pag-atake sa akin ng isang tao. Sa unang atake niya ay naiwasan ko naman kaso sa ikalawang atake ay hindi ko naiwasan ang pag-atake niya at natamaan ako ng kanyang mahabang spear. Napapikit ako ng isa kong mata dahil sa kirot. Napahawak naman ako sa braso ko dahil umaagos na ang dugo mula sa naging sugat ko. Nang makita niya ang dugo sa aking braso ay nginisihan niya ako na para bang siya na ang nanalo. Dahil sa inis ko ay ako naman ang sumugod sa kanya ng suntok pero mabilis niya lang na naiiwasan ang mga suntok ko. "Tama na ang paglalaro Enyx, tapusin mo na siya para makabalik na tayo sa master natin!" "Narinig mo naman ang sinabi ng kapatid ko. Tapusin na daw kita mababang nilalang!" sigaw niya sa akin at muli niya akong susugurin. Napapalingon ako sa bawat paligid ko dahil sa sobrang bilis ng galaw niya ay hindi ko na masabayan ang kanyang pagkilos. Halos maduling ako kaya naman pinikit ko na lang ag aking mga mata. Hindi pwedeng hindi ako makalaban dito. Parehas manganganib ang buhay naming dalawa ng pegasus. Pero hindi ko naman maaaring iwanan ang pegasus basta. "Kailangan mong umisip ng paraan Ahren!" sabi ko sa aking isipan. Hindi ako pwedeng mamatay dito ng ganito lang. Kung hindi ko maililigtas ang buhay ng pegasus ay paano ko magagawa ang responsibilidad ko sa mundong ito kagaya ng nasa panaginip ko. "Kung may lakas lang sana ako ng katulad nila. Wala sana ako magiging problema!" muling sabi ko sa aking iipan pagkatapos ay nakaramdam ko ng kakaibang init sa aking katawan. Para akong napapaso kaya naman napaluhod ako habang iniinda ko ang kakaibang nangyayari sa aking katawan. Habang iniisip ko ang buhay namin ng pegasus ay mas allong tumitindi ang pagkapaso na aking nararamdaman sa loob ng aking katawa. "Ahhh! Ang init!" dahil sa sobrang init na aking nararamdaman ay hindi ko na namalayan na napasigaw na pala ako. "Damhin mo ang init ng iyong kapangyarihan. Imulat ang iyong mga mata upang kalaban ay magapi," rinig kong sabi ng isang boses na babae. "Ngayon na!" Sa pagsigaw niyang iyon ay kasabay ng aking pagmulat ng aking mga mata. Ang kaninang nakakapasong init na nararamdaman ay tila nawala. At nakakaramdam ako ng kakaibang laas sa aking katawan. Napapansin ko din na nasasabayan ko na ng tingin ang galaw ng kalaban kaya naman hindi ko na hinintay na siya ang unang umata. Ako na ang gumawa ng atake at kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkagulat dahil nasasabayan ko na ang mabilis niyang galaw. Hindi ko rin alam na may ganito pa lang nabubuhay na nilalang na sobrang bilis ng galaw na hindi mo na masasabayan ng tingin sa sobrang bilis. Saka ko lang naalala na wala na nga pala ako sa mundo ng mga tao. Nasa mundo na nga pala ako ng Arcadia kung saan mundo na puno ng mahika at kakaibang nilalang. "Sinasabi ko naman sa inyo na huwag niyo ako subukan," sabi ko at nginisihan ko ang kalaban ko na ngayon ay nanlalaki na ang mta dahil nasa harapan na niya ako. Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanyang panga at mabilis siyang tumalsik sa lupa. Tumama pa nga ang likod niya sa puno at sa lakas ng pwersa ay natumba ang puno kung saan siya tumama. "Enyx!" sigaw ng mga kasamahan niya at mabilis akong lumapit sa kanila. "Maghintay lang kayong tatlo dahil kayo ang isusunod ko sa kanya," nakangisi kong sabi saka ko mabilis na pinuntahan yung tinatawag nilang Enyx. Sinubukan pa niya akong atakehin pero mabilis ko siyang naiiwasan. Hanggang sa nahawakan ko siya sa leeg niya. Pagkahawak ko sa leeg niya ay nakamdam nanaman ako ng enerhiya na gustong kumawala sa aking kamay. Ang enerhiya na iyon ay mas mainit pa sa naramdaman ko kanina. Pero hindi ako ang napapaso kundi ang kalaban ko. "Ahh! A-ang i-init! Mga k-kapatid ko t-tuloooong!" sigaw pa niya pero dahil sa sobrang init ay nalulusaw paunti-unti. "H-Hindi Enyx!" rinig kong sigaw nila ng tuluyan na siyang matunaw. Ang katawan niya ay naging isang parang lava na ngayon at tumitigas kapag nahuhulog sa lupa. Tila nakulangan pa ako sa aking ginawa kaya naman humarap ako sa kanila. Tila gusto ko pang makipaglaban na tila uhaw ako sa pakikipaglaban. Sa mga oras na ito ay alam kong hindi ko na makontrol ang aking nararamdaman. "Ngayon, kayo naman ang isusunod ko." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD