Chapter 11: Pamilihan
Ahren POV
Dahil sa sinabi ni Nana Vera patungkol sa aking ina ay nakaramdam ako ng ibayong sakit. Maaari pa lang mangyari ang bagay na iyon kahit na ang asawa mo ay hari.
"Tila nalungkot ka sa iyong narinig?" tanong sa akin ni Nana Vera kaya naman napatingin din ako sa kanya. "May naaalala ka ba?"
"Wala po ako naaalala pero nang marinig ko ang iyong sinabi ay nakaramdam ako ng ibayong sakit sa aking dibdib. Hindi ko alam na maaari pala iyong mangyari kahit na asawa ka na ng hari ng kahariang ito," sagot ko naman kay Nana Vera.
"Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman. Ipinaglaban ng hari ang iyong ina at ang kanilang pag-iibigan kahit na tutol doon ang inang reyna," sabi pa ni Nana Vera.
"Ang inang reyna ay ang ina ng mahal na hari?" tanong ko at napatango naman si Nana Vera doon. Kung gano'n ay siya pala ang lola ko.
"Pero matagal na itong patay kaya hindi mo na siya makikita sa palasyo," napatango naman ako sa sinabi ni Nana Vera.
Napag-alamanan ko na may kapatid din pala ako na babae at siya ang nag-isang prinsesa ng Labyrinth, si Prinsesa Arya at iisa lang kami ng ina. Nalaman ko na sa mundong ito ay maaari kang magkaroon ng hanggang anim na asawa lalo na kapag ikaw ay may dugong bughaw lalo na kapag ikaw ay isa ng hari o magiging hari pa lang. Mas mainam daw na madami ka ding anak dahil magiging simbolo daw iyon ng pagiging malakas na lalake at hari sa kasaysayan ng kanyang pamumuno. Mas maigi daw na ang magiging anak ng nakaupong hari ay lalake upang siya ang magpatuloy sa lahi ng kanilang angkan at siya din daw ang susunod na mamumuno kapag bumaba o namatay na ang nakaupong hari. Sa kasaysayan daw ng aming angkan na namuno sa kahariang Labyrinth ay si ama daw ang pinakamaraming anak na mayroong pitong prinsipe at isang prinsesa kahit na dalawa lang daw ang asawa nito. natutuwa ako dahil may natutunan na ako patungkol sa ibang bagay n dapat kong malaman. Nagpaalam na sa akin si Nana Vera dahil siya ay inaantok na at bago siya tuluyang pumasok sa bahay ay sinabihan pa niya ako na tutungo daw kami ni Farrah sa bayan ng nayong ito upang mamili ng aking damit at ibang gamit. Saka ko lang naaalala ang bagay na iyon ng sabihin ni Nana Vera. Sinabihan ko din si Nana Vera na mananatili muna ako dito saglit at pumayag naman siya pero matulog na din daw ako agad dahil maaga pa daw kami aalis ni Farrah bukas. Pagkatapos kong magmuni-muni ay nagpasya na ako na pumanhik na sa itaas upang matulog na. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay nadatnan ko na natutulog na din si Valkyrie sa akinng kama kaya naman napailing ako. Sa lapag na lang ako natulog dahil ayoko na maistorbo ko pa ang pegasus alam ko naman na labis siyang napagod sa pakikipaglaban kanina. Bukas ay bibili na lang din ako ng materyales upang magawan ko ng tulugan si Valkyrie dito sa kwarto.
"Inaantok ka pa din?" tanong sa akin ni Farrah habang naglalakad kami. Kanina pa kasi ako napapahikab kaya naman napatanong na din sa akin si Farrah. Papunta na nga pala kami sa pamilihan sa bayan.
"Oo, napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Nana Vera kaya hindi ko na namalayan ang oras," sagot ko kay Farrah na napapatango na sa aking sinasabi.
"Kamusta ka Farrah?" rinig naming tanong ng isang hindi naman masyadong katandaan na may hawak ng pala.
"Ayos lang po ako Ginoong Dylan, papunta na po kayo sa inyong trabaho?" tanong ni Farrah dito at tumango naman siya kay Farrah.
"Oo, parang ngayon ko lang nakita ang binatang kasama mo ah," sagot naman nito at nakangiti itong napatingin sa akin kaya naman binati ko siya.
"Magandang umaga po," bati ko sa kanya na nakangiti din.
"Magandang umaga din hijo. Saan ba kayo paparoon?"
"Siya po si Ahren, Mang Dylan. Sa amin po muna ni Nana Vera siya pansamantalang tutuloy. At papunta po kami sa pamilihan upang bumili ng mga kasuotan niya," magalang na sagot ni Farrah.
"Osiya, mag-iingat kayo at pupunta na rin ako sa aking trabaho," paalam ni Ginoong Dylan sa amin.
"Mag-iingat din po kayo Mang Dylan," paalala ko din dito at nagpatuloy na kami ni Farrah sa paglalakad.
Madami pa ang bumati kay Farrah at ipinakilala naman ako ni Farrah sa kanila.
"Mukhang sikat ka talagasa nayon na ito," biro ko kay Farrah na siyang ikinangiti niya.
"Hindi naman sa gano'n. Sadyang palakaibiga lang talaga ang mamamayan dito sa nayon. Saka tinutulungan ko din si Nana Vera upang gampanan ang kanyang katungkulan dito," sagot sa akin ni Farrah kaya naman napatango naman ako.
Napamangha ako dahil sa ganda ng pamilihan. Malinis din ang lugar na ito kahit na marami ang nagtitinda dito ng kung anu-ano na maaari mong mabili. Madami din dito ang bumibili sabi ni Farrah na galing sa ibang nayon bukod sa mamamayan ng nayon dito. Tuwang-tuwa naman ako habang nakatingin sa mga unang beses ko pa lang makita sa tanang buhay ko. Yung iba ay may halong mahika upang gumalaw at yung iba ay simple na kagamitan lang pero maganda din. Dinala din naman ako ni Farrah sa iba't ibang tindahan ng mga damit at ang sabi ko ay siya na lang ang pumili para sa akin dahil may tiwala naman ako sa kanya. Sinabihan ko din siya na kung maaari ay bumili din kami ng materyales na panggawa ng higaan ng aking pegasus. Pero ang sabi niya ay huwag na materyales kasi mas mapapamahal daw kami at may alam daw siya na magugustuhan daw ng aking pegasus na higaan. Kaya naman sinunod niya si Farrah dahil alam naman niya na ito ang mas nakakaalam sa bagay na ito.
"Teka, bakit nagkukumpulan sila banda doon?" tanong ko kay Farrah at hinila ko siya papunta doon pero parehas kaming nagulat sa aming nakita.
"Lapastangan! Kapag lagi kaming naniningil ay palai mong sinasabi na wala kang pambayad! Kung gano'n ay umalis ka na dito. Walang kwenta naman ang tinitinda mo!" sabi ng isang lalakeng mataba sa matanda habang sinisipa niya ito. Mas lalo akong naawa dahil yakap-yakap nito ang isang batang babae na umiiyak na dahil sa takot.
"Bakit walang tumutulong sa kanya!" naiinis na sabi ko.
"Sila ang mga swan Ahren. Kahit anong pakiusap ni Nana Vera sa kanila na umalis na sa nayon ay hindi sila umaalis. Tapos pinagbabayad pa nila ng buwis ang mga nagtitinda dito sa pamilihan. Ang palasyo daw ang nag-utos no'n," hindi ko na hinintay na matapos ang sinasabi ni Farrah sapat na ang mga narinig ko sa kanya. At hindi ko na rin naman makayanan na makita na nasasaktan ang inosente dahil sa maling gawain nila. Hindi ko hahayaan na wala akong magawa upang matulungan ang kaawa-awang matanda na sinasaktan ng kung sino na umaasa sa salapi na pinagpaguran ng iba.
"Ahren! Saan ka pupunta?!"
---