Chapter 10: Paalala ni Nana Vera
Ahren POV
Nagising ako dahil sa malamig na tubig ang naramdaman ko na ibinuhos sa aking mukha. Pagdilat ko ng mata ko ay nakita ko sina Farrah at Nana Vera na nakayuko na nakatingin sa akin.
"Hay buti naman at nagising ka na din. Akala namin ay kung napano ka na," sabi ni Farrah sa akin t bigla na lang tuloy ako nakaamoy ng mabaho na parang amoy burak.
"Ang baho," sabi ko at nagtakip naman ako ng aking ilong.
"Ang sarili mo kaya ang naaamoy mo Ahren," biglang sabi ni Farrah at napatingin ako sa buong paligid kung saan nagkalat ang sumabog na katawan ng magkakapatid na akong kinalaban.
"Ano ba ang nangyari dito at naging ganito sa kagabutan? Maski sa ilang parte ng nayon ay may putik at nakakasulasok ang amoy," bigla naman akong kinakabahan sa sinabi ni Nana Vera dahil ako ang may dahilan kung bakit parang umulan ng putik dito.
Tumayo muna ako mula sa aking pagkakahiga at hinarap ko sila. Napakamot ako ng aking ulo dahil nahihiya ako na sabihin s kanila na may kinalaban ako. Napatingin naman ako kay Valkyrie na tinalikuran ako.
"Bahala ka na magpaliwanag sa kanila," sabi niya sa aking isipan at tuluyan na niya akong tinalikuran. Napatingin naman ako kay Nana Vera na seryosong nahihintay sa aking sagot. Napalunok muna ako ng aking sariling laway.
"Iniligtas ko po kasi ang pegasus ko mula sa apat na magkakapatid na gusto siyag kunin. At dahil doon ay naglaban-laban po kami," sagot ko kay Nana Vera na seryoso pa din ang tingin sa akin.
"Nana Vera, mabuti naman po pala ang kanyang ginawa eh," sabi ni Farrah na parang namamangha nang malaman na nakipag-away ako.
"Pero diba ang sabi ko ay ingatan mo ang iyong katawan?" sagot at tanong saakin ni Nana Vera kaya naman napatayo ako.
"Anong gusto niyo Nana Vera? Hayaan ko na lang si Valkyrie na makuha ng mga asungot na iyon? Hindi ko naman po yata maaatim na hindi siya iligtas. Gayong kayo ang nagsabi sa akin na ako ang kanyang master," matapang na sagot ko kay Nana Vera parang pinapalabas niya kasi ay dapat hindi ako nakipag-away upag maprotektahan ang katawan na ito. Hini ko naman binabstos si Nana Vera gusto ko lang siyang sabihan na tama ang aking ginawa.
"Naiintindihan ko naman po kung nagagalit kayo sa aking ginawa. At alam ko naman po na importante ang katawan na ito. Kaya patawari niyo po ko sa aking kapangahasan," sabi ko at nagulat naman ako dahil ngumiti sa akin si Nana Vera.
"Sinusubukan lamang kita kung nagsasabi ka nga ng katotohanan. At nakikita ko sa 'yo na nasasanay ka na dito sa bago mong mundo," sabi ni Nana Vera at tinignan ko naman ang naguguluhang mukha ni Farrah na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Nana Vera. "At dahil ikaw ang may gawa nito ay buong araw mo lilinisin ang kagubatan at ibang bahay sa nayon na naulanan ng putik."
"Nana Vera naman," sabi ko at mgrereklamo na sana ako kaso may lumitaw sa aking harapan na walis at ibang panglinis.
Hating gabi na ng matapos akong maglinis sa kagabutan at sa ibang bahay dito sa nayon na nadamay sa pag-ulan ng putik galing sa katawan ng sumabog na magkakapatid. Kakatapos ko lang kumain ng abutan ako ni Nana Vera ng isang baso na mainit pa. Nandito nga pa ako sa hardin ng bahay ni Nana Vera may upuan at lamesa kasi dito na maaari kayong magpahinga o kumain.
"Salamat po Nana Vera," sabi ko ng matanggap ko na ang baso na tsokolate ang laman.
"Kamusta ang ikalawang araw mo dito?" tanong sa akin ni Nana Vera na umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Tulog na rin kasi si Farrah kaya kaming dalawa na lang ni Nana Vera ang gising ngayon.
"Maayos naman po Nana Vera. Hinanap ko kanina ang pegasus ko dahil gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa inasal ko sa kanya kahapon. Pero hindi ko alam na mapapasabak pala ako sa isang away," umpisang sabi ko kay Nana Vera. "Pero may bahagi sa akin na nakokonsensya dahil napaslang ko sila kahit na masama ang hangarin nila."
"Bakit ka makokonsensya kung una pa lang ay balak ka din nilang paslangin," sabi ni Nana Vera sa akin dahil nakwento ko na kanina na balak din akong paslangin ng magkakapatid at lumaban lang ako.
"Dati kasi ay lumalaban naman ako ngunit hindi ako pumapatay kaya gano'n po ang nararamdaman ko. Saka ito ang unang beses na nakipaglaban ako dito sa mundong ito. Ganito pala ang pakiramdam kapag may taglay kang kapangyarihan," sabi ko habang nakatingin sa aking mga palad.
"Naramdaman mo ang iyong kapangyarihan at nagamit? Mabuti at nakayang iyong katawan gayong hindi pa tuluyang nagaling ang iyong sugat," sabi sa akin ni Nana Vera kaya naman ay napatingin ako sa kanya.
"Opo Nana, nagulat din ako dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong enerhiya. Ngunit dahil nga sa kondisyon ng aking katawan ay madali ko lang iyon nagamit. Mabuti na lang dahil nagawa ko ang dapat kong gawin bago makapunta dito yung higanteng putik na iyon. Bago po ako nawalan ng malay," kwento ko pa kay Nana Vera.
"Tama lang talaga na ikaw ang napili," nakangiti na sabi ni Nana Vera sa akin.
"May alam po kayo na dapat kong malaman Nana Vera?" bumuntong hininga muna si Nana Vera bago siya muling nagsalita.
"Ang alam ko lang ay nakatadhana na talaga ang mga nangyari sa inyo ni Tyrant. Ang alam ko din ay ikaw ang kanyang ikalawang kaluluwa. Magkadugtong ang buhay niyong dalawa. Ngunit parehas kayong ipinanganak sa magkaibang mundo," sa sa akin ni Nana Vera medyo magulo pa nga ang kanyang sinbi.
"Ibig niyong sabihin na sabay kaming pinanganak at sabay din kaming namatay?" tanong ko kay Nana Vera na siyang ikinatango niya. "Ang gulo Nana Vera. Kung gano'n ay bakit ako lang ang nakabalik dito?"
"Dahil iisa na lang kayo ni Tyrant ngayon. Kaya Ahren, ikaw ay si Tyrant. Paulit-ulit ko naman na sinabi a iyo iyan kahapon ah."
"Ang gulo pa kasi Nana Vera ng mga sinasabi niyo. Pwede pala iyong mangyari?"
"Basta kapag ang Diyos at Diyosa ang nagpasya walang imposible. Gaya ng sabi ko ay magkadugtong ang buhay niyong dalawa simula pa noong ipinanganak kayo sa magkaibang mundo. At dahil sabay din kayong namatay ay nagsanib na ang kaluluwa niyong dalawa. At dahil tapos na ang misyon mo sa kabilang mundo bilang si Ahren ay dito ka napunta sa mundo ng Arcadia dahil may malaki ka pag gagampanan dito," paliwanag sa akin ni Nan Vera.
"Ang daya lang dahil ang ikli lang ng buhay ko sa kabilang mundo," malungkot na sabi ko at naalala ko ulit si Miyaka.
"Dahil ang nakatadhana sa 'yo ay mabuhay ulit bilang si Tyrant. Ayaw mo ba no'n dahil ikaw ang ika-pitong prinsipe ng Labyrinth?"
"Dahil puno pa ng alaala mo ang isipan mo bilang Ahren ay hindi mo pa naaalala ang alaala mo bilang si Tyrant. Nangingibabaw ang alaala ni Ahren sa'yo.'' sabi sa akin ni Nana Vera na kadugtong sa unang sinabi niya.
"Pero alam ko bilang prinsipe ay may kaakibat itong malaking responsibilidad. At alam ko din na may mabigat akong tungkulin dito sa mundong ito kaya ako ang napili gaya nga ng sabi niyo. At aalamin ko ang mas malalim na dahilan patungkol dito," seryosong sabi ko.
"Wala na akong alam patungkol sa kung bakit biglang namatay ang naunang Tyrant. Isa iyon sa dapat mong alamin. At kung nakabalik ka na sa palasyo ay kailangan mo maging maingat sa lahat ng magiging kilos mo. Dahil baka mamaya ay makahalata sila patungkol kung sino ka talaga. Kailangan walang makaalam na ikalawang buhay mo na ito," mahigpit na paalala sa akin ni Nana Vera at tumango naman ako sa kanyang sinabi.
"Kinakailangan ko po ba talaga na bumalik ng palasyo?" tanong ko kay Nana Vera.
"Oo Ahren, kinakailangan mong bumalik sa palasyo upang mapigilan ang pagkorona sa ikalawang prinsipe na siyang kapatid mo," agot ni Nana Vera.
"Bakit po kailangan ko siyang pigilan?" tanong kong muli.
"Dahil hindi siya ang nararapat na maging hari sa kahariang ito. Nakikita namin na hindi maganda ang kanyang dulot. Nakakalungkot lang dahil wala na ang unang prinsipe na siya talagang nakapagmana ng trono ng hari," kwento sa akin ni Nana Vera at bigla na lang tumibok ulit ng malakas ang aking puso at may pumasok sa aking isipan na isang imahe ng isang lalake at naglalaro daw kami nito.
"Siya kaya ang kapatid ko?" bulong ko sa aking isipan.
"Ayos ka lang ba Ahren?" tanong sa akin ni Nana Vera na halong pag-aalala.
"Ayos lang po. Ano po ang sinabi niyo? Wala na ang unang prinsipe?" tanong ko.
"Oo, biglaan ang pagpanaw niya at hanggang ngayon ay hindi pa alam ang sanhi nito. May usap-usapan na humina daw ang kalusugan ng hari dahil sa pagkawala ng tagapagmana sa hindi malaman na dahilan. Pero hindi naman nagsasabi ng katotohanan ang palasyo patungkol sa kalagayan ng mahal na hari. Pagkatapos ay sumunod naman ang pagpanaw ni Prinsipe Tyrant," mahabang kwento ni Nana Vera.
"Nakakapagtaka nga po iyon Nana Vera. At kapag nakabalik ako sa palasyo ay magugulat sila na buhay pa pala ako."
"Tama ang iyong sinabi at kailangan mong mag-ingat sa loob ng palasyo kapag nandoon ka na," muling paalala sa akin ni Nana Vera.
"Hindi po kaya ang ikalawang prinsipe ang gumawa no'n?" hula ko pero umiling si Nana Vera.
"Wala tayong matibay na ebidensya sa bagay na iyan. Itikom mo muna ang bibig mo dahil kapag bumalik ka sa palasyo ay tiyak magiging mainit ang mata sa 'yo ng reyna," sabi ni Nana Vera na siyang ikinataka ko.
"Bakit naman Nana Vera? Siya ang ina ko hindi ba?" tanong ko dahil muli ay naguluhan.
"Magkaiba kayo ng ina. Nagkaroon ng dalawang asawa ang mahal na hari na siyang ama mo. Ikalawang asawa naman ang iyong ina. At hindi siya kinoronahan bilang reyna dahil galing lamang sa mababang pamilya ang iyong ina."
---