Kabanata 12: Pakikipag-away

1167 Words
Chapter 12: Pakikipag-away Ahren POV Naririnig ko ang sigaw sa akin ni Farrah pero hindi ako nagpatigil sa kanya. Naiinis lang ako dahil wala man lang ang tumutulong sa matanda at doon sa batang kanyang yakap-yakap. Kung hindi naman pala talaga taga dito sa nayon ang mga nilalang na ito ay bakit natatakot sila. Kita ko naman sa mukha ng mga nanunuod ang takot sa dalawang malaking katawan ang sumisipa sa matanda. Sisipain pa sana nila yung matanda pero hinagisako ko sila ng mansanan at sapol naman sila sa kanilang ulo. "Sino ang lapastangang bumato sa amin?" halata sa mga mukha nila ang labis na galit dahil sa aking ginawa. "Ako, bakit? May problema ba?" tanong ko habang may hawak akong mansanan at hinahagis ko iyon sa ere saka ko sinasalo ulit. "Anong karapatan mo para makialam sa amin?" tanong sa akin no'ng isa. Wala naman espesyal sa kanilang wangis dahil parang tao lang din naman ang mga itsura nila. 'Yun nga lang matangkad sila ng kaonti sa akin at malalaki ang braso nila na parang puputok na ang kanilang mga braso. "Ano rin ang karapatan niyo upang manikil sa mga mamamayan dito? Balita ko ay hindi naman talaga kayo tagarito. Mukhang matatapang lang kayo dahil matanda ang inyong sinasaktan," sabi ko sa mahinahon kong boses saka ako lumapit sa matandang lalake na kanina ay sinisipa nilang dalawa upang tulungan na tumayo. "Ayos lang po ba kayo?" "S-salamat hijo, ngunit hindi ka na sana nangialam pa. Baka sa 'yo nila ibunton ang galit nila," sabi nito sa akin na may halong pag-aalala habang yakap niya pa din ang batang babae. Sinenyasan ko si Farrah na ilayo na dito yung matanda at ang kasama niyang bata na siyang kanyang sinunod. "At kayo naman," paunang salita ko saka ako tumingin sa mga mamamayan ng nayon na ito na nanunuod. "Kayo ang mamamayan sa nayon na ito ngunit hinayaan niyo lang na ganituhin kayo ng hindi tagarito? Pagkatapos ay binubuwisan pa nila kayo. Ano! Sa kanila napupunta ang pinaghihirapan niyo sa pagtratrabaho dito sa pamilihan?" "Ahren, tama na," pakiusap sa akin ni Farrah ngunit hindi ko pa din siya pinansin. "Anong laban namin sa kanila? Yung iba sa kanila ay may taglay na kapangyarihan. At maging si Nana Vera na pinuno dito ay walang magawa sa kanilang mga swan upang mapaalis dito. Isa pa utos daw ito ng palasyo," sagot sa akin ng isa sa mamamayan ng nayon na ito kaya naman napangisi yung dalawa. "Kahit na anong daldal mo bata wala silang magagawa maging ikaw sa katotohanan na hawak namin ang pamilihan na ito. At hindi namin papalagpasin ang lapastangan na ginawa mo sa aming dalawa!" sabi nito saka nila ay sabay na sinunod pero naging mabilis din naman ang aksyon ko. Hinagis ko pa nga sa isa yung hawak kong mansanas at tumama iyon sa kanyang mukha na siyang aking ikinatawa. "Pwes, ako ang magpapaalis sa inyo. Dahil hindi makatarungan na sasaktan niyo ang bawat mamamayan dito sa tuwing wala silang maibigay sa inyo!" galit na sabi ko at sinugod ko din sila ng suntok na dalawa. Mukhang pati yata dito sa mundong ito ay hindi ako tinatantanan na mapaaway. Pero hindi ko naman pwede na maaatim na manunuod lang ako habang may nasasaktan sa aking harapan at wala akong gagawin. Sabi ni Nana Vera na ako ang ikapitong prinsipe sa kahariang ito kaya naman gagampanan ko ang dapat gawain ng isang prinsipe. Ang protektahan ang kanilang nasasakupan. Nagpalitan nga kami ng mga suntok sa isa't isa pero agad ko iyong naiilagan dahil parang nakikipag-away lang din ako sa mga kaaway ko dati sa mundo ng mga tao. Dahil sa pagpapalitan namin ng atake ay sa tuwing natatamaan ko sila ng aking suntok at sipa ay naririnig ko ang malalakas na hiyawan ng mamamayan na siyang aking ikinagisi. Dahil doon ay mas lalong naiinis sa akin ang dalawa kong kalaban at napansin ko na naging marahas ang kanilang pagsugod sa akin. Hindi ko inaasahan ang pagsuntok sa akin ng isa sa may bandang tagiliran ko kaya naman nadaplisan niya ako sa may bandang kaliwang labi na siyang ikinabuwal ko at bumagsak ako sa isang kahoy na upuan na madaling nasira dahil sa bigat ko. "Sumuko ka na lang habang maaga pa. Baka maawa pa kami sa 'yo. Iyon ay kung luluhod ka," sabi ng isa sa kalaban ko saka sila nagtawanan ng kasama nila. Ngunit sinabayan ko din ang tawa nila na ikinainis naman nilang dalawa. "Ayun na 'yun?" natatawang sabi ko at dinura ko yung konting dugo sa aking bunganga. "Ano!" "Parang kiniliti lang ako ng suntok na iyong ginawa. Suntok ba ang tawag doon?" pang-aasar ko din dahil totoo naman na nadaplisan nila ako ngunit hindi ako nasaktan sa atakeng iyon. "Dudurugin namin ang pagmumukha mong mayabang ka!" sigaw nilang dalawa saka nila ako ulit marahas na sinugod. Pero agad ko din naman silang nasasangga at naiiwasan. Napapaatras din yung ibang mga mamamayan at napapasigaw dahil baka madamay nga sila kagaya ng ibanh gamit sa pamilihan maging ang tinda ng iba ay nasisira dahil sa pag-aaway na aming ginagawa. "Tapos na ba kayo?" tanong ko sa kanila at nakatingin lang ako sa mga mukha nilang hinihingal na. "Ako naman ha?!" Pagkatapos kong magsalita ay nginisihan ko muna sila. Bago ako mabilis na sumugod sa kanilang dalawa. Hindi ko aakalain na sa kabila ng pangangatawan nilang iyan ay madali lang silang hihingalin. Tumalon ako at pumaikot sa ere saka ko sila binigyan ng flying kick sa kanilang mga tiyan kaya naman tumalsik sila sa isang paninda ng mga prutas. Pero sinundan ko sila at parehas ko silang kinuha sa pamamagitan ng paghila ko sa kanilang damit. Pagkatapos ay pinag-untog ko ang kanilang ulo na dalawa. Narinig ko naman na nagsipagtawanan yung mga nanunuod sa amin dahil sa akinh ginawa. "Kaya mo iyan Ahren!" rinig kong sigaw ni Farrah at nasundan pa iyon ng ilang sigaw mula sa mamamayan ng nayon na ito. Nahawakan nilang dalawa ang braso ko at pinipilit ko na matanggal iyon ngunit mahigpit ang naging hawak nilang dalawa. Tumayo silang dalawa mula sa pagkakaluhod nila matapos kong iuntog ang ulo nila sa isa't isa. Pinilit nilang itulak ako sa pamamagitan ng lakas ng kanilang katawan kaya naman napapausog ako ng paunti-unti. Masasabi ko na may taglay silang lakas ngunit hindi naman ako makakapayag na matalo lang nila ako basta-basta sa laban na ito. Tumalon ako sa ere habang hawak nila ang braso ko at binigyan ko sila ng tig-iisang sipa sa kanilang mga mukha kaya naman nabitawan na nila ng tuluyan ang braso ko. Pagkatapos ay hindi ko sila tinigilan na pinagsusuntok sa kanilang mga mukha hanggang sa hindi na nila maimulat ang kanilang mga mata. Tumigil lang ako ng isa-isa silang bumagsak sa lupa na walang malay. Dahil doon ay muli kong narinig ang hiyawan ng mamamayan saka ako nilapitan ni Farrah at binati ang aking pagkapanalo. "Wala pala kayo. Malalaki lang ang katawan niyo ngunit madali ko lamang kayo natalo. Tsk." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD