Kabanata 5: Panaginip

1052 Words
Kabanata 5: Panaginip Ahren POV "Gawin mo ang dapat mong gagawin bagay na hindi ko nagawa. Itama mo ang mga mali. Pigilan mo ang dapat na pigilan upang maiwasan ang pagkasira." A-ano? Wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya at nagtataka din ako kung bakit naririnig ko sa kanya ang boses ko. Teka?! B-boses ko? Ngayon ko lang napagtanto na pati pala ang boses ko noong nabubuhay pa ako sa mundo ng mga tao ay magkaiba sa boses ko ngayon. Sa tingin ko ay boses rin ito ng Prinsipe Tyrant na tinutukoy ni Nana Vera. "Tama ka," narinig ni Ahren na wika ng kaboses niya. Naririnig mo ako? Magsalita ka ulit! Ikaw ba yan Prinsipe Tyrant? "Ikaw at ako ay iisa na ngayon. Hindi na ikaw si Ahren, ikaw si Tyrant na ikapitong prinsipe ng kahariang Labyrinth. Tandaan mo yan," maawtoridad na wika niya pagkatapos ay nawala na ang boses niya. T-teka! Nasaan ka na? Bumalik ka dahil marami pa akong gustong itanong sa 'yo. "Ahren, gising na! Ayaw pa naman ni Nana Vera na pinaghihintay ang pagkain." Ano yung maingay na iyon? Boses babae naman ang naririnig ko. Bigla kong dinilat ang mata ko dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin at gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makita ko na sobrang lapit ng mukha ni Farrah sa akin. "Ahh!" dahil sa nagulat ako at kakagising ko lang ay hindi ko nagawang pigilan na itulak siya kaya naman napasalampak siya sa sahig ng kwarto. "Aray ko naman! Ginigising ka lang naman pero bakit nanunulak ka!" sigaw nito sa akin saka niya ako sinamaan ng tingin. Dahil doon ay natauhan ako at nakonsensya sa pagtulak sa kanya. "Patawad kung naitulak kita. Ginulat mo kasi ako dahil ang lapit ng mukha mo sa akin," sabi ko sa kanya at dali-dali akong tumayo sa kama upang matulungan siyang tumayo. Mabuti na lang dahil tinanggap naman niya ang alok ko na tulungan siya. "Gano'n ba? Pasensya na din," napapapitlag naman kaming dalawa ni Farrah dahil narinig namin ang malakas na sigaw ni Nana Vera. "Naku! Bilisan mo na Ahren. Ayaw ni Nana Vera na pinaghihintay ang pagkain," natatarantang sabi ni Farrah saka niya ako hinila pababa. Tila bumagal ang takbo ng oras para sa akin habang hila-hila ako ni Farrah pababa ng hagdanan. Mayroon sa aking pumasok na alaala mula sa aking nakaraan. Kaming dalawa ni Miyaka habang masaya kaming tumatakbo sa field habang hawak naman niya ang kamay ko. Kung gaano ako kasaya noon habang kasama ko si Miyaka ay ganito rin ang nararamdaman ko ngayon. "Bakit ang tagal niyong bumaba? May problema ba?" maawtoridad na tanong sa amin ni Nana Vera kaya naman napalunok ako ng sarili kong laway. Mukhang totoo na ayaw nga ni Nana Vera na paghintayin ang pagkain batay na rin sa nakikita ko sa inis sa kanyang mukha. "Ang ayaw ko sa lahat pinaghihintay ang pagkain," sabi pa ni Nana Vera. "Ang hirap po kasing gisingin ni Ahren eh. Pasensya na po Nana Vera," hinging paumanhin ni Farrah saka ito umupo sa kanyang upuan. "Pasensya na po," hinging paumanhin ko din dahil ako naman ang naging dahilan upang magtagal kami sa pagbaba. Sinenyasan naman ako ni Nana Vera na umupo na kaya naman sinunod ko siya. "Kamusta naman ang pagtulog mo Ahren?" nginuya ko naman ang pagkain na nasa bibig ko pagkatapos ay nilunok ko iyon. Saka ko tinignan si Nana Vera at napansin ko na napatigil din sa kanyang pagkain si Farrah. Dapat ko bang sabihin kay Nana Vera? "Ahren?" tawag sa akin ni Nana Vera ng hindi ako makasagot agad. "May problema ba?" "Nanaginip po kasi ako," nagdedisyon na ako na sasabihin ko kay Nana Vera baka may alam siya patungkol sa nangyari sa akin. "Nanaginip ka? Anong panaginip naman iyon?" tanong sa akin ni Nana Vera. "Nanaginip po ako na may lalakeng kumakausap sa akin. Pero kaboses ko po siya. Sinasabi niyang itama ko daw ang mga mali at gawin ko daw po ang mga hindi niya nagawa. Pagkatapos ay nawala na dahil nagising na ako at nakita ko na po si Farrah," kwento ko sa kanila at tila may alam nga si Nana Vera sa aking kinuwento kaya naman nananahimik siya na para bang may iniisip siya. "Mukhang may malalim na kahulugan ang panaginip mo na iyan Ahren," sabi naman ni Farrah sa akin at napatango na lang ako sa kanyang sinabi. "Oo nga pala Farrah. Maaari ba ikaw na lang muna ang magturo kay Ahren patungkol sa mga bagay na hindi pa niya alam. Ikaw naman Ahren maaari kang magtanong kay Farrah," sabi ni Nana Vera sa amin kaya naman napatango na lang kaming dalawa ni Farrah sa sinabi niya. "Pagbalik ko na lamang pag-usapan natin ang patungkol sa napaniginipan mo," muli ay napatango ako sa sinabi ni Nana Vera. "Aalis po ba kayo?" magalang na tanong ni Farrah at nagpatuloy naman ako sa aking pagkain. "Oo, kukuha ako ng mga halamang gamot na ipantatapal sa mga sugat ni Ahren. Hindi pa humihilom ang sugat niya. Kaya wala ka lang nararamdaman na sakit ay dahil sa ipinahid ko na langis sa mga sugat mo. Pero paubos na din ang langis kaya mas mainam na halamang gamot na ang ipantapal jan sa sugat mo," sabi naman ni Nana Vera saka siya uminom ng tubig at mukhang tapos na siyang kumain. "Kaya po pala wala akong nararamdaman na sakit o kirot man lang," sabi ko. "Pwede naman po na ako na lang ang kumuha ng halamang gamot Nana Vera," presinta ni Farrah. "Samahan mo na lang si Ahren dito. Dadaan rin ako kay Master Yue at may mahalaga kaming pag-uusapan," sabi naman ni Nana Vera at hindi na muling sumagot si Farrah sa kanya. Pagkatapos nga naming kumain ay umalis na si Nana Vera. Muli ay nagpaalam siya sa amin kaya naman hinatid namin siya sa may pintuan. May mga ilan pang ibinilin si Farrah katulad ng mag-ingat at ipa ba. Habang ako ay umakyat na ako sa kwarto ko. Wala lang, hindi lang ako kumportable na kaming dalawa lang ni Farrah ang nasa bahay lalo na at nakikita ko ang mukha ni Miyaka sa kanya. Naputol ang iniisip ko nang may narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto kaya naman wala akong nagawa kundi ang buksan iyon. "Anong ginagawa mo dito?" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD