Chapter 53 “Maayos at malinis rin ang lugar na ito, Kasimiro, alagang-alaga ng mga goblin.” Ngumiti si Kasimiro kay Floryne, “Oo, masinop sila sa gamit, iyon nga lang hindi kanila ang mga gamit na sinisinop nila.” Natawa si Floryne sa sinabi ni Kasimiro. Kumakain sila ngayon na tatlo. “Pagpasensiyahan mo na kung ninakaw ng isang goblin ang mga damit mo, ha? Wala kasi silang pinipili. Ang sinuman na napupunta dito sa gubat ay ninanakawan nila pero hindi naman nila ito sinasaktan,” sabi ni Kasimiro. Habang nakikinig si Evan kay Kasimiro ay nararamdaman niya na napamahal na ito sa mga goblin na naroon. Isa pa ay naiintindihan ni Kasimiro ang lenggwahe ng mga goblin katulad ni Floryne. “Tiyak na malulungkot ang mga goblin na narito dahil iiwanan mo na sila,” sabi ni Evan. “Kailangan, s

