LESSON 05- The Act

2112 Words
                  “OUR QUEEN!” Magkakasabay na yumukod sina Destiny, Nikki at Jillian sa harapan ni Candice nang makita siya ng mga ito. Abala ang tatlo sa pag-uusap kaya hindi namalayan ng mga ito ang kaniyang pagdating. Pumalakpak siya nang isa at umayos na ang tatlo sa pagtayo. Halos hindi makatingin ang mga ito ng diretso sa kaniya. Humalukipkip si Candice. “Bakit naman ganiyan ang tingin ninyo sa akin?” Natatawa niyang tanong. Inilabas niya ang face powder sa kaniyang bag at nilagyan niya niyon ang mukha. “M-medyo nahihiya lang kami dahil sa ginagawa namin sa iyo, Candice…” si Destiny ang sumagot sa kaniya. Itinigil niya ang ginagawa. Tumingin dito. “Don’t worry. Part lang naman iyan ng act, right?” aniya sabay ngiti na parang isang demonyo. “This can’t be! Hindi pwedeng natalo ako ng isang baguhan! At ng Aliyah pa na iyon?!” Halos magwala na si Candice. Nasa classroom siya kasama ang tatlong kaibigan. Suot pa rin niya ang gown na suot niya kanina nang matalo siya ni Aliyah bilang Miss RNHS. Kakatapos lang ng beauty pageant at sa inis niya ay hindi muna siya umuwi ng bahay. Nagpunta muna sila sa classroom nila upang mag-usap. Sa pagkatalo niya bilang Miss RNHS ngayong taon, alam niyang malaki ang magiging epekto niyon sa kalagayan niya sa eskwelahan na pinapasukan. May scholarship kasi ang nananalo sa pageant na iyon. Sigurado din siyang pinagtatawanan na siya ng lahat sa pagkatalo niya. Lalo na ng Aliyah na iyon. Malamang ay magpa-party pa ito sa labis na saya! At ang mga kaibigan niya, baka iwanan na siya ng mga ito dahil isa siyang talunan. Walang imik ang tatlo. Pinapanood lamang siya. Kinalma ni Candice ang sarili. Huminga nang malalim. “Ngayon natalo ako ni Aliyah. Ano na ang plano ninyong tatlo? Ako pa rin ba ang queen para sa inyo?” Tinapangan niya ang sarili na itanong iyon kahit tila alam na niya ang kasagutan. Nais lang niyang marinig mismo sa bibig ng tatlo ang sagot. “Walang magbabago, Candice…” Labis na nagulat si Candice sa sagot ni Destiny. “Destiny’s right. Ikaw pa rin ang reyna para sa amin,” dugtong pa ni Nikki. “Yeah. You’re the reason kung bakit hindi na ako bumabagsak sa subjects natin at hindi ka namin ibabagsak nang ganoon lang, Candice. We’re still with you no matter what.” Nakangiting turan naman ni Jillian. Kung hindi lang magiging kababawan ay yayakapin niya sana ang tatlong kaibigan pero hindi na lang niya ginawa. Kilala kasi siya ng lahat na hindi nagpapakita ng affection at pasasalamat. “Mabuti naman kung ganoon…” Nakahinga na siya ng maluwag. Atleast, ngayon ay sigurado na siya sa katapatan ng tatlo. “Gusto mo bang gumanti? Meron akong idea…” ani Destiny. May nagbabadyang ngiti sa labi nito na para bang sinasabi nito na magugustuhan niya ang naiisip nito. “Gustung-gusto ko! Gusto kong ipahiya ang Aliyah na iyon sa ginawa niya sa akin. Ipinahiya niya ako, dapat mas matindi pa ang mangyari sa babaeng iyon! Teka, ano ba `yang naiisip mo, Destiny?” Humakbang si Candice palapit sa mga kaibigan matapos niyang ibalik ang face powder sa kaniyang bag. “Ano na ang balita sa plano natin?” tanong niya. “`Ayon… Paniwalang-paniwala si Aliyah na nasa kaniya na ang katapatan namin. Wala siyang kaalam-alam na pinaglalaruan lang natin siya!” Naiiling at natatawang sagot ni Destiny. Si Destiny ang madalas na mag-isip ng gagawin nila. Malikot ang utak nito. Kapag tahimik ito at nais na mapag-isa ay hinahayaan lang nila. Alam kasi nila na may pinaplano itong magugustuhan nilang lahat. Kumbaga, ito ang utak ng grupo. “Mabuti naman kung ganoon. Hindi pwedeng malaman pa ni Aliyah na umaarte lang kayong kakampi niya kayong tatlo. Sundin ninyo ang iuutos niya. Okay?” “Pero hanggang kailan ba kami magpapanggap? I mean, gagalisin na yata ako kapag nagtagal pa ako sa pakikipag-plastikan sa kaniya. Gusto niyang i-bully ka namin, Candice!” “Then, i-bully niyo ako, Nikki. Gaya ng sinabi ko, sundin ninyo ang gusto niya. Kunin niyo ang loob ng babaeng iyon. Don’t worry, malapit nang matapos ang lahat kapag nangyari na ang hinihintay ko.” “Wala bang specific na araw? Gusto na naming makita ang pagkapahiya ni Aliyah!” Hindi na makapaghintay na sabi ni Jillian. “Naiintindihan ko kayo… Sa school trip. Alam ko, next week na iyon, `di ba? Doon natin ipapahiya si Aliyah. Babasagin natin ang ilusyon niya na nasa kaniya na ang korona!” Nangingiting wika ni Candice. Naglalaro na sa utak niya ang mga mangyayari. Baka kapag nalaman ni Aliyah na ang lahat ay plinano niya ay baka umalis pa ito ng RNHS sa labis na kahihiyan. Sa ngayon ay hahayaan muna niya itong magreyna-reynahan. Hindi naman magtatagal ay makukuha na ulit niya ang koronang pansamantala ay ipinasuot niya dito!   AKALA mo ay isang ahas na nakapulupot sa sanga ng puno si Aliyah kung makayakap siya kay Rocco. Nasa classroom sila at wala siyang pakialam kung ganoon man siya makayakap dito. Nobyo naman niya ang lalaki at sa tingin naman niya ay walang masama doon. Wala rin namang pakialam ang mga kaklase niya. Kaniya-kaniya ang mga ito sa pag-iingay porket wala pa silang guro. Pero kung meron man siyang may gustong makakita sa kanila, walang iba kundi si Candice. Kanina pa nga niya ito hinihintay na pumasok pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. “Aliyah, baka may teacher na makakita sa atin. Bawal ang PDA dito sa school.” Pabulong na paalala ni Rocco. Pasimple nitong inaalis ang braso niya sa braso nito. Bahagya siyang napasimangot. Imbes na sundin ito ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak. “E, bakit kayo dati ni Candice? Mas matindi pa nga dito kung maglampungan kayo, e. Bakit ako parang ayaw mo? Remember, ako na ang girlfriend mo at hindi na ang Candice na iyon!” Medyo naiinis niyang paalala. “Bakit ba palagi mo na lang na isinisingit si Candice sa usapan? Napaghahalataan tuloy na inseure ka sa kaniya.” Sa pagkakataon na iyon ay binitiwan na niya si Rocco. Nakakainis naman kasi talaga ang sinabi nito. “Ako?!” Turo ni Aliyah sa sarili sabay tayo. “Insecure sa Candice na iyon? Hell no! Wala akong ikaka-insecure sa kaniya!” “Talaga lang, ha?” Mabilis siyang napalingon nang marinig ang boses ni Candice. Nakita niyang papalapit ito sa kanila ni Rocco. “Ang layo-layo ko pa dito pero amoy na amoy ko na ang insecurity sa katawan mo, Aliyah!” Huminto ito sa harapan niya at naglaban ang kanilang mga mata. Walang gustong sumuko. Walang nais magpatalo. “Bitter!” mariin na turan ni Aliyah. “Ako? Bitter? Iniisip mo ba `yan kasi ikaw ang ipinalit ni Rocco sa akin? Well, sa iyo na siya. Pinagsawaan ko na ang lalaking iyan. And besides, alam ko naman na para kang gutom na aso na matagal nang naka-abang sa buto na kinakain ko. Ngayong wala nang lasa ang buto na iyon at itinapon ko na, sinunggaban mo naman agad.” Mataray na sagot ni Candice. Itinaas ni Aliyah ang isang kilay. “Dapat sa iyo, maging writer. Ang galing mo kasing gumawa ng kwento. Anong itinapon? Huwag mo namang bigyan ng maling information ang mga tao dito sa school. Ikaw ang itinapon ni Rocco. Baka nakakalimutan mo!” Naningkit ang mata ni Candice. Umangat ang kamay nito sa hangin para sampalin siya. Naging maagap naman ang isa niyang kamay para salagin iyon. Mariin niyang hinawakan ang pulso ni Candice at pinisil iyon. Napangiwi ito sa sakit. “Hinding-hindi ako makakapayag na masaktan mo ako. Kung noon, hinahayaan ko lang na laitin mo ako dahil sa kulay ko, ngayon ay hindi na. Tapos na ang pagre-reyna-reynahan mo dito, Candice!” Marahas niyang binitiwan ang kamay nito. Nanlilisik ang mga mata na hinilot ni Candice ang masakit na pulso. “Sige lang, magpakasaya ka kung nasaan ka ngayon, Aliyah! Alam mo kung bakit? Hindi ka rin naman magtatagal sa tuktok. Ibabagsak kita sa langit na kinaroroonan mo ngayon. Kaya kung ako sa iyo, maghanda ka. Hindi mo alam kung kailan ako aatake!” May halong pagbabanta ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Candice. Hindi malaman ni Aliyah kung bakit tila nakaramdam siya ng kaba. Hindi lang niya iyon ipinahalata dito. Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang kanilang guro na si Teacher Annie. Nagpulasan ang mga kaklase niya at nagpuntahan na sa kani-kanilang upuan. Silang dalawa naman ni Candice ay parang may sariling mundo na nakatayo pa rin sa gitna at naglalaban ang mga mata. “Candice? Aliyah? Mga bulag ba kayo? Hindi niyo ba nakikita na nandito na ako sa unahan?” ani Teacher Annie. Kumibot ang gilid ng bibig ni Aliyah. “Hindi pa tayo tapos na babae ka…” gigil niyang bulong na sinuklian lang ni Candice ng mapang-inis na ngiti. Nauna itong umalis sa gitna para umupo na. Siya naman ay umupo na sa upuan sa tabi ni Rocco. Kahit kailan talaga, walang ibang ginawa si Candice kundi ang bwisitin siya! “Okay, class, alam kong nagtataka kayo dahil ako ang nandito sa harapan ninyo.” Si Teacher Annie ay ang kanilang adviser. Pang-first subject ito. Last subject na kasi nila at hinihintay na lang nila ang guro nila para sa asignatura na iyon. “Hindi rin naman ako magtatagal dito. May ia-announce lang ako na mabilis…” Tumaas ang kamay ng isa nilang kaklaseng lalaki. “Teacher, about ba ito sa school trip?” “Yes. Tungkol sa school trip na gaganapin na next weekend. This year ay pupunta tayo sa Quezon Province. Sa Atimonan, Quezon to be exact. Meron contribution na sa treasurer nitong class ibibigay tapos saka ibibigay sa akin. Hindi ko pa alam kung magkano ang contribution pero sa pagkakaalam ko ay naka-post na sa bulletin board sa may labas ng faculty. I-check niyo na lang doon bago kayo umuwi. Sa Sabado na ang school trip kaya magpaalam na kayo mamay sa parents ninyo. Okay? No more questions?” “Wala na po, teacher!” sabay-sabay na sagot nilang lahat. “Sige na. I have to go. Hintayin niyo na lang ang teacher ninyo para sa last subject. Good bye, class!” Matapos iyon ay lumabas na rin agad ng room si Teacher Annie. Wala pang isang minuto ay pumasok na ang guro na kanina pa nila hinihintay.   “ROCCO, wait! Rocco!” Kung kaya lang lumipad ni Aliyah ay kanina pa niya ginawa para lang mahabol si Rocco na malalaki ang hakbang. Papalabas na ito ng gate at mag-isa lang. Bago mag-uwian ay sinabihan na niya itong sabay silang uuwi. Nagpahintay siya sa labas ng classroom nila dahil gusto niyang mag-ayos ng sarili sa CR. Ang init-init kasi ng panahon at pakiramdam niya ay ang lagkit-lagkit na niya. Pero pagbalik niya ay wala na ito. Hanggang sa nakita niya ang kaklase nilang si Trevor. Parang ito ang male version ni Candice. Ito ang lalaking bully sa kanilang section. Pero iba naman ang dahilan nito kung bakit ito nambu-bully—dahil sa pera. Kahit payat si Trevor ay nakakatakot pa rin ito para sa iba. Maitim ito at semi-kalbo ang gupit ng buhok. May mga peklat sa mukha dahil sa pakikipag-away nito kung kani-kanino. Ginagamit nito ang tapang nito para takutin ang mahihinang estudyante para makakikil ng pera. Wala naman siyang ibang pwedeng mapagtanungan kundi ito lang dahil ito lang ang naroon. “Trevor, nakita mo ba si Rocco?” tanong niya sa lalaki. “Oo. Bakit?” Medyo pabalang ito kung magsalita. Normal na dito ang ganoon. “Malamang, hinahanap ko siya. Nasaan na siya? Saan siya nagpunta?” “Ang lagay ba ay… ganoon na lang? Walang kapalit?” Ngumisi ito. Lumabas ng bahagya ang madidilaw nitong ngipin. Naiiritang naitirik na lang ni Aliyah ang mata at humugot siya ng bente pesos sa bulsa. Inabot niya ito kay Trevor. “Nasaan na si Rocco? Bilisan mo na!” naiinip niyang tanong. “`Ayon, o! Palabas na yata! Bilisan mo na rin para maabutan mo pa!” anito sabay talikod sa kaniya. Kaya naman `eto siya, hinahabol ito. Naririnig naman yata siya nito pero parang sinasadya ni Rocco na hindi siya lingunin. Nagbibingi-bingihan yata. Tumakbo na si Aliyah hanggang sa maabutan na niya si Rocco. Humarang siya sa daraanan nito para wala na itong pagpipilian kundi ang tumigil. Medyo nagulat ito nang makita siyang tagaktak ang pawis sa mukha. “Kanina pa kita tinatawag! Iniiwasan mo ba ako, Rocco?” inis niyang tanong sa lalaki. “Ha? Wala akong naririnig.” “Talaga lang? Ang lakas-lakas ng sigaw ko. Nagmumukha na akong tanga kakahabol sa iyo.” “Bakit ba? Pauwi na kasi ako.” “May usapan tayo, `di ba? Sabay tayong uuwi. Ihahatid mo ako sa bahay namin.” “Iyon lang ba? Okay. Tara na.” Kumibit-balikat lang si Rocco. Hinawakan ang kamay niya at hinila na siya sa paglalakad. Bakit ganito? Kahit hawak ni Rocco ang kamay niya, pakiramdam niya ay nasa malayo ito. Ni hindi man lang siya nito kinakausap o tinitingnan man lang. Parang wala din siyang kasama sa paglalakad. Teka, ano pa ba ang aasahan niya kay Rocco? Nakuha lang naman niya ito kay Candice dahil sa isang kasunduan. Oo nga pala, iyong kasunduan nila. Bigla niyang naalala. “Rocco, paano na nga pala iyong balak natin this Saturday night? May school trip tayo sa araw na iyon, `di ba?” Medyo natuwa siya na magkakaroon sila ng school trip. Mauudlot ang binabalak ni Rocco sa kaniya. “Hindi problema iyon,” sagot nito. “Paanong hindi problema? May school trip nga tayo—” “Ako ang bahala. Tuloy ang pagkuha ko ng premyo ko, Aliyah!” Malamig nitong turan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD