ANG KABABATA

1986 Words
Binuksan ni Silver ang de-salamin na pintuan ng kanyang paliguan. Katatapos lamang niyang mag-shower. It’s been a long day dahil maliban pa sa inasikaso niya ang mga materyales na kakailanganin sa pagpapagawa ng bahay ng mag-asawa ay kinailangan niya ring pumunta sa rancho para ayusin at lagyan ng mga tukod ang ibang pananim na natumba dahil sa nagdaang malakas na pag-ulan. Kinailangan din nilang linisin at ilipat ang ilang mga dayami na hindi nabasa para mapakinabangan pa ng mga hayop. Paglabas doon ay kinuha niya agad ang puting tuwalyang nakasabit sa gilid ng pintuan. Pinunasan niya ang basa at hubo na katawan. Sa harapan ng malaking salamin na kinatatayuan ay hindi niya sinasadyang matitigan ang kahubaran. Lalo na ang pribadong parte ng katawan na kasalukuyan na rin pinupunasan ng tuwalya. As soon as madampian iyon ng malambot na uri ng telang hawak ay nanindig agad iyon dahil sa alaalang biglang pumasok sa isipan na siyang nangyari kagabi. Pagkatapos punasan ay mariing niyang pinakatitigan ang sarili partikular ang nakatayong bagay na iyon. Maya-maya pa ay napabuntong hininga, pagkatapos ay napapikit. It’s been a while since may nakahawak doon. Ang totoo ay hindi na rin niya maalala kung kelan pa ang huli. Ilang taon na ba siyang walang girlfriend? Seven? Eight years? Kaya naman nang mahawakan iyon ng kamay ng isang babae ay hindi na napigilan ang pangangalit ng bagay na iyon kagabi. Napakagat siya ng pang-ibabang labi. Inaamin niya na na-miss niya ang pakiramdam na iyon. Ang may humahawak sa kanya, ang may nagpapaligaya sa kanya. Kagabi, halos lahat ng lakas niya ay ginamit na niya para mapigilang huwag labasan sa kamay ni Darling. Dinagdagan pa noong madulas siya at umibabaw ito sa kanyang katawan. Hindi rin niya makakalimutan ang tagpo noong sumakay sila sa kabayo niyang si Thor. Anong pagdarasal niya na huwag magparamdam ang alaga niyang iyon, ngunit dahil napakasensetibo nga nito dahil matagal nang hindi nakakatikim ulit ng romansa kung kaya ang pagdagan nito sa kanya kanina at ang pagkiskis ng kanyang harapan sa pwetan ng babae ay nagdulot ulit ng pagtayo noon at pagtigas. Mabuti na lamang din at hindi iyon napansin ng babae, at dahil hindi masyadong malayo ang itinakbo ng kabayo at naikubli niya rin iyon pagkababa nila mula sa pagkakasakay kay Thor. Hindi na niya namalayan na nabitawan na niya ang hawak na tuwalya. Lumakad na rin ang sariling kamay at agad nang hinawakan iyon. Hinagod niya iyon ng paulit ulit. Iminulat niya ang mga mata at tiningnan sa salamin ang ginagawa. Oh, anong sarap sa pakiramdam ang dulot noon. Dahil doon ay nagsisimula nang mag-init ang kanyang buong katawan. Napaurong siya ng paglakad upang isandal ang likuran sa gilid ng dingding upang makabwelo. Pumihit siya at tumagilid upang muling pakatitigan. Anong pagmamalaki ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Gaya ng mga kapatid, biniyayaan rin siya ng pambihirang laki at haba ng pag-aari. Napangiti siya at ipinagpatuloy ang pagpapala sa sariling sandata habang pinapanood ang sarili sa salamin. Ramdam niya ang pag-iinit ng palad maging ang bagay na hawak. Dahil doon ay nagtagis ang panga at pinakiramdaman pa ang kaayaayang sensasyong dulot noon sa pamamagitan ng pagpikit ng mga mata at pagdantay ng ulo sa dingding. “Do you need help?” Walang ano-ano ay isang boses ang naulinigan niya kasunod ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Nagulat siya sa pagsulpot ng isang babae mula roon. “What the f*ck!” saad niya dahilan ng pagtigil niya sa ginagawa at pagdampot ulit sa nalaglag na tuwalya sa sahig. Mabilis na itinakip iyon sa kahubaran. “Brenda! Anong ginagawa mo dito?” pinanlakihan niya ng mga mata ang hindi inaasahang bisita. “Iniiba mo ang usapan. Halika, let me help you,” lumapit ito sa lalaki at hinablot ang tuwalyang hawak nito. “Brenda!” saway niya dito sabay hablot pabalik ng tuwalya. “What? Gusto lang naman kitang tulungan ah!” seryosong turan ng babae. Nanggagalaiti siyang pinakatitigan ito. “Get out!” at sa pamamagitan ng paningin ay itinuro ang pintuan. “Hmp! Kahit kelan talaga kill joy ka!” inihalukipkip ng babae ang mga braso sa dibdib at ikinibot ang gilid ng mga labi. Walang kakikitaan sa babae na nagbibiro lang ito. And it seems like she used to be around with Silver sa mga inaakto nito ngayon. “Get out, now!” pag-uulit na niya na bahagyang itinaas pa ng kaonti ang boses. Padabog naman na lumabas ang babae mula roon. Mabilis niyang ibinalot ang tuwalya sa pang-ibabang katawan. “Bakit ka nandito?” iritado niyang tanong. “Hindi ba sinabi ni Nanay na magbabakasyon ako dito?” “I mean bakit ka nandito sa kwarto ko?” may gigil niyang pakli. Brenda sigh. “Silver naman, bata pa tayo alam ko na buksan ang pintuan ng kwarto mo,” umupo ito sa sofa na nasa paanan ng higaan ng lalaki. Napabuntong hininga si Silver out of frustration. “Brenda, baka naman alam mo rin na hindi ka pwedeng pumapasok basta-basta sa loob ng kuwarto ng ibang tao.” “Yes, I know. Pero hindi ka naman ibang tao sa akin,” itinaas nito ang isang paa at itinukod sa upuan na para bang nasa sariling pamamahay. Dahil doon ay sumilay ang kasingit singitan nito at ang underwear sa suot na mini skirt. “Stop being sarcastic, please,” aniya. “And can you please, ayusin mo nga ang pag-upo mo. Hindi ka na bata para umupo ng ganyan,” dumiretso siya sa kanyang closet at doon ay nagkubli. Nagsimula na rin siyang magsuot ng damit. “Tss! Ang suplado mo naman! ‘Yan ba ang nagagawa ng pagiging tigang? Ano ‘yun, kuntento ka na sa pakamay-kamay na lang?” panglilibak ng babae na iniayos ang pagkakaupo. Mula sa closet ay sinilip niya ito na magkasalubong ang mga kilay. “I’m just being prank! Matanda ka na, hindi ka pa nag-aasawa.” “Eh, sa wala pa akong nakikitang tamang babae para sa akin, anong magagawa ko?” “Diyos ko, Silver, eh paano ka naman kasi makakahanap ng ibang babae eh ang kaharap mo lang dito, either mga pananim mo, o mga hayop na alaga mo.” “Eh, ano bang masama doon? Ito ang bahay ko, nandito ang business ko, so bakit pa ako pupunta sa iba?” Napapailing lang ang babae. “Oh, eh, kaya nga ako na ang lumalapit sa iyo. Ano, tayo na lang? Payag naman ako. I’m sure payag din sina Nanay at Tatay.” Umiling-iling siya sa suhistyon ng kababata. “Brenda…” “I’m serious, Silver. Single ka naman, at single ako. Kilala na natin ang isa’t isa mula pa pagkabata. Malay mo naman tayo talaga ang itinadhana ‘di ba,” ngumisi ito sa pagsasabing iyon. Sarkastiko namang napatawa lang ang binata sa tila pagbibiro ng kausap. “Don’t laugh. Sayang ‘yang malaking kayamanan mong 'yan kung hindi mo naman isi-share sa iba,” itinaas nito ang isang kilay, humalukipkip ulit at pinukulan ng pansin ang maumbok pa rin na tinutukoy nitong kayamanan sa ilalim ng shorts ng lalaki. Maya-maya ay lumapit ito sa binata at dinakma agad ang harapan nito. Kinuha rin ang mukha ng lalaki at siniil ng halik. “Brenda, ano ka ba! Pupunta-punta ka dito para lang ipakita sa akin ang pag-uugali mong ganyan? Hindi ka pa rin nagbabago,” dahil doon ay marahan niyang naitulak ang babae. “Silver.. Am I not really attractive to you anymore? Hanggang ngayon ba maghahabol pa rin ako sa iyo?” may pagdadabog ng mga paang reklamo na nito. “Hindi ko sinabi na maghabol ka.” “Bakit ba, may girlfriend ka na ba?” “Wala!” “Eh, wala naman pala eh. So pwede ulit tayo maging tayo!” May pagkabanas na niyang natitigan ito. “Hindi iyon ganoon kadali,” sagot pa. “Bakit?” Hindi siya nakaimik. “So, si Fatima pa rin talaga?” inis na rin ang mahahalata sa boses ng babae. “Bakit nasama naman si Fatima dito?” “Eh, siya lang naman ang babaeng kinalokohan mo noon, hindi ba? Na pagkaalis niya, naging panakip butas na lang ako, kaya pinatos mo ako. And yet pumayag naman ako,” mabilis na bumalik sa isipan nito ang mga nangyari sa pagitan nila maraming taon na ang nakakalipas. “Ibabalik na naman ba natin ang nakaraan, Brenda? That was a long time ago. Nakalimutan ko na iyon,” sa kakulitan ng babae ay pumihit siya upang iwan na lang ito sa loob ng kuwarto. “Ikaw, pero ako hinding-hindi ko iyon nakakalimutan,” sinundan naman nito ang binata. “I still can’t forget the way you put me down in bed. Yung mga mararahas na paghawak mo sa katawan ko. Mga paghalik mo sa mga labi ko. Yung mga napagsaluhan nating sandali noon, Silver. Hindi iyon naaalis dito,” pakalit na itinuro nito ang bandang sintido. “At dito,” kapagkuwan ay ang dibdib. “Hindi mo ba naaalala? Lasing lang ako noon,” may pagpipigil nang pagtaas ng boses na nilingon niya ito. “Lasing ka nga, pero alam ko na alam mo ang ginagawa mo,” saad nito. “That was my first. And that night, tandang-tanda ko pa, you owned me three times,” idiniin nito ang pagsasabi sa mga huling katagang binitiwan. Natigilan siya ulit at napabuntong hininga. Ang totoo, sa tagal nang panahon na nangyari iyon ay hindi na niya matandaan ang eksaktong nangyari sa kanilang dalawa ng kababata. All he remembered is heartbroken siya noon. Mabigat ang dibdib niya at masakit ang puso niya sa nangyaring pag-iwan sa kanya ng unang babaeng lubos na minahal. Pumunta si Fatima sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. “I’m sorry,” iyon lang ang namutawi sa bibig niya kapagkuwan. “Stop saying sorry, please! Ginusto natin iyon. Silver, until now ikaw pa rin ang laman ng puso ko. That is why I’m here. I’m finally done sa pagma-masteral. I decided na magtrabaho sa bayan. I decided na tumira malapit sa iyo. Ipagpatuloy natin ang nasimulan natin dati,” nagsusumamo itong lumapit sa harapan ng lalaki upang pakahawakan ang mga kamay nito. Sandali niyang pinakatitigan ang mukhang iyon ng kaharap. Gumanti rin sa paghawak sa kamay nito at pinisil iyon. “Brenda, wala tayong nasimulan. Hindi naging tayo. Hanggang kelan mo ba lilinlangin ang sarili mo sa pag-iisip na nagkaroon tayo ng relasyon?” mahinahon na niyang sambit. Hindi naman siya gaya ng ibang lalaki na nananamantala ng babae na por que may pagtingin sa kanya ay susunggaban niya na lang sa ngalan ng init ng laman. Bata pa sila malaki na ang pagkakagusto ni Brenda kay Silver. Katunayan, lahat ng mga tao doon kabilang na ang mga trabahador ng kanyang hacienda ay nakakaalam ng bagay na iyon. Ngunit hindi rin lingid sa kaalaman ng mga ito na kaibigan lang din ang turing niya sa babae. Sa sinabing iyon ni Silver ay ito naman ang natigilan. Humugot ito ng malalim na buntong hininga bago nagsalita ulit. “Alam mo ba kung gaano kasakit ang pinag-sasabi mo sa akin ngayon, Silver?” may paghihinanakit nang saad nito. “I am just telling you the truth! Nangyari ang lahat ng iyon nang dahil sa pagka-miss ko kay Fatima. Lasing ako, at sa dami ng nainom ko ay wala na ako sa tamang huwisyo. Nagkataon na nandoon ka,” napabuntong hininga siya. “Pinagsamantalahan mo rin naman ang kahinaan ko noon. Pero kailanman hindi kita pinaasa. Kailanman ay hindi ko sinabi sa iyo na mahal kita higit pa sa kaibigan.” Nagtagis ang bagang ng babae sa mga masasakit na salitang binitawan ni Silver. Dahil doon ay tumalikod ito at dali-daling iniwan ang lalaki. Pumababa sa unang palapag at nagtatakbong nilisan ang bahay na iyon. Sinubukan namang habulin ni Silver si Brenda na tila ba nagsisi sa mga binitawang salita sa kababatang ilang taon ding hindi nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD