UNANG PAGSOSOLO

2453 Words
Tila huminto ang oras sa pagitan nila noong umagang iyon kasunod ang pagdaloy ng napakalakas na kuryente sa kanilang katawan dahil sa kanilang pagkakaayos. Natitigan nila ang isa’t isa na halos ilang inches na lamang ang agwat ng mga mukha. Dama nila ang pagkabog ng dibdib ng bawat isa maging ang kanilang paghinga. Si Darling na nakapatong kay Silver ay ramdam ang maskuladong dibdib ng lalaki pati na ang kung anong bukol na nasa pagitan ng mga hita nito na siyang lubos na nadadaganan ng pang-ibabang parte ng katawan. Hindi nila alam kung ano ang laman ng isip ng bawat isa basta hinayaan na lamang nilang namnamin ang mga sandaling iyon. Hanggang sa tila matauhan na si Darling at nauna nang kumilos. Nakita ng babae na nanlilimahid na rin sa putik si Silver kaya hindi na niya napigilang tumawa. “Paano ba yan, patas na tayo,” saad niya pa habang tumatayo. Dahil sa sinabi ng babae ay natawa na rin ang binata. Pinagmasdan ni Silver ang sarili at napailing sa nakitang putik sa sapatos, pantalon at likurang bahagi ng katawan. In fact pati ang likurang bahagi ng ulo nito ay narumihan rin. Ginugol nila ang sumunod na mga minuto sa paglilinis sa sarili nang biglang maalala ni Silver na may malapit pala na ilog mula roon. “Okay lang ba kung dumaan muna tayo sa ilog? Malapit lang naman iyon. Para lang malinis ng konti ang katawan natin?” pag-aaya nito sa kasama. Although ang ibang isip ay nasa may sakit na asawa ay hindi na rin naman tumanggi pa si Darling. Nanglilimahid na kasi siya sa dumi at nanlalagkit na rin. Sandali lang naman siguro iyon at siguradong hanggang ngayon ay tulog pa rin si Rodolfo. Sa mga sumunod na oras ay magkasabay nilang tinahak ang daan papasok sa liblib na kakahuyan papunta sa ilog na tinutukoy ng binata. Bagamat nagkatawanan na kanina ay tila nadagdagan pa ang pagkailang nila sa isa’t isa knowing na sila lamang ang nandoon sa masukal na lugar na iyon . Wala silang naging imikan habang magkasabay na naglalakad. Iyon na ang pinakamatagal na minutong iginugol ng babae kasama ang bagong kakilalang lalaki. Na imbes na magmadali pauwi ay lalo pang bumagal ang paglakad ng kanilang mga paa. Wala silang ideya kung bakit parehas nilang hindi kinikibo ang isa’t isa. Tila ba nagpapakiramdaman kung sino ang unang magbubukas ng usapan at kung ano ang pag-uusapan. Parehas silang out of words mula sa mga maliliit na eksenang namagitan sa kanilang dalawa na nagsimula pa kaninang madaling araw. Hanggang sa may marinig silang tunog ng paglagaslas ng tubig. Sabay na nagliwanag ang kanilang mga mukha at halos patakbong tinungo ang ilog. May kalinawan rin ang tubig doon sa kabila ng nangyaring malakas na pag-ulan kagabi kaya hindi na nag-aksaya pa ng oras si Darling upang sumalok ng tubig sa kamay para maghilamos ng mukha. Samantalang si Silver ay hindi na nagdalawang isip at agad nang tumalon sa tubig. Nasa gitna ito ng pagtatampisaw nang ayain na rin nito na maligo ang babae. Gusto man ni Darling na sandaling ibabad ang nanlalagkit na katawan sa ilog na iyon ay may pag-aalinlangan siya. Hindi naman kasi magandang tingnan na maligo kasama nito doon knowing na may asawa siya. Tuloy ay nagkasya na lamang siya sa pagwisik wisik sa mga braso at binti habang sinusubukang iiwas ang mga paningin sa lalaking tila napakasarap panoorin habang naliligo. Doon ay naglakbay ang kanyang isip. Kinapa nya ang narararamdaman para sa kasamang lalaking ito. Kung hindi siya nagkakamali, may kung anong nasasalat siyang feelings para sa lalaki na pilit niya lang iwinawaksi sa isipan, dahil alam niya sa sariling hindi iyon tama. Sa kabilang banda ay hindi rin naman maikakaila na may napapansin siyang kakaiba mula sa mga tingin sa kanya ni Silver. Mga tingin na nagsasabi na baka parehas lang ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, na baka may namumuo silang pagkagusto sa isa’t isa. Bahagya siyang napailing sa isiping iyon. She doesn't want to conclude, masyado pang maaga dahil literal na wala pang dalawampu’t apat na oras simula nang magkakilala sila. Baka naman nagkakamali lang siya tungkol sa totoong nararamdaman dito at humahanga lang talaga sa panglabas na kaanyuan ng lalaki. Gwapo naman kasi talaga ito maliban sa matikas at malaki ang pangangatawan. Ngunit ang tanong, kung isang paghanga lang ang nararamdaman niya dito, ano naman ang nararamdaman sa kanya ng lalaking ito? Isa rin bang paghanga? Eh, ang totoo’y simpleng babae lamang ang pagkakakilala sa kanya ng lalaki. Isa lang siyang maybahay. Hindi na nga niya naasikaso ang sarili. Ni hindi pa siya nakapagsuklay man lang nang una silang magkita sa kakahuyan. Ang ipinagtataka niya pa ay alam naman ng lalaki na may asawa na siya, kung bakit ganoon na lamang siya pakatitigan at pakahawakan nito kanina. Kung wala itong ibang intensyon sa kanya, dapat siguro ay umiwas na ito, ngunit hindi. Bagay na hindi dapat nangyayari sa pagitan nila dahil malaking pagkakamali iyon kahit pa alam naman niya na nagkukunwari lang silang mag-asawa ni Rodolfo. Natigil ang pakikipag-iringan niya sa sarili nang marinig ang malakas na pito ng lalaki. Nang lingunin niya ito ay nakatanaw ito sa isang dako ng kakahuyan. Mula sa kinaroroonan ay nakita niya ang isang itim na kabayo na naglakad papalapit sa kinatatayuan ng lalaki. Napangiti na lang siya bigla na tila ba natuwa sa tagpong iyon. Alam niyang iyon ang alagang kabayo ng lalaki na kahapon pa pinaghahanap nito. Tuwang tuwa si Silver ng makita ulit ang kabayong si Thor. Isa ang kabayong ito sa pinakaimportanteng hayop na inaalagaan nito dahil regalo pa iyon ng mga magulang. Lubhang nag-alala ang binata nang magtatakbo ito sa gitna ng ulan kahapon. Ang buong akala nito ay tuluyang nakalayo na ang kabayo at hindi na nito kailanman makikita pa. Niyakap nito ang alagang si Thor sa galak nang makarating sa harapan nito. Tila makikita rin naman ang kasabikan ng hayop sa amo nang ikiling nito ang ulo sa katawan ng lalaki. “Good boy,” sambit pa ni Silver habang hinihimas ang katawan ng alagang si Thor. Mayamaya ay bumaling ito kay Darling. “Are you ready? ” tanong pa nito sa babae. “Tara na. Sumakay na lang tayo kay Thor.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Oo nga at handa na siyang umalis pero ang sumakay sa kabayong iyon ay hindi niya yata kaya. “Okay lang ho ako. Maglalakad na lang ho ako,” iling niya ng paulit-ulit. “Sige na, para mapabilis tayo.” kumbinsi ng lalaki. “Huwag na lang ho. Medyo takot ho kasi ako sumakay sa ganyan, may fear of heights din po ako,” pagrarason niya dito. “Don’t worry, aalalayan naman kita, eh,” sambit pa nito na nauna nang sumakay sa likuran ng kabayo. Hindi siya nakaimik. Paano’y umiral na naman ang pakikipagtalo niya sa kanyang isipan. Una sa lahat ay okay lang ba na makita silang dalawa na magkasamang nakasakay sa kabayong iyon? ‘Di ba hindi maganda tingnan iyon lalo na para sa kanya na may asawa na? Pero bakit parang wala iyon sa isipan ng lalaki? Ano na lang kaya ang iisipin ni Rodolfo kapag nakita sila na nakasakay sa iisang kabayo sa ganoong posisyon? Teka, isn't she overthinking? Baka naman siya lang ang nag-iisip ng malisya tungkol sa bagay na iyon? “Tara na, baka hinihintay ka na ng asawa mong si Rodolfo?” pag-aaya na ni Silver. Sa sinabi ng lalaki ay nakumbinsi niya ang sarili na siya nga lang ang nagbibigay ng malisya doon. Kung kaya naman kahit na may takot siyang nararamdaman sa pagsakay sa kabayo ay hinayaan na lamang ang sarili. Parang may sariling isip ang mga paa at kamay at kusang naglakad ang mga iyon papalapit sa lalaki at iniabot ang kaliwang kamay dito. Nakita na lamang niya ang sarili na nakaupo na sa kabayo sa mismong harapan ni Silver. Pinahawak siya nito sa lubid na nakatali sa leeg ng kabayo na siyang hawak rin nito. “Hold on tight,” saad pa ng binata na pagkatapos bahagyang tapikin ng paa ang bandang likurang katawan ng kabayo ay tumakbo na iyon ng mabilis. Hindi na namalayan ni Darling ang pagyakap ng isang braso ni Silver sa kanyang katawan, basta napapikit na lamang siya sa mabilis na pagpapatakbo ng lalaki, pwera pa sa nararamdaman niyang may kung anong mabukol na bagay na paulit-ulit na kumikiskis sa kanyang likuran. Dahil doon ay nawala na ang takot sa kanya at hindi sinasadyang mag-isip na naman ng kung ano-ano. Ilang minuto lang ay tanaw na nila ang barong-barong na tinitirhan ng babae. Pinahinaan ng lalaki ang pagpapatakbo sa alagang hayop, hanggang sa huminto ito sa tapat mismo ng bahay. Agad na bumaba si Silver mula roon at inalalayan naman ang babae para makababa rin. This time, maayos namang nakababa si Darling. Pagpasok nila sa bahay bagamat inaapoy pa rin ng lagnat si Rodolfo ay laking pasalamat niya na tulog pa rin ito. Mabilis siyang naligo at pagkatapos ay agad itong ginising upang painumin ng gamot. Pinakain na rin niya ang anak na noong mga oras na iyon ay gising na at siyang nagbantay sa ama habang wala siya. Magmula sa labas ng bahay, ay tahimik lang na pinagmamasdan ni Silver si Darling. He realized sadyang maasikaso at maalaga pala talaga ang babae. “Salamat ho sir sa paghatid sa akin dito, ha,” saad niya nang lapitan niya ang binata na nakatayo sa labas ng bahay habang hinihintay ang mga kasamahang trabahador ng lalaki dala ang mga sasakyan kung saan nakalagay ang mga materyales na binili ng mga ito mula sa bayan kanina “Ano nga ho pala ang sadya ninyo bakit ho kayo napadpad ulit dito?” sunod na tanong ng babae. “Ihahatid ko lang ang mga materyales na binili ko para sa pagpapagawa sa bahay ninyo,” wika ng lalaki. “Ho? Ipapagawa ninyo ang bahay namin?” manghang tanong niya dito. Nakangiting tumango lang si Silver. “Ho? Nakakahiya naman. Hindi n’yo naman na ho kailangang gawin iyon.” “Ano ‘yon?” walang ano-ano ay sabat ni Rudolfo na biglang sumulpot mula sa kanilang likuran galing sa loob ng kubeta. Maayos na ang pakiramdam nito simula nang makainom ng gamot. Naiayos na rin nito ang sarili at nakapagpalit na rin ng damit. “Oh, Rudolfo, okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Silver dito nang makita ang lalaki. “Oho. Lagnat laki lang ‘yun,” natatawa nitong sambit. Hindi naman kasi talaga ito nagkakasakit. “Ano nga pala ang pinag-uusapan ninyo?” pag-uusyoso rin nito. “Si Sir Silver, ipapagawa daw ang bahay natin,” hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang sagot dito ni Darling. Umaliwalas pa lalo ang mukha ng lalaki sa narinig. “Talaga ho?” tanong nito sa kaharap na binata. “I was thinking about it last night. Pansin ko kasi sa lahat ng mga bahay dito, kayo lang ang may pinakakawawang kalagayan. Let me help you. This is my way of thanking your family sa pagpapatuloy sa akin kagabi sa bahay ninyo. Kahit pa hindi na rin kayo magkasya sa higaan ay pinayagan ninyo akong matulog doon kasama kayo,” salaysay ni Silver. Nagkatinginan ang dalawa sa tuwa. Ngunit hindi akalain ni Darling na hihigitin ni Rudolfo ang kanyang katawan para yakapin ng mahigpit. Nagulat siya at agad na nailayo ang katawan mula rito. Nang mapansin na nakatingin sa kanila si Silver ay hinablot niya ang braso ng lalaki at inangkla ang braso doon. Tila pangbawi sa kung anong akalaing iisipin ng binata sa ginawa niya. “Masaya po kami sir. Maraming salamat po!” saad ng babae na sinundan rin ng pasasalamat ni Rudolfo. “You both deserved it. At walang anuman,” tugon din ni Silver na agad ring isinantabi sa isipan ang napansing inakto ng mga kaharap. Maya-maya lang ay dumating na rin ang truck na lulan ang mga materyales. Pagkatapos ma-unload ang mga iyon at matingnan ni Mang Kanor kung ano pa ang mga kulang sa mga materyales na nabili sa pagpapagawa ng bahay ng mag-asawa ay umalis na rin ang mga ito. “At ano iyon?” tanong ni Darling kay Rudolfo pagkalayo na pagkalayo ng grupo ni Silver. Medyo tumaas ang boses niya sa pagtatanong na iyon. “Ano ‘yun?” naguguluhan namang tanong rin ng lalaki. “Nakalimutan mo na agad ang ginawa mo? Niyakap mo ako, remember?” “Tss! Kasama sa pagpapanggap natin iyon.” “Wala iyon sa napag-usapan natin!” pinanlakihan niya ito ng mga mata sa pagsasabing iyon. “Hayaan mo na. Nadala lang naman ako sa tuwa,” pagrarason nito. “Nadala ka kamo sa tuwa? Eh, lately napapansin ko na ang mga pasimpleng paghawak at paghaplos mo sa akin, kagaya kahapon habang nagluluto ako at habang kaharap natin si Sir Silver.” “Maliit na bagay lang iyon Darling. Hindi na kailangang palakihin pa.” “Seriously, Rodolfo?” singhal niya dito. “Siguro para sa iyo maliit na bagay lang iyon pero sa akin, hindi. At tsaka nagkaroon tayo ng kasunduan noon kaya ako pumayag na magsama tayo sa iisang bubong. Namuhay tayo ng ilang taon na hindi nagtatabi sa higaan, at hindi hinahawakan ang isa’t isa, pero ngayon may ginagawa ka nang pag-tsansing diyan!” Bahagyang napailing ng ulo ang lalaki at napabuntong hininga. “Okay, fine! Sorry kung nalabag ko man ang napagkasunduan natin noon. So, okay na?” sarkastikong saad nito na mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Naiwan si Darling sa labas na nanginginig sa galit at nanggagalaiti pa rin sa inakto ng lalaki. At ito pa talaga ang may ganang magsuplado? Ni hindi niya nga naramdaman ang sinseridad sa paghingi nito ng paumanhin. Napatiim bagang siya noong mga oras na iyon. He may know her as a spoiled Princess, but she is far different from what he thinks of. Isa siyang klase ng tao na hindi itino-tolerate ang pananamantala ng isang lalaki. She wasn’t born na tatahitahimik lang. Hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang. Sa pagkompronta niya sa lalaki ngayon ay inaasahan niya ang pagbalik ng respeto sa kanya nito kalakip ang napag-usapang kasunduan. Kung hindi ay baka tuluyan na niyang kalimutan ang dalawang taong pinagsamahan nila bilang magkaibigan at tuluyan nang mamuhay ng mag-isa. Isang bagay na pinlano niya noong una pa lamang. Ngunit noong sandaling iyon ay dagli ring natigilan. Bakit nga ba galit na galit siya kay Rodolfo sa pagyakap nito sa kanya, eh samantalang kanina nga eh nayakap at muntik na siyang mahalikan ni Silver, pero hindi naman siya umalma ng ganito? Kapagkuwan ay mariing isinabtabi na lamang iyon sa isipan at pumasok na sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD