ANG HACIENDERO

2724 Words
Tunog ng paa ng mga kabayo ang narinig papalayo mula sa maliit na barong-barong na iyon kinabukasan ng umaga. Makikitang nakatayo si Darling sa gilid ng pintuan ng bahay habang nakatanaw sa tatlong kabayong lulan ang tatlong lalaki, isa na doon si Silver. Hindi na nito ginising ang asawa noong nagpaalam ang binata dahil himbing pa rin ito sa pagtulog katabi ang anak. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay ng binata sa lubid na nakakabit sa leeg ng kabayong sinasakyan. Takip silim pa lamang kanina nang makatanggap ng napakaraming messages ang kanyang telepono galing sa mga trabahador maging sa dalawang kapatid na nag-aalala sa hindi niya pag-uwi kagabi. Agad niyang sinagot ang mga ito at nagpasundo sa lalong madaling panahon. Noong mga oras na iyon ay tumila na ang ulan. Habang tinatahak ang daan pauwi kasama ang dalawang lalaking lubos na pinagkalatiwalaang trabahador sa hacienda ay naalala niya ang nangyaring tagpo sa pagitan nila ni Darling kanina. Nanggaling siya sa banyo noon at katatapos lamang umihi ay agad na siyang sinalubong ng babae. Gulat ang naging reaksyon niya dahil tila inabangan siya nito sa bungad ng pintuan. Dahil makipot ang espasyo ng eskinita na kaharap ng pinto ng banyo ay tila naipinid niya ang babae sa gilid ng dingding. Ewan ba at sandaling tumigil ang mundo niya nang magtama ang kanilang mga paningin. Natitigan niya ang mga mata nito, ang matangos na ilong, at may perpektong pagkakahugis ng mga labi. Bahagya niya pang naamoy ang hininga ng babae na kahit pa bagong gising ay tila ba napakabango. Ang pagkakaawang ng mga labi nito ay tila nag-imbita sa kanya na pakahagkan ang mga iyon. Nang maya-maya ay para siyang natauhan nang marinig niya ang langitngit ng papag nang marahang kumilos si Rodolfo upang pumaharap ng pagkakahiga sa anak. Taranta siyang lumakad papalayo ngunit napahinto rin nang pigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Napapihit siya paharap ulit dito na may pagtatakang mababanaag sa reaksyon ng mukha. "S-sorry, s-sir…" agad na binawi ni Darling ang kamay pagkatapos niyang pumaharap dito. Pautal-utal pa itong nagsalita na halatang kinakabahan at nahihiya sa gustong sabihin. Napamaang lang siya dito at naghintay ng susunod na sasabihin ng babae. "G-gusto ko lang ho sanang humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari kagabi," mahina ang boses nito na halos pabulong na. Paminsan-minsan ay tinatapunan nito ng tingin ang nakahigang asawang natatanaw mula sa kanilang kinatatayuan. Ingat na huwag silang maabutan sa ganoong eksena. Hindi ulit siya agad nakasagot sa sinabi ng babae. Ang totoo'y bagamat laman pa rin iyon ng kanyang isipan magpahanggang ngayon ay hindi niya akalain na kokomprontahin siya ng babae tungkol doon. Bilib rin siya sa lakas ng loob nitong i-open up pa ang paksang iyon eh hindi na nga siya gumalaw kagabi para akalain nitong tulog siya at walang alam sa nangyari. "Anong ibig mong sabihing nangyari kagabi?" patay malisya niyang tanong. "K-kagabi ho. Yung---" itinuro nito ang pang-ibabang parte ng kanyang katawan. Umakto siya na naguguluhan. Nang maiparating sa babae na wala siyang idea tungkol sa mga sinasabi nito ay nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. He intentionally did it para hindi ito mapahiya at mailang. "Ay, wala naman ho. Huwag n'yo na lang isipin," natatawang sambit nito. First time niyang makita ang pagngiti ng babae. Isang bagay rin na hindi na naalis sa kanyang isipan. Ilang minuto lang pagkatapos ng pag-approach sa kanya nito nang dumating ang kanyang mga sundo. “I think I will be fine from here,” saad niya sa dalawang lalaking kasabay sa pangangabayo. Pinabagalan pa niya ang pagpapatakbo para marinig ng mga ito ang kanyang sinasabi. “I think alam ko na ang daan pauwi sa bahay. Pwede bang pakihanap n’yo na lang si Thor? I’m afraid nakalabas na siya ng rancho,” dugtong niya pa habang pinapaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Yes, sir!” halos magkasabay na sagot naman ng mga ito. Mabilis na pumihit ang mga tauhan papunta sa magkaibang direksyon at tinungo ang malawak na kakahuyan na tanaw-tanaw ng mga ito. Samantalang ipinagpatuloy ni Silver ang pangangabayo at tinahak ang daan pauwi ng bahay. He decided to do some important things today. “Sir! Mabuti naman at nakauwi na kayo? Saan kayo tumuloy sa buong magdamag?” isang may katandaang babae ang sumalubong sa kanya na nag-aasikaso sa paglilinis ng kuwadra kung saan ipinasok niya ang kabayong daladala. “May isang pamilya po ang nagpatuloy sa akin sa tahanan nila, Aling Auring,” tugon niya habang ibinabalik ang pagkaka-lock ng gate ng kulungan ng kabayo. “Nasaan ho si Mang Kanor?” tanong niya pa dito. “Mabuti naman at lahat kami ay nag-alala kagabi,” sambit pa nito at ipinagpatuloy ulit ang pagwawalis. “Ay, si Mang Kanor? Kasalukuyan na pong nasa taniman ng mga gulay. Bakit ho?” “Magpapasama ho sana ako sa bayan,” aniya. “Pakisabahin po na aalis kami pagkatapos kong makapag-shower,” saad pa niya kasabay ng pagtalikod sa matandang babae. “Oho, sir!” tugon naman nito. Mula sa likurang bahagi ng kanyang ranch house style na bahay ay tinahak niya ang likurang veranda roon para mag-short cut papasok sa malaki at mataas na yari sa mamahaling kahoy na bahay. Ito ang ari-ariang ipinamana sa kanya ng mga magulang. Ang bahay na siyang kinalakihan nilang magkakapatid. Siya si Silver Salazar, ang pangalawang anak ng mag-asawang siyentipiko na namatay sa isang aksidente, na eventually, pagkatapos ng mahabang panahon ay nalaman nila na hindi pala aksidente ang ikinamatay ng mga ito. Pinatay ang mga magulang ng mga kasosyo ng mga ito sa negosyo, at ang lahat ng iyon ay nalaman ng bunsong kapatid na si Copper. Lingid sa kanilang kaalaman ay matagal na pala itong lihim na nag-iimbestiga tungkol doon. Noong maliit pa siya ay napakamahiyain niyang bata. Palagi siyang nasa isang tabi at kuntento na kahit pa hindi bigyan ng pansin ng mga taong nasa paligid. Mabait siyang bata, masunurin at magalang, ngunit hindi iyon naging sapat sa mga magulang upang maging paboritong anak ng mga ito noon. Magkagayon pa man ay ayos lang sa kanya. Hindi rin naman nagkulang ang mga ito na ibigay ang kanyang pangangailangan at mga kagustuhan. Noong bata siya ay tila may sarili siyang mundo. Kasama ng mga laruan at mga hayop sa rancho ay naitatawid niya ang maghapon kahit pa hindi nakikita ang mga magulang at ang dalawang kapatid na madalas mag-away noon lalo na nang mawala ang kanilang Mommy at Daddy. Sa kanilang tatlo, lingid sa kaalaman ng dalawang kapatid ay siya ang lubos na naapektuhan sa pagkawala ng mga magulang. Naituon lang ang pansin ng nakararami kay Copper dahil ito ang paboritong anak at vocal ito sa nararamdaman. Samantalang siya, tahimik siyang nagluksa noon. Na kahit pa mabigat na sa kanyang dibdib ang itinatagong sakit mula sa napagdaraanan ay inililihim niya na lamang palagi ang mga iyon. Natuto siyang sarilihin ang lahat at tahimik na lumaban sa buhay. Although hindi palaimik noong bata ay lumaki naman siyang maraming kaibigan. Katunayan ay ka-close niya ang lahat ng mga tauhan sa buong hacienda. Hindi rin matatawaran ang ibinibigay niyang pagkagiliw sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga halaman. Isang malaking dahilan kung bakit sa kanya ibinigay ng mga magulang ang kabuuan ng malaking hektaryang lupain ng mga ito, kasama na ang daan-daang hayop na kanilang inaalagaan. “Saan ho ulit ang punta natin, sir?” tanong ni Mang Kanor pagkaakyat nito sa Ford Ranger pick up truck ng binata. Katatapos lang mag-ayos ng lalaki at katunayan ay basa pa ang buhok na sinuutan agad ng sumbrero. “Magpapatulong ho akong bumili ng mga materyales sa paggawa ng bahay,” saad ulit nito na agad nang pinaandar ang sasakyan. “May nasira ho ba sa farm house, sir?” pag-uusisa pa ng kasama. “Wala naman ho. May aayusin lang tayong ibang bahay. Mamaya isasama ko ho kayo para makita n'yo kung ano pang materyales ang kulang. And as soon as makumpleto natin ang mga kailangan eh hakutin n'yo ang mga trabahador papunta roon para pagtulungang maayos iyon. Maliit lang naman ang bahay, sa tingin ko ay mabilis lang iyon matatapos. Kailangan lang natin makumpleto ang paggawa bago pa may dumating ulit na bagyo,” salaysay niya habang nagmamaneho at nakatingin sa daraanan ng mataas at malaking sasakyan. Tumango lang si Mang Kanor. Dahil sa tinatanaw na utang na loob sa mag-asawang nag-rescue sa kanya kagabi ay nagdesisyon siyang ipagawa ang barong-barong ng mga ito. Habang nakahiga kagabi at hindi makatulog ay binuo na niya ang planong iyon sa kanyang isipan. He decided na bibigyan ang bahay ng mga ito ng fully make-over. Mahigit isang oras din ang iginugol nila sa tindahan ng mga materyales sa bayan para kumpletuhin ang mga kakailanganin. Isa-isa iyong ikinarga sa likuran ng itim na truck ngunit sa sobrang dami ng materyales ay hindi iyon nagkasya sa sasakyan dahilan upang pakiusapan ang trabahador na maiwan muna at hintayin ang isang truck na magpi-puck up sa iba. Susunod na lang ito kasama na ang iba pang mga tauhan. Mag-isa siyang dumiretso sa direksyon patungo sa bahay ng pamilyang tumulong sa kanya kagabi. Habang nagmamaneho ay naka-focus lang siya sa maputik at lubak-lubak na daan, na pinakipot pa ng mga tangkay ng mga halaman at puno na nabali mula sa nagdaang malakas na ulan. Hangga't maari ay gusto niyang iwasan ang naglalakihang potholes na may maruming tubig ngunit sa dami noon ay hinayaan na lamang na daanan iyon ng gulong ng minamanehong sasakyan. Nang ilang sandali pa ay biglang may marinig siyang pagsambulat na sigaw kung saan. Hinanap niya iyon at nang tumingin sa kaliwang side mirror ay nakita ang isang babae na tila naligo sa putik. Ang mukha nito, pati ang harapan ng damit ay nanggigitata sa dumi. "Oh, sh*t!" bigla siyang napamura. Mukhang siya yata ang dahilan kung bakit naging ganoon ang itsura ng babae. Napangiwi ang kanyang mukha. Paano ba naman niya mapapansin ang babae eh nakakubli ito sa mga halaman na nasa gilid ng kalsada, hindi niya tuloy sinasadyang matalsikan ito ng putik sa daan. Dahil doon ay agad niyang pinahinto ang sasakyan, bumaba upang puntahan ito. Samantala, galit ang namutawi sa mukha ni Darling sa driver ng kadaraan pa lamang na sasakyan. Parang gusto nitong kumuha ng kung ano at ibato doon. Aminado naman ito na sa liit ay baka hindi rin nakita ng driver ngunit ano ba naman ang magdahan-dahan man lang ito sa pagdaan doon. May pagdadabog nitong pinahiran ng isang kamay ang mukhang natalsikan ng putik nang makita nito ang paghinto ng sasakyang iyon at pagbaba ng isang lalaki mula roon. "I'm so sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita nakita," paliwanag agad ng binata Halos sabay silang natigilan nang makilala ang isat isa. Dahil doon ay napatalikod si Darling sa pinipigilang inis na nararamdaman sa lalaki. Ang totoo, kung hindi lang nito kilala ang driver ng sasakyan ay kanina pa nito iyon nabulyawan. On the other hand, sandali namang nataranta si Silver sa pag-iisip kung ano bang pwedeng mai-offer sa babae upang magamit pamunas ng mukha. Tumingin ito sa loob ng sasakyan kung may facial tissue ba roon. Nang walang makita ay hinubad na lang niya ang suot na t-shirt. “Here, you can use this!” ibinigay niya ang damit sa babae. Inabot naman iyon ni Darling at sinimulang punasan ang sarili. Ilang sandali pa nang akala nito na malinis na ang mukha ay pumihit ito paharap sa binata, ngunit bigla ulit tumalikod nang makita ang topless na si Silver. Doon lang nito napagtanto na ang gamit pamunas sa mukha ay ang mismong damit pala ng lalaki, kaya naman pala pagkabango-bango noon. “Something wrong?” si Silver na ang nagtanong sa ginawang pagtalikod ulit ni Darling. “Wala ho, sir,” sagot nito. “Salamat nga pala dito, pero hindi n’yo na ito masusuot kasi narumihan ko na,” dugtong pa ni Darling. “Okay lang,” saad naman niya. “Halika, ayusin natin ang paglinis sa mukha mo,” pinihit niya ang dalaga paharap sa kanya, kinuha ang damit at marahang pinahiran ang natitirang putik sa mukha ng babae. It feels weird pero may malisya siyang nararamdaman noong mga oras na iyon. Pinakatitigan niya ang makinis na mukha nito na minsan ay nasasalat ng mga daliri. Samantalang hindi naman makatingin ng diretso ang babae. Nakatingala ito ngunit ang mga mata ay kung saan-saan tumitingin. Inaamin nito, awkward ang tagpong iyon pero dahil doon ay mabilis lang nawala ang nararamdamang pagkainis sa lalaki. “Sorry talaga,” paumanhin ulit ni Silver na ewan ba at hanggang ngayon ay nahihiya pa ring banggitin ang pangalan nito. “Saan ba ang punta mo?” follow-up na tanong ng binata nang matapos sa ginagawa. “Pauwi na ho,” saad ni Darling.. “Bumili po kasi ako ng gamot. Mataas ho kasi ang lagnat si Rodolfo pagkagising kanina. Nalamigan yata kagabi kaya nagkasakit. Kadalasan po ay siya talaga ang umaalis kapag may bibilhin kaya hindi ko pa kabisado ang daan papunta at pabalik sa palengke.” “Do you mean naglakad ka papunta sa highway at pabalik?” “Ganoon na nga ho.” Agad na nakaramdam ng awa si Silver sa narinig mula rito. Paano’y malayo-layo rin iyon. “Tara. Sakay na para maihatid kita. Tutal doon rin naman talaga ang tungo ko, papunta sa inyo,” aya niya rito. “Ho?” medyo naguguluhang tugon naman ni Darling. Magtatanong pa sana ito kung bakit ito babalik sa bahay nang makita nitong nauna na ang lalaki upang pagbuksan ito ng pintuan ng sasakyan. Sa mga nagdaang minuto ay sinimulan na nilang tahakin ang maputik na daan. Wala silang naging kibuan sa loob ng sasakyan. Tila nagkahiyaan yata na hinayaan na lang ang mga sarili na i-entertain ng country music na pumapailanglang sa speaker ng radyo ng truck. Ngunit hindi pa nagtatagal ay biglang huminto ang sasakyan. Sinilip ng lalaki ang gulong nito mula sa magkabilaang side mirrors at napag-alaman na na-stuck ang mga iyon sa napakalalim na butas sa bako-bakong kalsada. At dahil masyadong mabigat ang sakay nito na mga materyales sa likuran ay sa tuwing pinapaandar niya ito ay lumilikha lamang ito ng mas malalim na butas sa lupa dahilan ng pagkalubog pa ng dalawang gulong nito. Bumaba siya para tingnan at para maghanap na rin ng ilalagay doon upang makatulong sa pag-angat ng mga gulong. Tumingin siya kung may magagamit sa mga materyales na dala-dala. Nakita niya ang ilang sako ng buhangin, kumuha siya ng dalawa upang ilagay sa harapan ng lumubog na mga gulong. Sinubukan niyang paandarin ang sasakyan, ngunit ang nangyari ay nabutas lang iyon at nagkalat ang mga buhangin sa basang lupa at hindi rin nakatulong. Napabuntong hininga si Silver sa prustrasyon. Kung bakit ba ngayon pa ito nangyari, ngayong kasama pa ang babae? “Ok ka lang?” tanong ni Darling dito nang maramdaman ang pagka-frustrate ng lalaki. “Yeah. I just need to call for help,” wika niya lang na lumabas at doon na tinawagan si Mang Kanor upang sabihin ang nangyari. Nang ibaba niya ang telepono ay nagsalita ang babae. “Maglalakad na lang ho ako sir. Tutal medyo malapit na ho ang bahay. Kailangan ko lang ho talaga na makauwi agad para maka-inom na si Rodolfo ng gamot,” paalam nito na umakto nang papalabas. “Huh? Are you sure?” tanong niya dito sa pag-aalalang naglakad na nga ito ng malayo ay maglalakad na naman ulit. “Oho, wala hong problema sa akin.” Sa puntong iyon ay mabilis na nag-isip ang lalaki. “Sige, samahan na lang kita,” kapagkuwan ay saad niya. “Sigurado ho kayo? Maputik ho ang daan.” “Okay lang,” wika niya na nauna nang bumaba at nagmamadaling pumaikot para pagbuksan ulit ito ng pintuan ng sasakyan. Nahihiya si Darling sa ginagawa ng binata ngunit hindi na rin naman ito nakaimik pa. Iniabot na lamang nito ang nakalahad na na kamay ng lalaki, ngunit sa hindi malamang rason ay hindi iyon nahawakan ng mabuti ng binata dahilan ng muntikan nang pagkahulog nito mula sa sasakyan, mabuti na lamang at mabilis pa rin si Silver at agad itong nasalo. Pero dahil madulas ang tinatapakan ay tila na-out of balance din si Darling. Ang siste ay nabuwal sila sa putikan habang nakapatong ang babae sa ibabaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD