Bagamat may kalakasan pa rin ang ulan na maririnig mula sa loob ng kanilang barong-barong ay nangibabaw ang tunog ng mabibigat at mabibilis na yapak ng mga paa sa maputik na daanan kaharap ng kanilang bahay. Katatapos lang niyang maligo at kasalukuyan nang sinusuklay ang mahabang buhok nang mapasilip siya sa awang ng nakasaradong bintana. Mula roon ay nakita niya si Rodolfo na tumatakbo papalapit at basang-basa ng ulan. Dagli siyang kumilos para pagbuksan ng pintuan ang lalaki. Nang maiawang niya ng malaki ang pintuan ay may napansin rin siyang isang lalaki na nakasunod dito sa bandang likuran nito. Natigilan pa siya dahil iyon ang lalaking nakita niya sa kakahuyan kanina.
Nagkatinginan sila ni Rodolfo na tila ba tahimik na nag-iringan ang mga mata. Napagkasunduan kasi nila noon pa man na wala sa kanilang kakausap sa sinumang estranghero pero ano ito at dinala pa ni Rodolfo ang lalaking iyon sa kanilang bahay? Wala tuloy silang choice kung hindi magpanggap ulit, isang bagay na matagal na ring hindi nila ginagawa.
Humalik sa kanyang pisngi ang asawa. Labag iyon sa kalooban niya. Halos nga taasan siya ng balahibo sa braso ngayon at kulang na lang ay pahirin ng kamay ang halik na iyon ng lalaki. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya, pareho silang nakikinabang sa patuloy na pagpapanggap na iyon. Kaya kahit tutol ay sumusunod na lang din siya sa napagkasunduan, tutal halik sa pisngi at hawak sa kamay lang naman ang kanilang napag-usapan.
Kasunod noon ay sumulpot naman ang batang si Utoy mula sa kanyang likuran para yakapin ang ama na walang pakialam kahit pa basa ang katawan ng lalaki.
“Natagpuan ko siya sa may kakahuyan, kawawa naman kung hahayaan ko lang doon eh mukhang magdamag na naman yata itong ulan na ito,” paliwanag ni Rodolfo na pagkatapos ay agad nang pumasok sa loob ng bahay kasunod ang lalaki. “Sir, asawa ko nga pala, si Darling,” pagpapakilala nito sa dalawa habang hinuhubad ang pang-itaas na damit.
Lumapit ang lalaki at nakipagkamay sa kanya.
"Silver ho," wika nito.
Doon niya ito napakatitigan ng malapitan. Nakiramdam siya sandali dito. Inaamin niya, may ill feelings siya sa lalaki noong makita niya ito kanina. Siguro dahil na rin sa paghagod ng tingin nito sa kanya nang bumakat ang pangloob niya sa suot na basang bestida. Pero sino ba siya para husgahan agad ang pagkatao ng lalaking ito eh sa tingin niya'y mukha naman palang mabait. Pagkatamis tamis siyang nginitian nito dahilan para sumilay sa kanyang harapan ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito sa likuran ng medyo namumutlang labi. Marahil ay nilalamig na ito dahil ito man ay basang-basa rin ng ulan.
“Maraming salamat ho sa pagpapatuloy n’yo sa akin dito sa bahay ninyo,” wika pa ng lalaki habang pinupunasan ng kamay ang basang braso. “Huwag kayong mag-alala, bukas na bukas aalis rin ho agad ako. Nagkataon lang na hindi ako makahanap ng signal kaya hindi ako nakatawag ng tulong,” dugtong pa nito.
“Walang problema. Bukas kapag maayos na ang panahon, tutulungan ka namin na hanapin ang kabayo mo,” saad ni Rodolfo na kumuha ng pangpalit na damit sa kalapit na aparador. Nakapagkwentuhan na ang mga ito sandali kanina bago nito mapagpasyahang iuwi ang lalaki. “Saan ka nga pala nakatira?” tanong nito na walang ka-ide-ideya na ang kaharap ay ang taong siyang nagmamay-ari ng lupaing sikretong sinasaka nito at ang lupaing kinatitirikan ng maliit na barong-barong na kasalukuyang tinitirhan.
Hindi agad nakapagsalita si Silver. Hindi naman kasi nito akalain na isa sa mga lihim na nakikitira sa malaking lupain ay ang siyang tutulong rin dito ngayon. Ang totoo'y umalis mag-isa ang lalaki upang mag-imbestiga mula sa nabalitaan na marami raw ang sikretong nakikitira sa pag-aari nitong lupain. Katunayan ay nagalit pa ang binata nang malaman mula sa mga trabahador sa hacienda nito na may ibang taong nakikinabang sa sariling lupain, nagsasaka at nagtatanim ng kung ano-ano ng walang pahintulot galing dito. Aminado ang lalaki na as soon as nalaman nito ang balitang iyon ay nag-isip itong paalisin agad ang mga mapagsamantalang taong iyon ngunit nang makita ng binata ang kalagayan ng mga tinutukoy lalo na ang kalagayan ng mag-asawang ito ay nagbago bigla ang isip ng lalaki. Sa kabilang banda ay nagdadalawang isip si Silver na ipaalam sa dalawa na ito ang nagmamay-ari ng lupaing pinagkukunan ng mga ikinabubuhay ng mga tao roon. Ngayon pa na tila ba nagkaroon ito ng utang na loob sa mag-asawa sa pagpapatuloy ng mga ito sa lalaki. Baka kung ano ang isipin ng mga ito at bigla na lamang palayasin ang binata sa gitna ng malakas na ulan kung gagawin nito iyon.
Ilang sandali pa ay biglang kumulog ng malakas dahilan kung kaya napasigaw ang batang si Utoy. Nagulat ito at kalaunan ay napahagulgol ng pag-iyak. Patakbo itong napayakap kay Rodolfo na inalo naman nito kung kaya nakalimutan na ang itinanong sa binata. Kapagkuwan ay nagpaalam ito na sandaling magbibihis lamang ng shorts sa loob ng banyo. Naiwan doon sina Silver at Darling na hindi alam kung bakit naging awkward bigla ang sandaling iyon sa pagitan nila.
“Um, baka ho gusto n’yo ng kape?” alok niya sa lalaki habang himas pa rin sa likod ang humihikbing anak na si Utoy.
Hindi ulit nakasagot agad si Silver. Ngunit ang totoo ay bukod sa nilalamig ay uhaw rin ito mula sa malayong pangangabayo kanina. Kimi ito na napatango lang. “Salamat,” saad nito.
Iniwan niya sandali ang bata para pumunta sa maliit na kusina. Pinagtimpla niya ng kape ang lalaki na kasalukuyan nang sinusuklay ng kamay ang basang-basa na may pagka-wavy na buhok.
Ilang minuto pa ay lumabas na rin si Rodolfo mula sa banyo at nang mapansin na basa rin pala ang bisitang lalaki ay agad ding kinuhanan ito ng tuyo at malinis na damit.
“Heto ho Sir Silver, hiramin n'yo ho muna ang t-shirt ko,” saad nito habang abot-abot ang bagay na iyon sa lalaki. “Pagtyagaan n'yo ho muna ‘yan, alam kong mas mahal pa yata ang damit n'yo kesa sa bahay namin,” natatawa nitong sambit.
“Naku, hindi naman,” nangingiming ngiti ng binata.
“Huwag na ho kayong mahiya, kesa naman magkasakit kayo,” sabi ulit ni Rodolfo.
“Ito ho, humigop na rin kayo ng kape,” sambit naman ni Darling nang matapos ilagay ang tasa sa ibabaw ng lamesa.
Patuloy lang ang pagngiti ni Silver sa kabutihang ipinapakita ng mag-asawa. “Maraming salamat talaga. Hayaan n’yo, tatanawin kong utang na loob ito,” pagkakuha ng damit ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa. Dahil sa kanina pa nilalamig ay hinubad agad nito ang suot na basang kulay itim na pang-itaas. Tumambad sa harapan ng dalawa ang kakisigan ng katawan ng binata. Ang malapandesal na abs nito at ang broad shoulder na ma-muscle rin. Hindi sinasadyang napatitig si Darling sa tanawing iyon, marahan pang naiawang nito ang mga labi. Maging si Rodolfo ay nailang din at napayuko. Walang-wala ang katawan nito sa katawan ng bisita kahit pa batak rin ito sa pagtatrabaho sa bukid. Samantalang napansin naman iyon ni Silver kung kaya napatalikod agad noong nakaramdam ng pagkailang.
Lumipas ang ilang oras at nagpatuloy pa rin ang pag-ulan. Dahil wala naman talagang magawa sa loob ng bahay nina Darling at Rodolfo ay ginugol na lamang nila iyon sa pakikipagkwentuhan. Dito napag-alaman ng binata na dalawang taon na rin pa lang naninirahan sa hacienda nito ang mag-asawa. Ngunit bukod sa impormasyong iyon ay iwas ang mga itong pag-usapan ang ibang bagay gaya ng pag-iwas ng binata na masabi ang totoong pagkatao. Para dito'y may takdang oras para doon. Sa ngayon ay natutuwa itong malaman na pinagyayaman ng mga ito ang lupaing pag-aari. Dahil doon ay mas gumaan pa ang loob nito sa mag-asawa. May napansin lang ito sa dalawa na tila kakaiba. Hindi sweet ang mga ito sa isa’t isa. Hindi gaya ng kapatid na si Gold na walang pakialam kung lambingin ang asawa kahit pa sa harapan ng maraming tao. Pansin naman nito ang paminsan-minsang pag-akbay ng lalaki pero sadyang umiiwas si Darling na tila naiilang. Kalaunan ay hindi na rin naman nito iyon pinansin. Baka nahihiya lang talaga ang babae na magpakita ng affection sa asawa sa harapan ng ibang tao.
Dumilim na ang paligid. At sa oras na iyon ay nalaman ni Silver na wala rin pa lang kuryente ang bahay na iyon. Dalawang may kaliitang gasera lang ang gamit ng mga ito upang magbigay liwanag sa buong bahay. Ilang sandali pa ay nagpasya na ang mga itong matulog.
Sa isang papag na nakalagay sa dulo at gitnang parte ng barong-barong na iyon ay natagpuan na lang ni Darling ang sarili na pinagigitnaan ng anak at ng bisita. Ang totoo, noong una ay lihim nilang pinag-awayan iyon ng asawa habang nag-aasikaso sila sa kusina kanina pagkatapos maghapunan. Balak sana ni Rudolfo na ipatabi na lang kay Silver ang sariling anak na si Utoy pero umalma ang bata. Nasanay kasi ito na pinaggigitnaan ng dalawa sa pagtulog. Ayaw rin naman makatabi ni Rudolfo ang lalaki at mapaggitnaan sa higaan, kung kaya sa kabilang gilid niya ito napunta. Hindi na rin naman na siya tumutol pa dahil wala naman talaga silang extra na higaan na matutulugan ng lalaki.
Sa gabing iyon, naiilang man ay nakatulog siya agad. Ngunit ilang oras lang din ang nakakalipas nang dalawin siya ng isang panaginip.
Nakita niya ang sarili na hubo’t hubad habang kaniig ang isang lalaki. Pinaliliguan siya nito ng mga halik mula leeg hanggang talampakan, at wala siyang ginawa kung hindi ipikit ang mga mata at umungol. Ramdam niya sa kaibuturan ng katawan ang pagromansa nito kung kaya nagsimula nang gumapang ang kanyang mga kamay, hanggang sa hindi na niya namalayan nang madakma ang pag-aari ng lalaki. It was full and long na tila ba ang sarap lang pakahawakan, nang magsimulang bumaba-taas ang kanyang kamay ay doon na siya biglang nagising.
Halos manliit siya sa hiyang nararamdaman noong mapag-alaman na nakayakap na siya sa lalaking bisita. Ngunit mas namangha pa siya sa kung anong ginagawa niya sa katabi. Kasalukuyan niyang himas din ang p*********i nito gaya ng ginagawa niya sa lalaking kaniig sa panaginip. Dahil doon ay namilog ang kanyang mga mata.
“Sh*t!” hindi niya sinasadyang mapamura. Kasunod noon ang paghugot ng kanang kamay mula sa ilalim ng suot na underwear ng lalaki. “I’m sorry,” bulong niya dito sabay pihit paharap sa katabing bata. Napapikit siya ng madiin sa tila pagkapahiya. Nakiramdam siya kung gising ba ang lalaki, ngunit wala siyang narinig na sagot mula dito, ni kumilos ay hindi rin nito ginawa. Sa bagay na iyon ay tila nakahinga siya ng maluwag. Mukhang himbing ang pagkakatulog ng lalaki at walang kaalam-alam sa kung anong kapilyahang kanyang ginawa.
Ngunit agad na sinalungat din ng isipan ang haka-hakang iyon. Paano'y ramdam niya kasi kung paano maghumindig ang sandata nito kanina. May katabaan at kahabaan iyon. Para siyang nakahawak ng leeg ng sawa na galit na galit at handa nang manuklaw. Naikuyom niya ang palad na ginamit sa paghimas sa bagay na iyon kanina. Parang ramdam niya pa rin mula roon ang init ng alaga nito, lalo na ang ugat sa matigas na katawan ng bagay na iyon. Naidiin niya ulit ang pagpikit ng mga mata. Ang lahat ng iyon ay nagawa niya dahil sa napanaginipan ngayong gabi. Hindi niya maikakaila na ilang gabi na siyang nagkakaroon ng ganoong klaseng panaginip. Nangyari na ito sa kanya dati pa noong nag-aaral sa kolehiyo, ngunit ngayon ay naulit ulit. Ewan ba niya kung bakit eh hindi naman siya nag-iisip ng mga bagay na iyon, maliban pa sa hindi siya expose sa mga ganoong gawain dahil ni wala nga siyang kasintahan. At kahit pa sabihing magkasama sila ni Rodolfo sa iisang bubong sa loob ng dalawang taon ay nanatili itong tapat sa napagkasunduan nila at ni minsan ay hindi siya nito ginawang ng mga bagay na labag sa kalooban niya.
Pinakalma niya ang sarili. Humugot ng buntong hininga. Alam niyang hindi madali pero bukas na bukas ay kakausapin niya ang lalaki para humingi ng paumanhin sa mga nangyari ngayong gabi. Bahala na kung gising man ito o hindi basta malinis ang kunsensya niya na wala lang iyon at bugso lang iyon ng mga nangyaring eksena sa kanyang panaginip. Ngunit totoo bang dala lang iyon ng napanaginipan na mga paghaplos at paghalik sa kanyang katawan ng isang lalaking hindi man lang niya nakita ang pagmumukha? Kakaiba ang panaginip niyang iyon mula sa mga naging panaginip noon. Sa ngayon kasi ay naging mapusok siya, at tumutugon sa lalaki mula sa mga pagromansang ginawa nito sa kanya. Iyon nga ay ang paghawak niya rin sa pribadong parte ng katawan ng lalaking kaulayaw sa panaginip. Hindi niya namalayan na totoo na pa lang naglikot ang kanyang kamay.
Sa mga sumunod na oras ay hindi na siya dinalaw pa ng antok. Ginugol na lamang niya ang mga nagdaang oras sa pagbalik ng alala mula sa bagay na nahawakan ng kanang kamay kanina. Madalas siyang napapalunok mula sa pag-iisip doon at minsan pang napapakagat labi. Ang totoo ay unang beses niya na makahawak noon at sa isang lalaki pang ngayon lang nakilala. Napausal siya ng maikling dasal sa pag-okupa ng mga bagay na iyon sa kanyang isipan. She knew that wasn’t right. Ngunit tao lang naman siya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi nagsawa ang kanyang utak sa sa pag-entertain sa nangyari.