Inilibot ni Silver ang paningin sa paligid ng malawak na patag na lupaing kasalukuyang kinatatayuan katabi ang dalang sasakyan. Medyo may kadiliman doon ngunit aninag pa nito ang malayong bahagi ng lupain na may iilang nakatayong light post. “Stanley!” Nakakailang tawag na ba ito sa pangalan ng bata ngunit wala itong naririnig na sagot. Tatlumpung minuto na ang nakakalipas magmula noong magkanya-kanya silang hanap dito, at ngayon nga, kahit anino ng kabayong si Thor ay hindi pa rin nila mahagilap. Sinubukan nitong pumito upang tawagin ang alaga. Pagkatapos ay ilang minutong nakiramdam. Nang maya-maya pa ay tila nabuhayan ng loob nang makarinig ng yabag ng mga paa ng kabayo. Muli nitong inilibot ang mga mata sa paligid, hoping na si Thor na iyon ngunit hindi. Si Fatima iyon, papalapi

