Cupid's Gun (PART 2)

1426 Words
NAGPUPUYOS ang loob ni Cupid sa sarili. Ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng huling mission niya kung saan nagawa nga niyang iligtas si Madam Elena Mason pero aksidente naman niyang nabaril ang anak nitong si Allen Mason. Halos isang linggo na ding walang malay ang lalaki. Ligtas na ito at successful na naalis ang bala sa katawan nito. Nagpapalakas na lang ang lalaki pero kataka-takang hindi pa ito nagigising. Nakahingi na siya ng despensa sa ina nito na noong una ay masama ang loob sa kaniya ngunit pagkaraan ay inunawa na lang nito na aksidenti ang nangyari. Bilang paghinging tawad ay madalas siyang bumibisita sa lalaki para tingnan ang lagay nito. Ngayon lang nangyari sa tanang buhay niya bilang agent ang ganitong aksidenti. Dahil din sa nangyari ay isang buwan siyang suspended at hindi pwedeng tumanggap ng mission. “Baka nasosobrahan ka nang katatrabaho, Cupid. Take a break. Go have some vacation and get some rest.” Iyon ang salitang binitiwan ng superior niya sa kaniya. Hindi niya lang masabi na mas mababaliw siya kapag wala siyang nakuhang mission. Para sa kaniya, ang trabaho na lang ang nagpapasigla ng dugo niya. Ngunit huli na. Nagkamali siya at kailangang sumunod siya. Kasalukuyan siyang patungo sa private room kung nasaan si Allen. May mangilan-ngilang lalaki ang nasasalubong niya at kung titingnang maigi, kahit nakasuot sila ng normal na damit ay mga bodyguard na nakaabang ang mga ito. Bitbit ang bulaklak ay kumatok siya sa pinto na parang walang napapansin. “Come in.” She heard Elena’s voice. Nahigit niya ang paghinga bago tuluyang pumasok sa loob. Nakaupo sa silyang nasa tabi ng hospital bed ang ginang. Binigyan siya nito ng munting ngiti. “You’re here again.” Nilapitan niya ito habang isinusumpit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga. “I just want to check him… Again, I’m sorr—“ “Stop it, hija. You already said a hundred apologies.” Nilingon nito ang anak. “I believe na gigising na si Allen.” “I hope so.” “Those are beautiful tulips,” komento nito sa dala niyang bulaklak. Ngumiti siya. “For you and for him.” “Thank you, dear. Anyway, how is your shoulder?” Sinulyapan nito ang balikat niyang hanggang ngayon ay may cast pa. Medyo malalim ang tinamo niyang sugat sa balikat kaya kinailangan niyang mag-cast. “Pupunta ako sa doctor ko mamaya para ma-check niya at nang matanggal na rin po ang cast.” “Good. It marred your beauty.” Ngumiti lang siya bilang tugon. “Do me a favor, dear. Please look after Allen. I will just get something,” pakiusap ng ginang bago tumayo sa pagkakaupo. Tumango siya at sinundan ito ng tingin palabas. Inayos niya ang bulaklak bago inukopa ang silyang kinauupuan ng ginang kanina. Pinagmasdan niya ang lalaki. Sa ilang pabalik-balik niya sa ospital para dalawin ito ay ngayon lang siya napag-isa na mapagmasdan ito. Sanay si Cupid sa mga gwapong lalaki dahil sa mga kasamahan niya sa The Arrow pero may kakaibang appeal si Allen na hindi mo na gugustuhing alisin ang paningin mo sa kaniya. Kahit sa pagtulog ay makikita ang kakaibang awtoridad nito. Tinititigan pa lang niya ito ay alam niya nang hindi ito ang klase ng lalaking nagpapasindak kahit kanino. At base sa mumunting linya na nasa may noo nito ay madalas nakakunot ang makapal nitong kilay. Baka nga madalang din ngumiti ang magagandang labi nito. Nakagat niya sariling pang-ibabang labi habang minamasdan ang labi nito. He had those heavy lower lips that seemed kissable and nice to nibble. Napakurap siya bago umiling-iling. Ano ba itong mga naiisip niya? Kailan pa siya nakaisip ng mga ganoon? Inalis niya ang tingin sa labi nito. Bumaba iyon sa baba nitong may mumunting tubo ng balbas. Sa hindi niya maunawaang dahilan ay umangat ang mga kamay niya at marahang hinawakan iyon. Geez, but it felt good. His skin was subtle to touch, but his growing beard was ticklish. Ilang sandali din siyang ganoon hanggang sa ma-realize ang ginagawa. Mabilis niyang binawi ang kamay at inilagay iyon sa likod niya. Hindi na ata maganda na madalas siyang pumupunta doon. Inalis niya ang tingin sa baba nito at tiningnan ang mga mata nito. Napaawang ang labi niya nang mapagmasdan ang gray nitong mata. Hindi siya makapaniwala na hindi gaya ng ibang kulay itim ang mga mata nito. She’d seen different eye color before, but Allen’s gray eyes seemed cold. Naikiling niya ang ulo sabay nang panlalaki ng mga mata. Gray na mga mata… Bakit may gray na mga mata? Napaurong siya habang nakatingin sa mga matang iyon na sinusundan ang kaniyang pagkilos. “Y-you’re awake?” nauutal na bulalas niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Yeah, baby.” Akmang tuluyang lalayo siya mula dito pero maagap siyang nahawakan nito sa kamay. “Where are you going? Pagkatapos mo akong pagnasaan habang natutulog ako, aalis ka na lang basta?” Pinanlakihan niya ito ng mata. “Anong pinagnasaan?” “Hindi ba iyon ang ginagawa mo?” “No, I’m not!” “Tss… Come on. You’re touching my jaw, dear, and the way you stare at me, kulang na lang ay sumampa ka sa kama at da—“ “Don’t you dare to continue that!” babala niya sabay piksi ng kamay niyang hawak nito. “I’m just stating the fact.” “Walang katotohanan iyang mga sinasabi mo.” “Kung wala talaga, anong ibig sabihin ng ginagawa mo kanina? Why are you caressing my jaw?” “Caressing? I just touched it!” “Still?” nanunudyo ang tinig at tingin nito. Lumikot ang mga mata niya. “I-it’s n-nothing…” Lumipad ang mga mata niya sa paru-parong nakadapo sa bulaklak. “May paru-paro kasi… T-tama! May paru-parong nakadapo sa bibig mo kanina. Inalis ko lang.” Tumawa ito. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi niya. “Liar.” “How dare you accuse me of being a liar?” “It’s pretty obvious that you’re lying. Perhaps it’s not the butterfly that wanted my mouth. It’s yours.” Gumapang ang init sa buong mukha niya dahil sa sinabi nito. “You?” Ikiniling nito ang ulo nang nanghahamon. “Hindi ba?” “Of course not!” “Really?” “You know what? Ang kapal ng mukha mo! Napaka-arogante mo!” inis niyang sigaw dito. “I’m not, dear.” Pinilit nitong bumangon at hindi nakalingat sa kaniya ang pagngiwi nito dahilan para mag-alala siya dahil ng tahi nito sa dibdib. Nilapitan niya ito at inalalayan. “Sira ka ba? Hindi ka pa pwedeng magagalaw.” “It’s nothing. I’m already good.” Sumeryoso ang mukha nito. “And to tell you, hindi ako arogante.” Akmang susuplahin niya ang sinabi nito ngunit hindi niya na nagawang magsalita nang hilahin nito ang maayos niyang kamay at kabigin ang ulo niya palapit sa mukha nito. Nahigit ang katawan niya patungo dito at labi niya patungo sa labi nito. ‘Oh geeezz!’ Hindi na niya nagawang makaalma nang sakupin ng labi nito ang labi niya. Akmang igagalaw niya ang maayos na kamay na hawak nito pero mahigpit nitong hawak iyon. Hindi din niya maialis ang kamay nitong nakahawak sa batok niya. “Hmmmppp!” Kung hindi lang sa cast niya at sa takot na mas masaktan pa ang binata ay baka napilipit niya na ang braso nito. The more na nagwawala siya ay mas lalong nagiging mapusok ang labi nito sa paghalik. At hindi niya mapigilang hindi maengganyo na tugunin ang halik nitong habang tumatagal ay nagiging nanundyo. Tumigil siya sa pagwawala at tinugon ang halik nito. Gaya nang iniisip niya kanina ay napakalambot ng labi nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na kagatin iyon. She heard him groan just as she heard the door open. “Jusmiyo, Allen!” Madam Elena’s gasping voice aired in the whole room. She suddenly stopped and pushed away from Allen’s grip, but his hand didn’t let her go that fast. Bumitaw ito sa paghalik at pinagpingki ang noo nila. Ngumiti ito sabay wikang, “It’s good to see you again, Cupid.” Napaawang ang labi niya. Hindi pa siya nakakabawi sa sinabi nito nang bitawan siya nito at iharap sa ina nito. “Hi, mommy. I want you to meet my long-time girlfriend, Ariella Cupid Vasquez. I didn’t have the opportunity to introduce her to you before.” Nagkatinginan sila ng ina nito at halos sabay na napasinghap dahil sa sinabi ni Allen. ‘What is he talking about?’ ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD