Cupid's Gun (Part 3)

2045 Words
ANG alam ni Cupid ay dibdib ni Allen ang napuruhan niya at hindi ang ulo nito pero sa kinalabasan ay utak nito ang may problema. Hindi pa rin siya makapaniwala sa inianunsiyo nito sa ina na kaagad namang pinaniwalaan ng ina nito. Kahit anong paliwanag niya ay hindi pinakinggan ng ginang. Mas nakikinig ito sa anak na kaya hindi siya maipakilala ay dahil sa trabaho niya at sa takot na hindi sila tanggapin. Naging matibay pang ebidensiya ang madalas niyang pagdalaw sa binata noong panahong hindi pa ito nagigising. “Nakabihis na si Allen, hija.” Malapad ang ngiti ni Elena nang lingunin niya ito. Halatang masayang-masaya ito na gising na ang anak pero mas nasisiyahan itong malaman na ang pihikang anak nito nito ay may kasintahan pala. Ayon dito, kahit kailan ay walang ipinakilala o dinalang babae sa kaniya ang anak. Tumayo siya at sinalubong ang ginang. “Madam E—“ “It’s Tita or mommy. That will do, my dear.” Napangiwi siya. “Look, pero may mali po sa sinasabi ni Allen. Patingnan po ka—“ “Sabi ng doctor ay ayos siya. Stable na at pwede nang lumabas kaya alam kong walang problema. I want to thank you also. I don’t know what you said to him while he’s sleeping, but I know that it helps a lot para magising siya.” Hinawakan nito ang braso niya at marahan siyang niyakap. “Thank you, dear. You’re much welcome in Mason family.” Mariin niyang naipikit ang mga mata dahil sa sinabi ng ginang. Ngayon mas lalo siyang mahihirapang itama ang kasinungalingang sinabi ni Allen. Kung hindi niya maiitama ang nangyayari, si Allen ang pagtatamain niya. Kung paano ay hindi siya sigurado. “WALA KA ba talagang balak bawiin ang sinabi mo sa mommy mo?” bungad ni Cupid kay Allen nang makapasok siya sa silid nito. Hindi na ito naka-hospital gown. He’s now wearing a white long-sleeve, a black trouser, and a black leather shoes. “Wala,” diretsa nitong saad habang inaayos ang necktie. “Hindi nakakatuwa ito.” “No. Trust me. This will be fun.” “Pwes, hindi ako natutuwa.” “Matutuwa ka rin pagkaraan. Now, let’s go.” Inabot nito ang black jacket at isinuot iyon. “Uuwi ka na?” nagtatakang tanong niya. “No, we’re going to La Belle.” “Anong we? Hindi ako sasama sa’yo,” irap niya dito at akmang lalabas na ng silid ngunit mabilis siyang pinigilan nito. Iniharap siya nito sa kaniya at pinagmasadan siya mula sa ulo hanggang paa. “What?” “Sige. Sa iba muna tayo dumiretso. You need some makeover. Just a little bit.” Hindi na siya nakapalag dahil pumasok na din ang ina nito sa loob na may kasamang doctor. Pinakiusapan pala ito ni Allen na kumuha ng doctor para sa kaniya upang matingnan ang balikat niya at nang maalis ang cast. Nang maalis ang cast niya at naiigalaw nang maayos ang balikat, ngali-ngali niya nang bigwasan si Allen sa pinagsasasabi sa ina. Sabay-sabay silang lumabas ng ospital. Napilitan pa siyang isuot ang shades niya nang matanaw sa labas ng parking lot ang ilang paparazzi na nakaabang. “Give me your keys,” bulong ni Allen sa mag punong-tenga niya. Nakakakiliti ang hatid ng hininga nito pero bago pa siya dalahin noon kung saan ay hinamig niya na ang sarili. “Why?” “I’ll ask Don to drive that. Sa akin ka sasabay.” “At bakit ko naman gagawin iyan?” Pasimpleng sinulyapan nito ang ilang paparazzi sa labas. “Gusto mo bang kuyugin ka ng mga yan? Kita ka na nilang kasama ko. Sa oras na humiwalay ka sa amin, susundan kana nila kahit saan ka magpunta. Magugulo ang tahimik mong mundo.” Nakuyom niya ang kamao. Lalo tuloy siyang nagsisisi at hindi pa umalis kanina. “Now think, baby.” “Okay. Fine,” inis niyang bulong at iniabot dito ang susi ng kotse niya. Napilitan siyang sumama dito. Magkasama sila sa kotse habang ang mommy nito ay nakahiwalay sa kanila ng sasakyan. Pinaalalahanan pa siya ng ina na bantayan ang kaniyang anak. Ayaw talaga nitong papuntahin pa sa kompaniya ang anak pero masiyadong matigas ang ulo nito. HINDI sa La Belle sila dumiretso kundi sa isang salon at boutique. “Anong ginagawa natin dito?” usisa niya nang tumigil ang sasakyan. “Maganda ka na pero gusto kong mas pagandahin ka pa,” anito at akmang bababa ng sasakyan nang pigilan niya. Natutuwa siya sa compliment nito ngunit wala siyang panahon para makipaglokohan dito. “Hindi ko kailangang magpaganda. Kung gusto mo ay ikaw na lang,” iritang aniya at walang sabi-sabing bumaba ng sasakyan. Nagdadabog na naglakad siya. Wala siyang pakialam kung sobrang ingay ng heels niya. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makaalis at makalayo sa lalaki. The sad part, hindi pa siya tuluyang nakakalayo sa lalaki ay mabilis nitong naabutan siya. “We’re not done yet, Cupid.” “No, tapos na tayo!” “No, cause I still need you here. I need your help,” seryosong saad nitong nagpatigil sa kaniya. “Hindi ka pa pwedeng umalis sa tabi ko.” Napaluok siya. “Hindi na magandang biro ang ginagawa mo.” The way he looked at her made her conviction swayed. “Paano kung hindi na ako nakikipagbiruan sa’yo. I need your help right now.” Tinitigan niya ang nangungusap na mga mata nito. “I’ll explain to you everything later.” Dahil sa sinseridad niyang nakita sa mga mata nito ay napilitan siyang tumango. Magkasabay silang naglakad habang nakaabang naman ang driver/bodyguard nito sa pinto ng salon para pagbuksan sila. “Thanks, Chunk,” ani Allen sa lalaki. Tumango lang ito at nanatili sa labas habang sila ay pumasok sa loob. “Bakit ba kailangan ko pang mag-ayos?” tanong niya nang sandaling mapag-isa sila. “Girlfriend kita at isasama kita sa La Belle.” “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na itigil mo na ang kasinungalingan na iyan.” Hindi ito tumugon. Sa halip ay lumapit na sa receptionist. “She’s already beautiful, but makes her even more beautiful. Give everything she’ll need and want,” maawtoridad nitong utos. Muli, hindi niya mapigilan ang lihim na mapangiti sa tuwing sinasabi nitong ‘she’s already beautiful.’ “Okay, Sir.” Nilapitan siya ng receptionist. Napilitan naman siyang sumama dito. Kakapagpagupit niya lang ng buhok bago ang huling mission niya. She cut it just under her chin. But the stylist cut a little bit more and styled the ends with inward waves to frame her face. They also put side bangs and colored her whole hair with light chestnut. Her used-to-be fierce face turned into calm and gentle. Nang lagyan siya ng make-up ay hindi siya pumalag pero nang akmang lalagyan siya ng pinkish na lipstick ay inagaw niya ang lalagyan ng lipstick sa mga ito at kumuha ng kulay pula. “Didn’t know you love red,” komento ni Allen na nakaupo sa sofa at pinapanood ang pag-aayos sa kaniya. “Red is fierce,” aniya sabay tayo. For the last touch, pinapili siya ng damit. Isang kulay pulang halter dress ang pinili niya at isang black stiletto. Napailing na lang si Allen at sinabihan ang mga babae na ibalik lahat ng puting dress na inilabas kanina. “What?” “Nothing. Lets get on.” Tumango siya at sumunod dito. Iba na ang sasakyan na nasa labas. “I asked Chunk to change our car. Tiyak na may nag-aabang na mga media sa labas ng kompanya,” anito habang pinagbubuksan siya ng pinto sa backseat. Wala pa rin siyang nauunawaan sa nangyayari pero kesa makipag-away siya ay panindigan niya na lang ang pinasok niyang iyon. “Ano ba talagang plano mo?” naiinip niyang tanong nang makasakay ito. Nagsimula na ring paandarin ni Chunk ang sasakyan. “Do you remember what happened to La Belle?” Umarko ang kilay niya. “Of course alam ko. Cam told me that you hired The Arrow.” “Yeah and your mission is to keep my mother safe.” “I also know that.” “Which is nagawa mo, pero nagulo ang lahat ng pati ako ay barilin mo.” Pinandilatan niya ito. “I already apologized for that. Hindi ko sinasadya na mabaril ka that time.” Pinagsisisihan talaga niya ng labis ang kapabayaang ginawa. “But still, you almost got me dead. Hind mo man lang naisip iyan?” nawala na ang kaseryosohan nito kaya alam niyang nanunudyo na ito. “I know that, pero gaya ng sinabi ko, hindi ko sinasadya. I’m sorry about that. Ano pa bang dapat kong gawin?” At nakakainis man, mas lulamalala ang frustrations niya sa tuwing naiisip ang kapabayaang ginawa. “Be my girl,” maagap at seryosong saad ni Allen na ikinagulat niya. Nilingon niya ito. “You gotta be kidding me!” “No, I’m not.” “Pwes, ayoko.” “Akala ko ba nagso-sorry ka sa ginawa mo? Paano kung sabihin kung iyon lang ang paraan para mapatawad kita sa muntik ko nang pagkamatay.” Pagak siyang tumawa. “Wow. Ang galing ha. Heto nga at one month akong suspended. Kung habulin ko kaya si Kamatayan at ipadala na kita ngayon din?” sarkastiko niyang wika sabay kapa ng baril na nasa may hita. Sumulyap ito sa hita niya. “Geez, inaalok na kitang maging girlfriend ko. Hindi mo na ako kailangang akitin.” “Oh for Pete’s sake! Dibdib mo ang binaril ko pero bakit pati utak mo na-damage?” Mahinang napabungisngis si Chuck sa unahan habang si Allen naman ay sumeryoso ang tingin sa kaniya. “Ewan ko sa’yo, Allen Mason.” Sumandal siya bago humalukipkip. “Fine. Let me hire you.” “Ano?” nagtatakang saad niya. “One month kang suspended ‘di ba? Then I’m going to hire you for a while as my girlfriend and bodyguard.” Tumuwid siya ng upo. “I don’t understand.” “Mom is in danger because of La Belle. Nang gabing iyon ang announcement na ipapasa sa akin ang pagma-manage ng La Belle. Kung sinuman ang may pakana ng pagsabog at nang gulong nangyari ng gabing iyon, alam niya ang totoong dahilan kung bakit na-held ang party.” “Are you saying na nasa loob lang ang may kagagawan ng gulong iyon?” “Yes. I asked my bodyguard na mag-sweeping at magmanman bago mangyari ang event, but everything seemed fine. Kung sa buong panahon na wala akong malay ay tahimik ang lahat at maayos si mommy, isa lang ang pwedeng dahilan. Hindi na si mommy ang hinahabol nila kundi ako na.” “Are you sure about this? May nare-receive ka bang mga threats or anything?” “Nothing. Everything is normal not until the selection of CEO which was held a month ago.” “Hindi ba ikaw lang ang anak ni Madam Elena?” “No. I have two half-sisters sa side ni daddy at may isang ampon si mommy.” “At gusto mong imbestigahan ko sila?” hindi makapaniwalang tanong niya. “I’m just being cautious lalo na at kaming apat at si mommy lang ang nakakaalam ng tungkol doon. It’s a tradition in the family to make it secret not until the inauguration.” “Hindi mo ba sila ka-close?” pag-iinterogate niya. Umiling ito. “Hindi gaano ang half-sisters ko. Ang nakilala ko lang nang matagal ay ang ampon ni mommy na si Evan. Hindi sila nag-i-stay sa mansion not until my father died which was two years ago. Doon na sila tumira.” “Paano ninyo nalaman na may magaganap ng gabing iyon?” “Someone slipped a paper on my suit.” May kinuha itong nakatuping papel sa loob ng jacket na suot at inabot sa kaniya. Binasa niya ang nakasulat doon. “Protect, mom.” Pinagkrus niya ang binti at hinarap ito. “So, you’re saying na may nagbabanta sa inyo at may isang nagbibigay ng babala?” “Exactly.” Naipikit niya ang mga mata niya. “What a pity.” “A mess, baby.” She shook her head and murmured, “What did I get into?” ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD