Marahang ipinahid ni Cupid ang pulang lipstick sa labi niya. Pinagdikit niya ang labi hanggang sa kumalat ang pulang kulay sa buong labi niya. Nang ang labi ay taas-noo niyang tiningnan ang pigura sa salamin. Kakulay ng labi niya ang suot na dress. Humahakab iyon sa malusog niyang dibdib, maliit na bewang at bilugang hita. Sa dulo ng pulang dress ay may maikling slit. Napangiti siya ng sa konting kislot niya ay lumitaw ang isang Smith & Wesson M&P Shield. Paborito niya ang baril na iyon dahil magaan lang dalahin. Isang maagap niyang galaw at mapapatumba na ang gusto niyang patumbahin.
Binigyan niya ng isang mabilis na sulyap ang sariling repleksyon. Pinasadahan niya ang maikling buhok bago kinuha ang itim na long jacket sa silya. Pagkasuot niya ng jacket ay isinunod ang black boots bago inabot ang pulang butterfly-style na maskara.
Handa na siya para sa Masquerade Ball ngayong gabi.
“NAKITA ko na ang target,” bulong ni Cupid habang nakatingin sa babaing nasa 40s. Nakasuot ito ng magarbong damit, may hawak na kopita sa kabilang kamay habang sa isang kamay ang mask nito kaya malayang nakikita ang mukha nito.
“Secure the target,” utos ni Cam sa kabilang linya.
“Noted,” bulong niya sabay pindot ng earphone.
Inayos niya ang butterfly-style mask niya. Kumuha ng kopita ng champagne at nilapitan ang target.
“Good evening, Madam Elena. It’s a pleasure to meet the owner of the most prestigious cosmetic in the world,” bungad niya sa babae na bahagya mang ikinagulat nito ay kaagad ding nginitian siya.
“Hello, dear and thank you.” Ikiniling nito ang ulo. “Well, you’ve got a beautiful shade on your lips.”
“Of course, Madam. It’s from La Belle and one of your exclusive shades…”
Lumawak ang ngiti ng babae. Halatang napakadali lang bolahin nito. “Oh, yes! I love that color.That’s the Dangerous Red!”
The moment she uttered the word dangerous, a loud explosion boomed at the whole function hall. Cupid immediately grabbed the hand of Elena as she nabbed her gun. Nagsimulang maghestirikal ang babae pero hinila niya ito para ilayo sa gulo. May mga nakasunod sa kanilang bodyguard nito na abala naman sa pakikipagpalitan ng bala.
“Where are you going to bring me?”
“Don’t worry, Madam. I’m from The Arrow. I’ll bring you in a safe place.”
“Oh, Gracious! But how about my son?”
“I’m sorry, Madam, but my mission is to protect you.”
Pumilit itong bumitaw sa kaniya. “No! We need to get my son! What’s the sense of making me safe if my son will be in danger?”
Tiningnan niya ito bago ang nagkakagulong paligid. Alam niyang hindi magpapatalo ito kaya tuwid niyang hinarap ito. “Where is he?” Ayaw na ayaw niya talaga ng ganitong eksena.
Sinabi nito kung nasaan ang anak. Duda si Cupid na nandoon pa ang anak nito kaya sinabihan niyang magtago ito pero hindi pa rin ito pumayag. Sumama ito sa kaniya habang iniisa-isa nila ang silid ng hotel kung saan ginaganap ang event. Paglabas nila ng isang silid ay sumalubong sa kanila ang tatlong lalaki. Agad siyang nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga ito.
“Darn!” inis niyang wika nang makitang ubos na ang magazine ng baril niya.
“What are we going to do now?” hestirikal na sambit ni Elena habang nakaupo sa tabihan niya.
“Just calm down, Madam. I got you.” Pagpapakalma niya dito habang dali-daling kinukuha ang reserve niya sa may hita. Eksaktong naisuot niya iyon ay nakarinig siya ng malakas na putok na sinundan nang pagsigid ng sakit sa balikat niya. Halos mapamura siya sa sakit. Ininda niya iyon at binalingan ang ginang.
“Stay here,” utos niya sa babae bago walang sabi sabing gumulong patungo sa likod ng mesa at doon nakipagpalitan ng putok ng baril. Sa bawat pagbaril niya ay natatamaan niya ang tatlong lalaki. Isa-isang bumagsak ang mga ito sa sahig. Dala ng adrenaline, isa muling kalabit sa gatilyo ang ginawa niya nang biglang lumitaw ang isa pang lalaki. Nakasuot ito ng magarang suit. Alam ni Cupid na hindi ito kalaban pero huli na, nakalabit na niya ang gatilyo ng baril. Tumama iyon malapit sa dibdib ng lalaki. Tumumba ito at sa gitna ng katahimikan ng paligid ay dinig niya ang malakas na pagbagsak nito sa sahig.
“No,” nahihindik na usal niya at agarang nilapitan ang lalaki. May malay pa ito habang hawak ang dibdib na tinamaan niya. Maraming dugo ang lumalabas doon. Mabilis niyang inalis ang maskara nito habang pinipigilan niya ang pagdurugo ng sugat nito. Kung hindi lang siya nasa ganoong posiyon ay masasabi niyang gwapo ang lalaki pero wala na siyang pagkakataon pang isipin iyon.
“Talk to me,” she said as she took off her mask. She’s too worried that she didn’t know what to do next.
Ungol lang ng lalaki ang narinig niya na sinundan naman ng malakas na irit ni Elena. “Oh God, my Allen!”
*****
ShimmersErisJane